Kwentong Kengkay

Hulyo 3, 2008

kapag mainit

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 6:13 hapon

anong nangyayari sa aming paligid kapag mainit ang panahon?

1. nabubuhay ang mga halaman, yoon e kapag naagapan ng dilig

2. gumagana ang mga electric fan (kapag may electric fan sila) na nauso lamang nung nagkaheat wave nung early 2000 (hindi uso dito ang aircon!)

3. nagbubukas ng pintuan at bintana para daw pumasok yung hangin

4. nagsasara ng pintuan at bintana yung iba nagtatago sa araw kasi mas malamig daw kapag sarado lahat (ang gulo no?)

5. halos nakahubo’t hubad na ang mga tao (naka panty, naka brief, naka two piece, naka- trunks yan ang makikita nyo sa mga kapitbahayan pero may isang city dito na may lalaking naglalakad talaga ng hubad, as in!)

6. kapag subrang enit, cancel ang iskul at pati ang govt opis wala ring pasok

7. parating puno ang pools at beach areas, as in parang langgam, ang lalakaran mo e mga taong nakahiga!

8. ang kalsada ay puno ng mga nagbibisikleta at daming humaharurot na motorsiklo pero ang maganda rin nito, daming gumagala na mga old timers! feeling mo asa ibang time zone ka πŸ™‚

9. halos walang uma-atend ng mga sports o party o kung ano mang functions na asa loob ginagawa, mas gusto nilang umatend kapag asa ilalim ng init ng araw ang mga celebrasyon

10. nagkakatrapik kasi natitiklop ang mga daan at hindi gumagana ang mga tren dahil subrang naiinitan ang kanilang daanan

11. makikilala nyo ang mga pinay, kasi karamihan may dala silang magic na pampaputi, against the sun baga, ang mahiwagang payong, hehehhe (oy, hindi si kengkay ha, game din akong mangitim kasi mas maganda ako sa kanila kapag brown na brown ako, ahahahaah) erm lilay, hindi ikaw tinutukoy ko ha πŸ™‚

Advertisements

19 mga puna »

  1. aba ayos pala dyan pag alang pasok kung sobrang init, dito sa pinas kahit tulo na ang pawis from the singit may pasok pa rin

    kengkay: natawa nga ako nung nalaman ko yan e. as in kapag umabot ng 38 degrees, ayan, la ng pasok!

    Komento ni kulot — Hulyo 4, 2008 @ 2:20 umaga | Sagutin

  2. im back.

    anyways, ok dyan sa lugar mo ah.

    Parang hindi ata carry ng mga pinoy dito sa atin ang makipagsabayan sa mga ganyan, kung sakaling dito din iinit ng sobra.

    kengkay: hay iba iba silang paniniwala kung pano tatalahakin ang init e – uy, naka dotcom ka na! congrats!

    Komento ni taps — Hulyo 4, 2008 @ 2:37 umaga | Sagutin

  3. naco, major adjustment nga saken mommy keng nung tumira ako dito sa in-laws. shempre dapat laging nakadamit. sa bahay kse long shirt or long sando & undies, cute na ako. presko. shempre, di ko magawa dito. eh ang init pa naman lately! waah.

    kengkay: ay oo nga, medyo mahirap yan. pero teka, kapag andito ka kahit kasama ka ng in laws, pwede na rin mag kamisol lang, hahaha

    Komento ni antuken — Hulyo 4, 2008 @ 3:00 umaga | Sagutin

  4. kapag mainit… mainit din ang ulo ng mga tao… wahehehe 8)

    kengkay: naku hindi dito, masaya sila kapag mainit kasi nga minsan lang uminit e

    Komento ni yhen — Hulyo 4, 2008 @ 4:37 umaga | Sagutin

  5. hindi rin uso ang payong dyan? kasi dito hindi uso…

    kengkay: ang payong e para lang sa ulan πŸ˜€

    Komento ni nina — Hulyo 4, 2008 @ 6:16 umaga | Sagutin

  6. ayos pala dyan ate eh… sigurado kapag may resort ka dyan eh yayaman ka kung tag init na, hehehe…

    kengkay: kaso lugi ka kapag malamig esp since ilang buwan lang ang init dito mga 3 months lang:(

    Komento ni lalaine — Hulyo 4, 2008 @ 8:54 umaga | Sagutin

  7. at least dyan, pag tag-init lang nagkakatrapik. e dito sa `tin, ke mainit, maulan, holiday o me pasok, may get together lagi ang mga vehicles sa EDSA! πŸ˜€

    crumbs
    i-view

    kengkay: alam mo kung bakit natitiklop yung daan? kasi natutunaw yung aspalto, hahaha

    Komento ni Salve — Hulyo 4, 2008 @ 10:44 umaga | Sagutin

  8. hahaha…alam kaya nung lalaking yun yung oblation run hehehe..
    seriously, depende sa init naman kasi yan eh, lately kapag tanghaling tapat kahit nasaan ako iba yung ramdam ko sa init eh..yung parang init na nakakapangati ng balat sa mukha…tapos parang nakakatusok ng balat (parang tinutusok ng safety pins ganun) pero nakakatakot naman ata yung init na yan na pati class at pasok sa office na-ccancel.
    Lastly, ok lang umitim, yung pampaputi extrang gastos din yun.

    Komento ni callcentergal — Hulyo 5, 2008 @ 1:17 umaga | Sagutin

  9. naku Parental Guidance pala mga bata dyan pag tag init hehe dapat may piring ang mga bata pag lalabas ng bahay

    Komento ni bluep — Hulyo 5, 2008 @ 2:25 umaga | Sagutin

  10. Yung #3 at #4 talagang aplikabol sa building namin. Isang side lang ang may bintana, kaya dapat buksan ang pinto para lusut-lusutan ang hangin. Pagdating naman ng hapon, kelangan takpan ang mga bintana kasi facing west. Hindi naman mapakinabangan ang mga puno sa ibaba dahil hindi abot ang lilim sa 4th floor ng buiding. πŸ˜†
    Yung #5 ang hindi ubra — kasi nga bukas ang pinto, baka may ibang makakita. πŸ˜†

    Komento ni homebodyhubby — Hulyo 5, 2008 @ 3:52 umaga | Sagutin

  11. pero may isang city dito na may lalaking naglalakad talaga ng hubad, as in!) <<< san nga ‘to mami kengky? πŸ˜€

    d2 sa pinas, masarap talaga tumambay tambay sa lugar na mejo malamig tz malamig na nga pde ka pa maghubad! taz la makaka kita, yung kasama mo lang, at ang da best, masarap pa ang crispy pata! πŸ˜€

    Komento ni koreanmine — Hulyo 5, 2008 @ 3:58 umaga | Sagutin

  12. ang saya naman dyan pag mainit parang isang major event hehe..kunsabagay kasi pag malamig, talagang malamig kaya siguro itong pagkakataon na to ang much awaited para magtampisaww!! parang ang sarap pumunta dyan at magtupis, kesehoda kun indi nababagay haha!! mainit eh. πŸ˜€

    Komento ni Aling Baby — Hulyo 5, 2008 @ 5:18 umaga | Sagutin

  13. game din akong mangitim kasi mas maganda ako sa kanila kapag brown na brown ako,… Astig ka tlga ate kengs!! naman naman naman,,,wala ng tatalo sa ganda nating mga pinay noh! apir!

    Komento ni rio — Hulyo 5, 2008 @ 6:40 umaga | Sagutin

  14. nakakatuwa talaga etong mga taga europa ano? dito rin lahat ng park at field puno ng nakabilad na katawan ng briton. iniisip ko tuloy kung sa pinas kaya nila gawin yon ano kayang mangyayari? lechon ang show! hehe

    Komento ni utakmunggo — Hulyo 5, 2008 @ 1:40 hapon | Sagutin

  15. haha, sana dito din, pag mainit at trapik sa espana, eh sana wala ng pasok. LOL.

    Komento ni aKDa — Hulyo 5, 2008 @ 3:23 hapon | Sagutin

  16. woww!
    anepp!
    wolang pasok pag sobrang init…
    hahaha..
    buti pa jaan… 😦

    Komento ni ayyzzz — Hulyo 6, 2008 @ 9:05 umaga | Sagutin

  17. sana ganun din dito sa dubai, eh 47 degrees na dito, may pasok pa rin, yun nga lang, naka A/C kasi lahat, ahahaha…

    Komento ni wifeybee — Hulyo 7, 2008 @ 6:04 umaga | Sagutin

  18. hahahah ok lang kengs, basta ako ang payong laging dala dala kahit saan mag punta =P

    Komento ni lilaybulilay — Hulyo 7, 2008 @ 11:52 umaga | Sagutin

  19. dito naman sa bandang south ng america, konting snow wala nang pasok. nakakatuwa, iba iba ang pinananabikan hehe. so, mother kengkay, lumalabas ka rin ba ng nakapanty lang? πŸ˜€

    Komento ni Meeya — Hulyo 10, 2008 @ 8:07 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: