Kwentong Kengkay

Hulyo 10, 2008

Kapitbahay

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Europe,Kwentong Nanay,Oyropa Ko — kengkay @ 7:45 umaga

Akala nyo sa Pinas lang uso ang chismisan? Sempre hindi, yan yata e international sport of the mouth and the tongue, hehe.

Dito sa aming baryo, ang mga kapitbahay namin e halos mga matatanda na. Napapaligiran kami ng mga taong hindi na nag ta-trabaho kundi sa kanilang hardin na lamang o mga konting pukpukan at repair sa mga bahay nila. Ang inaantay na lang nila na adventure e yung mga bisita ng mga apo, anak, kapatid, kamag anak at mga kaibigan, minsan kahit nga kaaway excited din silang makasalamuha kasi nalimutan na nilang kaaway pala nila yon πŸ™‚

Kapag umaga nagtitipon tipon na yan sa harapan ng isang bahay na nagkataong katabing bahay namin. Chismisan na sila. Kapag hapon naman ang nagtitipon-tipon e yung mga nanay nasa kani-kanilang balkon naman ang pagitan — as in umaalingaw ngaw sa buong barrio yung chikahan nila. Niloloko nga ako ni kengkoy na dapat daw sumali ako as if hindi nya alam na nakikinig ako.

Ako kahit hindi ako magtatanong, kinukwentuhan nila ako. Kasi I make sure na may time akong batiin sila o kaya minsan kasi e may mga one liners na akong binabato sa kanila na kadalasang e nagiging one hundred liners dahil ayaw na nila akong tigilan, waaaaa

Mga nakailang buwan na ang nakalipas, nagtanong si max, yung kapitbahay namin. Sabi nya, alam mo mong andaming nagtatanong sa akin kung ano ang edad mo e sempre hindi ko naman alam! Naks, pakunyari pa si max e gusto lang palang tanungin kung ano edad ko, hahaha. Sempre naman binigay ko sa kanya ang aking tunay na edad ng walang pasikot sikot. Proud naman ako na tumanda ako ng ganito e πŸ™‚ So am sure alam na ng buong barrio kung gano na ako kauban, hehehe

Kaninang umaga inaabangan nya talaga kami. Kasi hinahatid ko ang mga little kengkay sa kindergarten. Sabi nya, ‘alam mo bang may napanood ako sa tv. May dalawang matanda na nagreklamo sa kanilang kapitbahay na may dalawang maliit na anak. Masyado daw maingay yung mga bata kaya dapat daw e lumipat sila ng bahay. Dapat e dun sila tumira sa bundok. At gustong bayaran sila dahil daw ang laking istorbo daw nung dalawang bata sa katahimikan ng baryo.’

Huh! Sabay kaming naghalakhakan nung natapos nya yung kwento! Sabi ko baka naman hindi na matino isip nung mga matatanda. Sabi naman ni max, ‘sabihin mo, silang dalawang hukluban ang dapat na ibaon sa lupa!’

Hahahahaha. Minsan nakabaliw talaga ang mundo. Pero sa totoo lang, minsan kasi palitan lang ang ingay ang mga matatanda at bata sa aming baryo e. Kapag asa eskwela ang mga bata, ang mga matatanda ang maingay. Kapag uwian na, ang mga bata naman ang bida.

And we live happily ever after πŸ˜€

—-

At eto ang may kasalanan kung bakit ako nagkaron ng impluwensya bilang influential blogger πŸ™‚ Kapag gusto ninyong malaman kung sino sya at member kayo ng WPP, siya ngayon ang bida sa WPP Hotseat!

Ar eto naman e isang pabor, bisitahin nyo ang blog ni gab at pakinggan ito.

Advertisements

11 mga puna »

  1. pakilala mo si max kay christy fermin para mawindang. hehehe! napakafinesse ng kanyang pagchika ha… hehehe

    kengkay: naku kasi mga profi na sila sa chismisan kaya akala mo minsan e hindi chismis yung tanong nila sa yo, hahaha

    Komento ni ifoundme — Hulyo 10, 2008 @ 7:53 umaga | Sagutin

  2. naku alam ko yang one liner na yan, nagiging hundred liners, kasi yung kapitbahay ko dito sa kaliwa eh retired na rin, lola na, tapos kasama niya yung anak niya, na lola na rin. mabait nga kaso super kwentuhan na pag nagkita kami. ay.. minsan papuslit na nga ako lumabas..

    kengkay: hay kanina lang e inabot ako ng isang oras sa kachichismis dahil yung isang babae sa kabilang kanto e hinila ako sa garden nya para ipakita yung mga tanim nya. ang malupit nito, hindi kami magkakilala. Minsan nagkakabatian lang kapag kasalubong. O ayun, naubos oras ko sa chika, hahaha Hirap umiwas!

    Komento ni Toni — Hulyo 10, 2008 @ 8:38 umaga | Sagutin

  3. ganon yata talaga pag walang magawa eh.

    kengkay: actually marami silang dapat gawin kaso mo kapag relax time e chika ang kanilang gawain πŸ˜€

    Komento ni kingdaddyrich — Hulyo 10, 2008 @ 3:06 hapon | Sagutin

  4. buti nga sa inyo palabati ang mga kapitbahay, dito sa amin dedmahan, wala tuloy akong masagap na chismaks. πŸ˜€

    kengkay: ay ganun? baka later e makasagap ka na rin ng chismaks, antay ka lang, hahaha

    Komento ni Meeya — Hulyo 10, 2008 @ 7:39 hapon | Sagutin

  5. haaa i dont talk to my neighbors dito.. wla kaming mga pakeelam sa isat isa..

    kengkay: may ganon yata talaga e. ako din nung asa thailand ako ni di ko kilala yung mga kasama ko sa condo, hahaha

    Komento ni abby — Hulyo 10, 2008 @ 10:18 hapon | Sagutin

  6. hahaha sa barrio namen dito sa philly, walang tsismisan! hahaha! basta darating na lang ang police car! hahaha

    kengkay: ganon, as in pulisya na agad, ang lupett

    Komento ni reyna elena — Hulyo 11, 2008 @ 5:18 umaga | Sagutin

  7. Mukhang masaya diyan sa neighborhood niyo Ate Kengks. Babalik ka na ba dito sa Pinas? πŸ˜‰

    kengkay: alam mo, swerte ko kasi kasundo namin halos lahat ng kapitbahay. kung babalik kami ng pinas? balik na balik na ako…

    Komento ni Jayme — Hulyo 11, 2008 @ 7:01 umaga | Sagutin

  8. Wehehehe. Ang kengkay nmn ng post na ito. Ay naku kami nga matagal na panahon na nung nagaapartment pa kami, maingay ung dog namin. Tapos sinugod ng matanda naming kapitbahay at pinagpapalo ng kahoy! Naku idemanda nga ng nanay ko.hehe. Labrador pa nmn ung dog na un. Hayon we ended up in d baranggay hall.

    Pano nmn tayo makakasiguradong di tayo tatanda nang ‘walang pinagkatandaan’? hehehe

    Anyhow, you’ve been tagged:
    Are We Beyond Redemption? – Whoever adopts this tag will receive a special wallpaper quality photo of Geumgang Mountain in North Korea, photo taken in Summer of 2007.

    kengkay: hahaha – na baranggay ba kayo? sige, will check out that tag!

    Komento ni Elliot — Hulyo 11, 2008 @ 8:14 umaga | Sagutin

  9. pati mga nananahimik eh pinapakelaman? eheh ibang klase rin ang mga aleman ano. dito naman bihira ang makikipagkwentuhan na kapitbahay at lahat halos eh di magkakakilala. maliban na lang sa aming maalamat na nebor na si darling fred, na laging nakatambay sa may labas ng haybol niya para mang harass este makipagchismisan sa mga nakikidaan.

    Komento ni utakmunggo — Hulyo 11, 2008 @ 8:42 umaga | Sagutin

  10. haha! at least,kayo na bida sa usapan..hehe

    Komento ni wei vines — Hulyo 11, 2008 @ 2:20 hapon | Sagutin

  11. san ba yang baryo nyo Aing Kengkay? kung puros chismosa lng din naman yan… mag evacuate ka na at wiswisan mo ng gaas ang buong baryo at tsaka silaban habang naglalakad ka ng nakatalikod…ganyan gusto ko gawin d2 samin. kainis no?

    http://themiseducationofzapped.wordpress.com

    Komento ni themiseducationofzapped — Hulyo 11, 2008 @ 9:27 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: