Kwentong Kengkay

Mayo 31, 2008

Brown Out

Kaninang hapunan.

Umulan.

Kumulog.

Kumidlat.

Nawalan ng kuryente.

Pero isang sekundo lang.

Brown out na bang matatawag yon? Ano pa nga ba.

Boring! Asar din para sa mga little kengkays.

Kwento ko kasi sa kanila sa Pinas.

Kapag brown out labasan lahat ng tao ng bahay. Labasan mga bata para mag laro.

Lahat may dalang pamaymay – tunay man o tinuping diyaryo o magazine. Lahat may sinding kandila.

Matanda o bata may sariling agenda sa buhay.

Chismisan. Tumbang preso. Tuksuhan. Patintero. Kulitan. Night and Day. Kwentuhan. Pepsi- 7up. Sumbungan. Taguan Pung. Kainan.

Di ba masaya kapag brown out sa atin? Piesta!

Pero kung isang sekundo lang, naman… di bale na lang!

Advertisements

30 mga puna »

  1. at dahil sa laging may brown out sa pinas after 9 months ang daming sanggol na isinilang…hehh

    Komento ni dakilang islander — Mayo 31, 2008 @ 11:53 hapon | Sagutin

  2. wahehe kaka miss na nga ang brown out lalo na sa gabi at may boypren ka at nasa tamabayan kayong barkada hehe..

    pero ngaun samen, madalas din kaming brownout kc madalas kami maputulan ng kuryente! 😆

    Komento ni koreanmine — Hunyo 1, 2008 @ 12:11 umaga | Sagutin

  3. Ay, boring nga ang brownout jan sa Germany. Sa Pinas, pag nag brownout, may nakawan, may nabubuntis, may sunog.

    Komento ni blogRebel — Hunyo 1, 2008 @ 2:17 umaga | Sagutin

  4. may brownout ba dyan sa Germany? akala ko sa pinas lang. Ok lang sa akin kung brownout na dito bawas konsumo ng kuryente. hehehe. wag lang palagi.

    Komento ni nanay belen — Hunyo 1, 2008 @ 2:22 umaga | Sagutin

  5. sayang.. isang segundo lang yung brownout.. pero badtrip pag sobrang tagal ng brownout, hindi ako nakakapgblog! hehe

    Komento ni linglingbells — Hunyo 1, 2008 @ 3:39 umaga | Sagutin

  6. Brown Out – Pinoy lang ang nakakaintindi ng phrase na yan. Mawiwindang ang ibang lahi pag narinig nila yan kasi hindi nila alam ang meaning. Dito sa Qatar meron din nyan. Kainis pag PC gamit mo mawawala lahat ng unsaved documents mo kasi hindi uso UPS dito dahil nga madalang lang ang brown out.

    Komento ni nina — Hunyo 1, 2008 @ 5:21 umaga | Sagutin

  7. hehehehe…uu, ang saya pag brownout! ang dami pwedeng gawin.

    ang dami namin fun moments dati eh nung halos twelve hours ang brownout, kakamiss. 🙂

    Komento ni Aling Baby — Hunyo 1, 2008 @ 7:45 umaga | Sagutin

  8. malapit na uling magpiyesta ng brownout dito sa pinas gawa ng estupidong meralco-gsis rift na yan.

    Komento ni bluep — Hunyo 1, 2008 @ 8:02 umaga | Sagutin

  9. tuwang tuwa ako habang binabasa ko ang post na ito. Parang ang cute baga, totoong totoo yung sinulat mo tungkol sa brownout dito sa atin. Hehehe…!

    Komento ni rino — Hunyo 1, 2008 @ 11:45 umaga | Sagutin

  10. Tapos pagbalik na ng ilaw, magsisigawan ang mga tao ng “ILAW!”

    Haha! Ang saya diba?!

    Komento ni parasaakinlamang — Hunyo 1, 2008 @ 11:56 umaga | Sagutin

  11. hehe, oo nga no. boring nga dito. sa pinas, lahat nyan nasa kalye na, naghihintay ng balut, o di kaya e fishball..

    Komento ni analyse — Hunyo 1, 2008 @ 12:25 hapon | Sagutin

  12. PS: Uy naging guest ka pa ulit ni Joy sa Usapang Pinoy, sayang na miss ko kasi medyo puro pahinga ako ngayon after my leg operation.

    Komento ni rino — Hunyo 1, 2008 @ 12:26 hapon | Sagutin

  13. ahahhaha…sana inextend nalang….kung ako sau mami kengks, utuin mo ang mga litol kengs ko..kunwari brown out..pero i off mo lang pala ang main switch ng bahay niyu..ahaha

    Komento ni Maldito — Hunyo 1, 2008 @ 1:22 hapon | Sagutin

  14. aww.. ako din mamakengkz, namiss ko brownout na old school! ahehe.. yung mga ilang oras lang na brownout ba, tas pag inabot ng gabi, magkukwentuhan ng mga takutan hehe! tas pag may ilaw na, nag-aagawan kami magblow ng kandila at magsabi ng hapiberdey! 😀 .. ngayon, di na rin uso eh, either sobrang bilis lang (ilang minutes) or sobrang tagal (mga ilang araw) 😦

    Komento ni lilmiz — Hunyo 1, 2008 @ 5:06 hapon | Sagutin

  15. I think Blackout ang tawag dun? Brownout parang the whole civilization ata affected. Whatevs, meaning talagang walang kuryente. Sanay na tayo dyan sa Pinas. So far dito sa HK wala pang ganun, or else think about those trains underground? Knock Onda Wood.

    Komento ni K — Hunyo 1, 2008 @ 5:52 hapon | Sagutin

  16. Mommy Kengks, ikaw na bahala sa amo ko hehehe… Anjan na eh…

    Komento ni diwatang_byaning — Hunyo 1, 2008 @ 9:36 hapon | Sagutin

  17. nakakatawa pati mga comments about brown out! sa barrio siete, buong buhay namen brown out kaya DOSE kami sa PAMILI hahahaha

    Komento ni reyna elena — Hunyo 1, 2008 @ 9:52 hapon | Sagutin

  18. pag laging brown out masaya pero nasisira ang mga appliances

    Komento ni icy — Hunyo 1, 2008 @ 10:05 hapon | Sagutin

  19. hahaha pag me Pilot Episode ang GMA-7 asahan mo mag brow out dito…hehehe pero tutuo nga na pag brown out akala mo fiesta dahil lahat ng tao nasa labas. nuong bata ako ang naalala ko eh yung “gasera” yun ang gamit namin eh.. 😉

    Komento ni barquera — Hunyo 2, 2008 @ 6:42 umaga | Sagutin

  20. oo nga naaalala Ko pa pag brown out d2 at pag bumalik na ang kuryente lahat ng kapitbahay ko sumisigaw at naghihiyawan.. para talagang fiesta sinabi mo pa.. haha…

    Komento ni jeniffer — Hunyo 2, 2008 @ 7:04 umaga | Sagutin

  21. hmmm. medyo related sa post ko. kaso lang sa amin pag brown out walang makalaro at makausap. konti lang kasi sa neighborhood. mas gusto ko pa dun sa dati naming bahay sa cavite, ang daming kalaro at kapitbahay. hehe

    Komento ni Jeck — Hunyo 2, 2008 @ 8:26 umaga | Sagutin

  22. ahahaha!onga naman isang segundo lang. boring! ahahahaha! masaya talaga pag brownout.. un nga lang mainet. pero masaya naman talaga.. hehehe.. 😛 panu po ung pepsi-7up? laro po ba eun?? waaah!!! dko lam un.. tskk..

    Komento ni batopik — Hunyo 2, 2008 @ 8:49 umaga | Sagutin

  23. nagba brownout din pala jan ate kengkay. ahehe.. bihira nalang mag brownout dito sa pinas (or baka sa amin lang), pero sa amin di na uso yung mga kwinento mo po sa mga little kengkays..

    Komento ni neex — Hunyo 2, 2008 @ 10:38 umaga | Sagutin

  24. Naku, di uso ang boring moment dito sa Pinas! Kahit anong sitwasyon, may tawanan talaga. Magaling ata tayang maghanap ng mapaglilibangan. 😀

    Komento ni Salve — Hunyo 2, 2008 @ 11:04 umaga | Sagutin

  25. nakakamiss yung mga mahabang brownout.
    di na kasi ngayon uso yun.
    lahat instant.

    Komento ni tim ang — Hunyo 2, 2008 @ 2:52 hapon | Sagutin

  26. ayy oo.. piyesta nga pag brownout! haha! kaso di ko kaya mag wish ng brown out… lalo pag may pinagpupuyatan ^^

    Komento ni wei vines — Hunyo 2, 2008 @ 4:30 hapon | Sagutin

  27. ano ba talaga?
    brown-out o black out???
    hahaha!
    o sya! pyesta talaag pag brown-out
    imagine, ang kulong sa bahay na tulad ko eh mapaplabas dahil lang kay brownout
    hahaha

    Komento ni eloiski — Hunyo 3, 2008 @ 2:11 umaga | Sagutin

  28. Hello Kengkay!

    A sa probinsya, brown-out man o hindi, ganoon pa rin, tsismisan, kuwentuhan, asaran 🙂 pero wala na masyado ang larong mga tumbang preso, patintero, etc. Marami na kasing sasakyan ang dumadaan sa kalsada e. Papaano sa kalsada naman talaga kami naglalaro noon at wala ng ibang espasyong mapaglaruan. Ahhh, ang buhay probinsya noon, nakakamiss talaga!

    Komento ni Sofie — Hunyo 4, 2008 @ 11:12 umaga | Sagutin

  29. […] kasi nagreklamo ako dun sa isang sekundong brown-out dati; nagkaron tuloy ng isang pagkahaba-habang brown-out dito sa kalye namin kahapon! […]

    Pasa ni Brown-Out 2 « Kwentong Kengkay — Hunyo 19, 2008 @ 7:12 hapon | Sagutin

  30. Masaya ung mga unang panahon ng brown out jan sa atin kesa sa ngayun kac,
    like ang brown out ngayun anytime of the day na eh,pero dati tuwing papasok pa lang ang alas sais ng gabi,for about a couple of hours.marami na naitanan,marami na rin ang na _ _ _ _ !alam nyo na. Yeheyyy!! may ilaw naaaa….

    Komento ni thebestangpinas — Hulyo 21, 2010 @ 3:08 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: