Kwentong Kengkay

Hulyo 9, 2008

makabagbagdamdaming mga tanong

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Hmmmm,Hmmp — kengkay @ 6:52 umaga

Ano ang una mong i-empake kapag alam mong dalawang buwan na lang at maglilipat bahay at bayan ka na? As in hindi ka na babalik sa dati mong bahay kundi para na lang magbakasyon?

Yan ang makabagbagdamdaming tanong sa akin ni kengkoy nung isang araw.

Huh? Bigla naman akong nagpanic! Kabog ang aking dibdib.

As in naghalunggat bigla ako sa isipan ko kung ano pinaka-importanteng bagay na dapat kong dalhin. Pero bigla namang sumingit sa isip ko yung mga bagay na may sentimental value sa akin. Na nginusuan naman nung mga bagay na practical. Na pinasintabi naman nung mga bagay na mahal ang bili at baka mas mahal bilhin sa sunod na bayan. Ay ewan ko! Hindi ko talaga alam.

Kaya ang sagot ko kay kengkoy eto: ‘wala akong dadalhin kundi mga damit lamang.’ O di ba winner yung sagot ko! Kunyari praktical pero ano ka, kasi hindi ko talaga alam kung alin ang dapat i-empake!

Kahit na parang biglang may sumuntok sa puso ko na nagsabing: eng-eng ka talaga kengkay e papano yung mga dekorasyon mong ibinili ng papuslit kay kengkoy? Mababasag lang yon! Papano yung mga librong kinukulekta mo? Ibebenta ko sa ebay. At kung ano-ano pa, ngayon pa lang sumasakit na ulo ko, waaaaa. Kung pwede lang bang ibalot yung buong bahay at ilipat sa bagong bayan edi mas masaya. Bayanihan baga! Kaso mo mahirap yata yun dahil may parte ng bahay na nasa-ilalim ng lupa e, hahaha.

Pero si kengkoy may ready na sagot: tuwalya, bed sheets, pillow cases — hmpf, at balak pa kamong dalhin pati yung kama namin! Eto lang masisiguro ko, kapag sakaling maglipat bahay o bayan man kami – siguradong mahabang awayan at diskusyunan kung alin ang dapat dalhin, dapat iwan, dapat ipamigay, dapat ibenta, dapat ipamana at kung ano pang dapat dapat!

Kayo, ano ang una nyong iempake kapag magbabagong bahay at buhay kayo?

Advertisements

26 mga puna »

  1. …wow, lipat bayan ka na? yan pa mandin pinakamahirap gawin..hirap kasi ilet go mga bagay na me sentimental value…
    ..pag ako lipat bagong bahay una ko eempake bigas, asin, tubig at pera…kasi swerte daw yun..dapat unang gamit na ipapasok sa loob ng bahay.=)

    kengkay: pwede namang sa palengke na lang bilhin yan e, hahaha. pero tama ka, yan nga ang pamahiin ano

    Komento ni sommer — Hulyo 9, 2008 @ 7:25 umaga | Sagutin

  2. mahirap na tanong, pero magandang pagkakataon para sa bagong simula, na gawin ang mga bagay na gusto sa tirahan, at iwanan ang mga bagay na nakakapagpabigat lamang, oo’t merong silbi pero mas lamang ang pahirap. It’s going to be very challenging, and I wish you luck!

    kengkay: o ayan, kapag pabigat lang iwan na di ba? pero tama ka, challenging talaga.

    Komento ni partofyou — Hulyo 9, 2008 @ 7:40 umaga | Sagutin

  3. “Kayo, ano ang una nyong iempake kapag magbabagong bahay at buhay kayo?”

    answer ko: damit at anak. hehe

    kengkay: iempake mo rin mga anakis para di makawala ahahaha

    Komento ni utakmunggo — Hulyo 9, 2008 @ 7:52 umaga | Sagutin

  4. Unang pumasok sa isip ko pictures – although digital na ngayon. Isesecure ko agad yong portable hard disk namin na naglalaman ng libong litrato namin tapos yong wedding photo album and wedding photo canvas…Tapos isusuod ko i-secure lahat ng legal documents (certificates, bank documents, insurance policy) and valuables (e.g. jewelries), then yong souvenirs from countries visited at yong mga ref magnet ko. Since alam ko na hindi kami permanent dito, wala ako masyadong gamit dito. Tapos damit lang siguro at personal effects. Yong pwede ko bilhin sa pupuntahan ko iiwan ko na 🙂

    As in lilipat kayo? kakapagod Maglipat kahit sa malapit na lugar 🙂

    kengkay: hypo question lang yan kasi pareho kaming nag de-daydreaming ;D pero tama ka nga, photo albums, CDs, computer and my diaries 😀

    Komento ni nina — Hulyo 9, 2008 @ 7:54 umaga | Sagutin

  5. bumibili ka rin pala ng papuslit..hahahahahha….mga babae talaga….gawain ko rin yan lalo na pag shoes, hindi ko agad pinapakita kasi nagagalit. Ay nalimutan ko – hindi pwedeng hindi ko dadalhin mga sapatos ko – maghahalo ang balat sa tinalupan pag di ko nadala shoes ko 🙂

    kengkay: hehe, dami kong napupuslit kasama na dyan clothes at shoes at bags, hahaha

    Komento ni nina — Hulyo 9, 2008 @ 7:58 umaga | Sagutin

  6. yung pusa namin, mga libro, mga damit, computer, mga photo albums.

    kengkay: wow ang bilis ng sagot!

    Komento ni Pao-Pao — Hulyo 9, 2008 @ 9:10 umaga | Sagutin

  7. Naku mahirap na tanong yan kengkay. Nakakatuwa naman si kengkoy mo, me Q&A portion hehehe…

    Siguro itong EEE PC para sa blogging ko, damit at notebook na laman ang ibang contacts ko. =)

    kengkay: galing, tatlong pinaka importanteng bagay agad

    Komento ni callcentergal — Hulyo 9, 2008 @ 9:26 umaga | Sagutin

  8. bwahahaahahah as in, gimmick ko rin yon papuslit na bilihan 🙂 o kaya tipong pag nabanggit ni husband o ganda ng blouse/shoes/bag/ kaldero/ kawali- bago ba yan? at ang sagot eh – hah? tagal na nito last year pa, nung nag sale, di mo na ba matandaan? pambihira! bwahaahhahah
    anyways, naku hirap naman niyan, lipatang bayan ba kayo??? naku hirap naman niyan talaga. kung lipatan bahay na nga kahit same town hirap na, lipatang other side of the world pa! wala akong ma advice, napaka mind boggling naman.

    kengkay: hehe, minsan magsama tayo ng mag shopping ng papuslit. ganyan din ako, tinatago ko tapos kapag nakita na, sasabihin ko rin uy matagal na yan 🙂 hay alam mo, hirap talaga.. pinagiisipan namin pero kung maging totoo, hindi pa sigurado.

    Komento ni Toni — Hulyo 9, 2008 @ 11:29 umaga | Sagutin

  9. hmmm. wala akong maisip. dahil lumipat palang sa ibang bansa, hindi ko na maimagine! hehe

    kengkay: ako din dati hindi ko rin maimagine na titira ako sa ibang bansa. kaya nung na assign ako sa thailand? alam mo kung ano lang dala ko? damit, mga two pairs of shoes at yung baby pillow nung pamangkin ko 😀

    Komento ni winkii — Hulyo 9, 2008 @ 11:58 umaga | Sagutin

  10. hmm nakow ang hirap nga.. nung buhay pa yung aso kong si seiko, syempre sya yung priority ko.. ahehehe.. pero ngayon siguro.. hmm..?? yung mga gamit siguro ng parents ko..

    kengkay: anong gamit yun? ibig sabihin e sentimental values ang dadalhin mo

    Komento ni angel — Hulyo 9, 2008 @ 2:30 hapon | Sagutin

  11. hala. bagong bahay at buhay? hmmmm..

    laptop ko para makapagblog? hehehe.. pero seryoso na.. hmm, ano nga kaya? malamang laptop talaga at syempre damit! 😀

    kengkay: importante talaga magblog, hahaha

    Komento ni karmi — Hulyo 9, 2008 @ 3:16 hapon | Sagutin

  12. naku hirap nga nyan mam kengkay.. tingin ko damit talaga impOrtante mga bags, shoes, kikay kit ahaha.. parang wala akong gusto iwan..

    kengkay: aray ko, siguro yung mga little kengkays ko yung kikay kit nila ang bitbit nila haha

    Komento ni naglalambingnacute — Hulyo 10, 2008 @ 12:48 umaga | Sagutin

  13. ako yung vault kung saan nakalagay ang lahat ng papeles ng hacienda at mga lupain ko…mga kayamanan pati mga alahas na minana ko pa sa kanunununuan…

    nyaaaaaaaaaaahahahahahha

    dream on!!!

    kengkay: yan, dadalhin ko rin yang, ang aking mga dreams, hahaha

    Komento ni chuvaness — Hulyo 10, 2008 @ 1:41 umaga | Sagutin

  14. You’ve been tagged. A Tag for All Filipinos!The 2008 Miss Universe comes to Vietnam for a night of stars and glamour in search of the most beautiful woman in the world! The winner for Best National Costume will be decided by online votes.

    kengkay: will get to your blog and check it out

    Komento ni Elliot — Hulyo 10, 2008 @ 2:08 umaga | Sagutin

  15. In case di mo alam kung anong purpose ng tags/memes, pampataas ya ng pagerank! ^^; So ipakalat ang memes! ^^ gamitin mo lang etong html tag na to:
    name of blog

    Put there the name of the blog you want to tag next. But make sure that all of the tagged blogs will be on your posts. Insert mo rin ang sarili mong blog okies? ^^; Naku, magsasali ka sa mga memes para tumaas rank mo.

    kengkay: elliot ang rank ko is 5, pwede na ba yon, hahahah – kaso mo bawal mag pay per post dito sa wordpress e, sa blogspot pwede pa pero salamat sa tips!

    Komento ni Elliot — Hulyo 10, 2008 @ 2:10 umaga | Sagutin

  16. ATENNNGGG!! IWANAN ANG DAMEEET!! hahaha! bitbitin mo lang credit cards, checks at madaming credit cards! SHOPPING GALOORREEE! ANOBEEEH HAHAHAHAHA!!!!

    kengkay: alam mo ikaw ang winner – mas masarap yata mag shopping at praktical pa, hahaha

    Komento ni reyna elena — Hulyo 10, 2008 @ 2:53 umaga | Sagutin

  17. ang sagot ko ay LAHAT! hehehe… eh precious lahat eh… pati alikabok dadalhin ko.. hehehe

    kengkay: naku, para ka palang si kengkoy mag isip pero ayaw nun ang alikabok 😀

    Komento ni ifoundme — Hulyo 10, 2008 @ 3:37 umaga | Sagutin

  18. dalhin na lang lahat kasi di ba pwede?

    kengkay: naku kulot, of couse hindi pwedeng dalhin lahat.. ang dami naming gamit na dapat e nuon pa iniligaw, haysss

    Komento ni kulot — Hulyo 10, 2008 @ 4:11 umaga | Sagutin

  19. ang hirap naman na tanong yan. ako pa naman ang taong sentimental hehe…marami akong mga bagay na hirap na hirap i-let go, ewan ko baka nga kailangan ko pa talaga mag-isip. indi ako pwede sa madalian baka maaning ako ahehehe. 🙂

    kengkay: ayan, pareho tayo!

    Komento ni Aling Baby — Hulyo 10, 2008 @ 4:30 umaga | Sagutin

  20. ako naman mga damit lang at yung mga bagay na mahalaga sa akin 🙂

    nga pala kenks may tag ako sayo at sana gawin mo at sana meron ka pang mahanap na litrato para rito sa tag ko sayo hehehe baby bump tag http://tinytuts.org/misc/baby-bump-tag/ 😉

    kengkay: kitams, damit din ang bitbit mo! hirap ihiwalay sa mga damit ano? check ko yang tag mo, thanks!

    Komento ni scart — Hulyo 10, 2008 @ 4:37 umaga | Sagutin

  21. wow sosyal! new haus, new life!
    new asust ahehehehehe! 🙂

    kengkay: question and answer portion lang yan, hindi pa truly 😀

    Komento ni aga — Hulyo 10, 2008 @ 5:42 umaga | Sagutin

  22. una kong i empake e ung mga pagkain..hirap magutom sa bagong bahay..hehehe=)

    kengkay: oo nga ano, food!

    Komento ni rio — Hulyo 10, 2008 @ 6:07 umaga | Sagutin

  23. Sa totoo lang kalilipat lang namin ng bagong bahay from Marikina to San Mateo, Rizal last Saturday so may ready na akong sagot dito. Dahil maliit lang naman yung apartment na iniwanan namin at mas maliit pa yung nilipatan e lahat dinala namin maliban sa mga daga at ipis at ilang basura na naipon through the years doon sa mga sulok sulok ng apartment. Our new place is like 30 minutes away by motorcycle or at least one hour by bike from my workplace. Hindi ko pa nasubukan magbike kasi bagong lugar and I’m not yet familiar with the roads there at isa pa gabi ang pag-uwi ko. May mga stretches of roads that have no lighting at all. May sementeryo pa ngang dinadaanan e pero hindi naman ako takot sa multo mas takot pa ako sa buhay na baka tambangan pa ako pagdaan ko don sa madilim na lugar 🙂 .

    kengkay: hahahaha, alam mo bang ako a dating tambay ng san mateo? mas nakakatakot sya dati kasi super walang ilaw mga poste at daming damuhan lang at sempre ang biyahe namin dati e parating a few minutes before midnight; ngayon nga medyo okay na sya di ba?

    Komento ni rino — Hulyo 10, 2008 @ 6:12 umaga | Sagutin

  24. hmm nung una kaming naglipat bahay, syempre, (wala pakong kamuwang muwang nun)eh ang sarili ko. Hinanda ko yung ‘changes’ na mangyayari. Ayon lang..heheh ^^

    kengkay: hay yan ang masarap kapag bata…

    Komento ni wei vines — Hulyo 10, 2008 @ 4:14 hapon | Sagutin

  25. Hi Ate Kengk!

    So sorry po di ako nakakareply sa messages mo….Now I will try to make it up with you…

    I’m still under observation at home and sa hospital dito sa hawaii coz of a possible appendicitis. sus! iniiwasan ko pa naman magkasakit dito kasi I’m just visiting and i dont have medical insurance…haysos!

    anyway, will read more of your posts po..bawi ako talaga! mwah! Miss ya! God bless! kisses to the little kengkays and kengkoy heheheh

    kengkay: hey tintin. happy to hear from you! magpagaling ka! God bless!

    Komento ni kristine sendy — Hulyo 10, 2008 @ 6:45 hapon | Sagutin

  26. nyeh, ako daw ba ang tanungin, haha! sa limang taon naming mag-asawa ni hubby, pitong beses na kami lumipat ng bahay. dun sa unang paglipat namin, galing pinas papunta ng amerika damit at mga importanteng papeles lang ang dala ko (birth cert, medical records, transcript, etc). pati ang pinakamamahal kong celpown iniwan ko na din kasi di ko rin magagamit dito, huhu. 😛 ano nga ba naman ang pwedeng mapagkasya sa dalawang maleta di ba? pero naisip ko rin bandang huli na basta yata kasama ko pamilya ko, kahit sa damuhan lang kami lumipat masaya na ako. 🙂

    kengkay: hay tama ka dyan — basta kasama ang buong pamilya e yun na ang tunay na buhay at bahay 😀

    Komento ni Meeya — Hulyo 10, 2008 @ 7:51 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: