Kwentong Kengkay

Hunyo 25, 2008

Buntalan Na

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Oyropa Ko — kengkay @ 6:57 umaga

Hindi pa naman away pero ewan ko kung di mauwi yan sa away.

Mamyang gabi e laban ng European Masters 2008 sa fussball.

Alemanya vs Turkey

Sa mga hindi naka-kaalam, ang Alemanya e linusob na ng pagkadami-daming Turkish mula pa nung unang panahon. Sila ang nangungunang foreign communities dito sa Alemanya. 

E pano ngayong laban ng fussball. Sempre may panig sa kabila, may panig sa kabila. E pareho pa namang mahilig sa fussball ang parehong nasyon. At pareho din silang matagal ng medyo may konting di pagkakaintindihan. Kasi nga iba ang paniniwala e.

Ano sa tingin nyo ang kalalabasan ng game na ito mamyang gabi? May mga live viewing sa mga plaza, sa mga bars at restos at kung saang sulok man ng kabahayan am sure si kengkoy lang ang tutulugan yang game na yan… maraming tao sigurado yan. Handa na ang mga pulisya.

May buntalan kaya? Hehe, abangan!

Advertisements

13 mga puna »

  1. isa lang ang tingin ko jan.. maingay na naman mamayang hating gabi sa itaas ng apartment namin. ganyan sila kapag may football match. hahaha

    kengkay: ibig sabihin walang tulugan!

    Komento ni Kotsengkuba — Hunyo 25, 2008 @ 9:02 umaga | Sagutin

  2. buntalan?

    malamang. malamang. malamang.

    gudlak na lang… 😀

    ate kengks,

    salamat sa koment 😀

    kengkay: hehe, antayin natin

    Komento ni ayz — Hunyo 25, 2008 @ 9:07 umaga | Sagutin

  3. waahhhhh…parang nadidinig ko na ang sigawan at maaksyong lundagan….
    =)

    kengkay: tumpak yan

    Komento ni rio — Hunyo 25, 2008 @ 10:18 umaga | Sagutin

  4. ahehe..
    balitaan mo nalang ako mommy kengks.
    advice lang: habang nanonood ng laro eh pwede mong habulin ang plantsahin.
    hehe alala ko lang huling post mo.
    😀

    kengkay: ay di ko kaya yan, baka masunog yung mga damit, ahaha

    Komento ni utakmunggo — Hunyo 25, 2008 @ 10:19 umaga | Sagutin

  5. sana meron para mas exciting. hahaha.. joke lang. maging isports nalang sila diba mommy kengks?

    kengkay: am sure may mga aksyon sa tabi tabi

    Komento ni neex — Hunyo 25, 2008 @ 11:38 umaga | Sagutin

  6. basta ang alam ko, uber ang mga turks na yan sa sports! at talagang kalmutan to the max ang nangyari! ba’t ganun ba dyan sa Europe! dito iba naman! ang drama dito pag nanalo or natalo, pucha, sunugan nang tires, wawasakin ang tindahan mo, titirahin ang kotse mo! kaya pag like winning ang any of the philadelphia teams, o kahit na talunan, andun kami lahat sa basement hehehehe

    kengkay: ano ba dyan sa inyo, manang mana ang mga tao sa yo, ahahaha

    Komento ni reyna elena — Hunyo 25, 2008 @ 1:41 hapon | Sagutin

  7. Kengks,

    My dear, buti na lang di mahilig mga pinoy dyan sa football. At first akala ko about kay Manny Pacquiao tong post mo. Hindi pala. Dyan mahilig ang mga pinoy – sa talagang upakan. 🙂

    kengkay: mahirap maghanap ng upakan dito, mas masaya sa atin, ahahaha

    Komento ni jessie — Hunyo 25, 2008 @ 4:08 hapon | Sagutin

  8. Naku Kenks, malulunod ang mga tao dito (hind dahil sa ulan) kundi babaha ng beer ang lahat na bars. At di lang yan, ang ating mga seksing kababayan, mabenta (if you know what I’m saying) sad to say pero totoo.

    kengkay: expected na yan kapag may fussball di ba? at yung mga kababayan natin, expected din yan kasi super charming talaga ang mga pinay, sana lang alam nila yung hanggang saan 😀

    Komento ni K — Hunyo 25, 2008 @ 4:26 hapon | Sagutin

  9. Goal!!!!!!!!!!!!!!! ang gulo nan!

    kengkay: exciting na magulo

    Komento ni Call Center Guy — Hunyo 26, 2008 @ 12:08 umaga | Sagutin

  10. kung sino ang mag import sa akin sa fussball, siyang mag kakampeon.

    ehem!

    kengkay: ganun, fussball player ka ba? hmm

    Komento ni kingdaddyrich — Hunyo 26, 2008 @ 1:48 umaga | Sagutin

  11. aba siempre germany ang mananalo. kung may suntukan man, yung mga hooligans ang tiyak na pasimuno niyan.

    sa totoo lang, may na-engkwentro na akong mga kupal na turko nung nagpunta ako sa sweden.

    nga pala, pasali naman ako sa listahan mo pliss, andun ka na sa akin 🙂

    kengkay: ahahaha, baka sabi din nung kupal na turko, ‘sa totoo lang, may na engkwentro ako na kupal na pinoy, ‘ hahahaha — ay iba kasi ang paniniwala nila kaya iba rin sila e. hay ewan ko ba. kasali ka na sa mga kakulitan ko

    Komento ni madbong — Hunyo 26, 2008 @ 3:46 umaga | Sagutin

  12. kakatakot pala… anlalaking mga mama pa naman nila.

    kengkay: ay oo, pero actually peaceful naman halos lahat ng games 😀

    Komento ni HBH — Hunyo 26, 2008 @ 7:43 umaga | Sagutin

  13. […] hindi na, panalo na ang Alemanya. At walang buntalang nangyari! World peace daw Sempre putukan, sigawan at nagkaron na ng spontaneous car parade with honking of […]

    Pasa ni Kailangan kong mag-relak « Kwentong Kengkay — Hunyo 26, 2008 @ 8:21 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: