Kwentong Kengkay

Mayo 25, 2008

No to 12 Steps

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Duon sa Amin,Hmmp,Pasaway,Showbiz — kengkay @ 10:17 umaga
Tags:

Hehehe, exkyus me ha. Showbiz muna tayo. May I cut and paste lang ako dun sa Rushes ng inquirer.net

Naintriga lang kasi ako dito sa istoryang ito:

No to 12 steps

The owner of a major food chain was shocked to see the true colors of the company’s new Image Model. On the very day of the contract signing, IM refused to climb the 12-step stairs at the company’s headquarters. As a result, the company had to rent another venue for the event.

Zinu zya? Pakibulong naman sa akin kung sino yan. Napanganga ako kasi über OA naman yang batang yan. Gusto ko syang makilala para madilat ang mata nya sa mga kaartehan nya sa buhay. Minsan talaga, porket sikat ka at habol ka ng mga tao, akala mo na pwede ka ng mag inarte. Hindi nya alam, na ang lumingon sa pinanggalingan at yung mga umaakyat sa 12 steps ang mga tunay na nagwawagi at nananatili sa tuktok.

Pero mabalik tayo, sino nga yung tema-arts na model na yan?

Advertisements

20 mga puna »

  1. hahahaha…Kakatuwa yong mga blind item na yan. sa Star Talk lagi silang may “The Who”… Nagpabili nga ako ng book ni Kitty Go – sabi ng kapatid ko tawa daw siya ng tawa dun sa mga blind items kahit di nya kilala.

    kengkay: uy nabasa ko nga tungkol sa book na yan ni kitty go, mahanap nga rin tapos hulaan tayo, hahaa

    Komento ni nina — Mayo 25, 2008 @ 11:11 umaga | Sagutin

  2. sana di na lang nila kinuha ang maarteng batang yan…sana ako na lang…

    kengkay: yan ang tama talaga. basta aakyat ka ng 12 steps ha

    Komento ni Lyzius — Mayo 25, 2008 @ 11:14 umaga | Sagutin

  3. Hello po. hmnn. wala po clue eh… pero and alam ko, si Sarah Geronimo, Kim Chiu at Gerald Anderson ang new image models ng Jollibee based on commercials. Malalaman din po natin kapag may new commercial na lumabas. hehehe… di ko updated sa ibang fastfood commercials eh.

    Tagal ko po di napadaan dito ah, bagong bihis. take care…

    kengkay: maarte ba yang nilista mo? balitaan mo nga ako. bagong bihis kasi nasira yung isa, 😦

    Komento ni glitch — Mayo 25, 2008 @ 1:30 hapon | Sagutin

  4. sino kaya yun? hehehe. nanuod ako kahapon star talk at showbis Central kanina, wala naman balita na ganyan. Hayan mo. itex ko si Cristy Fermin- magaling sa ganyan blind item.

    kengkay: hahah, nanaybelen, balitaan mo ako ha. at kung pwede pakibatukan na rin kung sino man yon

    Komento ni nanay belen — Mayo 25, 2008 @ 1:42 hapon | Sagutin

  5. ay nako. wala akong pakelam kung sinong hinayupak yan. basta, ang alam ko, eh maaga yang mamamatay. baket? kase, ayaw nia ng exercise. hahahaha.

    ipokrita. tsktsktsk.

    kengkay: wahahaha, akala ko pa naman kung bakit maaga mamatay. pero tama ka nga, kung panay pa kyut lang sya at walang galaw, dedong nga yan agad

    Komento ni aKDa — Mayo 25, 2008 @ 2:52 hapon | Sagutin

  6. LOL. Ayos sa blind Item si Ate Kengkay. Hehe. Sino yang maarte na yan ha. Si Angel ba yan. 🙂

    kengkay: na pa showbiz kasi hindi ko talaga matake e. si angel nga kaya, huh?

    Komento ni blogRebel — Mayo 25, 2008 @ 3:02 hapon | Sagutin

  7. pwede bang eto na lang hambalusin ko ng gin?peste! tinanggalan nga kami ng elevator kasi daw hindi fair sa ibang building…umaakyat kami ng stairs na may dala dalang mabibigat na plates..tapos eto..eto …hmmm…

    kengkay: maghunos dili ka, wei, hahaha. bakit, anong ginagawa nyo pala at wala na kayong elevator ngayon? yan ba yung elevator sa USTe na minsan e pag apak mo walang floor, hehehe

    Komento ni wei vines — Mayo 25, 2008 @ 3:05 hapon | Sagutin

  8. Gusto ko syang makilala para madilat ang mata nya sa mga kaartehan nya sa buhay.

    idilat daw o! di ba yan yung Hapon?..hehehe.. 😛

    kengkay: hmm, sinong hapon? pero kung mala hapon nga e dapat talagang idilat yan

    Komento ni dave1112 — Mayo 25, 2008 @ 3:10 hapon | Sagutin

  9. ate kengkay paki-italicize pala yung qoute, kapanget pala tingnan e..hehe thanks! 😀

    kengkay: request done!

    Komento ni dave1112 — Mayo 25, 2008 @ 3:11 hapon | Sagutin

  10. siguro may elevator yan sa bahay nila kaya 12 steps lang ng hagdan, di pa maakyat.

    kengkay: baka kamo di marunong mag sashayyyy walking kamo

    Komento ni neex — Mayo 25, 2008 @ 3:31 hapon | Sagutin

  11. nyah! OA niya ha. IM ba ang initial ng maarteng yan? hehehe

    kengkay: OA at IM, initials, hahaha- basahin mo yung comment ni jon cabron sa baba

    Komento ni Hachi — Mayo 25, 2008 @ 4:40 hapon | Sagutin

  12. walangya isip ako ng isip kung sinong artista ang may initial na IM akala ko clue!
    yun pala IMAGE MODEL pala ibig sabihin nun!!!! ambobo ko at nalulungkot ako 😦

    kengkay: jon sorry ha pero natawa ako nung nabasa ko tong comment mo e ;D di lang naman ikaw kasi si hachi yon din akala e, so ibig sabihin non e pareho kayong??? kyut sempre!

    Komento ni Jon Cabron — Mayo 25, 2008 @ 4:42 hapon | Sagutin

  13. Anak ng tokwa, ano ba yan bungalow ang bahay walang hagdanan? e dito kahit na bungalow me hangdanan papuntang beysment, wag nyang sabihing de elevator bahay nya? sabagay kung nakatira sa condo, pero dati ba naka condo sya?

    kengkay: manay, kilala mo ba sya at mukhang may alam ka ha 😀 pero sa totoo lang, di ba kapag gusto mo manatili career mo dapat may fitness ekek ka, edi dapat marunong yan mag akyat baba kahit man lang sa stair master ano, arte lang nun am sure

    Komento ni manilenya — Mayo 25, 2008 @ 11:05 hapon | Sagutin

  14. hahaha, totoo ba to? nakakaawa naman yung artistang yan kung sino man sya, hindi sya maarte kung hindi praning at bobita!

    kengkay: praning at bobita, sya na nga yun

    Komento ni jake — Mayo 26, 2008 @ 1:41 umaga | Sagutin

  15. my goodness na batang ire. wala pa siya sa kalingkingan ng inaakyat ko tapos may gana pa siyang magreklamo. ang taas taas kaya dito sa baguio tapos ang dami pang stairs! huhuu!

    kengkay: naku, bitbitin mo nga ireng batang ire sa baguio ng malaman nyang easy lang yang 12 steps na yan

    Komento ni eloiski — Mayo 26, 2008 @ 2:38 umaga | Sagutin

  16. di bale, ipapatira ko na lang sa mga bata ko.

    boys! *sipol* umpisahan na ang operasyon!

    daga 1: opo kapitan!
    daga 2: aye aye!
    daga 3: bullshit, ayaw ko, maarte eh.

    foo: nyek!

    kengkay: hahah, maarte rin pala

    Komento ni foobarph — Mayo 26, 2008 @ 12:36 hapon | Sagutin

  17. Alam ko na. Kaya di sya makaakyat kasi, maliliit pa-a nya. IM kamo? Si Inday Mahal ba yan? 🙂

    kengkay: IM means image model, hahaha-

    Komento ni blogRebel — Mayo 26, 2008 @ 1:21 hapon | Sagutin

  18. hindi ba sya yung konrabida ngayon sa isang ex-kontrabida? 😆

    salamat nga pala sa pag italicize..hehe 😀

    kengkay: kilala mo sya? sabihin mo na pangalan, bilisss

    Komento ni dave1112 — Mayo 26, 2008 @ 1:31 hapon | Sagutin

  19. Grabe naman kaartehan nun. Napakaimportante naman nya sa food chain na iyon at talaga namang iniba pa ang venue. Kaya siguradong mas lumaki lalo ang ulo nya.

    kengkay: uy rach, kilala mo rin sya? sino yun? am sure kapag parating ganyan yan e mawawalan din yan ng contracts

    Komento ni Rach (Heart of Rachel) — Mayo 26, 2008 @ 3:13 hapon | Sagutin

  20. baka naman kasi lumpo sya…lols

    kengkay: ahahaha, baka nga. mabuti nga kamo kung talagang lumpo, maintindihan pa natin di ba?

    Komento ni rio — Mayo 27, 2008 @ 4:00 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: