Kwentong Kengkay

Hulyo 2, 2008

itaas ang mga paa

Filed under: Hmmmm,Kwentong Bulilit,Kwentong Nanay,Patawa — kengkay @ 8:58 umaga

Laban kayo dyan kay bunsoy ko? Nakataas ang paa habang kumakain. Nagulat nga ako nung nakita ko, parang bumalik ang mga nakaraan, ate helen, hehehehe

Kasi nakikita ko yang ganyang pagtaas ng paa habang kumakain sa mga matatanda nung asa Pinas pa ako. Naks, kunyari pa daw hindi ako gumagawa nyan. Oo naman, minsan ganyan din ako – kapag wala ang mga nanay at tatay ko at kung sino pang pwedeng tumapik sa akin.

Pero alam ninyo ba, hindi lang sa Pinas ‘uso’ yan, nung asa Thailand ako – kasi karamihan sa kanila e sa lapag kumakain (oo, kahit na may lamesa sila, sa lapag pa rin sila kakain. may pamilya pa nga na sobrang yaman nila, ang laki ng bahay nila ang laki din ng lamesa nila, kaya kapag kainan na, dun sila sa lamesa mismo umuupo, hahahaha true story yan) ganyan din itsura nila. Actually, nung asa Malaysia ako, ang dami ko ring nakikita na ganyan rin itsura kumain e. Espesyal siguro sa Asya ang ganyang eating position.

Pero naman sa isang pa klas na restaurant e hindi pwede ang ganyang hitsura at itong si bunsyo ko lang ang lumabag. As in, sarap na sarap pa kamo sya! At dahil kyut sya, may i smile lang yung mga guests dun sa restaurants, si kengkoy naman hindi nya malaman kung papagalitan o pababayaan ang itsurang ito ni bunsoy.

Si kengkay, ay wiz, may i kodak na lang ako! Ang sarap ng kain nya e; kaya oks na rin. Nagtataas rin ba kayo ng paa minsan kapag kumakain? Ang sumagot ng oo, itaas ang mga paa!

Advertisements

28 mga puna »

  1. marekoy, yung anak kong bunso na babae dalawang paa pa ang nakataas pag kumakain

    kengkay: hahaha, grabe, ang galing magbalance nung anak mo ha.

    Komento ni madbong — Hulyo 2, 2008 @ 9:09 umaga | Sagutin

  2. cute naman ni bunsoy mo…=) ako hindi nagtataas ng paa pag kumakain pero may mga kamag-anak akong nakasanayan din gawin yan…keri lang lalo na kung nasa sariling bahay naman eh. yung sa case ng anak mo, maliit pa naman yan eh, madali pa siyang ma-process para ma-observe din nya yung pagtaas nya ng paa. =)

    kengkay: ay ewan ko kung anong nangyari at tinaas nya mga paa nya, sa totoo lang, naka nice dress pa sya nyan ha 🙂

    Komento ni callcentergal — Hulyo 2, 2008 @ 9:25 umaga | Sagutin

  3. …ang cute naman nya…ak minsan nagtataas din ng paa, lalo na kapag nakakamay kumain ng alimango/hipon, kamatis at sibuyas na me bagoong tas hinog na mangga!!sabay takbo sa beach!!tsalap tsalap!!!
    ano nikakain ni bunsoy? parang sarap ah!!!

    kengkay: hinog na mangga? akala ko pa naman hilaw! ano kinakain ni bunsoy? ice cream, ahahahaha

    Komento ni sommer — Hulyo 2, 2008 @ 10:11 umaga | Sagutin

  4. hehe batang malabon ako kaya lumaki akong kumakain ng nka kamay at nka taas din ang paa 😀 ska d2 samen, kadlasan nakataas tlga paa kc baha sa loob ng bahay 😀

    kengkay: hehehe, oo nga no, mga taga malabon ang tiyagang tumira dun kahit na konting patak lang ng ulan e baha na. dumayo din kami dun e, tapos nung pauwi na kami, biglang umulan – yaaaaa – lumangoy kami pauwi, hahaha. pero shocking, ang bilis talaga lumaki ng tubig dun pero yung mga tao, cool lang 😀

    Komento ni koreanmine — Hulyo 2, 2008 @ 10:42 umaga | Sagutin

  5. classic barrio siete yan ateng hahahaha!

    me mga bisita kami today (weekend holiday kasi) mga tiga Canada at Manila. go kami sa restaurant in the city. yong mga tiga-manila, table knife and fork ala-european, o divanetch? asensado na ang culture nitong mga tiga manila. to namang mga pangkin kong mga tiga-canada, NAG-KAMAY! BWAHAHAHAHA! lumabas yong pag-ka barrio! HAHAHAHA buti indi tinaas ang mga paa kundi uber na talaga ang pagkabokya nang reyna! pucha! nagmayabang pa naman akong cultured pearls kami! hahahha

    kengkay: nyek – lumabas ang first class ala barrio siete, ahahaha. hay sa totoo lang, itong mga little kengkays din, minsan nakakalimutan nilang wala sila sa bahay at talagang nagkakamay din! at sempre pa, basta makakita ng kape o tsaa, may i sawsaw agad sila kahit anong makita nila, kesyo tinapay, cookies, cakes at kung ano pa mang andyan.

    Komento ni reyna elena — Hulyo 2, 2008 @ 11:56 umaga | Sagutin

  6. haha. Yep. Minsan dito sa bahay pero hindi ko pa nagagawa kapag nasa public. lol. she is cute!

    kengkay: ako naman naghahanap ng pagtataasan ng paa kapag tapos ng kumain, relak relak na 😀

    Komento ni Laarni — Hulyo 2, 2008 @ 2:01 hapon | Sagutin

  7. Hindi na ako makataas ng paa kapag kumakain, wala kasi akong dining table. Eh yung naka tayo ka tapos naka-chopstick habang kumakain sa maliit na bowl, kaya mo? Hahaha. Chekwa na ako, Kenks. Pero sa prabins, eh naka-kamay ka pa at pinagpapawisan habang nakataas ang paa.

    kengkay: ahahaha, oo nga ano, super tagaktak ang pawis, ibig sabihin daw nun ang sarap ng pagkain! at sori, di ko kaya yang maliit na bowl kasi gusto ko malaking bowl 🙂

    Komento ni K — Hulyo 2, 2008 @ 3:40 hapon | Sagutin

  8. hi i like your blog…

    like the kid also… she’s so cute.

    i am comfortable doing that too pag asa province… hehe

    kengkay: salamat sa pagbisita. bakit kaya sa probinsya mas masarap gawin ang ganyang upo kapag kumakain, hehe

    Komento ni yhen — Hulyo 3, 2008 @ 12:33 umaga | Sagutin

  9. nyaa ngayong mga pinoy na uli housemates ko bumalik ang ganitong gawi ko..hehh kakahiya pero komportable kasi…

    kengkay: ganun, nagkakahawaan lang ba? hahaha

    Komento ni dakilang islander — Hulyo 3, 2008 @ 2:24 umaga | Sagutin

  10. hindi ko alam kung bakit nga ba napapasarap ang kain pag nakataas yung paa, meron din minsan talagang naka squat na sa upuan, ako minsan naka de kwatro

    kengkay: yung naka squat sa upuan, yan ang talagang gawain ko 😀

    Komento ni kulot — Hulyo 3, 2008 @ 4:37 umaga | Sagutin

  11. ang cute naman ng bunsoy… guilty ako dyan sa pagtaas ng paa, ewan ko ba kung bakit mas masarap kumain pag nakataas ang paa, kaso pinapagalitan ako noon, kababae ko daw na tao, walang ka-finess finess, nyahahaha…

    kengkay: aba basta ba hindi ka naka palda e oks lang yon, hahaha

    Komento ni wifeybee — Hulyo 3, 2008 @ 6:06 umaga | Sagutin

  12. pengeng ice cream, bunsoy.
    naku mommy kengks siguro na-threaten yan at baka hingan mo pa ng share sa ice cream niya kaya ayan at boxed in na boxed in ang porma, idagdag pa ang paa! haha

    kengkay: pano mo nalaman na ayaw nya akong patikimin, hahaha

    Komento ni utakmunggo — Hulyo 3, 2008 @ 6:46 umaga | Sagutin

  13. Inabot ko pa yang kaugalian na yan sa mga lola ko noong maliit pa ako, pati tatay ko nakita ko rin na ginagawa yon. Kasi nga sa sahig sila umuupo habang kumakain noong araw kaya kahit may silya na e ganoon pa rin ang postura pag nasa harap ng mesa.

    kengkay: oo nga, kaya nga ang tawag e hapag kainan di ba

    Komento ni rino — Hulyo 3, 2008 @ 8:08 umaga | Sagutin

  14. ay naman, itaas ang paa talaga! hehe. kami rin sa bahay(Pinas), lalo na si Pudra ay laging ganyan kumain at ganadong-ganado pa. kaya nga ba pati ako ay nakikitaas na rin. 🙂

    kengkay: hahaha, si tatay ko medyo sosyal yun, nice and proper parati 😀

    Komento ni Aling Baby — Hulyo 3, 2008 @ 8:12 umaga | Sagutin

  15. Hello Kengkay!

    Ay naku ha, anong sosyal-sosyal. For sure lahat ng mga sosyal na yan nagtataas rin ng paa sa bahay nila. Kahit mga puti, naku day, nagtataas rin sila ng paa day! And that’s an exclamation mark! 😉

    May nakita na ako e. Shocked si ako ha!

    Actually ok lang sa akin yong nakataas ang paa, kesehodang kahit dalawa pa. (May kesehoda pa yan ha hehehe) I don’t really mind. Ang worry ko lang kasi baka madumihan yong upuan. Yon lang naman ang worry ko dyan e. Ang explanation, sana kung kahoy o leather, ok lang, madaling linisan, e hindi. May I check tuloy ako afterwards. 😆

    kengkay: nyaaaa, oo nga, nakakita rin ako ng ganyan dito. sempre kapag ganun ayaw na ni kengkoy dun kumain sa lugar na yon, medyo maarte itong si kengkoy basta sa pagkain e

    Komento ni Sofie — Hulyo 3, 2008 @ 8:32 umaga | Sagutin

  16. masarap ang kain kapag nakataas ang paa!

    hahaha 🙂

    ginagawa ko rin yan pag wala akong sabay kumain.
    parang kargador lang ako tingnan:)

    bwahahaha.:lol:

    kengkay: estibador kamo 😀

    Komento ni ayyzzz — Hulyo 3, 2008 @ 9:49 umaga | Sagutin

  17. Heto mga paa kong Kengks…nakataas naaa! Ang kyut-kyut nang bunsoy mo. Pakuroootttt! Hahahaha, nakakaaliw baga tingnan, para siyang truelily :).

    kengkay: sabi ni ambo bagay daw sila nung bunso mo e, hahaha

    Komento ni Beng — Hulyo 3, 2008 @ 1:06 hapon | Sagutin

  18. naku eh di mapag-kakaila, nasa genes nang bunsoy mo ang pagtaas ng paa. naku di ba masarap mag taas ng paa pag nasa beach. tamang piknik piknik ba, with matching inihaw and adobo. yummy 🙂

    kengkay: hayy, sarap ng inihaw at ng adobo tapos nakabalot sa dahon ng saging

    Komento ni Toni — Hulyo 3, 2008 @ 2:03 hapon | Sagutin

  19. nung bata… pag trip ko ding mag astig astigan (astig ba yun?hewan)sa bahay, ginagawa ko yun-=>pag nanonood ng tv..kakarelaks ehh ^^

    kengkay: oo astig yon, kasi kapag nakita kami ng tatay namin palo pwet namin, haha

    Komento ni wei vines — Hulyo 3, 2008 @ 3:54 hapon | Sagutin

  20. more on patong ng paa sa silya te keng, hehe! syempre, ngayon ko lang nagagawa yun kasi nung bata ako laging me palo pag di naka-sit properly eh, hehe

    kengkay: pareho din tayo, dapat sit properly parati ayun nung tumanda atsaka nabalentung yung properly, hehe

    Komento ni Lenggai — Hulyo 3, 2008 @ 4:04 hapon | Sagutin

  21. naco. ganyan din ako. nung bata, shempre laging napapagalitan. kaso mo, kahit anong turo ng mudra, eh nakikita ko sa lolo ko, ganyan sya umupo lagi. nung bata, laging sit properly. nung tumanda na, pinagbabawalan pa rin ako ng mudra. sabi ko: mom, sa bahay ko lang to ginagawa, don’t worry. pag nasa labas ako, may breeding to. hahaha.

    kengkay: o ayan, kasi si lolo e, hahaha. kasi nga nakikita sa matatanda kaya ganun

    Komento ni antuken — Hulyo 4, 2008 @ 2:57 umaga | Sagutin

  22. Guilty beyond reasonable doubt. Gawain ko din yan. Naka indian sit pa ako sa upuan pag kumakain kami. Hindi naman ako masaway ni Badoodles kasi hindi rin naman ako susunod. Comportable kasi sa akin yung nakataas ang paa kesa nakabitin sa upuan lalo pag nasa bahay lang.

    kengkay: oo nga, kapag comportable ka, minsan di mo alam nakataas na yung paa 🙂

    Komento ni bebenibadoodles — Hulyo 4, 2008 @ 4:20 umaga | Sagutin

  23. ako … o nagtataas me ng paa… naka-cross pa yan.. parang nasa damuhan… sarap ng feeling eh… saka parang automatic na…wahehehe. pero pag nasa formalidad naman eddie formalan din ako. hahaha

    kengkay: automatic, tama yang word na yan, kasi nga nakasanayan na e

    Komento ni hitokirihoshi — Hulyo 4, 2008 @ 5:33 umaga | Sagutin

  24. garbe pang around the world pala ang beauty ni Kengkay. Astig.! Grabe pala ang mga thailander. may mga lamesa ayaw gamitin, ginamet nga inupuan naman. hinde yata nila alam ang salitang upuan.

    kengkay: alam mo kasi mas iba ang kultura nila kesa sa atin e. at least tayo medyo modern na at may upuan at lamesa, sa kanila kahit na taga city na e karamihan sa lapag pa rin talaga naghahain e

    Komento ni tina — Hulyo 4, 2008 @ 7:16 umaga | Sagutin

  25. oo naman! sarap kayang kumain pag nakataas ang paa. di ko alam kung may scientific explanation yan, pero masarap talagang kumain pag ganyan. 😀

    kengkay: naku, am sure ang scientific explanation dyan e — dahil lahi tayo ng unggoy, ahahaha

    Komento ni Salve — Hulyo 4, 2008 @ 10:39 umaga | Sagutin

  26. *taas ang paa* (pag ako lang mag-isa!)

    ang cute ng anak mo ate 😀

    Komento ni mnel — Hulyo 4, 2008 @ 5:25 hapon | Sagutin

  27. Haha, ang kyut naman. 🙂 Napaghahalatang may Pinay blood si bunso mo. Ay tita, ang kyut talaga! 😀
    Sa Japan nuon, miski hindi ko na itaas ang aking mga paa — yung MESA na kasi ang bumaba para pumantay sa PAA. 😆

    Komento ni homebodyhubby — Hulyo 5, 2008 @ 3:59 umaga | Sagutin

  28. woww.. super cute naman nya..

    Hahaha tawa ko ng tawa dun sa nakaupo sa lamesa habang kumakain… Pag ginawa ko yun, di kakayanin ng lamesa, bka bumigay.. ahehehe..

    Komento ni angel — Hulyo 5, 2008 @ 3:36 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: