Kwentong Kengkay

Hulyo 11, 2008

Bespren Stories

Filed under: Dito sa Amin,Duon sa Amin,Europe,Kaibigan,Oyropa Ko,Pinas — kengkay @ 9:10 umaga

Kilala mo pa ba kung sino ang bestfriend mo nung asa kindergarten ka? E nung asa grade school ka? Nung nasa high school ka? At nung college? At dun sa unang opis mo? At dun sa opis mo ngayon?

Alam mo yun, sa bawat takbo ng buhay natin ay nakaipon rin tayo ng mga kaibigan; mga ka bespren. Mga taong mamahalin tayo at mamahalin natin.

Nung kindergarten ako basta ang parati kong kasamang pumasok sa eskwela e yung kapitbahay kong sina sarah at arman. Tatlo kaming nagtatakutan dahil akala namin e yung walis tambo dun sa CR ng kindergarten namin e anino ng isang witch! Asan na sila ngayon? Pareho silang may asawa at mga anak na. Dun pa rin sila sa pasay nakatira, kilala ko mga asawa nila pero yung mga anak nila e hindi ko pa rin nakikita. Minsan kapag asa pinas ako nakakasalubong ko sila. Si sarah dumalaw dati nung kasama ko ang imported kong pamilya.

Nung grade school ako papalit palit na. Minsang nagkagalit e hindi na ulit naging close. Minsang nakahanap ng ibang kalaro e hindi na ulit sumali sa dating kalaro. Nakakakita ba ng iba. Pero ang nanatili sa aking piling e ang tinawag naming grupong unang kasali sa ‘Snuggling Chicks’ baduy man sya pero baduy na nga talaga sya, wala na kong magagawa at nasulat na sya sa history, hehe. Sina Charry, Vicky at Carol. Parati kaming magkasama kahit na walang pasok. Sila unang nakasama ko sa loob ng sinehan at patakas pa yon! Tambay sa bahay ng may bahay. Kilala ng mga magulang namin mga magulang nila. Atsaka ko na kwento kung asan na sila.

Nung high school sila pa rin, pero dahil nagkawatak watak na ng section e nagkaron ako ng ibang grupo na pandagdag naman ‘Ratok’ (siRA tukTOK). Baduy rin pangalan pero di bale na kyut naman ang kabaduyan namin. Ayin, Bona, Chekwa, Genaline, Chibot, Glenjoy, Liza (na ang tawag namin e kuto) — minsan nahahati ako sa dalawang grupo pero keri na rin. Ganun din, tambayan sa bahay ng may bahay, sleep overs, hiraman ng panties ng walang solian, tuksuhan ng crush, at kasama sa magplano sa college.

Ang Snuggling Chicks e nadagdagan ng miyembro. At nung nag college na kami, nawalan na kami ng contact sa isat isa. Minsan nga mas may contacts pa mga nanay namin kesa sa amin e. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung asan na sila. Ang alam ko si charry e stewardess ng Cathay Pacific at asa hongkong naka base. Masaya ako para sa kanya dahil yan ang talagang pangarap nyang gawin.

Ang Ratok naman, medyo solid kami. Kahit na ibat ibang colleges at universities kami, nagkikita at nagkikita pa rin kaming pilit. Siguro dahil karamihan sa amin e halos magkakapit-bahay lang. Mas madali talaga kapag malapit lang kayo. Nagtatawagan, nagkukulitan sa kalye, nagkikita-kits at hanggang ngayon e nagkukulitang parang heyskul girls pa rin. Ilang reunion na rin ang naganap sa amin. At nagkikita kami kapag asa pinas ako, dapat lang kundi e wala silang pasalubong, hehehe. Nga pala, si Liza e andito rin sa Alemanya; kaya ang saya saya ko dahil sa wakas e nahanap ko na rin sya. Sayang lang at di sya nakarating sa kasal ko dahil matagal tagal ko rin syang pinaghahanap!

At sempre nung asa kolehiyo. Freshman year meron akong bespren at meron din akong mga lima pang kaibigang matalik na mga kaklase ko nung heyskul. Sila pa rin nung Sophomore. Pero nung third and fourth year — medyo nabalentong kasi yung iba nawala at nabigyan ng pink slip. Pero nakita ko naman dun ang AB Journalism 90. Halos buong section e barka-barkadahan.. may mga small factions pero halos lahat kasi e bati bati. Mas maraming adventures, mas maraming iyakan at hagikgikan. Hanggang ngayon nagkikita pa rin kami, nagkaka chikahan. Kahit na saang lumalop man ng mundo. At oo, masaya pa rin ang aming iyakan at hagikgikan. Maraming asaran, pero kasi game naman lahat kaya walang pikunan o baka di lang nila sinasabi, hehe.

Pano naman yung mga naging kaibigan sa opis? Sempre andyan pa rin sila. Nagre-reunion kadalasan, nagaasaran din, at nag chichismisan. Minsan miss ko na rin sila 😦

At sempre, ang bago kong mga kaibigan — yung mga nakaka chika ko sa blogosphere. Yung mga taong di ko man alam kung ano ang hitsura pero prends kami. Yung mga taong alam kung ano ibig kong sabihin kahit na wrong spelling wrong ako 🙂

Pero eto lang, para ito talag kay B — more than 15 years na tayong magkaibigan. Kung saan saang sulok ng mundo na rin tayo nakarating. At alam mo, naging totoo yung mga pagninilay nilay natin dati sa may CCP area, sa may manila bay, sa luneta park… na makarating sa ibang bansa. Kahit pa nga pa joke lang yung mga drama natin nuon e naging totoo yon. Pero eto ang mas totoo, ramdam pa rin natin kung kailangan natin ang isat isa. Andyan pa ring yung connection at sana hindi sya maputol kahit pa minsan minsan na lang tayo magka usap at mukhang matatagalan ulit bago tayo ulit magkita. Hindi coincidence na nag online ako nung gabing iyon samantalang dapat e matagal na akong tulog. Gusto kong isipin na tinawag mo ako sa isipan mo dahil kailangan mo ng kaibigan nung mga oras na iyon. At bilang kaibigan e sumagot naman ako sa pamamagitan ng pag online.

Masaya ako na naging karapat dapat akong kaibigan nung mga oras na yon. Dear B… sinabi ko na at uulitin ko ulit.. mahal kita, bespren!

Advertisements

30 mga puna »

  1. Nangyari sa akin yan kanina:D 1am na ako natulog at normally e 9 na ako gumigising ‘pag ganun, pero ang weird, nagising ako ng 5!?! Hehehe, ‘tas ayun, nag-online sa phone, at sabay pa kami nag-online:D Astig, weird pero astig.

    kengkay: yang mga ganyang connection ang astig talaga

    Komento ni Arvin — Hulyo 11, 2008 @ 9:28 umaga | Sagutin

  2. napaisip tuloy ako..

    namiss ko mga classmate ko nung elementary.
    yung mga mukhang pera kong titser..
    yung amoy panis na pizza..

    naalala ko tuloy mga barkada ko.
    yung mga gala namin..
    asaran at kalokohan..

    nakakamiss..

    kengkay: parang alam ko yang amoy panis na pizza na yan, hehehe

    Komento ni Enday — Hulyo 11, 2008 @ 9:57 umaga | Sagutin

  3. one of the real blessings in is friends.. di ba? ako ganun din. my best friends as in really core friends are my friends since kindergarten pa. tapos yung talagang mga taong nakakaintindi sakin ngayon eh friends din kami since kindergarten. as in we literally grew up together kasi classmates nga kami since kindergarten til high school. grabe bonding no?

    kengkay: masaya kapag ganyan katodo ang bonding talaga at maswerte tayo kapag may ganyang tunay na bonding

    Komento ni ifoundme — Hulyo 11, 2008 @ 10:24 umaga | Sagutin

  4. one of the real blessings in *life* is friends pala… nakalimutan si life… anyway… it’s nice to get to know you also… iba ang nadadala nitong blog blog na to… we get to meet different types of personalities yet in a weird way we get to understand each other.

    kengkay: tumpak, sa blogging naman ibat ibang tipong tao pero tunay na kaibigan din

    Komento ni ifoundme — Hulyo 11, 2008 @ 10:27 umaga | Sagutin

  5. Yong best friend ko nung grade school classmate ko yon mula nung kinder til grade 6. Tapos magkasama kami sa bahay till makagraduate ng college. Pati yong bf na naging hubby nya kilala ko yun mula nung naging sila. I just visited her in NY last year. Recently, lang kami nagkahiwalay ng malayo at matagal nung nagpunta ako dito and eventually nagpunta siya sa US.

    Yong high school best friend naman – she died a tragic death almost three years ago.

    Nung college – in-touch pa rin kami ng mga barkadada ko – halos puro chinese. I make sure I get to see to see when I go home.

    Sa work may mga close friends din ako and I keep in touch.

    I treasure my friends coz I only have few. I make sure I get in touch or see them when I get home.

    kengkay: sorry to hear about your high school best friend…

    Komento ni nina — Hulyo 11, 2008 @ 10:59 umaga | Sagutin

  6. ay naku nakakatuwa talaga pag nahanap mo yung dating mong besprens and lalo na kung may makaka chat mo sila once in a while sa mga oras na di expected. yung isang bespren ko nung high school eh lilipat na sa italy next year. naku tuwa ko naman, malapit lapit dito at may cheap flights kesa sa location nya na hawaii ngayon. at ang tunay na friends eh walang pinagkaiba kung isang araw, isang taon or isang decade na di kayo nag usap, pag nagkita at nag chat eh parang kanina lang kayo nag hiwalay. 🙂 ay naku ka miss ang mga bruha at bruho. ma email nga sila pagtapos kong mag submit comment.

    kengkay: sarap talaga mag remember ano, ayan, na miss tuloy sila. at least lapit na kung sa italy lang e yung mga friends ko karamihan asa US o canada e, wala pa naman balak pumunta dun si kengkoy

    Komento ni Toni — Hulyo 11, 2008 @ 12:34 hapon | Sagutin

  7. huwaw naman, impeyrnes alang memory gap =)) nyahhaa.. napadaan lang 🙂

    kengkay: pililit kong ilagay sa isip ko talaga ang mga pangalan ng friends ko, hehe. sa mga photo albums nga may mga pangalan at baka pag itanong ng mga little kengkay e nakakahiya naman kung di ko alam di ba

    Komento ni Mumu sa Kanto — Hulyo 11, 2008 @ 2:14 hapon | Sagutin

  8. ako rin sa lahat ng stage ng buhay ko may bespren ako. hanggang ngayon bespren ko pa rin sila. 🙂 pero sa lahat, yung bespren ko nung high school ang pinaka-bespren ko pa rin hanggang ngayon. kakaiba kasi ang wavelength namin, hindi lang sa kalokohan ha? sa lahat. 🙂 thank you sa YM at halos araw-araw kaming nag-uusap, di nauubusan ng chika. 🙂

    kengkay: kapag pareho talaga ng katok sa ulo, mahirap ng iwanan 😀

    Komento ni Meeya — Hulyo 11, 2008 @ 2:59 hapon | Sagutin

  9. ako kilala ko pa! actually two bestfriends eh.

    isa nung kinder hanggang mag grade 6 ako.. her name is joy.

    tapos nagkahiwalay na kame kc nag move out kame sa ibang lugar.

    den i met my new bestfriend when I was in 1st yr HS.. and her name again is joy.. =)
    she’s my dear bestfriend until now.. actually po, kaka-blog ko lang about sa knya.. ^_^

    kengkay: am sure masaya si joy to have read things about her

    Komento ni vanny — Hulyo 11, 2008 @ 3:04 hapon | Sagutin

  10. hay ate… sarap lang talaga ng may tunay na kaibigan… lagi mo maasahan…
    sila yung mga tipo ng tao na pwede kang magpaka totoo.. pwede mong gawin lahat ng gusto mo… at pwede ka barahin.. anytime 😀 (diba rio?)

    kengkay: aba at nagsagutan pa ang mag bespreng rio at lalaine, hehehe! halata namang good prends kayo ni rio e and am glad to know that

    Komento ni lalaine — Hulyo 11, 2008 @ 3:28 hapon | Sagutin

  11. awwww namiss ko bigla dabarkads ko sa davao. actually masaya ako nitong lingo dahil lahat sila nahagilap ko sa friendster hehehe at ang mas nakakatuwa yung mentor ko sa pagiging graphic designer ay founder na ng coreldraw philippinnes. kwento ko rin kya sila ano? hmmm sa next entry ko.

    kengkay: kwento ka na! oo nga, ako halos yung buong batchmates namin nung high school dun namin nakita sa friendster e

    Komento ni scart — Hulyo 11, 2008 @ 8:55 hapon | Sagutin

  12. yung bespren ko nung elem, naco tinatakas pa ako papasok ng lasalle nung nag-college na kami. dun kse sya nag-aral.
    yung friends ko ng hs, we still see each other. pero sobrang tagal ko na silang hindi nakikita. busy na kse, mahirap na lumuwas. tapos pagnag-aaya sila ng out-of-town, laging di ako makasama kse di pwede sa work.
    i still get in touch with my friends from my previous works too. kalimitan, videoke nights ang gimik namin. hahaha.

    kengkay: videoke nights? ikaw nga yung chonang mike hugger, hahahaha

    Komento ni antuken — Hulyo 11, 2008 @ 9:55 hapon | Sagutin

  13. huwaw!!! ansaya naman! daming mga prends.

    kengkay: pwede rin akong mag share 😀

    Komento ni mhar — Hulyo 11, 2008 @ 10:19 hapon | Sagutin

  14. Ang sarap gunitain ng mga samahan ng mga magkakaibigan. Masaya ako at kahit taon taon na ang lumipas ang mga kaibigan ko noon at matalik ng mga kaibigan ko pa din ngayon. Madami na din sa kanila ang nagibang bansa ngunit tuwing umuuwi sila ay nagkikita pa din kami.

    kengkay: oo nga, kapag asa pinas ako, hindi ko kinakalimutang bisitahin ulit yung mga kaibigan ko sa pinas, kaya EB tayo ulit ha 🙂

    Komento ni Rach (Heart of Rachel) — Hulyo 11, 2008 @ 11:36 hapon | Sagutin

  15. Ako din sa sobrang dami kong friends wala ako ma-itapon? Yun bang di mo alam kung sino ang tatawagin mong besfriend? Kasi meron sa elementary, highschool and so on.. sarap balikan ng good old days… 🙂

    kengkay: mas masarap sila balikan kapag harap harapan ang asaran, hehe

    Komento ni naglalambingnacute — Hulyo 12, 2008 @ 12:41 umaga | Sagutin

  16. As the song goes….”San na nga ba? San na nga bang barkada ngayun?”

    kengkay: napapaiyak talaga ako kapag naririnig ko yan, waaaa

    Komento ni Call Center Guy — Hulyo 12, 2008 @ 12:41 umaga | Sagutin

  17. Ay anubayan, tita kengkay, parang namental-telepati mo ako! 🙄 Tungkol din sa bespren ko ang post ko (July 10) kasi berdey nya! 😀
    Bilib ako, nagkikita pa kayo nina sarah at arman, ay kindergarten prens pa pala! At inabot mo rin pala yung acronym na “Ratok” — sayo may espesyal memories pa.
    Andami mong naging kaibigan, kengkay… hindi nakapagtataka, kasi very friendly ka. Maski nga dito lang sa WP, kitang-kita! 😉
    More power sa inyo ni B.

    kengkay: ahahaha, oo na naligaw ako dun sa bahay mo ang bumulantang e bespren mo din. masarap talagang pag chismisan ang mga bespren natin ano, hehe. salamat at more power din sa yo at sa bespren mo

    Komento ni HBH — Hulyo 12, 2008 @ 4:08 umaga | Sagutin

  18. Kengkay… bigla akong napaisip! 🙄 bakit puro bespren yata ang nakikita kong post ngayon? maski itong kay ‘angel’ o:
    http://bhievzkiez.wordpress.com/2008/07/08/from-my-best-friend/
    Mayron ba akong hindi alam? “Friendship month” ba ngayon? 😛

    kengkay: unofficial friendship month!

    Komento ni homebodyhubby — Hulyo 12, 2008 @ 4:17 umaga | Sagutin

  19. kami ng bespren ko mula nung 7y/o ako, kasama ko hanggang Dubai. Kapit-bituka na kami hehe..

    yung ibang mga haiskul at college friends ko, nagkikita pa rin kami pero madalang na lang kaya nakakamiss na sila sobra. yung mga kalokohan, katatawanan at nung mga panahon na lagi kami magkakasama kahit wlang pasok..hayyzz. 😦

    kengkay: uy talaga, mabuti naman at magkabuhol na bituka ninyo. am sure wala kayong sikret, hehe

    Komento ni Aling Baby — Hulyo 12, 2008 @ 4:37 umaga | Sagutin

  20. uu nga marami kang nakokolektang kaibigan habang dinadaanan mo ang buhay. masaya rin ako na sa sandaling panahon na bigla akong nagparamdam sa blogosperyo ay dumami agad ang aking mga kablitaktakan at prends at kakulitan. ahehe..

    nananawagan rin ako sa bespren ko sa pinas: gracey! malandi ka mag-email ka naman bruha ka. dat’s ol, teynk u.

    kengkay: ahahaha, kawawang gracey at nalaman tuloy ng mga tao na malandi sya — kasing landi mo ba sya, utakmunggo? hehehe

    Komento ni utakmunggo — Hulyo 12, 2008 @ 5:08 umaga | Sagutin

  21. madami akong tinuturingn bestfriend sa aking buhay…
    nasweswertehan ko lang na ung mga nagiging bestfriend ko ay talagang matatwag na kaibigan..
    tulad ni lalaine na isa ding blogger..since grade 6 palang..bonding to the max n kami nyan e..=)

    kengkay: talaga naman pong bespren kayo ni lalaine, imagine, since grade 6!

    Komento ni rio — Hulyo 12, 2008 @ 5:20 umaga | Sagutin

  22. nakakatuwa naman! ako yung mga friends ko dati eh may iba na ring friends…=) Pero yung bestfriend…yung bf ko, yun ang bestfriend ko…kasi dati nung nagkaroon ako ng babaeng bestfriend kinuha yung bf ko eh…(true)

    Naaalala ko tuloy yung ibang mga naging friends ko,may pangalan din kami sa grupo namin, nauso nga ata talaga yun nung nasa school pa tayo…parang simpleng gang ganun hehehe…

    Pero ngayon, along with my physical friends, meron na rin akong itinuturing na virtual friends…like you and the rest of the bloggers that keep me blogging.=)

    kengkay: aray ko naman — kapag mga ganyang istorya na e parang ang hirap naman non, hayyy. anyway, tama ka, sa blogosphere, di ko akalain din na may mga makikita akong tunay na kaibigan dito at isa ka sempre dun, naks palitan lang yan di ba!

    Komento ni callcentergal — Hulyo 12, 2008 @ 6:41 umaga | Sagutin

  23. ay ang sarap naman ng post na to.. sana me bespren din ako na magdi-dedicate ng post na kagaya nyan sa kin hehe..

    yung mga prends ko, buti na lang me friendster at yahoogroups, at least me contact pa din.. di ko na rin sila halos nakikita kasi kung saan saang lupalop na rin sila nakatira.. hay buhay..

    kengkay: hahaha, wak ka mag alala, pramis ko, pag lumabas na yang bebi mo, may i didikit ako 😀

    Komento ni analyse — Hulyo 12, 2008 @ 11:15 umaga | Sagutin

  24. nakakamiss maghayzkul ule.
    namimiss ko na rin ang bespren ko!

    mga bespren pala.

    ang sarap magnilay-nilay..
    buti na lang at nagpost ka ng ganitong entry ate kengks,
    hehe..
    naalala ko silang bigla… 😀

    kengkay: kaka miss ano, hayyy

    Komento ni ayyzzz — Hulyo 12, 2008 @ 1:43 hapon | Sagutin

  25. i’m trying to remember my friends in elementary wala na akong maalaala…puro mga pinsan ko nalang…ang mga buddies ko sa highschool nahanap ko thru friendster kaya nareconnect uli…ang hirap magmaintain ng mga friends kung malayo kc

    kengkay: sa diskarte lang yon, hehe. atsaka kasi kilala din sila ng mga nanay at tatay ko at mga kapatid ko kaya kapag natisod sila sa daan, chika na agad! atsaka dahil na rin sa white pages 😀

    Komento ni dakilang islander — Hulyo 12, 2008 @ 5:48 hapon | Sagutin

  26. Marami rin akong naging best friends. pero ang nagtagal e yung bestfriend ko nung elementary. kahit di na kami magkakaklase nung high school at magkaiba rin ang eskelahan pinasukan namin, ganun din ngayong college, e may kontak pa rin kami sa isa’t isa. chicka chika sa phone, ym, friendster. haha.

    ayus rin mga tawagan niyo sa barkada niyo ha. haha

    kengkay: ang baduy pero okay na rin, mahirap kalimutan, hehe

    Komento ni Hachi — Hulyo 12, 2008 @ 6:45 hapon | Sagutin

  27. best friends…they don’t make that much these days…hehehe…omsik tuloy ako, from kinder to elementary to highschool, hanggang college, solid kami ng mga friends ko, ngayun, we’re scattered all over the planet!

    kengkay: kaya nga mas exciting kapag nagkita kita di ba!

    Komento ni partofyou — Hulyo 12, 2008 @ 10:40 hapon | Sagutin

  28. naalala ko lang nung elementary ako, SA tropa namin may kanya-kanyang colors at element tas feeling namin super heroes kami.. aheheh!
    Pero nung nag-highschool ako, loner na ko kasi madalas ang mga classmates ko may ibang trip so hindi ako makasabay..nito lang nang college ako nagkaroon ako ng best friend until now best friend pa rin kami.. Medyo nakakalungkot lang isipin kasi magkaiba yung plano namin sa buhay pagka graduate namin, so posibleng magkahiwalay na din kami ng landas..

    kengkay: wag kang mag alala, kapag tunay talagang magkaibigan kayo, may paraan para magkakita at magkausap pa rin kayo ng walang pagbabago

    Komento ni angel — Hulyo 13, 2008 @ 3:11 hapon | Sagutin

  29. Sa nakaraang 2 buwabn, 5 na books na ang binili ko. Yung apat di ko na tinapos. Nainis ako. Sobra I wasn’t like this before.

    kengkay: pahiram mo muna sa kin 😀 ako basta may sale sa amazon, buy agad ako. mas mahal kasi sa mga bookstores dito ang english books e

    Komento ni Richmond — Hulyo 14, 2008 @ 5:42 umaga | Sagutin

  30. my prof told me that i should not read fictional books kasi, more or less, magiiba na paniniwala mo sa reality…

    pero masaya ah?! children’s books binabasa ko eh… *darren shan fanatic*

    Komento ni wei vines — Hulyo 14, 2008 @ 12:23 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: