Kwentong Kengkay

Mayo 26, 2008

Liwanagin natin ang misteryo ng Anawangin Beach

patalastas: kung gusto ninyo kumita ng konting pang-shopping, join kayo dito sa clubshop.com easy lang, just click and be a member. at ang masarap, libre!!!
clubshop.com

Bilib ako kay analyse, ang bilis nyang mag-react kasi pinagiisipan ko pa lang e ayun na at na post na nya. Sempre pareho kaming tinamaan dun sa medyo hindi magandang kwento tungkol sa Anawangin Beach. Lalo pa’t pareho kaming beach lover.

Maraming nag react. Ang Anawangin Beach ay isang napakagandang beach sa isang isla sa Zambales, dinarayo sya kahit naman walang talagang resort sa area na yon. Kumbaga, back to basics ang drama dun; ibang adventure. Pero may konting misteryo din sa Anawangin. Dahan-dahanin natin.

Dapat kang magbangka bago makarating dun, dapat may dala kang sapat na gamit at pagkain at inumin at maraming kwento dahil camping lang dun walang restaurants at disco, at importante, dapat may alam ka rin sa survival at dapat na maging responsible traveler.

Kasi may mga bagay dun sa Anawangin na dapat nyo ring malaman, lalo para maiwasan ang aksidente; maaaring sa dagat na ito ay may presence ng isang nakababahalang RIP CURRENT! Minsan tinatawag sya ng mga local na kababalaghan, engkanto, alay, at kung ano-ano pa pero basahin nyo kung anong talagang tama sa inyong palagay.

Tinuro ni analyse itong link na ito pero ibigay ko na rin sa inyo yung summary:

Ano ang RIP CURRENT?

Rip currents are often misnamed rip tides or undertows. But they aren’t tides, and they don’t pull you under water.

It starts on a windy day, usually before or after a storm. Winds blow up waves that crash over a near-shore sandbar. Gravity pulls the water back to sea, but more waves — and the sandbar — keep it from flowing out. Eventually, tons of water flow sideways along the shore. This is called a longshore current. If you’ve ever gone swimming and found yourself pulled far from your blanket on the beach, you’ve been in a longshore current.

But sooner or later, all that water has to go somewhere, says B. Chris Brewster, retired San Diego lifeguard chief and national certification committee chair for the U.S. Lifesaving Association. Brewster is widely regarded as an expert on rip currents.

“Surf pushes water inside the sandbar, and once pressure builds up there is a collapse of the sandbar,” Brewster tells WebMD. “What makes this particularly dangerous is that people inside the sandbar have this sense of calm. They seem to be sheltered from most of the wave turbulence. They are often waders who get sucked out through the sandbar like it was a toilet flushing.”

When there’s a break in the sandbar, the longshore currents head out to sea. As they funnel through the break, they get incredibly strong. This is a rip current. It can flow as fast as 5 mph — faster than an Olympic swimmer and stronger than the strongest man on earth. Contrary to popular belief, someone caught in a rip current isn’t pulled under water. And it won’t flow to France — the rip current dissipates just beyond the breakers. But it’s still a killer.

More than eight out of 10 beach drownings and lifeguard rescues are due to rip currents, says Richard E. Gould, parks director for the Santa Clarita, Calif., and national statistics coordinator for the U.S. Lifesaving Association.

“When you’re at the beach, rip currents are the most important thing you need to worry about,” Gould tells WebMD. “If there’s no lifeguard, it’s not safe. Everything I’ve read suggests there’s a significant rip current problem on the Florida Gulf coast — but no lifeguards.”

Ironically, when you’re walking on the beach, rip currents look very inviting.

“Rip currents form underwater channels that you wouldn’t be able to spot standing on the shore,” Brewster says. “What you see is an area where the waves are less likely to break as quickly or as violently. So you walk along the shore and see this calm area. People tend to be attracted to those areas — the most dangerous ones on the beach.”

How To Survive a Rip Current

As deadly as rip currents are, it’s not that hard to survive one — if you stay calm and know exactly what to do.

“To get out, just tread water and allow the rip current to carry you out — they tend to dissipate outside the breaking surf,” Brewster says. “Then you can wait for help, or swim around the rip current and back to shore. But few people have the calm to do this. Most drown because they swim against it and tire out.”

So for most people, Brewster recommends swimming parallel to the shore. One doesn’t have to be a very strong swimmer to do this. Rip currents aren’t exactly narrow, but they are concentrated in one place. In a short while, most swimmers should be outside the current and able to make it back to shore.

Sometimes the rip current is diagonal to shore. If you try to swim parallel to shore but aren’t making any progress, Brewster says, turn around and swim parallel to shore in the other direction. That will do the trick.

How To Save Someone Caught in a Rip Current

Brewster literally put together the book on open-water lifesaving — his text is used all over the world. Here’s his advice on how to save someone caught in a rip current:

  • Toss something that floats to the person in trouble. Lifeguards use a rescue buoy. A life jacket would be the next choice, or any approved lifesaving device. If none is available, try anything buoyant. Brewster suggests tossing a sealed, watertight cooler if nothing else is available.
  • Toss a rope to the victim. This isn’t as good as a something that floats, because a person panicking may not see — or be able to reach — a slippery line.
  • Coach the victim. Shout loudly so you can be heard above the surf. Try to get the victim to stay calm. Explain what is going on. Urge him or her NOT to fight toward shore, but to swim or wade parallel to shore.
  • Don’t enter the water if you aren’t a calm, confident, skilled swimmer. Even so, it’s a VERY dangerous choice. “Whether to go in for a rescue is a very personal decision based on your ability and understanding of rip currents,” Brewster says. “The reality is that many people in rescue attempts do drown each year. There is no value in having two people drown in an attempted save.”
  • If you understand rip currents, and are a strong swimmer, you may decide to enter the water. It’s best to have something that floats to hold on to. If not, a pair of swim fins can make it much easier to swim. DO NOT MAKE PHYSICAL CONTACT WITH THE VICTIM. A panicking person will pull a rescuer under water. “The worst-case scenario — something lifeguards avoid like the plague — is physical contact with the victim,” Brewster says. Swim well out of reach of the victim. If you have a flotation device such as a boogie board or a rescue tube, get the victim to grab hold of one side. Do not let the victim grab you. Urge the victim to calm down and follow you as you swim parallel to shore.
  • Forming a human chain to reach the victim does NOT work, Brewster says. The people at the end of the chain will be in danger — and if the chain breaks, several more people will be in trouble.

Bottom Line: Lifeguards Needed

Advertisements

33 mga puna »

  1. ayyyy. kala ko tuloy mga engkanto yung gumagawa ng ganun. na baka kako may sirena chenes na nangunguha.
    buti na lang at may tips dito para pag nangyari sa akin yan dapat sunod sa flow na lang ako.

    hehehe

    kengkay: may i flow ka na lang talaga. at kung makakita ka man ng sirena o siyokoy, ready dapat yung digicam mo 😀 pero kasi sa pinas dami talagang sabi sabi e

    Komento ni eloiski — Mayo 26, 2008 @ 4:50 umaga | Sagutin

    • naniniwala ka dun? gaga

      ang nagiwan ng komento na asa itaas ay galing sa isang tao na nakatalang si asdfskfsdi@yahoo.com – kung totoo man ang iniwan nyang email address e hindi ko alam. dahil pati pangalan ni kengkay e ginamit nya para magiwan ng komento na ito. hindi nya alam na ang tunay na si kengkay e may pagka-sira tuktok man pero mas matinong sumagot sa mga komento dito; at sempre ako pa rin ang tunay, lalalala 🙂 kengkay

      Komento ni kengkay — Setyembre 17, 2009 @ 11:54 hapon | Sagutin

  2. Napakagandang tip mommy kengs. naliwanagan ako. reading your anawangin entry parang natakot ako na pumunta un. syempre di ako naniniwala na may mga shokoy na humihila sa yo pababa. But this gives the readers the scientific parlance of the phenomenon. Pero tama sabi ni Mr. Brewster, few people tends to be calm. Ako din I can’t be calm if i will be in a rip current because it’s eerie . kahit di ka hihigupin pababa, pakiramdam mo kakainin ka kasi you are in the center of the rip… ang nasa sa isip ko ay makaalis agad sa rip.

    kengkay: sino nga naman ang magiging kalmado kapag asa ganyang sitwasyon na di ba? pero maganda na ring may konting pasintabi para kung maharap man tayo sa ganito e at least alam natin kung ano yun at pwede tayong magbigay ng babala din

    Komento ni bluep — Mayo 26, 2008 @ 5:47 umaga | Sagutin

  3. mommy kengks…magandang info yan…pero i doubt na matutulungan ako nyan…dahil hindi ako marunong lumangoy…at ang kakaasar dun, taga isla ako.

    kengkay: alam mo yan ang takang takang mga foreigners e, bakit daw ang mga pinays paligid ng isla pero sila pa ang madalas di marunong lumangoy! kasi siguro we take it for granted e, mabuti na lang ako medyo marunong, medyo lang ha

    Komento ni Lyzius — Mayo 26, 2008 @ 6:10 umaga | Sagutin

  4. Speaking of islands… .

    Kung tatangalin ang tubig sa Manila Bay, makakaya kong takbuhin mula sa bahay namin papuntang corregidor. Sa Cavite and isla, pero mas super lapit sam,in dito sa Bataan.

    Hindi pa ko nakarinig ng ganyang uri ng tide. Puro peaceful white sand beaches lang kasi yung meron samin. Kung minsan black, pag malapit sa mga pyer ng barko.

    kengkay: uy saan ka ba sa bataan at baka sakaling makarating dyan sa may inyo kung maganda ang beach. kasi madalas din ako dun nung mga unang panahon e pero yung kaibigan ko na taga ron sa pool lang din kami dinadala at hindi sa beach, kainis nga e

    Komento ni Richmond — Mayo 26, 2008 @ 6:19 umaga | Sagutin

  5. yun naman pala e, alam na kayo ng mga tao dun yung ganyang sitwasyon, na talagang kelangan bg tagapangalaga ng buhay dun

    kengkay: hay, sana alam na nila ano. they should make extra effort naman dapat to inform and be informed

    Komento ni kulot — Mayo 26, 2008 @ 7:01 umaga | Sagutin

  6. takot ang lola mo sa mga ganun. in Davao alone, nung naitapon ako sa wildwater rafting namen, i was scared sa undercurrent and i think, nagkamali yung guy na sumabit na lang daw ako sa canoe which is what i did, alam mo bang sinadsad ang pwet ko sa batuhan? grrr! an sakit talaga considering na mahaba yung rapids, dapat daw nagpaanod na lang ang lola. anak nang sirena ever talaga! nalaman tuloy na peke lang pala ang lola!

    pero sa mga lugar na ganito, dapat kumpleto sa warnings ang barangay where this beach is located.

    kengkay: alam mo kaya kapag mag book din ako para sa bakasyon naming pamilya, i make sure talaga na alam ko yung lugar, kung di pa man kami nakakapunta e yung may alam ka thru reads sa internet o sa mga kanilala ba. kakatakot din e. aray ko naman, gusto ko pa naman i try yang rapids na yan pero maglalagay ako ng unan sa pwet ko just in case, hahaha

    Komento ni reyna elena — Mayo 26, 2008 @ 9:17 umaga | Sagutin

  7. So, that’s the scientific explanation., Sabi nga namin, hanggang gilid na lang ng beach mag-tampisaw. Kahit hanggang tuhod na lang. hehehe

    kengkay: aray ko naman, hahaha. biglang nag tampisaw

    Komento ni Ely — Mayo 26, 2008 @ 12:13 hapon | Sagutin

  8. So, that’s the scientific explanation., Sabi nga namin, hanggang gilid na lang ng beach mag-tampisaw. Kahit hanggang tuhod na lang. hehehe

    Komento ni Ely — Mayo 26, 2008 @ 12:14 hapon | Sagutin

  9. ayun naman.. sana kaya kong ipaliwanag sa mga taga probinsya namen tong rip current na to. ng hnde nasasabing kinuha ng engkanto or ng sirena yung mga nalulunod. 😀

    kengkay: kayang kaya mo yang i-eksplika!

    Komento ni vanny — Mayo 26, 2008 @ 12:45 hapon | Sagutin

  10. Di pa ako nakakarating sa beach na yan pero marami akong mga narinig na kwento tungkol sa iba’t ibang lugar na di umano’y may mga “nanghihiling kakaiba” sa ilalim ng tubig. Marahil isa na dyan ang rip current. Salamat sa explanasyon na ito.

    kengkay: ako man nagulat din sa explanation dito e, kasi nga parating haka haka lang din ako nakiki-usyoso

    Komento ni Rach (Heart of Rachel) — Mayo 26, 2008 @ 3:10 hapon | Sagutin

  11. ayan may scientific explanation na kala ko may shokoy na sa ilalim…hehh dapat lang talaga may sapat na warning sign para sa mga visitors who’s not familiar of the place para maiwasan ang disgrasya…

    kengkay: tama ka rin pero ang shokoy kahit na wala sa ilalim, hehehe

    Komento ni dakilang islander — Mayo 27, 2008 @ 12:35 umaga | Sagutin

  12. Ay.. salamat naman sa explanation mo akala ko talaga may serene. Ayan sana malinawagan na ang isip ang mahilig sa beach at mag- ingat na lang .

    kengkay: oo nga, at least may konti na tayong alam di ba

    Komento ni nanay belen — Mayo 27, 2008 @ 2:04 umaga | Sagutin

  13. thanks mami kengs for sharing this…madami akong natutunan at sana magamit ko in case of emergency…=)

    kengkay: sana nga magamit nating lahat

    Komento ni rio — Mayo 27, 2008 @ 4:13 umaga | Sagutin

  14. susmeyo, dapat “rip current” something itong post mo. hahaha! galing kengkay, nag enjoy ako.

    feeling ko tuloy contestant ako ng survivor. lolz!

    kengkay: ayan, ready ka na sa survivor

    Komento ni foobarph — Mayo 27, 2008 @ 7:01 umaga | Sagutin

  15. Thanks for this. I have undergone sea safety training but this was not part of what was taught. Now I know.

    People in the province tend to believe more in the occult than on scientific explanations such as this. Sana maituro ito sa mga tao sa Zambales at sa iba pang seaside provinces.

    kengkay: i cant believe this info isnt a part of the sea safety training, marami pa talaga tayong dapat malaman sa dagat ano?

    Komento ni monaco — Mayo 27, 2008 @ 11:11 umaga | Sagutin

  16. naku, kaya ako, kahit anong ganda sa mga beach eh pang pools lang talaga dahil di ako dunong langoy 😦

    malamang nga ma RIP (Rest In Peace) ako pag ako nadale ng RIP current na yan :-s

    kengkay: super natakot ka naman 🙂 at least kapag may alam tayong ganitong info, medyo mas malakas ang loob natin di ba

    Komento ni koreanmine — Mayo 27, 2008 @ 11:53 umaga | Sagutin

  17. naku, i remember, this happened to me once pero na save ako ng isang mama na super bait.. takot ako talaga sa dagat, sabi ng nanay ko signos ko raw yon.. ahahahay i learned how to swim nung 30 na ako.. imagine, tagal rin better late than later ha. pero takot pa rin ako to swim deep lalo na pag maalon. pero minsan kahiya yung mga 6 year old s ang tatapang , kaya sige swim na rin.

    kengkay: alam mo ako late na rin natuto mag swim e; kahit pa nung maliit kami e linggo linggo kaming asa manila bay para mag swim outing. mabuti naman may mabait na mamang sumagip sa yo, tama ka, dito ang galing lumangoy ng mga bata, kaka insecure!

    Komento ni Toni — Mayo 27, 2008 @ 2:32 hapon | Sagutin

  18. Nangyari na yan sa pamilya ng isa kong kaklase. Nakaligtas siya pero ung ibang kasama nila hindi. Swimmer kase. Simula nung sinabi nya un takot na takot na talaga ako magbeach. Hanggang dun lang tlaga ako sa pinakamababaw na halos talampakan ko lang ung nababasa.

    kengkay: sad to hear stories like this. ako ilag talaga din ako sa dagat e, yoko talaga pumunta sa malayo; as for my kids, we make sure na marunong sila lumangoy at may vests just in case. kakatakot minsan talaga e

    Komento ni Beena — Mayo 30, 2008 @ 7:44 umaga | Sagutin

  19. Behind the Beauty of Anawangin

    Holy week,..long weekend ng March, nagkasundong mag out-of-town ang sampung magbabarkada. Ang napiling lugar, Anawangin. Para medyo malayo naman sa polusyon ng Maynila at ma-relax naman ang mga utak mula sa araw-araw na stress ng opisina. A week before pa lang nakapagpa-reserve na kami ng tickets sa bus, seat # 1 to 10 pa nga kami,ganun ka-excited. Wednesday 12midnight ang byahe namin, mabilis at maluwang naman ang kalsada kaya alas-tres pa lang ng madaling araw ng huwebes nasa SanAntonio na ang grupo. Ang San Antonio ay isang bayan sa Zambales na jump-off para papuntang Anawangin.
    Madilim pa ng mga oras na yun kaya tambay muna kami sa plaza ng San Antonio, kwentuhan at kulitan muna habang nagpapa-umaga para makabili sa palengke ng iba pang madadalang pagkain, habang ang iba’y nakikipag-negotiate na ng tricycle patungong Pundakit (shoreline para maka-arkila ng bangka patungong Anawangin. Very entertaining ang mga tricycle drivers (dahil kikita nga naman sila sa amin), halos lahat nag-aagawan para lang kontratahin sila, nakilala Ko dun si Kodz, siya yung pinili namin kasi siya yung mukhang mas informative, yung iba halatang pera lang ang habol. Ayon kay Kodz lagi siyang naghahatid dun, marami na rin daw siyang suking manilenyo at labing-isang beses na daw siyang nakapunta sa Anawangin mismo. Sa tagal ng kwentuhan namin wala siyang nababanggit na delikado o sakunang pangyayari sa lugar, pawang kagandahan lang ng lugar, binigay pa nga niya yung cell number niya para ma-text ko raw siya kung pupunta uli kami dun.

    Mga 15 minutes from San Antonio to Pundakit, pagdating dun negotiate na kami ng bangka, nakilala namin si Vic, isang bangkero sa Pundakit, wala kaming ibang usapan kundi kung magkano ang kontrata sa kanya at kung kailan kami muli susunduin mula Anawangin.
    Around 7am nasa Anawangin na kami, hanap agad ng magandang camp area sa gitna ng matataas na pine trees, di ko ikakaila na maganda ang lugar, tahimik at relaxing. Habang nag-aayos kami ng mga gamit at nagpi-pitch ng mga tents, lumapit ang isang ale sa amin, maganda ang ngiti at mukhang mabait, malumanay ang boses niya ng sinabi niyang siya ang caretaker ng isla, siya daw si Aling Ligaya. Umalis saglit at bumalik na may kasama pang isang babae, buhat nila ang isang maayos na papag na gawa sa kawayan, binaba nila sa gitna ng area namin at sinabing patungan daw ng mga pagkain o anumang gamit. Sabay alis, walang ibang sinabi kung may bayad man yun o wala, pero napagtanong namin sa mga katabi naming naka-camp na dun na P50 per head at per day daw.
    Habang nag-aayos ang grupo may mga nagluluto na ng pancakes for breakfast, set na din ng tripod ng camera at picture taking na agad, halatang sabik ang isat-isa sa muling pagsasama ng tropa, matagal na rin kasing walang get-together dahil puro busy sa trabaho at kayod talaga para sa mga magagandang plano sa pamilya.

    After breakfast excited na ang lahat lumublob sa dagat, kanya-kanyang labas na ng mga snorkel, goggles, vest at fins, makikita sa mukha ng bawat isa ang excitement na i-enjoy at i-explore ang lugar. Di alintana ng lahat ang lamig ng tubig basta sige lublob, kwentuhan, tawanan, halos wala ring pahinga ang mga digicams sa kakakuha ng pictures. Enjoy ang lahat, walang kj, lahat nakangiti, nakatawa, masayang-masaya ang tropa, ang tropa na walang ibang hangarin kundi ang i-appreciate ang ganda ng Anawangin.
    Kinagabihan, set-up na ng lamp, habang nagluluto ng dinner ang ilan, nakapalibot naman ang iba sa kamustahang kwentuhan, bumangka si Mel, tropa ko since college na arkitekto na, bumanat na naman siya ng mga magic tricks niya kasama ang isa pang tropa na lagi niyang nililibang, kami naman kahit bilib sa ginagawa niya di na lang naming pinapahalata. Natatandaan ko pa nun na nagbilin ako ng pasalubong kay Mel kasi naka-line up na siya sa opisina nila na pupuntang Hawaii. Natapos ang gabing yun sa malalakas na tawanan at masasayang kwentuhan.

    Kinabukasan, Biyernes Santo. Snorkling uli ang ilan sa tropa, explore uli sa islang may magagandang corals at makukulay na isda, halos di mo mamamalayan ang oras sa sobrang pagkalibang.
    Pagdating ng Lunch time, sabay nagsalu-salo ang buong tropa sa pagkain, pagkatapos yung iba umidlip sa pagkapagod. Bandang hapon ng nagkayayaan yung apat pa naming kasama na mag-swimming uli, dalawa sa kanila ang naka-vest kasama si Gwen, girlfriend ni Mel. Di naming akalaing may naghihintay na sakuna para sa kanila ng mga panahon na yon. Habang nagpapahinga kami sa camp site, bandang alas-kwatro ng hapon, nagulantang ang katahimikan dahil sa pagdating ng isang kasama nila Mel galing sa dagat, tumatakbo’t hinihingal habang sinasabing “nalunod si……nalunod si……”…..di pa man din siya tapos sa sinasabi niya agad naming dinampot yung natitirang vest at snorkel, dahil sa pagka-intindi naming nalulunod pa lang siya ng mga panahong yon. Hinihingal sa pagkakatakbo ng pagdating namin sa lugar, marami ng nakapalibot na tao. Pagpasok ko sa loob, nakita ko ng umiiyak si Gwen sa tabi ni Mel. Si Mel walang malay at langtang gulay habang sini-cpr ng dalawang lalaking di namin kilala, yung ibang kasama naming nangontrata na ng bangka para madala agad si Mel sa hospital.
    Habang nasa bangka kahit walang malay patuloy naming kinakausap si Mel at pinipisil ang mga daliri sa kamay at paa niya. Halos paliparin ng bangkero ang bangka laban sa mga malalakas na alon ng hapon na yun. Bawat minuto parang ga-oras ang tagal ng byahe namin dahil sa layo. Tinatanong naming ang diyos kung bakit, mabait naman si Mel, mabuting anak sa pamilya niya, matulungin sa tropa, kwento pa nga ng girlfriend niya may ipon siya para sa pagpapatayo ng bahay para sa nanay niya, marami pa siyang gagawin….bakit si mel?

    Pagdating ng Pundakit, ang daming tao pero kakaunti ang nagkukusang tumulong, kailangan mo pang murahin para tulungan ka sa pagbuhat. May nurse na lalaking lumapit he knows cpr daw, kaya bomba uli kami kay mel habang hinihintay yung ambulansya na pinatawag ng pulis na nakatalaga dun. Ilang minuto din bago dumating yung ambulansya. Kinailangan pa naming buhatin ang mabigat na katawan ni mel papunta sa gate ng resort para maisakay siya sa ambulansya, tantsa ko nasa 20 meters din ang layo. Dun namin na-realize na ganun kalayo ang tatahakin sa tuwing magkakaroon ng sakuna sa Anawangin.

    Pagkarga kay Mel sa ambulansya, salpak agad ng driver ng oxygen kay mel, akala naming magiging ok na ang lahat, tsaka namin nalaman na ibabyahe pa sa kabilang town (San Marcelino), dahil wala raw hospital sa San Antonio,..Ang tanong, Bakit walang hospital sa San Antonio?
    Ang nagpapalakas ng loob namin ay yung maayos pa ang kulay ni Mel at may pulso pa siya , alam namin na aabot siya kung madadala lang agad sa Ospital. Pero sadyang ayaw makisama ng tadhana ang tagal na naman ng byahe namin bago makarating sa Ospital. Pagdating sa San Marcelino Hospital, ilang minuto lang ng mailipat si Mel sa kama ng ospital, dun na sinabi ng duktor na din na niya kinaya…wala na si Mel..Ganun kabilis ang pangyayari..Di man katanggap-tanggap.

    Pagsunod ng ibang kasama namin sa San Marcelino Hospital, dun namin sila nakausap tungkol sa pangyayari. Ayon kay German, (isa sa apat na magkakasama), tahimik at mababaw ang tubig, umabot man ng ilang metro mula sa pampang ang babaw pa rin daw. Nung nagsi-swimming sila, medyo may distansiya si Mel sa tatlong kasama, nagulat na lang sila ng biglang nagpupumiglas at sumisigaw si Mel na para bang may puwersang humihila sa kanya na sadyang di niya makayanang labanan. Magaling lumangoy si Mel, at lalong hindi siya lasing, wala sa sampung magkakasama ang nakainom, kaya nagtataka sila kung bakit di niya magawang makalangoy. Sumaklolo si German pero paglapit niya kay Mel di niya akalaing ganun kalakas ang pwersa ng current sa ilalim ,gayung tahimik naman ang tubig ng lumusong sila. Parang may halimaw sa ilalim na gutom sa pagkuha ng buhay ng tao.,..di kinaya ni German kaya pinilit nilang makaahon agad para makahingi ng tulong. May sumaklolo pero di rin nagtagumpay na masagip si Mel, nung may pangalawang sumaklolo tsaka lang daw nakuha si Mel na wala ng malay. Ganun daw ang pangyayari. Paano pala kung walang kusang tumulong?..malamang pati katawan ng biktima ay din a makuha.

    Walang “Danger” signs sa paligid,..wala ring Lifeguard,..wala ring salbabida man lang na pwede mong ibato sa nalulunod. Para saan yung sinisingil ng caretaker ng isla?…ano lang ba yung maglagay man lang sana ng signs para aware ang mga tao na ganun pala ka-delikado sa lugar nila. Hindi kapakanan ng mga campers ang priority ng caretaker. Lahat ng ganda ng Anawangin ay nabura dahil sa pangyayaring yon, wala ka ng proteksiyon sa isla ang layo pa ng hospital na pagdadalhan sayo kung may sakuna.
    Sabi pa ng isang nurse sa hospital na nakausap namin, di lang minsan may ganung pangyayari, dati daw may pamilya pang nalunod, meron din daw isang case na swimmer pa yung nalunod, Puro dayo daw yung mga nagbubuwis ng buhay, halos taun-taon daw. Bakit di man lang nababalita?..maging sa internet walang ibang balita kundi kagandahan ng lugar.. Kaya pala tahimik lang ang mga locals, mga tricycle drivers at mga bangkero dun, kasi pag kinuwento nga naman nila masisira ang hanapbuhay nila. Hanapbuhay nilang pagsasakripisyo ng buhay ng ibang tao.

    Kung mahal mo ang kaibigan mo o pamilya mo, huwag mong ilapit sa mapanuksong ganda ng Anawangin, marami pang ibang magandang lugar. Gawin nating si Mel na ang huling biktima, at sigurado akong ikatutuwa ni Mel na makatulong tayo sa ibang tao na malayo sa sakuna. “Don’t be a victim behind the beauty of Anawangin!!”

    At para sa’yo Mel, ang pagdarasal namin para sa Mapayapang Paglalakbay. Habang-buhay kang nasa puso namin. May you Rest in Peace.

    *********************************************************************************************

    Sa pangyayaring naganap ng araw na iyon, maisip sana ng mga taong nakapaligid sa Anawangin na hindi lang pera ang importante sa buhay ng tao, hindi lamang ang kikitain nila ang una nilang isipin at sa bawat sentimong mahahawakan nila galing sa mga dayuhan sa kanilang lugar ay may kapalit ding pwedeng mangyari sa mga mahal nila sa buhay. Huwag nyong hintaying balikan kayo ng tadhana at gantihan kayo ng kalikasan, huwag nyong hintaying singilin din kayo kapalit ng mga buhay na nawala dahilan sa inyong kapabayaan. Napakasakit mawalan ng mahal sa buhay, at sana ang buhay na ibinuwis ni Mel ang maging paraan upang mabuksan ang mga mata ng sambayanan na hindi nakikita sa ganda ng lugar ang kaligtasan ng bawat isa. Maganda mang tignan ang lugar ng Anawangin, pero may multong nakatago sa gandang nakikita natin. Huwag na po nating pabayaang may madagdag pa sa mga buhay na nawala sa lugar na iyan, huwag nyo pong isapalaran ang inyong mga buhay! Magandang pakikisama ng mga nagpapatakbo at nangangalaga ng Anawangin lalo na ni Aling Ligaya hindi po matutumbasan ng buhay na lalamunin pa ng isla ng Anawangin!!!!!

    Mel, maraming salamat sa iyong kabaitan hindi mo pa man oras ngunit kailangan naming tanggapin ang katotohanang binawi ka na ng Maykapal. Marami ka ng taong natulungan, marami ka ng mapasayang tao, mahirap man sa amin pero kailangan mo ng tumuloy sa iyong pupuntahan. Alam kong nasa tabi ka ng Diyos na Maykapal, at alam kong magiging masaya ka dyan. Huwag mo na kaming alalahanin dahil binigyan mo na kami ng mga alaalang hindi namin malilimutan, napakabait mong kapatid, tito at lalong lalo na bilang anak sa mga magulang natin. Humayo ka na at matahimik sa kandungan ng Panginoong Diyos. Maraming maraming salamat kapatid ko!!!! Mahal na mahal ka namin!!!!

    MICHAELA MAXINO HERNAEZ
    Sister of Melvin

    kengkay: thanks but this was the story that i posted in my blog 😀

    Komento ni gweners — Hunyo 3, 2008 @ 3:58 umaga | Sagutin

  20. salamat sa pag-post pa ulit dito (kahit late ko na nadiscover hehe), at least mas maraming tao na ang nakakaalam di ba. nakwento ko tong incident na to kay frenchguy and binalaan na din na uso nga yang ganyan sa zambales (since taga-zambales nga ako di ba), aba e aware daw sya sa rip current ek ek na yan, bakit daw ba? di daw ba tayo aware? nak ng, taga isla pa mandin daw tayo.. e sabi ko nga, di nga ako marunong lumangoy, rip current pa kaya ang malalaman ko.. e hanggang syokoy at serena lang ang alam ko tungkol sa dagat, lol.

    kengkay: hay, hirap talaga kasi minsan yung mga superstitions ang nauunang ituro sa atin kesa sa mga katotohanan e. at least ngayon nakatulong tayo sa pagpapaliwanag tungkol sa rip current na yan

    Komento ni analyse — Hunyo 15, 2008 @ 7:27 hapon | Sagutin

  21. pagtapos magdugo ng ilong ko, eh nakakatuwa pa ding isipin na sila ay nagtatago din sa pangalan na “kababalaghan, engkanto, alay”. hehehe.

    kengkay: nosebleed ka rin ha 😀

    Komento ni aKDa — Hunyo 21, 2008 @ 6:24 hapon | Sagutin

  22. Pag kasi bago ang place observe muna. May mga beach na biglang lalim, gaya sa Bataan binubuldoze nila pati dagat kuha ng buhangin pang construction e pano kung nasabayan ng current? Paano rin kung may pating.lol. posible da ba.lol. Sa dami ng experience ko sa pagkalunod ewan ko na lang, yong last time na nalunod ako sa pool, paano wala na pala akong practice mabilis akong napagod sa paglangoy e wala pa ako sa mababaw na area.lol

    kengkay: ay ano ka ba, bakit ka naman ilang beses ng nalunod? pero dapat talaga dahan dahan muna lalo na kapag walang praktis

    Komento ni visitor1 — Hulyo 16, 2008 @ 7:47 umaga | Sagutin

  23. anawangin sa zambales eto rin poh ba ung pundaquit sa zambales na may 3 islands na pnpkita s ibng website?? ask lng poh,,mala boracay daw..

    kengkay: sa tingin ko sila na rin yung magkakalapit. hindi ko ma confirm kasi hindi pa rin ako nakakarating dun e. pero oo nga, ang ganda ganda nya sa mga litrato

    Komento ni tsupii — Pebrero 12, 2009 @ 3:05 umaga | Sagutin

  24. hi po! waaaa ntakot nmn ako sa rip current.. nakpunta n ako dun sa anawangin last yr lang (nov2008), ang saya nga e.. but b4 kami pmunta dun xmpre ngbasa muna kami bout anawangin and behind that.. (sa tulong ng net). kala ko nmn may engkanto hahaha.. wala pala. RIP current pala tawag dun (i knew it!haha). we’re planning pa nmn pmunta dun ng mga frends q, ngtthink twice tuloy ako. hmmm… good luck n lng samin if mttuloy! tenkz sa info!=0

    Komento ni yey — Marso 9, 2009 @ 3:18 umaga | Sagutin

  25. thanks sa post.. i am so relieved. kala ko kung ano na.. youre the best!!!

    Komento ni michael_charmed — Abril 11, 2009 @ 3:58 hapon | Sagutin

  26. Hi Guys,

    I have been reading a lot of things about anawangin. Surely it is a paradise. Other people are hesitant to go because of untoward incidents that had happened.

    I’m pretty sure that you have heard there types of scenarios. they happen in gallera, anawangin, siargao, etc… I don’t want to blame untoward scenarios to these beautiful places. The beach, the mountains, or even in your own house has its dangers.

    Persons drown because of strong underwater currents, undertows, and popular known as riptides. They can occur anywhere waves are breaking on shore.

    I know a number of people has lost their lives due to this. They are dangerous but are relatively easy to escape if you stay calm. I think if people only knew what to do, there would be a lot less deaths. Here are some websites I found on how to survive an underwater current hope this helps and please pass to others:

    http://www.popularmechanics.com/science/worst_case_scenarios/1289281.html

    http://www.susanscott.net/OceanWatch2001/nov16-01.html

    http://www.associatedcontent.com/article/824729/riptide_the_danger_and_how_to_survive.html

    Komento ni karl reiner — Abril 21, 2009 @ 12:58 umaga | Sagutin

  27. We were at Anawangin last November 29,2009, and I myself witnessed these tourists fighting for their survival against rip current. Fortunately, they were saved and survived. Traumatized! I tried to go to the center, yet its really hard to swim, seems pulling me towards, so what I did is to swim parallel and get out from that portion. Rip current really exist on that beach.

    Komento ni godfrey — Nobyembre 30, 2009 @ 1:14 hapon | Sagutin

  28. Hello Fellow Anawangin Enthusiasts,

    Please help us build a bigger community for Anawangin Cove in Facebook by becoming a fan of our page. Visit http://www.facebook.com/anawangincove and read interesting write-ups about Anawangin. There are very helpful articles to guide you if you’re planning a trip.

    Let’s increase environmental awareness by promoting the natural beauty of Anawangin Cove. Don’t forget to suggest to your friends!

    Thank you,
    Anthony

    Komento ni Anthony — Marso 16, 2010 @ 10:48 hapon | Sagutin

  29. Hello po, this is Gerard from QTV 11 and we’re planning to produce a story about water mysteries. Can we get the contact number of Ms.Michaela Maxino Hernaez? Baka po pwede namin siya ma-intwerview pati yung family ng victim. Kung compelling po yun story magdadala kami ng experts sa Anawamgin beach to test kung bakit maraming nalulunod don. Thanks po. Feel free to contact me at 926-4523 or 09298180095. Thank you so much po.

    Komento ni Gerard Dave de Castro — Marso 23, 2010 @ 4:08 hapon | Sagutin

    • hi gerard, forwarded email lang tong story but it’s a true story. you might want to read through the comments coz i think someone who was with their group left a comment here.

      Komento ni kengkay — Marso 23, 2010 @ 11:42 hapon | Sagutin

  30. oh my god… when i try to search those beautiful spot in zamabales for our thesis eto yung bumulaga sakin… oo tama nga kayo maganda.. pero sa mga nabasa ko… parang biglang na turn off ako sa zambales… this coming october 1 2011 me and my group mate were planning to go in zambales… prang nawalan tuloii ako ng gana even im a beach lover… di ko alam kung di ako sasama or what… sana di na lng mangyari samin to… i hope so… but thanks for those tips in case man na mangyari yun rip current… thanksyou guys

    Komento ni ceechie — Setyembre 26, 2011 @ 7:02 umaga | Sagutin

    • hi ceechie, as long as you and your group would take notice of the safety tips, am sure magiging masaya din ang bakasyon ninyo.

      Komento ni kengkay — Setyembre 27, 2011 @ 5:42 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: