Kwentong Kengkay

Hunyo 6, 2008

Itlog

Masarap na kwentuhan ang itlog, hahahaha. Pero itlog nang manok po ang ating diskusyon ngayon.

Matagal na kasi akong nagtataka. Kasi kapag bumili ka ng itlog dito sa alemanya, ang karamihan ng laman ng isang box e sampu. Meron din namang maliit na box na ang laman naman e apat. Pero dahil malaking pamilya kami at masarap magluto ng scrambled egg itong si panganay ko, sempre sa weekend grocery namin; dalawang box ng itlog ang bibilhin namin.

Ngayon ang siste, yung aming ref, pang (7) pitong itlog lang ang kasya. E bakit naman kaya?

Tapos yung isang ref naman namin na bagong bili, walang lagayan ng itlog! Ano ba yun! May mga tao kasi na hindi kumakain ng itlog dito e, hindi naman namin napansin na walang lagayan ng itlog yung ref nung binili namin kasi normally meron dapat sya di ba? Ang una kasi naming tiningnan nung bumili kami ng ref e yung size nung ref (kung kasya dun sa basement namin) at yung kanyang energy consumption (may mga classification yung mga electric appliances dito from A-E; depende kung gaano sya kalakas kumain ng kuryente at sempre kapag binili mo yung mas mahal pero tipid naman sa gamit ng kuryente meron kang makukuhang bonus money dun sa iyong electric company.).

O kaya kapag bilihan ng itlog, at kapag ililipat ko na yung mga itlog sa ref, dapat hinay hinay kasi mag balancing act dapat yung mga itlog dun sa kinalalagyan nila. Tapos sempre nakalagay pa yung itlog sa may pintuan. Ibig sabihin, bawat bukas mo ng pinto – nanganganib ang mga itlog.

Sabi siguro ng mga itlog, ‘ngiii, ayan na naman at bubuksan ang pinto ng ref; kapit kayong mabuteeee.’

E bakit naman napunta ako sa itlog? E kasi nakahanap kami ng supplier ng itlog. At yung itlog ba na humanely treated kasi mga pakawalang manok sila. Mga manok na pinapagala ba ng kanilang mga amo. Hindi tulad ng ibang kawawang manok na sa loob lamang sila ng kanilang kulungan at dun nag sisiksikan. Yan ang inhumane daw. At kanino naman daw kami makakakuha ng ganitong itlog? Dun sa isang nakilala ko dito na Pinay, yung asawa nyang aleman ay nag aalaga ng manok; at may alaga rin syang prutas at mga gulay — at take note ha, andito sila sa siyudad.

At nasabi ko rin ba na ngayong summer time e halos di na kami bumibili ng gulay at prutas sa palengke? Kasi nga meron kaming tanim sa aming bakuran. At asa siyudad din kami. Ang laki ng tipid talaga.

Ngayon eto ang tanong nung asawang aleman nung pinay na may itlugan ng manok: bakit daw sa pinas, na buong taon e pwedeng magtanim at mag-ani ng prutas at gulay at mataba ang lupa — e hindi daw iyon magawa? Samantalang sagot na nga iyon para makatipid at hindi matulog ng kumukulo ang sikmura.

Bakit nga kaya? Alam ko, maraming rason yan, alam kaya nating mga Pinoy kung bakit?

At sempre masarap ihanda ang itlog, fresh na prutas at gulay kapag tuloy tuloy na chikahan sa Barrio Fiesta UK Tierra Maria Estates Hospital Scams πŸ˜€

Advertisements

13 mga puna »

  1. Hehehe. Ayos itong post mo Ate Kengkay. Tungkol nga sa itlog. Cute din ng kulay ng itlog nyo jan, kulay brown. Sa Pinas, yan yung itlog ng neytib na manok. Hehe. Sarap yan sa kanin na mainit tapos, ibudbud mo yung itlog dun, yung init ng kanin ang luluto sa kanya. Tapos samahan na ng tuyo at sukang tuba na may sili. Sarap. Nagutom ako. Galeng ako sa blog ni Dyosa, pagkain din dun. πŸ™‚

    kengkay: uy oo nga ano, native itlog yang ganyang kulay sa atin. dito kasi nagkakaron lang ng kulay puting itlog kapag easter na para makulayan ba kasi iba ang dating ng kulay kapag sa brown na itlog e. ang paborito namang ng little kengkays ko e yung nilagang itlog tapos ihahalo sa bagong lutong kanin, solb na sila dun

    Komento ni blogRebel — Hunyo 6, 2008 @ 12:26 hapon | Sagutin

  2. hmmm tingin ko lang kaya di uso nagtatanim sa pinas eh dahil mahal tubig pangdilig sa halaman, di ba? maraming areas tag hirap ang tubig kami sa baguio mwf lang ang delivery ng tubig at may oras pa. or kasi pag binagyo sira rin ang halaman at pag summer sobrang init naman–isa pang reason eh siguro dahil di hilig ng iba magtanim kasi mas gugustuhin makipag chikahan or be with friends and family kaysa pawisan ng husto at mag amoy araw.. hmm reasonable ba?? sociable kasi pinoy mga aleman eh may pagka introvert kaya mahilig mag gardening or magbasa

    kengkay: naks, talagang nag isip ka ha. tama yang mga sinasabi mo pero sa tingin ko mas mahilig kasi ang aleman mag garden kasi okay lang sa kanila madumihan, e ang mga pinoy kapag asa lupa ka parang kadiri ang tingin πŸ˜€

    Komento ni Toni — Hunyo 6, 2008 @ 2:52 hapon | Sagutin

  3. Depende kasi sa tao kung may tyaga sa pagtatanim, palibhasa dito sa Europe ay maraming seasons, they really take advantage of the summer-ang sisipag magtanim.at syempre pa, green houses ang sagot para all year-round and pag-ani.

    tekaaaa, may nabibili na separate egg holder for refs! check mo lang sa dealer na binilihan nyo.

    have a good weekend, kengkay πŸ˜‰

    kengkay: mas masipag sa europe when it comes to gardening kasi walang kasamang ka ek ekan di tulad sa pinas na kapag asa lupa ka nag ta trabaho e para bang iba na ang tingin sa yo. naku, walang nagsabi sa amin about that egg holders ah, hmpf

    Komento ni Thess — Hunyo 6, 2008 @ 7:11 hapon | Sagutin

  4. ang hirap naman ng buhay ng itlog nyo sa ref…constant stress..always opening the door eh…hahahaha

    kengkay: nakakakaba di ba, parati na lang antay kung mahuhulog ka ba o hindeee

    Komento ni ruthie — Hunyo 6, 2008 @ 9:05 hapon | Sagutin

  5. Exciting naman ang buhay ng mga itlog diyan sa inyo. Parang nakikipaglaro ng langit-lupa sa magbubukas ng pinto ng ref. Hahaha! Sa Pinas naman, maraming lagayan ng itlog, lagpas 12 ata yung slot dito, wala naman laman kahit isa. Hahaha!

    kengkay: yan nga napansin ko sa mga refs sa pinas, super dami ng lalagyan e pwede ka namang bumili sa palengke kahit anong oras e mantalang dito walang 24 hours na bilihan

    Komento ni Brent — Hunyo 7, 2008 @ 12:21 umaga | Sagutin

  6. kasi tamad? mas gusto nilang bumili sa grocery at palengke.

    Pero uso pa rin ang magtanim lalo na sa mga probinsiya, pero sa siyudad, parang wala na siguro.

    kengkay: parang ganon na rin yo, karamihan kasi may antay na biyaya galing sa abroad kaya antay na lang sila

    Komento ni Laarni — Hunyo 7, 2008 @ 2:02 umaga | Sagutin

  7. sakit ng katamaran…waaahh! tsaka wala nang bakuran dito…

    kengkay: waaaa, pari ako naki iyak kasi nawawala na ang bakuran dahil panay bahay ang nakatanim

    Komento ni wei vines — Hunyo 7, 2008 @ 3:35 umaga | Sagutin

  8. kasi mas marami ang taym nila para magreklamo ng mga gawain ng gobyerno kesa gawan nila ng paraan sa sarili nila kung paano maiuunlad ang mga buhay nila, naks pangkampanya lang ba? hehehe…

    dapat may fence ung lalagyan nung itlog sa ref para hindi ito mahulog pag binubuksan hehehe… πŸ˜€

    kengkay: pwede ring tama yang sinabi mo πŸ˜€ fence? pwede rin ulit, hahaha

    Komento ni Aling Baby — Hunyo 7, 2008 @ 5:39 umaga | Sagutin

  9. itong ref ko mas sosyal sa luma mong ref, dahil walong itlog ang kaya netong paglagyan. hehe
    marami namang palusot ang mga kapatid natin sa pinas kaya sa kanila nalang magtanong si mamang aleman.
    kami noon maraming prutas at gulay sa paligid ng bahay kaya totoo, ang laking tipid. ngunit ngayon dito sa inglatera, yung backyard netong nirerentahan namin ay talagang sinemento ng mar-ari. (di kaya may mga katawan ng tao sa ilalim? haha)

    buti pa nga kayo diyan e, ano. ano kayang kakainin ng mga taga europa kapag napadpad sila sa atin sa pinas eh hindi naman kasi uso ang mga free range na palamanukan doon?

    kengkay: alam mo dun din sa bahay namin dati sa pinas prutas at gulay ang asa bakuran pero ngayon e apartment na lang sya 😦 kakalungkot. teka muna, di ako papayag na mas marami ka pang lalagya ng itlog dyan sa inglatera kasi dito sa alemanya, waaaa πŸ˜€

    Komento ni utakmunggo — Hunyo 7, 2008 @ 5:55 umaga | Sagutin

  10. Hunga, bakit kaya ‘di masyadong nagtatanim ng gulay mga tao2 sa Pinas? Haha.. Sa bahay din namin wala.. Pero pag andito lolo at lola ko, may mga gulay na sa garden namin. xD

    Tsaka bakit “flesh” ung kulay ng eggs dyan? May types din ba ang itlog? Or depende sa manok? Mas masarap ba ‘yang variant na ‘yan? Hehe

    kengkay: sayang kasi mas makakatipid kung may sariling tanim, di ba? alam mo lahat ng itlog dito e flesh, kapag easter lang nagkakaron ng white kasi mas maganda raw kulayan yung white eggs πŸ˜€

    Komento ni aLps — Hunyo 7, 2008 @ 2:11 hapon | Sagutin

  11. Oy, masarap yang ganyang itlog, native! ganyan yung pinag-uunahan naming kunin ng mga pinsan ko nun sa silong nina tita sa probinsya. dami kasi nilang alagang manok dati.

    dito sa syudad, mahirap mag-alaga ng manok. malakai ang risk na pag-uwi mo, pagdaan mo sa kanto, yung alaga mo, pulutan na ng mga tambay sa kanto!

    kengkay: ahahaha, dami kasing naka abang na andoks dyan e

    Komento ni Salve — Hunyo 7, 2008 @ 3:14 hapon | Sagutin

  12. Masustansya yang ganyang itlog — inihahalo namin nuon nang hilaw sa serbesa.
    Popular ang “beer” sa Germany, di ba? Hindi ba nila ito ginagawa dyan? πŸ˜›

    kengkay: alam mo, ginagawa daw nila pero sa wine daw, yuks

    Komento ni homebodyhubby — Hunyo 8, 2008 @ 8:49 umaga | Sagutin

  13. sa ikatlong palapag ako nakatira ng isang flat kung tawagin dito sa holland,ang balkon ko naman ay napakaliit at duon lang ako nagsasampay ng mga damit sa araw-araw .nagtanim ako ng kamatis sa loob ng bahay ko pero hindi man lang ako naka-buhay kahit isa .ano kaya problema?

    Komento ni bloodymaryhand — Hulyo 27, 2008 @ 10:15 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: