Kwentong Kengkay

Hunyo 17, 2008

Ooopps

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Duon sa Amin,Hmmmm,Kwentong Kengkay — kengkay @ 3:51 hapon

Yan ang sabi nung batang kalaro ng mga little kengkays nung pumasok sya sa aming banyo at nakita nyang naliligo si kengkay.

Pero pagkatapos nung oooopss na yon, tuloy pa rin sya na naghugas ng kamay at nag wave goodbye pa sya nung matapos.

Wala kasing mga susi ang mga pintuan dito sa bahay namin e. Iba na lang yung front door. Kaya kung sino gustong bumisita sa amin, kung ayaw nyong may biglang susulpot habang gumagawa kayo ng milagro, magdala kayo ng sarili ninyong susi 🙂

Anyway, naisip ko lang naman. Kung dito sa alemanya e ganyan lang ka- relax ang reaction ng mga bata; ano naman kaya ang reaction sa Pinas? Ano sa tingin ninyo? At kayo, ano magiging reaction ninyo kapag kayo ang nasa loob nung banyo?

Ang may pinaka kyut na sagot mananalo ng libreng stay dito sa bahay namin, kayo bahala sa pamasahe but dont forget your own susi 😀

Advertisements

23 mga puna »

  1. Oo nga, maraming bahay dito na walang susi ang mga kwarto at banyo. Sa dati naming apartment, pag may dumating na bisita, doon ko lang kinakabit yong susi sa banyo. 🙂

    Pag wala naman, inaalis ko kasi nahuhulog lagi. Pero ngayon dito sa amin (lumipat na kasi kami), may mga susi na lahat, di na kasi nahuhulog e. 🙂

    Komento ni Sofie — Hunyo 17, 2008 @ 4:37 hapon | Sagutin

  2. ahmm depende sa papasok empre 😀

    pag bata, ay shooo shoooo labas labas 😆

    pag “adult” na SWM eh , ei, can i do samting 4 u? :wink : Lols 😆

    Komento ni koreanmine — Hunyo 17, 2008 @ 8:53 hapon | Sagutin

  3. my reaction pag biglang pumasok sa banyo mo at makita kang naliligo:
    oops!!! sorry mommy kkk…. sabay deadma… hugas parin ng kamay…. tapos bago ako lumabas ng pinto.. papaalam muna ako sayo… “sandali lang ha.. ituloy mo lang… brb……”

    … 2 minutes later, babalik akong may bitbit na upuan at popcorn……

    Komento ni defpotec — Hunyo 17, 2008 @ 11:44 hapon | Sagutin

  4. naguunahan ang mga posibilidad na pwedeng mangyari sa utak ko habang naiisip kitang naliligo.

    Komento ni Jon Cabron — Hunyo 18, 2008 @ 1:49 umaga | Sagutin

  5. Meron kasing kurtina ung banyo namin kaya kung bold ka at naliligo at may papasok bigla, ok lang. wehehee.

    Komento ni Laarni — Hunyo 18, 2008 @ 2:37 umaga | Sagutin

  6. Reaksyon? If I were you?

    “Huyyy bata ka sinong Tatay mo, papasukin mo sya dito”!

    *ondaplorlapingmyazop*

    Komento ni K — Hunyo 18, 2008 @ 3:13 umaga | Sagutin

  7. Kung ako yung nakitaan, me palo yung bata…joke, papaalisin ko na lang muna habang nasa banyo ako hehehe habang nagpapalipas ng hiya hehehe*blush*

    Komento ni Callcentergal — Hunyo 18, 2008 @ 5:39 umaga | Sagutin

  8. kung ako yon…shempre sa umpisa medyo magugulat, medyo lang kasi bata pa naman yon hehe..kasi kung magre-react ako ng parang naghuhurumentado, maiisip niya na may malisya diba? pangit naman yon bata pa lang may malisya na hehe…siguro kakausapin ko siya ng kaswal parang walang nangyari.

    Komento ni Aling Baby — Hunyo 18, 2008 @ 6:37 umaga | Sagutin

  9. reaction ko pag nakapasok ako ng banyong may naliligo pala?

    eto:

    “mama kengks, palitan mo na shaver mo, wag mo nang pupuslitin ang auto razor ni papa kengkoy.. o dun sa may bandang itaas ng kili kili, you missed a spot.”

    (personalized pep-squad yan ha. hehe)

    Komento ni utakmunggo — Hunyo 18, 2008 @ 7:35 umaga | Sagutin

  10. EEEEEEEKKKKK!!! pag ako ang andyan taz pumasok ang mga little kengkays mo, ma-to-trauma ang mga yan saken. di kasi nila mai-intidihan kasi – “ba’t meron nun? tsaka nun? tska di ba wala un? ba’t meron nun?” hahahahaa

    Komento ni reyna elena — Hunyo 18, 2008 @ 8:22 umaga | Sagutin

  11. sigurado kung dito sa pinas’. sasasbihin ng bata na.
    Boy: yak! alam nakita ko yung ano nya. grabe talaga. pano ba naman walang lock. Iwwwwwww di na ko virgin!. .

    kung ako naman ang nasa loob ng banyo syempre magwawala ako ng bonggang bonggang. at siguradong mag aaway kame ng nanay ng batang nakakita sakin.
    Tina: E pano ba naman yung anak mo aleng ano. basta basta nagbubukas ng pinto. ang aga aga pa nangangapit bahay na. walang manners. walang pakundangan.. bata pa e malaswa na ang isip. SHEee!

    Komento ni tina — Hunyo 18, 2008 @ 8:37 umaga | Sagutin

  12. Mabuti na lang kamo te keng naliligo ka nung pumasok siya… ang mahirap eh yung kapag nagbabawas ka… lol!

    Komento ni Lenggai — Hunyo 18, 2008 @ 8:48 umaga | Sagutin

  13. naalala ko ang naranasan ko dati dito sa apartment…kahit may lock nakalimutan ko din naman mag lock..ampooteers…….kung ako?
    sisigaw ako ng:

    “Syetttttttttttttttttt””””!!!!!!!!!!!!!

    Komento ni Maldito — Hunyo 18, 2008 @ 3:48 hapon | Sagutin

  14. pag ako naliligo at pumasok ang batang boy ang gagawin ko:

    “uy buti andito ka, paki-scrub muna ng likod ko. tnx. 😀 ” ; sabay bigay ng bimpo. lol 😆

    Komento ni Banana — Hunyo 18, 2008 @ 5:12 hapon | Sagutin

  15. kung sakali me batang papasok sa banyo eto ang sagot ng mga matanda…

    “dyaskeng bata ire at di man lang nakatok.” hala,labas!. (sabay paltik sa pwet)hehehe 😉

    Komento ni barquera — Hunyo 19, 2008 @ 3:53 umaga | Sagutin

  16. reaction ng batang pinoy… itay! anong ibig sabihin nito?! at sino ang babaeng yaaan?!! 🙂

    Komento ni taroogs — Hunyo 19, 2008 @ 5:42 umaga | Sagutin

  17. “ay! p*tang ina!”

    Komento ni kingdaddyrich — Hunyo 19, 2008 @ 5:56 umaga | Sagutin

  18. pag ako ang pinangyarihan nyan, ang gagawin ko i will educate yung bata sa mga partes ng katawan na kanyang nakita, lalo na yung mga private part nyahahahaha!

    kakayanin kaya ng isipan nya?

    Komento ni kulot — Hunyo 19, 2008 @ 6:13 umaga | Sagutin

  19. oooppps lang sya? ako siguro magiging reaction ko, mababato ko sya ng tabo na me tubig pa.;p

    Komento ni sommer — Hunyo 19, 2008 @ 12:32 hapon | Sagutin

  20. hehe…ilang beses nako nasisilipan ng pinsan ko.. ayos lang naman..walang malisya ^^

    Komento ni wei vines — Hunyo 19, 2008 @ 2:54 hapon | Sagutin

  21. kung ako yung bata, same reaction siguro. hehe.

    pero kung ako nasa lugar mo, deadma lang. feeling ko naman sexy ako eh. hahaha.

    Komento ni antuken — Hunyo 19, 2008 @ 4:07 hapon | Sagutin

  22. hahahha , katuwa nga mga comments, aliw,, hmm wla ako maisip eh, pero totoo yan, dito walang susi susi, kaya nga pag invited kami minsan sa ibang mga bahay, at c-cr ako di ko alam pano ko isasara pinto pag andon ako.. minsan hawak ko knob habang wiwi ako.

    Komento ni Toni — Hunyo 19, 2008 @ 6:56 hapon | Sagutin

  23. hi sis! bisita ulit me. hehe musta ka na? naku jan din pala eh hindi din uso ang susi. ang bestfriend ko na nasa london ganon din sila sa kanila. bakit kya? teka pano yon sa masters bedroom niyo wala din susi, pano kung lam mo na, tapos biglang pumasok nalang ang mga little kengkays mo. 😉 hehe im sure naka isip n kayo strategy. nasanay lang ako sa kultura dito. atleast pag may lock deadma kahit sino pa kumatok. lol! 😉

    Komento ni Jennie — Hunyo 20, 2008 @ 1:47 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: