Kwentong Kengkay

Hunyo 26, 2008

Kailangan kong mag-relak

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 8:20 umaga

Masyado akong na-tense dun sa laban kagabi ng Alemanya vs Turkey.

Alam nyo yun? Yung tipong gusto mong manood pero dahil masyadong exciting a game at hindi mo alam kung sino ang talagang mananalo dahil parehong malakas ang team; medyo tagilid ang feeling mo? Nung umaga pa lang e makikita mong lahat e excited na sa laban na yan.

Yung kindergarten ng mga little kengkays e pininturahan lahat nung bata ng german flags sa mukha, hahaha.

At ako, para akong hilong talilong. Ewan ko ba kung bakit sobra akong affected sa mga ganyan, hehehe. Hindi ko kaya! Si kengkoy na usually e hindi nanonood ng fussball game, sya ang nakatutok sa game. Si kengkay naman andun sa kabilang kwarto at nagbo-blog hopping pero yung tenga ko andun sa tv at sa labas kasi kapag may sumigaw at may magpaputok, yun ang signal para maki-usyoso ako sa tv at makisigaw, hehehe.

Di nagtagal e nainis na nga si kengkoy at pinatay yung tv kasi daw di naman daw ako nanunuod; nainis din sya kasi biglang naputol yung live coverage at naging parang radio comments yung nangyari kasi bumagyo daw sa austria at nawalan ng kuryente, weeeeee. Ay sabi ko mabuti naman para hindi na ko ma tense.

Kunyari matutulog na kami. Kaso mo bukas yung bintana at rinig na rinig mo talaga na buong bayan e tutok sa games. Nung sunod sunod na ang putok at sigawan; ay di na ko nakatiis at binuksan ko ulit yung tv. Isang minuto na lang at tapos na ang game – Alemanya 3: 2 Turkey. Waaaa, na tense ulit ako at pumunta ng kusina para kumuha ng inumin, wag ka, nagpapalipas lang ako ng oras at takot akong maka goal pa ang kalaban ano, heheh.

Pero hindi na, panalo na ang Alemanya. At walang buntalang nangyari! World peace daw šŸ™‚ Sempre putukan, sigawan at nagkaron na ng spontaneous car parade with honking of horns. Hayyy ang ingay po talaga.

Kaya ngayong tapos na yung tense moments, mag piknik at mag swimming kami ng little kengkays sa aming munting dagat dito sa baryo. Kailangan kong mag relak-relak.

Advertisements

10 mga puna »

  1. relak relak na mommy kengkay. šŸ˜€
    isang masigabong palakpak sa team ng alemanya! yahoo!

    Komento ni Salve — Hunyo 26, 2008 @ 10:21 umaga | Sagutin

  2. kelangan ko din mag relak! šŸ˜€

    palakpakan para sa alemanya! =)

    Komento ni vanny — Hunyo 26, 2008 @ 2:39 hapon | Sagutin

  3. nakakatense naman ang post na ‘to… šŸ˜†
    ramdam na ramdam ko ang tesyon!

    chill out! have fun and pa massage ka.. heheheh

    Komento ni Geisha — Hunyo 26, 2008 @ 7:03 hapon | Sagutin

  4. Magrelak-relak at mag concentrate. :p

    Komento ni Laarni — Hunyo 26, 2008 @ 9:50 hapon | Sagutin

  5. bakit hinanap ko sa espn yan (world cup nga ano?) di ko makita o maabutan hmmpt.. hehe italy pa mandin ka ako… hehe oops ilag baka mabato ni mommy kengs LOL

    Komento ni bluepanjeet — Hunyo 27, 2008 @ 2:08 umaga | Sagutin

  6. GANYAN talaga Kengks paminsan minsan me excitement!!! šŸ˜‰

    Komento ni barquera — Hunyo 27, 2008 @ 4:06 umaga | Sagutin

  7. haay sinabi mo pa, buti nalang nanalo ang alemanya dahil kung hindi dina ko bibili ng nuttela hahahhaah

    Komento ni lilaybulilay — Hunyo 27, 2008 @ 5:48 umaga | Sagutin

  8. mashado ma-aksyon yan ah hehehe…tama ate kengks, kelangan mo talaga mag-relak heheh..

    Komento ni Aling Baby — Hunyo 27, 2008 @ 10:09 umaga | Sagutin

  9. naku, mate-tense ka ulit sa sunday nyan. syang nga gusto ko sana russia manalo eh sayang. anyway,let’s cross our fingers na lang sa linggo. sana naman manalo na aleman lagi na lang second or third eh wm and last em. ay naku.

    Komento ni Toni — Hunyo 27, 2008 @ 12:24 hapon | Sagutin

  10. Hello Kengkay!

    Pero sa finals, Spain ang nanalo. Pero nagcelebrate pa rin naman ang Germany.

    Congrats pa rin! šŸ™‚

    Komento ni Sofie — Hulyo 1, 2008 @ 8:30 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: