Kwentong Kengkay

Hunyo 5, 2008

Wine Tasting

Sempre kapag may bisita, pa impress kami. Unang nag pakitang gilas ang mga little kengkays kasi nga sila ang nag offer nung bed nila, naglinis at kung ano pang chika sa bahay. Kami naman ni kengkoy ibang paraan naman ang aming pagpapakitang gilas.

Nag offer naman kami ng wine tasting! Ilang linggo ding nangulit si kengkoy dun sa aming suking tindahan ng wine; kasi nga dapat in english ang wine tasting lalo pat kung magpapakalango ang aming bisita di ba? So pumayag naman at sempre, ready na kami.

Sinundo namin si kengkoy sa train station, at sempre, may driver akong kasama, si tito louie, hehehehe. Hirap nga lang kasi ako ang navigator, iba kasi ang rules ng driving dito sa alemanya kesa sa pinas, actually, walang rules sa pinas! O tama ba ako?

Mga isang oras din ang aming byahe papunta sa vineyard. Nakatulog na nga si bunsoy, naubos na ang isang lata ng pringles bago kami dumating dito…..
O yan yung pintuan papunta sa wine cellar…posing posing muna
Since, 1875 pa sya — from generation to generation pero yung nagiisang anak nung mag asawa e wala na daw interest para ipagpatuloy ang kanilang business, sayang ano?
Ekkk, bakit ang mga anak ko ang naunang mag wine tasting? Feeling professional wine drinker naman itong si panganay ko. Nakakakaba.
Grabe kung tumungga si bunsoy ko, kanino kaya nag mana yan?

Opps, mukhang tinamaan na agad si bunsoy ko. Tumba na yata..
Naku, hindi pa rin pala, tungga pa rin sya
Ayan, taob na taob talaga… Kampay!!!!
Wine tasting goes like this: look (tingnan mabuti ang kulay at medyo i-swirl ng konti yung kopita); smell (ipasok yung ilong ninyo sa loob ng kopita); at taste (namnamin at hindi laklakin!). Meron pa ngang isang malaking kopita kung saan nyo pwedeng itapon yung sobrang wine kung hindi nyo type inumin. Si louie hinayang na hinayang kaya di nagtapon. Si kengkay kapag di talaga type, tapon ko agad no.

Nakita nyo yung anim na botelyang yan, simula pa lang yan. Dapat daw white wine muna kasi usually daw ang mga dumarating sa wine tasting e may naiiwan pang lasa nung huling nainom nya — like coke or juice. Kapag red wine daw ang una e hindi daw ito talagang malalasahan. Ganun pala yon.
Break time muna, at medyo tinatamaan na; silip muna kami sa kweba ng mga alak na super lamig po talaga, brrrrr. As in super lamig nagtayuan ang mga balahibo kong lashing na rin yata!

Pagbalik namin, nadagdagan ang mga natungga namin. Pagkatapos ng mga 12 bottles, give up na si kengkay. Lashenggg na ko. Ngorkkkk- Wala pa ring red wine na dumadating non ha.
Pero dahil ang sarap ng kwentuhan at nakahanap ng laruan ang mga little kengkays, ano pa kundi yung corks ng wine! Wine tasting pa rin… nag request na ako na mag red wine na dahil hindi ko na po kayaaaa. In the end, mga 20 different wines ang natungga namin po. Hindi na ko makalakad ng matino, gusto ko ng mag hele…

At eto na ang mga nakikita ko…
Eto pa
At ayan pa
Arrrgh, ang dami po talaga! Lasheng na talaga ako. Gusto ko na lang matulog sa isang sulok pero sarap pa rin sa kwentuhan si louie, si kengkoy at ang mga vineyard owners, medyo tamang business na kasi ang usapan e. Bakit daw kasi walang german wine sa pinas e mantalagang masarap talaga ito? Ang simpleng sagot? Mahal ang taxes bago pa man mailabas ng alemanya! Kumabaga, kapag dumating sa Pinas ang wine, super mahal na sya compared to those coming from California at Australia.

Oh well, yun lang. At kapag na-alala ko yang experience na yan e inaantok talaga ako!

P.S. Yung wine na tinungga ng mga little kengkays e grape juice lamang po!

Masarap na handa yang wine sa Barrio Fiesta Tierra Maria Estates Hospital Scams πŸ˜€

Advertisements

26 mga puna »

  1. ang tindi ng mga little kengkays.
    ako hindi kasi ako umiinom nga mga wine, whiskey, beer, gin at kung anu-ano pa yan.
    wala lang…
    mahirap na’t baka maadik ako.
    hahaha!

    pero ang sarap uminom ah. nakakainggit tuloy yung dalawang kengkay.
    ung kapatid ko mahilig din sa wine eh.

    kengkay: basta ako nakiki inom lang pero in moderation, ewan ko kung anong maging case paglaki nitong mga anak ko, hahaha

    Komento ni eloiski — Hunyo 5, 2008 @ 9:14 umaga | Sagutin

  2. yong former boss ko may collection ng vintage wine. Minsan pinatikim nya kami 1953 red wine – ang sarap. Ang masarap na wine daw ay depende sa klase ng grapes at kung saan inani yong grapes. Tapos habang naluluma – nawawala na yong pait. Pero hindi lahat ng wine pwede -stock ng matagal at kapag luma na kailangan inom agad pagkabukas kasi mabilis na mawala yong flavor. Hay…

    kengkay: tama ka dyan. may wine na habang tumatagal e sumasarap. may wine na dapat mo agad ubusin kasi mawawala ang sarap kapag tumagal sa bote. at etong isang tip, kapag bukas na yung wine at gusto mong i-ref, wag ilalagay dun sa may pinto ng ref kasi habang naalog e nawawalan ng lasa yung wine πŸ˜€

    Komento ni nina — Hunyo 5, 2008 @ 11:06 umaga | Sagutin

  3. …OMG! tingin pa lang parang ako na ang nalasing agad sa sobrang daming wine.hehehe!
    …hayuf, lakas tumagay (ng grape juice) nina little kengkays ah..me future agad sila.hehehe!

    kengkay: nagtanong pa kami si panganay ko kung pwede ba daw syang tumikim nung tunay!!! waaaa simula na πŸ˜€

    Komento ni sommer — Hunyo 5, 2008 @ 11:19 umaga | Sagutin

  4. anuberr, ang daming alak! hindi ko pa natitikman parang nalasheng na ko bigla hik! πŸ˜†

    ang cool naman ng experience nyo ate kengks, nagbayad ba kayo para sa wine tasting na yon? sana mag-share ka pa ng maraming ganyan hihihi, nakaka-enjoy basahin.

    teka, na-peyk ako ng mga little kengkays ah..for a moment akala ko talaga nainom na talaga sila πŸ˜†

    kengkay: may konting bayad kasi kapag may wine tasting dapat may kaharap kang konting pagkain dahil kung wine lang yan e tumba ka agad after 5 bottles, wahahaha. pero dahil suki na kami at marami kaming biniling wines pagkatapos, super mura na lang yung bayad

    Komento ni Aling Baby — Hunyo 5, 2008 @ 12:57 hapon | Sagutin

  5. ako din pahinging grape jucice! hehe

    akala ko din uminom talaga sila ng wine hahaha

    kengkay: may libre kaming grape juice na pinauwi sa amin, gusto mo? di kasi sya talaga type ng little kengkays e, inom lang sila dun dahil yun lang ang pwede nilang inumin kundi mauhaw talaga sila. ako din di ko type kasi super sweet, kasi nga pure grape sya e

    Komento ni eyna — Hunyo 5, 2008 @ 2:06 hapon | Sagutin

  6. bulag ang proxy ko kaya wala akong makitang pictures. kala ko naman talagang nag-wine tasting din ang mga little kengkays hahaha. pero talaga bang magkakaiba ang amoy ng wine? kwatro kantos lang kase ang alam ko kaya yung mga red wine red wine yan e pare-pareho lang ang amoy para sakin kaya kahit isawsaw ko na ilong ko sa kopita e pareho parin. siguro kung sa mata e may selective color blindness, sa ilong meron din selective smelling senselessness. hahaha, tama ba yung term ko. hahaha πŸ˜‰

    kengkay: nyek, ang hirap naman ng buhay mo dyan sa bulag mong PC. anyway, alam mo dati di ko rin maintindihan yung amoy ng wine, sabi ko e pare pareho lang naman sya, pero dahil ilang beses na rin kaming nag wine tasting, ngayon e feel na feel ko ng maki amoy, hahaha

    Komento ni Kotsengkuba — Hunyo 5, 2008 @ 2:32 hapon | Sagutin

  7. ang lupeeet!
    cgro ang sarap nyan!
    fave ko talaga alak kahit ano basta alak.. fetish ko yun lols!

    kengkay: fetish mo alak, hanubayon, hahahaha

    Komento ni Geisha — Hunyo 5, 2008 @ 2:40 hapon | Sagutin

  8. steeg! daming alak!
    pagdating sa mga wines mahina pa ang body ko bumibigay agad…
    magiging mahilig na sana ako pero hindi pa ata redy ung katawan ko..

    kengkay: hinay hinay lang sa wine. pa sip sip lang dapat. pero alak, iba naman yon ano.

    Komento ni yavinfour — Hunyo 5, 2008 @ 5:42 hapon | Sagutin

  9. lupet ang sarap! dito sa pinas, yun ang tinutungga namin hehehe, bawal na kasi ang beer sa kin. sana youtube na lang ang pinakita mo, naexcite/curious ako sa loob. Nanlalaki ang mata ko sa mga pix ng wine, sign na ba to na alcoholic in training ako? heheheh

    kengkay: nanlaki mata mo? alcoholic ka na nga, hahahaha. pero sarap ngang mag wine tasting kasi ibang experience to

    Komento ni bernardumali — Hunyo 5, 2008 @ 11:05 hapon | Sagutin

  10. wow! naalala ko yung bar days ko! matapos ang trabaho ko ng 3am walang tulugan na kapag may wine course at 8am, shempre kasama yung sang katutak na wine tasting dahil sang katutak din na bansa ang kelangan pag-aralan at lahat yun may sample na mga bote. hmm.. alas dose, umiikot na paningin ko, sinabayan ng walang tulog eh! hahaha! but somehow enjoy naman! πŸ˜€

    kengkay: hay ako di ko dati type ang wine dahil mas type ko ang tequila at bailey’s, until now naman e ahahaha

    Komento ni Banana — Hunyo 6, 2008 @ 3:25 umaga | Sagutin

  11. ok mga kengkays mo ah. game na game

    kengkay: game na game yan, tatay at nanay kasi nila e cowboy at cowgirl πŸ˜€

    Komento ni nanay belen — Hunyo 6, 2008 @ 4:47 umaga | Sagutin

  12. nakakauhaw! sana dyan na lang ako nakatira sa tindahang yan!

    kengkay: naku delikado, hindi ka na siguro namin nakausap ng matino, hahaha

    Komento ni kulot — Hunyo 6, 2008 @ 5:16 umaga | Sagutin

  13. mahabang habang inuman to ate kengs ah!!
    astig ang mga little kengkays…=)

    kengkay: masarap ang mahabang inuman, hahaha

    Komento ni rio — Hunyo 6, 2008 @ 5:35 umaga | Sagutin

  14. daig pa ko ng mga little kengkays sa pagtagay…

    kengkay: sanay na sila e, ahahaha

    Komento ni duskfading — Hunyo 6, 2008 @ 5:45 umaga | Sagutin

  15. wow ang daming alak.. ang sarap naman nyan.. ate kengks mukhang c bunsoy mo lasing na.. hahaha

    kengkay: si bunsoy ko amoy pa lang nalasing na yata, hahaha

    Komento ni repah — Hunyo 6, 2008 @ 9:45 umaga | Sagutin

  16. grape juice! ahehe.. at least parang naki inom nadin ang mga little kengkays ng wine. tsaka sayang nga yung business nila, ako nalang magmanage. ahaha

    kengkay: mag aral ka na ng german language bilissss

    Komento ni neex — Hunyo 6, 2008 @ 10:57 umaga | Sagutin

  17. grabe! kung sakaling mamamatay ako at bubuhayin ulit gusto kong maging german, dahil lang dyan! gusto kong makulong dyan pag bertdey ko’
    pero ako lang ba ang natatae pag umiinom ng wine? .. abnormal ako.

    kengkay: baka maling wine ang naiinom mo kaya nagwawala ang tiyan mo. alam mo jon, kapag nanalo ako sa lotto ikaw ang unang pagsasarhan ko ng pinto dyan sa wine cellar na yan, medyo super lamig nga lang pero sa dami naman ng wine na lalanguin mo, hindi mo na maramdaman yon. pramis yan

    Komento ni Jon Cabron — Hunyo 6, 2008 @ 12:18 hapon | Sagutin

  18. ang bata bata pa lashengero na..ahahha….masarap ang wine….pero hanggang novelino lang ako.

    kengkay: ano yung novelino?

    Komento ni Maldito — Hunyo 6, 2008 @ 3:17 hapon | Sagutin

  19. anwys,.mami kengks, ang book indi pa nakarating saken..kaninis.

    kengkay: baka nabuksan na sa post opis at pinapaxerox pa, hahahaha.

    Komento ni Maldito — Hunyo 6, 2008 @ 3:17 hapon | Sagutin

  20. Galing tumungga ng mga little kengkays! parang totoong umiinom a!

    hay, wish ko din makapasyal sa vineyard. ang napuntahan ko pa lang, gawaan ng tuba! sa kapitbahay lang! πŸ˜€

    kengkay: uy, pengeng tuba si kengkoy, pwede maki kapitbahay sa inyo?

    Komento ni Salve — Hunyo 7, 2008 @ 2:59 hapon | Sagutin

  21. nyahahhahah….
    true mami kengks!
    lumalabas kasi L pag nalalasing.. hehhehe πŸ˜†

    kengkay: hmpff, para kang ako, hahaha

    Komento ni Geisha — Hunyo 7, 2008 @ 5:25 hapon | Sagutin

  22. shhhhhh.. waka maingay!
    may mga little kengks dito πŸ˜€

    kengkay: yung panganay ko nagtanong na nga kung kelan daw sya pwedeng tumikim, wahahah

    Komento ni Geisha — Hunyo 7, 2008 @ 9:58 hapon | Sagutin

  23. HAHAHA! ano ba yan? sinasabi ba nang Little Kengkays yong mga ginagawa mo nun sa Barrio? Hahahaha

    kengkay: sssshhhh, sabi nga ni geisha wak daw maingay, hahaha

    Komento ni reyna elena — Hunyo 7, 2008 @ 10:50 hapon | Sagutin

  24. Kainggit naman! gusto ko rin mag-wine tasting ahihi! Lupit ng little kengkays! =)

    kengkay: sige kapag naligaw ka dito sama tayo sa wine tasting

    Komento ni Callcentergal — Hunyo 8, 2008 @ 1:44 hapon | Sagutin

  25. […] at bukas, absent ako sa blogging world. sa umaga kasi e maghahakot kami ng wine at ubos na daw ang pinigang ubas sa aming cellar, naks, feeling may wine cellar daw o. wine kasi ang pinaka-okay na pang regalo e. halos lahat e tumutungga ng wine, di ba? atsaka bote bote lang yon, kapag beer e case case, hehe. punta kami sa may winohan dito ba. […]

    Pasa ni krismas party « Kwentong Kengkay — Disyembre 5, 2008 @ 12:58 hapon | Sagutin

  26. […] sempre yung tunay na bote ng vino e kami ang bida sa tunggaan. pano daw mag wine tasting? […]

    Pasa ni lasheng « Kwentong Kengkay — Disyembre 8, 2008 @ 2:02 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: