Kwentong Kengkay

Mayo 21, 2008

havaianas vs. spartan

Dami nga nagtatanong sa kin kung bibili daw ako ng havaianas, sabi ko ano yan? Parang flavor ng pizza (hawaian baga)? O uri ng gulay (halamanan)? Ah basta hindi ko na gets yung nagtanong sa akin. Eh hindi ko nga masabi kung ano yan ano. Wellllll… alam nyo kung pano ko nalaman na tsinelas lang pala yan? Nung umuwi ako ng Pinas! E kasi dito sa Alemanya flip flops yan ano, hahaha.

Anak ng putakte, takang taka ako kung bakit sikat na sikat yan e tsinelas ng pala. Hindi ko sya type kasi ang mahal nya tsinelas pa rin sya kahit ano pang che-che bureche nya. Napapatid pa rin yan kapag may tumapak sa likuran mo. At umiitim din ang talampakan nyan kahit na super mahal pa sya. At lalo pa, labas na labas ang mga patay na kuko at kung hindi ka naka pedicure, wiz din. At ang hindi ko maatim, super dooper mahal nya ha. Sayang yung pera kupit ko.

Pwede ba, kung sa tsinelas lang — sa ispartan pa rin ako kasi chipipay si kengkay e dahil ako kaya pambato sa baryo namin ng tumbang preso, yuhoo. Sige, paki basa na itong forwarded email na ito.

Pangalan: Havaianas
Lugar na pinanggalingan: SĆ£o Paulo, Brazil
Pagbigkas: ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese), hah-vee-ah-naz
(American English), OMG!-hAH-va- yaH-naZz! ! šŸ™‚ (Filipino).
Materyal na ginamit: Malupit na goma (High-quality rubber).
Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.
Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayaman.
Malulupit na katangian at kakayahan:
Masarap isuot.
“Shock-absorbent. ” Malambot ngunit matibay.
Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
Mainam na pang-japorms.
Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.
Magiging “fashionable” ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.
Olats na mga katangian:
Mahal
Mahal
Mahal
Nakakasira raw ng pedicure–sabi ni Malu Fernandez.

Pangalan: Spartan
Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines.
Pagbigkas: spar-tan (American English), is-par-tan (Filipino).
Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo: Wala pang 50 pesos. Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.
Mga nagsusuot: Ako at ang masa! Nyahaha!
Malulupit na katangian at kakayahan:
* Maaring ipampatay sa ipis.
* Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho.
* Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.
* Pwedeng ipamalengke.
* Mainam gamitin sa tumbang-preso.
* Mainam gawing “shield” kapag naglalaro ng espa-espadahan.
* Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng picha.
* Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumampid sa puno.
* Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.
* Kapag ginupit-gupit nang pahugis “cube,” e maaari mo nang gawingpamato sa larong Bingo (kadalasang makikita sa mga lamay ng patay).
Olats na mga katangian:
* Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang hisura.
* Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.
* Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasampid sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas.

—– PSSSTTTT

Guest ulit ako sa Usapang Pinoy, ang pinakasikat na radio-magazine sa buong UK na pinangungunahan ni Dr. Joy. Join us on May 24, 2008 at Future Radio UK, 96.5 FM. Pero mas okay kung punta kayo sa pamamagitan ng pag-click dito: Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question din.

Basta ha, kita kits tayo sa Sabado, ika-24 ng Mayo at 3 pm UK time, 4 pm Alemanya time, 10 pm Pinas time sa Future Radio UK . Sige na, makinig na kayo. Pramis, kakaway-kawayan ko kayo habang nasa ere na ako, tulad ng dati ba. Eto pala ung unang interview ko, sa mga gustong makinig šŸ˜€

Advertisements

50 mga puna »

  1. ahahaha. eh yung gamit ng havs at ng spartan eh pwede sa pareho. hehehe.
    isa ako sa mga nabiktima ng fad na ito mommy kengks. at talaga namang nagoyo pa ako to give this as a christmas gift sa isa sa mga inaanak ko. hehehe. ngayon, di ko na sya magamit lagi. bawal na kse flip flops sa pagpasok sa planta (opis). anykind. kesehodang 800 pesos isang pares. hahaha.

    kengkay: kahit na iwagayway mo ang resibo nung hava mo, hindi pwede gawing pang opis? unfair naman yata yon, hahaha

    Komento ni antuken — Mayo 21, 2008 @ 2:34 hapon | Sagutin

  2. uhmmm ayaw ko rin dati ng havaianas kasi nga mahal sya pero sulit sya mommy kengks! kc un 1st pair ko almost a year na pero parang bago pa rin pero i use it everyday at kahit ilang beses na ko natapakan dun hindi sya nasisira ever, unlike pag ibang brand onting apak lang sayo sira na agad šŸ™‚ matibay talaga sya pramis, kc un ibang flip flops worth 100 pesoses na dating binibili ko replace ko na agad after a month or wala pa, so parang nakatipid pa ko pag havaianas hehehehe

    kengkay: aba, kapag ganyang bilangan e mukhang okay ka. pero bakit ako nung maliit ako, kahit anong gawin kong pagsira dun sa spartan ko ayaw masira, hindi tuloy ako mabili ng nanay ko nga bago, waaa šŸ˜€

    Komento ni pusa — Mayo 21, 2008 @ 3:11 hapon | Sagutin

  3. hahaha… natuwa naman ako sa comparison ng dalawa.. pamatay talaga ng ipis spartan! hahaha

    kengkay: hay tama ka lalaine. yan ang tamang sagot sa mga ipis na yan

    Komento ni lalaine — Mayo 21, 2008 @ 5:06 hapon | Sagutin

  4. hahahahahaha. wala ako nyan. imeldific kasi ako kaya shoes ako mahilig. Meron akong flip flops yong banana peel. okay naman, matibay din 100 pesos lang.

    kengkay: hanu naman yang bananapeel na yan, hindi ba madulas yan, ngek korni, hahaha. hay pareho tayong imeldific pero kahit flip flops pinapatulan ko rin ano hindi nga lang hava

    Komento ni nina — Mayo 21, 2008 @ 5:16 hapon | Sagutin

  5. ako birks pa din. aheheheh.

    >> “Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa”

    ahahahahaahha.

    kengkay: sempre naman, namber wan ang birks pero mahal din yan kaya antay ako parati ng naka sale, hahaha

    Komento ni eyna — Mayo 21, 2008 @ 7:04 hapon | Sagutin

  6. hahah…i remember spartan nung bata pa ako..halos sa buong barangay yun lang ang tsinelas kaya lagi nagkapalitan…

    kengkay: hahaha, tumpak! kapag may lumabas ng bahay minsan iba na ang suot, hahah

    Komento ni dakilang islander — Mayo 21, 2008 @ 10:13 hapon | Sagutin

  7. may gusto ko pa rin yung dragon na tsinelas, matibay yun, kahit isang taon na ata di pa rin sira, pootek na habayanas na yan, galit na galit ako minsan dyan dahil binili ng wifey ko si Breanne ng habayanas kasi magswimming sila that tapos 700 petot yung napakaliit na tsinelas na yun, at ang masaklap bilis pa lumaki ni Breanne ngayon kaya ayun, baka next month di na nya kasya yung abayana na yun!

    kengkay: yan lang talaga problema sa mga suot ng mga bata, dapat hindi mamahalin kasi minsan isang suot pa lang e hindi na kasya after one week. dahan dahan muna ng bili sa mga bata, kakahinayang lang e. ako sa mga little kengkays, pang bargain lang beauty nila at sempre pang SM šŸ˜€

    Komento ni kulot — Mayo 22, 2008 @ 1:23 umaga | Sagutin

  8. Yan din ang sabi ko dati. Mabuti pang Spartan walang kupas kesa sa pagkamahal mahal na Havianas na yan. Prang keyk! hahaha. Alala ko pamalo ng tatay ko yang spartan sa wetpaks ko eh. Pero gusto ko ngang magtry nian. Bago ako pumunta ng davao nagdalawang isip ako na bumili, bumili ako ng mumurahin anak ng hayan kumupas agad hahahaha. Try ko lang din yang Havianas baka me baong swerte sakin hahahaha.

    kengkay: aba kaya naman kumupas yang tsinelas mo e kung saan saang tubig mo naman sya dinala sa davao ano, e dahil hero ka, may K ka na ring mag hava šŸ˜€

    Komento ni Ambo — Mayo 22, 2008 @ 3:19 umaga | Sagutin

  9. alang spartan na high mami kengky, pandakekok ako kaya gus2 ko ultimo tsinepin ay may takong šŸ˜†

    kengkay: ibig mong sabihin may takong ang hava?

    Komento ni koreanmine — Mayo 22, 2008 @ 3:34 umaga | Sagutin

  10. šŸ˜† I bought my Havaianas two years ago and okay pa naman siya, ang unang tsinelas na talagang nagtagal sa malaki kong paa. So I guess para sakin, sulit na rin ang P800 na halaga niya.

    kengkay: yan ang testimonial šŸ˜€

    Komento ni Jayme — Mayo 22, 2008 @ 5:54 umaga | Sagutin

  11. hindi ko kayang gumastos ng hihigit sa 500 pesos ang halaga na tsinelas. mas okay pa rin sa akin yaong tig-iisang daan. Aleaast marmi raming tsinelas din mabibili ko. Kung katibayan rin lang naman, minsan hindi naman sa product o brand yan eh. Nasa tao yan na gumagamit.

    Hahaha.

    kengkay: actually, nasa paa hahaha. ay ako hinayang na hinayang ako kapag sinelas lang tapos mahigit isang daan na. antay na lang ako ng sale

    Komento ni eloiski — Mayo 22, 2008 @ 6:04 umaga | Sagutin

  12. Kenks, I dunno why it’s a big deal to most people sa atin if you buy or metion “havaianas” errrr, chinelas.

    Dito, it’s nothing special, it’s just a pair of …. well HAVAIANAS.

    I got at least 3 pairs now and want to buy another, hahahaha.

    kengkay: haneps, dami mong hava ha, tapos hindi big deal, huh šŸ˜€

    Komento ni K — Mayo 22, 2008 @ 6:39 umaga | Sagutin

  13. RAmbo ang tsinelas ko..hahaha!! care ko kung 15 pesos lang sya..magandang pamato kaya yan sa tumbang preso..lols

    kengkay: rambo? may ganyan ba? yung bunso ko ang tsinelas nya yung may tumutunog kapag naglalakad sya binili namin sa palengke. pero hindi ko dinala dito kasi super ingay, kakarindi minsan, hahaha

    Komento ni rio — Mayo 22, 2008 @ 7:21 umaga | Sagutin

  14. bubusina muna ako at malamang maraming mainis sa komento ko.. beep beep..

    lecheng %&@^!@!^%$#@!! yan.. bat ka bibili ng tsinelas na halagang 4 digits in philippine pesoses?? e prehas lang naman silang may sipit, prehas amuy goma, di naman babango ang paa mo, ingrown mo ay ingrown parin…

    sabi ng kebigan ko dati before kami mag boracay, kelangan nya bumili ng haviana’s kasi di never sya papaltusin pag naka havs… 4 days later… PALTOS ang mokong!! lalong nawala ang bilib ko sa havs na yan..

    impraktical, walang wenta, DABIANAS ang presyo… at talagang status symbol lang… never mo akong makikitang susuot at gagastos ng ganito para sa footwear…

    so impractical…. im happy with my crocs…..

    joke!! crocs ko made in SM lang, tig 150.. and so far… theyre the same with the 1500 version… lasts as long, same banana.. different saging

    kengkay: huy ako sa SM ko din binili yung crocs ko, hahaha. pero bakit mahal nung bili mo sa yo sa akin 75 pesoses lang ano. ano ba naman yung kaibigan mo, ayan tuloy sa kakaposing nya sa hava nya e nagkapaltos paltos, pero kung mahal nga tapos paltos din ang abot? balik ako sa spartan.

    Komento ni defpotec — Mayo 22, 2008 @ 9:25 umaga | Sagutin

  15. korek ka mommy kengks…isa rin ako sa mga nasa abroad na pero di keri ang bumili ng mamahaling de gomang tsinelas… as in di bumenta sa akin ang havaianas na yan…o kahit ang crocs…anong meron jan? hehehe… nung asa pinas pa para makiuso sa flip flops (tama ba spelling) eh banana peel ang nabili ko kasi me company outing… mejo mahal compare sa beach walk at spartan pero hindi singmahal ng hava ekek na yan…

    kengkay: ayan, banana peel na naman, di ko alam yang brand na yan ha. pero bili ka ng crocs sa SM, mura lang šŸ˜€

    Komento ni Lyzius — Mayo 22, 2008 @ 11:18 umaga | Sagutin

  16. Hindi ako makapag tsinelas kasi bukod sa mangangamoy ang paa ko e makikita mga in grons.. hehe!! Doon na ako sa kikita ang pinoy at matutulungan ko ang kapwa ko.. šŸ™‚

    kengkay: ayan, gawang pinoy dapat tayo! may amoy man ang paa o wala, hahaha

    Komento ni emoboyblue — Mayo 22, 2008 @ 12:04 hapon | Sagutin

  17. nyhaha.. spartan na ko. lol

    abay, guest ulit si mami kengkay.. makapakinig nga ulit.. =)

    kengkay: uy sige, sali ka din ha

    Komento ni karmi — Mayo 22, 2008 @ 6:19 hapon | Sagutin

  18. haha, nung una ko ring narinig yan, di ko rin akalain na tsinelas lang pala… so pag nagsuot ka ba nyan, gaganda ka? haha.. mas gusto ko pa din ang spartan, loyal to e..

    hmmm, ma-try ngang mag online at that time, ng maka join hehe..

    kengkay: haha, at least hindi pala ako nagiisa. baka nga mas magiging beauty ka kapag nagsuot ka nyan šŸ˜€ uy sige analyse, kita kits tayo mamya sa usapang pinoy!

    Komento ni analyse — Mayo 22, 2008 @ 8:54 hapon | Sagutin

  19. meron akong havaianas.. pero regalo lang yun sakin!! mahilig kasi ako sa tsinelas, pangpasok sa skul pero yung mga binibili ko lang eh yung mga mumurahin.. ngayon ko lang narinig yung spartan, hinanap ko sa net, mukhang matibay nga!! šŸ˜€

    kengkay: hahaha, nahalata tuloy na ibang generasyon ka na kasi di mo kilala ang spartan

    Komento ni linglingbells — Mayo 22, 2008 @ 10:54 hapon | Sagutin

  20. meron akong havaianas.. pero regalo lang yun sakin!! mahilig kasi ako sa tsinelas, pangpasok sa skul pero yung mga binibili ko lang eh yung mga mumurahin.. ngayon ko lang narinig yung spartan, hinanap ko sa net, mukhang matibay nga!! šŸ˜€

    kengkay: tsinelas pang pasok sa iskul? hmmm, erm di lang siguro ako sanay kasi may uniform kami e šŸ˜€ at mukhang ibang generasyon ka na kasi di mo na alam ang spartan, hahaha

    Komento ni linglingbells — Mayo 22, 2008 @ 10:56 hapon | Sagutin

  21. ay naku mamu keng, me experience akong nakakainis dyan sa havianas na yan…sabi di raw madaling mapigtas..ayun! after a month, bumigay din…kainis…buti pa yung mga Planet na sandals ko, buhay pa at 10th lng nung price ha!

    kengkay: o ayan, may bumigay din palang hava, ibig sabihin panalo talaga ang spartan

    Komento ni ruthie — Mayo 23, 2008 @ 12:30 umaga | Sagutin

  22. meron po mami kengky na havaianas na high. wedgie xa na rubber. mga dagdag 2 inches sa height šŸ˜€

    kengkay: ganun? tsinelas na may takong, hmmm

    Komento ni koreanmine — Mayo 23, 2008 @ 6:28 umaga | Sagutin

  23. tho i have 3 pairs of hav (2 hi & 1 slim) 1 from bilabbong that cost me more kesa sa havaianas and 1 ipanema ( brazilian made din mas sosy siya tignan kesa hav)mas maganda pa din ung happy feet ko na bakya ito ay gawang pinoy.

    kengkay: uy happy feet. paborito ko rin yang bakyang yan. lalo na kapag takbuhan na, plak plak plak, yan ang tunog, hahaha

    Komento ni k3mbot — Mayo 23, 2008 @ 7:22 umaga | Sagutin

  24. pareha pala tayo…..
    Spartan is the best..

    kengkay: go spartan šŸ˜€

    Komento ni tina — Mayo 23, 2008 @ 8:08 umaga | Sagutin

  25. teka ate kengks

    di ko magets, brand ba ang Spartan o general term sa lahat ng tsinelas na di goma? kasi naalala ko dati pag nabili kami ng tsinelas na di goma sa palengke o kahit na SM parang walang tatak na Spartan ung tsinelas o kahit sa plastik man lang.

    kengkay: brand yang spartan, ang alam ko yung may S, sya na yun

    Komento ni eyna — Mayo 23, 2008 @ 8:51 umaga | Sagutin

  26. eh kasi naman ang mga Pinoy mahilig sa gawang dayuhan.. kahit mahal magkaroon lang sige..
    kahit ano pa yan ang iisa lang ang gamit.. panyapak pa din.. at kahit mahal ang gomang yan hindi pa rin matatakpan ang madadala ang mala pinit pit na luyang mga paa.. hehehe;)

    kengkay: mala pipit na luyang paa, ahahahaha, ang kyut

    Komento ni barquera — Mayo 23, 2008 @ 8:57 umaga | Sagutin

  27. ako, rambo. hehehe. bat ako bibili ng havaianas kung meron namang rambo. haha.

    basta ako, rubber shoes lang ako magasta. ^_^

    kengkay: uy ilang beses ko ng narinig yang boto na yan sa rambo ha. ako sandals, dyan ang baliw na baliw

    Komento ni aKDa — Mayo 23, 2008 @ 9:21 umaga | Sagutin

  28. Inaamin ko, isa ako sa mahilig sa Havs. Ewan ko ba, madali ako madala sa “marketing scheme”. Meron akong 3 (2 binili ko at 1 regalo naman sa akin). Sulit naman kasi parati ko suot. Talagang mahilig ako sa flip flops.

    kengkay: umamin ka ha, rach šŸ˜€ ako naman kapag marketing ekek na dun naman ako umiiwas kasi feeling ko may sabit yan, hahaha.

    Komento ni Rach (Heart of Rachel) — Mayo 23, 2008 @ 2:21 hapon | Sagutin

  29. have you heard of havanas?

    walang ganyan sa states! ahahaha!

    kengkay: ganun? baka sa istates meron spartan šŸ˜€

    Komento ni kingdaddyrich — Mayo 23, 2008 @ 2:32 hapon | Sagutin

  30. meron ng Class A Havaianas w/ box pa.. sbrang hindi halata na fake pati yung details nun strap gayang-gaya!

    kengkay: magkano? dali! kapag hindi lampas ng isandan petot bili din ako, hahahha. biglang bumigay.

    Komento ni creep12 — Mayo 23, 2008 @ 2:49 hapon | Sagutin

  31. ay wala ako nyan. hanggang banana peel lang ako. hehehe Try nyo rin islander kesa spartan mas matibay. Badtrip lang kasi P180 lang sa Pinas yun kaso nung pumunta ako singapore, wala pala ako tsinelas na dala kaya takbo ako sa pinoy store, ayun nakuha ko ang islander sa halagang P330. nyak!

    kengkay: hahaha, ayan, kaya dapat parating boy scout para tipid. ano ba yang banana peel na yan, nung una kala ko joke yun pala brand talaga sya ha

    Komento ni bernardumali — Mayo 24, 2008 @ 6:26 umaga | Sagutin

  32. mommy kengks as in 75 lang ang crocs sa SM? dito kasi sa dubai nasa 110 dirhams ang crocs so more or less kiawsan ang halaga nun sa pesoses

    kengkay: FAKE na crocs yung sa SM, tapos naka sale pa sya kaya 75 pesoses lang sya hehe

    Komento ni Lyzius — Mayo 24, 2008 @ 6:29 umaga | Sagutin

  33. hay naalala ko naman ang kompitensya ng Sunbeach at Beachwalk days,pareho ang itsura pero yung huli pang conyo. 150pesos ang Beachwalk noong araw at 15pesos naman ang Sunbeach. Pinoy talga heheeh, nauso rin ang Islander,Alpombra at kung ano ano pa…basta para sakin pare pareho lang yang mga TSINELAS!!!

    kengkay: hanu, isang malaking zero ang diprensya nila? kakabaliw talaga ano. ako din, basta sinelas, sinelas na yun

    Komento ni lilay — Mayo 24, 2008 @ 6:47 umaga | Sagutin

  34. ako din, akala ko kung ano yung havaianas nung una. pero pang sosyal lang yun. well, di naman ako nagsusuot ng tsinelas eh. sandals ako kahit sa bahay lang. hehe.. pero mas maganda sa dalawa: spartan, kasi pang all around.

    kengkay: naks, ikaw mas sosyal kasi pang sandals paa mo, hahaha

    Komento ni neex — Mayo 24, 2008 @ 8:55 umaga | Sagutin

  35. Bwahahaha.. aliw tong entry mo Kengkay. Kailan naman kaya naging magkaiba ang mga tsinelas? Kahit anong pangalan, kahit saan nanggaling, iisa lang yan sila, TSINELAS pa rin sila.

    Sa akin lang ha, nasa taong gumagamit naman yan e, kahit anong tibay kung araw-araw mong ginagamit, e mabilis talagang mapupudpod. šŸ™‚

    Have a nice weekend!

    kengkay: kakabaliw kasi minsan kapag may bago kang naririnig pero di mo man lang alam kung ano yun, tapos biglang tsinelas lang pala, hahahaha

    Komento ni Sofie — Mayo 25, 2008 @ 9:45 umaga | Sagutin

  36. bwaahahahaha, tawa ako dito. naalala ko i asked my sis, ano gusto niya padala ko sa kanya, sabi niya havaianas..what??? ano yon!!?? di ko alam yon ah.. after some research eh nalaman ko rin.. ! pinagalitan ko sis . kalokohan lang yan! itong asawa ko eh masaya na sa beach walk niya (medyo sosyal siya – konti lang)

    kengkay: hahaha, sagot ko naman e, ano ang beach walk šŸ˜€ kasi itong asawa ko may i buy ko lang sa palengke yung tsinelas nya e. teka, binili mo ba si sister mo? curious lang naman si ako

    Komento ni Tonnette — Mayo 25, 2008 @ 11:56 umaga | Sagutin

  37. your post is so entertaining. šŸ™‚
    natatawa ako while reading it. šŸ˜€

    kengkay: salamat. natawa rin ako dito kaya pinasa ko e

    Komento ni cez — Mayo 25, 2008 @ 12:06 hapon | Sagutin

  38. KUNG GUSTO NYO NG HAVAIANAS 150 PESOS LANG PUNTAHAN NYO TONG SITE NA TO WHOLESALE LANG!!!

    Komento ni paolo — Hunyo 26, 2008 @ 7:55 umaga | Sagutin

    • may bayad na havaianas ang mag advertise dito šŸ˜€

      Komento ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 6:35 umaga | Sagutin

  39. havas compared to spartan..hmmm… discrepancy nila is that spartan lumang brand na yan, havas new brand kaya its fad. mura lang tlga spartan but comparing the quality of havas from spartan, spartan is far behind havas. and nowadays who would dare to wear spartan ion public places.hehe ^^.

    hay,,im actually making a marketing reseach about havas and i guess this would be a good site to start.hmmmm…but i do own a havas.hehe.ok siya,kung quality din lng sulit ang hava.^^ if your a marketer you’ll realize.!

    Komento ni krung — Agosto 26, 2008 @ 1:04 hapon | Sagutin

    • ay ako, spartan pa rin suot ko. ayoko ngang pumila sa mga tindahan ng havaianas kung tsinelas lang pala pipilahan ko. sa palengke pwedeng makipili kahit haba ng pila, di ba? šŸ˜€

      Komento ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 6:36 umaga | Sagutin

  40. hahahaha…npatawa ako.pero tma un bkt nga ba gnun ang mentality nating mga pinoy?hmmnn..

    Komento ni KenKoi.. — Pebrero 6, 2009 @ 2:50 umaga | Sagutin

    • maganda naman mentality yun di ba? sense of humor… hahaha

      Komento ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 6:35 umaga | Sagutin

  41. hay!naka2tawa nga ung comparison ng dalawa.
    masa2bi ko lang mron din akong havs kaso lahat sila napigtal na, kainis….

    Komento ni apol — Setyembre 17, 2009 @ 4:47 umaga | Sagutin

    • napigtal na? edi mas matibay talaga ang spartan, hehe

      Komento ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 6:19 umaga | Sagutin

  42. hello Kengkay… san ba kc tau pwede mkabili ng Hava na Class A na mura lang.. can you give me some link?

    Komento ni lezlie — Marso 4, 2010 @ 4:25 hapon | Sagutin

    • leslie, naku, hindi ko alam, karamihan dyan kasi yung mga galing ng bangkok at china e na makikita mo sa mga tiangge sa greenhills etc. pang spartan lang ako kaya di ko alam, ehehe

      Komento ni kengkay — Marso 7, 2010 @ 3:07 umaga | Sagutin

  43. i just bought one.. sabo q ndi q n uulitin.

    Komento ni enujam — Setyembre 8, 2010 @ 7:06 umaga | Sagutin

  44. i just bought one.. sabi q ndi q n uulitin.

    Komento ni enujam — Setyembre 8, 2010 @ 7:11 umaga | Sagutin

  45. TVXQ!!!! ? Unfortunately di na sila? complete.. but still i’ll support JYJ & TVXQ! AKTF! ?????….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Cordia — Nobyembre 25, 2012 @ 12:35 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: