Kwentong Kengkay

Mayo 23, 2008

Pandesal Recipe

Sabi ng nanay ko sampung piso na daw halaga ng isang pandesal. Totoo ba yun o nagpapa-awa lang si nanay ko, hehehe. Heniway, kung totoo man yon, super doooper mahal naman yata. Tapos isang kagat mo lang e naglaho na yung pandesal sa kalinggitan nya.

At sempre kayong mga wala sa Pinas at super miss na ang pandesal na masarap isawsaw sa kape, sa tsaa, sa ovaltine na ang tawag dito e ovamaltine (ewan ko kung sino talaga wrong spelling ha), sa lugaw, sa gatas, sa juice (yakkks), sa asukal, sa deri cream, at kung saan mang sawsawan nyo sya nagustuhan; eto ang solusyon, ang pandesal recipe na galing kay kengkay na hiniram nya kay joanne πŸ˜€ salamat joanne ha.

Basahin nyo lang mabuti kasi kailangan nito e BREAD MACHINE! Naman, takam na takam ka na nga sa pandesal tapos pahirapan mo pa sarili mong mag-piga at mga-dikdik ng dough a deer. Actually, tamad lang si kengkay, pero pwede nyo ring i-manual sempre.

Using a Bread Machine

Ingredients:
500 g. all purpose flour
1 pack powdered yeast (equivalent to 25 g. fresh yeast)
5 tbsp. brown sugar
1 tsp salt
270 ml. fresh milk

2-3 tsp. cooking oil
some bread crumbs

Preparation:

1. Put all ingredients, except the cooking oil and the bread crumbs, in the bread machine. Choose theprogram for kneading.
2. Do not close the cover. Check the dough during the kneading process. Add more milk if the dough is hard or add a little flour if it is too soft.
3. After 5-10 mins, add the cooking oil. Then close the cover.
4. When the bread machine peeps, signaling that the kneading is finished, preheat the oven at 50 degrees.
5. Form the dough into one inch balls and roll them into the bread crumbs.
6. Place them on the non stick baking sheet at least one inch apart.
7. Let your dough rise for at least 20-30 mins, still at 50 degrees.
8. Then switch to 200 degrees and bake for 15-17 mins. Until goldern brown.

Kapag manual naman, ganito: Pagsamahin lahat ng ingredients, as in LAHAT at masahihin silang lahat. Pasensya na, di ko alam tagalog sa kneading e. Kapag tapos na ang masahe, dun nyo i-preheat yung oven at 50 degrees. Tapos sundin nyo yung procedures from 5-8 na.

Okay, balitaan nyo ako sa inyong pandesal making ha.

—– PSSSTTTT ULIT

Guest ulit ako sa Usapang Pinoy, ang pinakasikat na radio-magazine sa buong UK na pinangungunahan ni Dr. Joy. Join us on May 24, 2008 at Future Radio UK, 96.5 FM. Pero mas okay kung punta kayo sa pamamagitan ng pag-click dito: Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question din.

Basta ha, kita kits tayo sa Sabado, ika-24 ng Mayo at 3 pm UK time, 4 pm Alemanya time, 10 pm Pinas time sa Future Radio UK . Sige na, makinig na kayo. Pramis, kakaway-kawayan ko kayo habang nasa ere na ako, tulad ng dati ba. Eto pala ung unang interview ko, sa mga gustong makinig

Advertisements

21 mga puna »

  1. Aalis kami bukas baka di ako makapakinig. Sayang! Mahal na nga pandesal, yong huling napanood ko sa news 3 pesos ata ang isa or tatlo sampu. I love hot pandesal yong galing talaga sa bakery. Dito kasi yong pandesal yong nakapack na.

    kengkay: pareho tayo, pati mga little kengkays lab nila ang pandesal kaya naman eto, may i bake ako πŸ˜€ sayang, di ka makakapanood, hayss πŸ™‚

    Komento ni nina — Mayo 23, 2008 @ 6:15 hapon | Sagutin

  2. wala kayo channel 2 or 7? Bigyan kita ng link pero hahanapin ko pa. Live stream yon πŸ™‚

    kengkay: wala, dami nga nagtatanong kasi gusto nila malaman yung side ng asian news about burma at china e. salamat ha

    Komento ni nina — Mayo 23, 2008 @ 6:16 hapon | Sagutin

  3. Ang kapitbahay kong bakery ay P2 pa lang ang pandesal, kaya lang 2 kagat palang ubos na.Tinatamad pa akong gumawa ng pandesal kasi wala akong bread machine. try ko kung may time. sure kasi na masmasarap ang sariling gawa. Thanks.

    kengkay: uy nanaybelen, let me know kapag nagawa mo na ha. masarap talaga kapag homemade

    Komento ni nanay belen — Mayo 23, 2008 @ 9:53 hapon | Sagutin

  4. masarap ang pandesal lalo na kapag may kasamang mainit init n kape=)

    kengkay: ako mas type ko sya sa ovaltine tapos yung may palaman na deri krem, yum

    Komento ni rio — Mayo 24, 2008 @ 2:05 umaga | Sagutin

  5. dito dos pa ang isang pirasong pandesal. mura mura pa ng onti. hehe.

    salamat sa recipe. πŸ˜‰

    Komento ni shongak — Mayo 24, 2008 @ 3:07 umaga | Sagutin

  6. dito dos pa ang isang pirasong pandesal. mura mura pa ng onti. hehe.

    salamat sa recipe

    kengkay: ang mura naman, pabili nga ng isang sako πŸ˜€

    Komento ni Hachi — Mayo 24, 2008 @ 3:09 umaga | Sagutin

  7. ganun pati pandesal mahal narin? haruuuy… ay thanks sa recipe, ate kengks pag may time ka paki gawa po tag ko ha.. subokan ko pakinggan ang mala DJ mo na boses together with Dr.Joy.. thanks! πŸ™‚

    kengkay: oo daw, mahal na daw ang pandesal 😦 am working on your tag na. and sige, sana makinig ka mamya

    Komento ni dhez — Mayo 24, 2008 @ 6:18 umaga | Sagutin

  8. gagawin ko to sa Lunes hahahahahh,at wish ko lang nasa bahay kami ngayon hapon para naman mapakinggan kita…busi busihan na naman kasi kami, kainis =(

    kengkay: wag masyado busy, dapat may beauty sleep ka din πŸ˜€

    Komento ni lilay — Mayo 24, 2008 @ 6:50 umaga | Sagutin

  9. masarap yung pandesal, sayang di na sya ganoon kaabot ng masa. tagal na rin akong hindi nakakakain ng isa.

    kengkay: ang sarap talaga ng pandesal, second lang sya sa nutriban πŸ˜€

    Komento ni neex — Mayo 24, 2008 @ 9:28 umaga | Sagutin

  10. grabe namang tumubo ng ang nanay mo…
    2.50 palang naman… Wag ka mag alala ibabalita ko sayo ‘pag naging sampu na ang isang pandesal. >)

    kengkay: ayan, nabisto tuloy si nanay ko, ahahaha. sige bulungan mo ako kapag tumaas na presyo nya para alam ko ang cut ni nanay ko

    Komento ni tina — Mayo 24, 2008 @ 11:11 umaga | Sagutin

  11. grabe namang tumubo ang nanay mo…
    2.50 palang naman… Wag ka mag alala ibabalita ko sayo ‘pag naging sampu na ang isang pandesal. >)

    Komento ni tina — Mayo 24, 2008 @ 11:11 umaga | Sagutin

  12. wow… pinapakinggan kita ngayon sa future radio. ang galing naman! may part 3 and 4 pa raw. hehe!

    kengkay: uy, bakit di ka man lang nagparamdam? pero salamat ha.

    Komento ni ifoundme — Mayo 24, 2008 @ 2:00 hapon | Sagutin

  13. weh. di nga? sampung piso na? wahahaa!
    nagpapaawa lang siguro si mommy. hehehe
    kasi si papa nagpapaawa rin ako sa kanya.
    hahaha.
    sabi ko 3o pesos na yung sardinas. wapak!
    hindi sya makapaniwala. hahaha.

    miss ko na ang pandesal hindi na rin ako nakakakain nyan. sarap pa naman isawsaw sa bagoong o alamang. yummy! hahaha!

    kengkay: pandesal at bagoong o alamang, hmmm. di ko pa na try yan ah, pero palaman sa sardinas masarap. langya, pati sardinas ninegosyo mo na rin sa tatay mo ha, hahaha

    Komento ni eloiski — Mayo 24, 2008 @ 3:04 hapon | Sagutin

  14. hinahanap ko recipe na mura ang halaga hindi tungkul sa kwento ng buhay mo

    kengkay: mabilaukan ka sana kapag ginamit mo ang recipe na to. at kung ayaw mong basahin ang kwento ni kengkay, pwes, sa iba ka mag halunggat, lecheng pesteng yawa πŸ˜€

    Komento ni christian — Nobyembre 1, 2008 @ 9:39 umaga | Sagutin

  15. […] sinubukan kong gamitin ang aking mga kamay, hay, walang gandang nangyari. ang tigas ng pandesal. so ngayon, sarado muna ang pandesalan ni kengkay. kainis! pero kanina may tumawag na isang pinay na naawa sa akin. papadalhan daw nya ako ng pandesal via post! o di bah, ang galing. nakatira sya sa alemanya pero dun sa malapit sa holland kaya mga 5 hours drive yun, pero dahil ang post dito e isang araw lang, pwede na rin. ibig sabihin e meron kaming pandesal sa martes! yuhoo! eto pala ang recipe ng pandesal. […]

    Pasa ni pan-de-salan ni kengkay « Kwentong Kengkay — Nobyembre 9, 2008 @ 7:07 hapon | Sagutin

  16. Hmmmm makabili nga nag pan de sal saka sardinas pang breakfast bukas. Sarap dun with matching kape. Yum!

    Komento ni bebenibadoodles — Nobyembre 11, 2008 @ 10:42 umaga | Sagutin

  17. salamat sa recipe, Kengks. hehe… para hindi laging mala-batong baguette, flute at fisille ang kinakain namin dito. Lumipas lang ang isang araw, pwede nang panghazing sa tigas ang mga tinapay dito sa amin.ΓΌ

    Komento ni brotherutoy — Nobyembre 11, 2008 @ 7:06 hapon | Sagutin

  18. Wow! Katakam-takam naman ng pandesal mo, Kengkay!
    Alam mo ba nung nag try akong gumawa nito, sintigas ng bato! Sayang lang. Pero try ko itong recipe mo, baka naman umubra. Thanks ha?

    Komento ni Iska — Nobyembre 11, 2008 @ 11:09 hapon | Sagutin

  19. […] din sya. yan ang mga nakahanda sa amin kapag almusal. pero sa baon ng mga bata? solb na sila sa pandesal na may […]

    Pasa ni hotdog ala alemanya « Kwentong Kengkay — Pebrero 16, 2009 @ 6:54 hapon | Sagutin

  20. hello po ang galing mo naman magawa ng pandesal..hehehe lam mo ako rn nakagawa na minsan singtigas ng bato kaya dko na inulit.special recipe pa naman ang nilagay ko..anak kong mga hapon ayaw na tuloy kumain ng pandesal pag sinabi kong pandesal yn bread namen..baka macra daw ipin nila hahaha..thnx again..and hope we can meet someday if we have chance to go uk..

    Komento ni marian — Mayo 11, 2010 @ 10:44 hapon | Sagutin

    • hi marian, alam mo ba, minsan matigas din yung pandesal ko. kasi minsan hindi ko sinusunod yung recipe, minsan lagay lang ako ng lagay ng ingredients, hahaha. pero sige lang, ulit ulitin kasi naman super namiss e. sana nga, we’d meet. if you are in japan, lapit mo lang dito sa manila ;D calling calling ka lang

      Komento ni kengkay — Mayo 17, 2010 @ 1:00 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: