Naglalaro ang mga little kengkays. Ng biglang nagsisigaw ang aking panganay at inasar ni bunsoy.
Panganay: Nanay kengkay, si bunsoy ayaw akong bigyan ng manikang lalaki. Kasi daw dalawang lalaki ang magkasama sa bahay. Pwede ba yung man to man ang pamilya? Di ba hindi pwede yon?
Nanay kengkay: Ermmmm (Tamame po ako kasi di ba aprub na yung same sex marriages sa california?)
Na-save by the bell lang ako kasi si bunsoy e biglang hinagis yung isang lalaking manika kay panganay ko. Hayyyzzz
At eto pang isang hirit na naman ni panganay ko nung hapong yon rin ha.
Panganay: Nanay kengkay, pwede ba kaming magpakasal ni Anna-Leah? Kasi sabi nya pwede na daw magpakasal ang babae sa kapwa babae? Pero papano kami magkakababy?
Nanay kengkay: Errrrmmm (tameme na naman kasi sa totoo lang pano nya nalaman na hindi sila magkakababy dahil pareho silang babae?)
Hay ewan ko ba kung saang balon galing ang mga tanong na yan. Kung saan man galing yan, tatalon ako dun sa loob ng balon at baka dun ko rin makita ang mga kasagutan.
naku pwede bang “pass” muna ang sagot? ang hirap naman parang quiz bee type questions na ang tanong ng mga bata ngayon.. at di mo naman pwedeng sagutin ng basta basta kasi baka makaapekto sa mga magiging pananaw nila sa bagay bagay.
e mommy kengks ipasa mo nalang kay daddy kengks para safe ka na. haha
Komento ni utakmunggo — Hunyo 27, 2008 @ 7:30 umaga |
Hahahah, ang kukulet. Explain mo sa kanila na Si Obama at Bush ay magkaiba ang kulay pero Amerikano pa rin sila, ganun lang yun.
If I say toma-to, you say toma-toe.
Komento ni K — Hunyo 27, 2008 @ 7:54 umaga |
hahaha, tigbak kang bata ka π
Komento ni Kotsengkuba — Hunyo 27, 2008 @ 8:46 umaga |
hehehe, oo nga, ang hirap sagutin, anu kaya msasabi ni dr. Phil?
Komento ni partofyou — Hunyo 27, 2008 @ 8:46 umaga |
hay ang hirap ng tanong, bigla ko tuloy naalala si Thomas Beatie yung FilAm na buntis..nabasa at nabalitaan mo na ba yan???
Komento ni lilaybulilay — Hunyo 27, 2008 @ 8:47 umaga |
ay naku, sinabi mo pa eh may bagong project na nga ngayon sa ibang kindergarden di pa naman nationwide – may sex education na. pero puros facts lang kung pano nabuo ang babies. kaya alam na nga nila na it takes a man and a woman to make a baby, o di ba? kasama na rin don ang saying no daw para matuto ng maaga ang mga bata.
Komento ni Toni — Hunyo 27, 2008 @ 12:22 hapon |
“malalaman mo rin yan pag matanda ka na”-=>famous answer ng nanay ko…hehehe
–
Komento ni wei vines — Hunyo 27, 2008 @ 12:52 hapon |
argh… hahaha kakatameme nga yung mga ganyang tanong ng kids! hahaha.. Minsan nung bata pa kami, naitanong na din yan ng kuya ko sa Mama ko nun, at yun din, natameme din si mama at di alam isasagot niya.. Hahah..
Komento ni angel — Hunyo 27, 2008 @ 12:57 hapon |
Err, na stress ako sa mga tanong ng mga baby mo Ate. Pag ako siguro kunwari hinimatay ako para di ko na kailangan sagutin. San ba nila natututunan yan? Tsaka kahit okay lang sa kin ang same-sex marriage, hindi ko siguro alam kung pano sagutin yan.
Komento ni miss choi — Hunyo 27, 2008 @ 1:40 hapon |
hello.. nice site.. can we link exhchange po?
http://neuropatch.com
http://blacknickel.blogspot.com
http://kookaboo.blogspot.com
anyways do you accept memes/tags? visit nyo po site ko to see 2 tags there..(Complainer’s Corner – Challenge)&(The GRATITUDE Challenge).. See yah! π
Komento ni Emjei — Hunyo 27, 2008 @ 1:54 hapon |
yikes nakakastress ang katanungan hehe. buti na lang matagal pa bago magtanong ng mga ganyan ang anak ko. sana by then nakabalik ka na galing sa balon at pwede mo na i-share sa akin yung sagot. π
Komento ni Meeya — Hunyo 27, 2008 @ 2:37 hapon |
Wow. Ang little pa ng kiddies eh advanced na ang mga tanong. π Hindi na ata pwede ngaun yuns simple Flower and Bees story. π
Komento ni Nika Catbagan — Hunyo 27, 2008 @ 3:12 hapon |
Tumbling?;) Pang Miss Universe ang Tanong ano Kengks… kaya mo yan i explain.. Goodluck! π
Komento ni barquera — Hunyo 27, 2008 @ 11:05 hapon |
hehe gudlak sa mamikengkay.. ang hirap talaga pag andun na sa stage na panay tanong na ng mga bagay na mahirap sagutin π parang gus2 mo na lang sabunutan sarili mo π
ako sasabihin ,, ahm tanong mo sa lolo mo! Lols π
Komento ni koreanmine — Hunyo 28, 2008 @ 3:07 umaga |
wala rin akong maisasagot sa tanong na ‘yan. π
Komento ni Laarni — Hunyo 28, 2008 @ 7:08 umaga |
..grabe, iba na talaga ang generation ng tanong mga bata ngayon..nasan na ang simpleng mga tanong na “bakit matamis ang asukal?” haaay!!!
..hmmm, kapag ang nanay ko kaya bigla ko ding tinanong kung pede ba kame pakasal ni jmj ko, matatameme lang kaya sya? nyahahaha!
Komento ni sommer — Hunyo 28, 2008 @ 7:35 umaga |
kaloka ang mga tanong ng little kengkays mo, hindi na pambata, ahahaha
Komento ni wifeybee — Hunyo 28, 2008 @ 7:45 umaga |
nakaka-nosebleed na question, mommy kengks.. hahaha.. π
Komento ni ayyzzz — Hunyo 28, 2008 @ 8:20 umaga |
ipaliwanag mo sa mga little kengkays na hindi mo alam ang kasagutan dyan, dahil noong itinuro yan sa school noong bata ka pa, absent ka kamo…
Komento ni AZRAEL — Hunyo 28, 2008 @ 9:58 umaga |
bwahahahah! kaya ayokong manganak! takot ako sa mga ganyang tanong! di kaya nang powers kong sagutin! hehehehe
Komento ni reyna elena — Hunyo 28, 2008 @ 11:48 umaga |
nakakatense nga yang mga ganyang tanong kengkay! I wonder kung ano ang derechong itatanong ng magiging anak ko years from now…=P
Komento ni Callcentergal — Hunyo 28, 2008 @ 1:49 hapon |
hahaha. ganyan tlga ang mga bata ngayon. kakatense ang mga tanong! dami nila nalalaman sa kapaligiran!
Komento ni vanny — Hunyo 28, 2008 @ 3:46 hapon |
kakagulat naman ang mga tanong ni panganay, mahirap hagilapan ng sagot! kasi naman, kahit mgcartoons na palabas ngayon, merong mga homosexual. naalala ko tuloy si pinocchio dun sa shrek, naka-pink na tangga. hahaha!
crumbs
i-view
Komento ni Salve — Hunyo 28, 2008 @ 5:41 hapon |
haha! andami na ngang pagbabago.. seguro di mo in-expect na ganito kaaga silang magtanong? π
tumbling, kenkay, tumbling! hehehe
Komento ni junanteola — Hunyo 28, 2008 @ 6:04 hapon |
iba na talaga ang mga bata ngayon…ang bilis din ng pick up…kaloka ever…
Komento ni hitokirihoshi — Hunyo 28, 2008 @ 7:32 hapon |
naku mami kengks na caught off guard din ako sa panganay ko kapag nagtatanong ng mga kakaibang bagay tulad ng “mommy bakit po nagagalit ang pututuy ko pag nakikita ko si roxanne sa tv?”yung mga tipong bagay na ganun…
pero ang mga bata ngayon advance na ang utak dahil sa mga nakikita nila sa paligid…
Komento ni lyzius — Hunyo 29, 2008 @ 12:02 umaga |
ang bibo talaga ng mga little kengkays!!! π
Komento ni linglingbells — Hunyo 29, 2008 @ 1:19 umaga |
Mahirap nga po sagutin ang tanong na iyan. Given the society we have nowadays na sobrang bukas na ang isipan ng mga tao sa gay relationships.
Ang tanging masasabi ko lang po, kung ano man yung maiisipan ninyong isagot, be sure lang na factual at walang halong biro kasi dadalhin nila ang ganoong paniniwala for the rest of their lives.
But for now, wala akong maisa suggest na sagot. Sorry po. Goodluck na rin sa iyo! Cheers!
Komento ni bebenibadoodles — Hunyo 29, 2008 @ 2:13 umaga |
yun din naisip ko, pano nya nalaman na di sila magkakaanak?..
Komento ni analyse — Hunyo 29, 2008 @ 9:19 umaga |
haay – – ang hirap maging magulang. kung yang mga tanong na yan ang sasagutin ko.. josko, hirap. ummmm – *isip* *isip* – – – day, hindi kaya ng powers ko… goodluck na lang. Hahahahaha!!
Komento ni chuva — Hunyo 29, 2008 @ 12:15 hapon |
OMG!
pano na lang kaya pag mag adopt kami ni boylet ng baby.. ayokong dumating ang time na itatanong sa amin kung sang butas sya lumabas! π
thus said, ayoko ng mag-asawa!
Komento ni Geisha — Hunyo 29, 2008 @ 2:18 hapon |
Wala akong masabi nanay Kengkay hahaha… Tatawa na lang ako… lols… lmao… rotfl bwehehehehehhe… Guud Luck!
Thanks po pala sa alak na padala nyo sa aking amo=P
Komento ni diwatang_byaning — Hunyo 29, 2008 @ 4:16 hapon |
I too don’t know what to do if I already have my own kid. I don’t know if I would just let him /her learn social issues by mere observance or exposure to the media. Or I could directly tell him/her. But the latter’s really difficult. And I could also find a deep well and dive there too just to have a child-friendly answer. Hehe.
Komento ni aLps — Hunyo 29, 2008 @ 4:29 hapon |
Angkop ang kanilang mga tanong sa ‘Gay Pride’ celebrations na nangyayari sa buong mundo! hehe… that said, I still wouldn’t know how to answer. Maybe I’ll say something like, ‘Don’t be silly!’ hehe…
Komento ni megamomph — Hunyo 30, 2008 @ 3:55 hapon |