Kwentong Kengkay

Hulyo 16, 2008

meron akong sasabihin

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kaibigan,Kwentong Kengkay — kengkay @ 6:49 umaga

Balak ko na sanang mag-paalam muna sa blogging world.

Hiatus baga.

Tambak na kasi labada.

Tambak na pati dapat plantsahin at tiklupin.

Pati paglilinis ng bahay napapabayaan.

Mga bilbil ko hindi magiging muscles ng kakaupo lang.

Lumalapad na pwet ko kauupo dati small size ako ngayon medium na, waaaa

Pero ang mga daliri ko dami ng muscles dahil sa kapipitik ng keyboards.

Nagtatampo na si kengkoy dahil kulang na sya sa labing labing.

Ang mga little kengkays malapit na ring mag summer vacation.

Ang aming lolo dito malapit ng operahan.

At si lola dapat parating may makasama.

Ang daming dahilan, pero sa totoo lang, bakit nga ba? Wala lang. Burn out siguro.

Babay na sana ako.

Kundi lang sa unang comment na nabasa ko ngayong umaga:

napakaganda ng lahat ng mga blog mo. very imformative . napadaan lang po ako ngunit di ko akalain na isa kang nilalang biniyayaaan ng magaling na imahinasyon… ibang klase ka katulad ng libro mo na puno ng mahika

Comment by frozengirl24 β€” July 16, 2008 @ 2:02 am

Frozengirl24, kung sino ka man, hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa yo o sasakalin kita, hehehe. Dont tell me na dinaanan mo lahat ng blogs ko pero salamat talaga πŸ™‚ Kahit sinabotahe mo ang balak kong mamahinga, biglang nagkaron ng kick ulit ang aking natutuyot ng utak.

O sige, maglalaba muna ako at magplansta at magtiklop at maglinis ng bahay..habang nakaupo sa harap ng computer πŸ˜€

Advertisements

36 mga puna »

  1. kala ko matutuloy ang hiatus mo, ate kengks. malulungkot ako. 😦

    Komento ni Pao-Pao — Hulyo 16, 2008 @ 9:01 umaga | Sagutin

  2. ahaha pwede namang mag-hiatus ng dalawang araw para matapos lang ang lahat ng gawaing tumambak.. after that, e di patambakin ulit! no prob! πŸ˜€

    Komento ni utakmunggo — Hulyo 16, 2008 @ 9:14 umaga | Sagutin

  3. buti naman at di ka mag be-break , kasama na ata sa daily ritual ko basahin ang blog mo. nakaka-aliw, nakakalungkot, minsan napapamuni-muni ba. tama si frozen girl, sayang naman na patulugin mo ang magandang imahinasyon mo di ba? tama si utakmunggo pwede rin mag break ng 2 araw para sa mga gawaing bahay. tapos na, itambak ulit πŸ˜‰

    Komento ni Pokwang — Hulyo 16, 2008 @ 9:51 umaga | Sagutin

  4. Tulungan na kita sa mga gawain mo.(-char.)Asa ka pa mami. ako nga may lumot na ata yung mga damit kong naghinhintay na mapansin ko pero kinikembot ko lng. Patay malisya tlga ako pag napapadaan ako sa marumihan ng damit ko kunwari busy ako.nyahahah!!! Wag ka ngang magmaasim jan mommi kenks!Dont give up,ok? (-feeling close ?!!) May mga challenge lng tlga tayo sa paghahandle ng time natin kasi minsan pasulpot-sulpot tlga ang mga idea at mga urgency natin sa pagsusulat at walang pinipiling oras at panahon kesehodang nagpapadede ka ng sanggol, umeebs, may prayer meeting ka, kefer-kefer…( or etcetera or etc. / See MISEDUCATION #1: Mga Ghetto Expressions. -taray.Mag plug ba talaga?! Pangalawa na to ah..pansin ko lng.)
    By tha way highway, bago pa mauwi sa post ang mala-nobelang comment ko, just want u 2 know that no matter wat happens…kahit na madami ka pang responsibilidad sa pamilya mo, or kung napapabayaan mo na yung sarili mo dahil sa pagbo-blog or tambak na labada mo…. UNAHIN MO MUNA SILA! Balik ka na lang pagkatapos, ok?

    Antay ka namin. =P

    Komento ni themiseducationofzapped — Hulyo 16, 2008 @ 10:43 umaga | Sagutin

  5. hahahaha! there’s are a number of nice blogfriends already i met na na-burn out na ata in blogging or decided to postpone blogging for some other reasons. One of them is Jon Mariano, yong OFW in Hongkong; si Edyeyey in Canada na nawili din ako sa blog entries and pictures nya of Canada taz yong OFW in Africa ata.

    Nakaka-burn out talaga. There’s been many times na nauubusan na ako nang maisusulat, naisulat na lahat nang iba. Pero alam mo, pag binalikan mo mga sinulat mo, which i did yesterday, binasa ko yong mga pag-eemote emote ko nung nilayasan ako nang aking kasintahans para sa isang tunay na babae hehehehe nalaman ko na baliw pala minsan ako! kaya eto balik na naman sa mga sulat nang kabaliwan hahahaha

    Komento ni reyna elena — Hulyo 16, 2008 @ 12:19 hapon | Sagutin

  6. walang iwanan sa pagbablog.. dito, siguradong may pamilya. hehe. ako nga mejo matgal tgal ng d nakakapgupdate. daan ka rin sa blog ko.

    Komento ni winkii — Hulyo 16, 2008 @ 2:12 hapon | Sagutin

  7. uu nga pede naman maging ulirang ina and at the same taym ay maging isang inspirasyon sa aming mga blogger at readers (naiiyak na ko waaaahhh!!!) ate kengks, sabihin mo joke lang ‘to. 😦

    Komento ni Aling Baby — Hulyo 16, 2008 @ 3:50 hapon | Sagutin

  8. bakit uso ang word na HIATUS? saan ba galing yan.hehe

    Komento ni mhar — Hulyo 16, 2008 @ 10:21 hapon | Sagutin

  9. hay naku Kengks pede naman mag blog habang nag lalaba o kya habang nag luluto… hmm sa paglilinis ng bahay ewan ko lang kung pede. pero siguro pede din. bakit nga yung iba nakakapag txt kahit na nag lalaba o namamalantsa… super kengkay ka kya yakang yaka mo yan….:)

    Komento ni barquera — Hulyo 17, 2008 @ 2:38 umaga | Sagutin

  10. napakadami nag qui-quit sa blogging, if ever mommy kengs pang apat ka na sa kilala ko. wag sayang, labhan mo muna labada mo saka ka mag blog. Actually madam, we are helping other people in ways that are unknown to us. sometimes posts that we deem trivial is actually a source of inspiration for others. so don’t quit blogging. You are one of the best bloggers in WPP. You can touch lives just by the click of your mouse and keypad.

    Komento ni bluepanjeet — Hulyo 17, 2008 @ 2:46 umaga | Sagutin

  11. Kelangan din naming magthank you sa kanya.

    Komento ni Richmond — Hulyo 17, 2008 @ 2:46 umaga | Sagutin

  12. kung sino man si frozen girl24…madaming madaming salamat at napigilan mo ang pag tigil ng isang magaling na manunulat sa mundo ng blogosphere!!!..=)

    ate kengs, pa LBA mo labahin at plantsahin mo sa PInas…papalaundry at press natin habangnagbloblog ka..hehe=)

    ingat po at balik po kau kaagad=)

    Komento ni rio — Hulyo 17, 2008 @ 2:53 umaga | Sagutin

  13. buti na lang at nag-comment ng bonggang-bongga itong si frozengirl24 at di natuloy ang hiatus ni ikaw. πŸ˜€

    crumbs
    i-view

    Komento ni Salve — Hulyo 17, 2008 @ 3:54 umaga | Sagutin

  14. naku tita keng wag ka naman mag dis appear.. masasad ako.. Haydol pa naman kita nakalagay sa blog roll ko Haydol oh.. πŸ™‚ na iinspire kasi ako sa mga sinusulat mo at sa mga comments.. pano kung mawawala ka .. pano na ?!!! πŸ™‚

    Komento ni naglalambingnacute — Hulyo 17, 2008 @ 4:20 umaga | Sagutin

  15. Ang inspirasyon talaga, basta na lang dumadating sa kahit anong anyo. Isang anghel ang nagbulong kay frozengirl24 na magcomment sa blog mo nang ganoon, kaya ayon ang lola nadiskaril nang tuluyan ang plano. Good for us dahil nandyan ka pa rin. O tapos ka na bang maglaba at mamalantsa? πŸ™‚

    Komento ni rino — Hulyo 17, 2008 @ 6:10 umaga | Sagutin

  16. kengkay,

    medyo bago saakin yung hiatus eh, ano ba yun? he..he.. Wag ka mamahinga, wala kaming mababasang kakaiba! Isa ka sa peborit blogger ko! Sayo ko natutuo ng mga kakaibang salita na di ko pa naeencounter sa tanang bohay ko! ha ha!

    Komento ni pEpPeR — Hulyo 17, 2008 @ 6:38 umaga | Sagutin

  17. This blog site http://buhaykorea.com/ was nominated by your friends or someone to the search for the 2008 TOP 10 PINOY EXPATS BLOG. Please read more details HERE at http://jbsolis.blogspot.com/2008/07/search-for-2008-top-10-pinoy-abroad.html and Voting and Ranking as well . The contest which will run till December 30, 2008 includes the blog of Jim Paredes who is an expat in Australia, and Lea Salonga who lives in New York, USA and several others across the globe. The list is growing and we are grateful that your URL had been submitted and voted as a nominee.

    Since your blog does not reach the minimum of 5 votes yet, you are not included to the poll widget yet. Please ask your friends to vote for you. For the meantime voting for you is conducted at the bottom of the widget by manually filling your URL.

    Goodluck to you!

    Komento ni kenjebz — Hulyo 17, 2008 @ 7:05 umaga | Sagutin

  18. ate kengkay musta po ang paglalaba?

    naway sa iyong paglalaba ay may maibahagi ka uling istorya!

    musta na rin po ba ang labing labing kay kuya kengkoy?

    naway nasiyahan siya sa iyong pagpapahinga!

    kamusta naman ang mga little kengkays natin jan?

    naway maasikaso mo parin sila sa kabila ng hectic skedyul mo.

    kamusta ka naman po?

    naway okay ka sa medium na size mo…

    hehehe! wink wink wink

    Komento ni yhen — Hulyo 17, 2008 @ 8:07 umaga | Sagutin

  19. ate kengkay… wag muna kaw magbabay kababalik ko lang.. wala akong kaututang dila dito.. hehehehe.. nkakatuwa tlga yung mga ganyan.. pero oki lng pag mrami ka ng naiwang gawain lalo na c lolong maysakit…. basta wag lang pangsamantagal.. uki..

    Komento ni repah — Hulyo 17, 2008 @ 8:23 umaga | Sagutin

  20. buti na lang at may nagiwan ng magandang comment… at napigilan kang mag leave sa blog mo πŸ˜€

    natutuwa pa naman ako magbasa dito πŸ˜€

    yngat po ate πŸ˜€

    Komento ni lalaine — Hulyo 17, 2008 @ 9:20 umaga | Sagutin

  21. hindi,hindeeee, hind ka pwedeng tumigil,meron kang responsibilidad sa aming mga readers mo,hindi pwede!!!magsusumbong ako sa baranggay!!! =P

    Komento ni lilaybulilay — Hulyo 17, 2008 @ 9:53 umaga | Sagutin

  22. Naku labing labing na muna! Baka magtampo na masyado si kuya kengkoy. hahaha!! At ipakulong na natin si frozengirl24 istorbo eh. hahaha! joke.. πŸ™‚

    Komento ni emoboyblue — Hulyo 17, 2008 @ 12:55 hapon | Sagutin

  23. that means hindi mo pa time…na bumitaw sa pagbablog….pero wag mo namang kalimutan i-labing labing si kengkoy mo..hehehh

    Komento ni dakilang islander — Hulyo 17, 2008 @ 1:27 hapon | Sagutin

  24. hello po ate πŸ™‚ unang bisita namin, hiatus agad! buti na lang to the rescue si frozengirl πŸ˜€

    Komento ni Carol — Hulyo 17, 2008 @ 2:54 hapon | Sagutin

  25. salamat nga kay frozengirl! πŸ˜€ naku te kengkay, di na daw pwedeng umayaw sa blogging eh.. hehehe.. ^_^

    basta, balik agad ha.. πŸ˜€ gudlak po sa tambak na labada at i-enjoy nyo po ang summer with your little kengkays.. ^_^

    Komento ni karmi — Hulyo 17, 2008 @ 7:09 hapon | Sagutin

  26. ang ganda ganda ng header mo. ang simple simple pero kuhang kuhang agad ang lalim ng ibig sabihin nito. ngayon ko lang natagpuan ang blog mo, pero nahuli kaagad ng mga post mo ang panlasa ko. sabi ko sa sarili ko, sayang naman, kakakita ko lang sa blog site na to tapos saktong magha-hiatus pa yung author nito. buti na lang at naisipan mong hindi na ito ituloy. πŸ˜€

    Komento ni Pedro — Hulyo 18, 2008 @ 5:55 umaga | Sagutin

  27. Ate kengkay mga labada lang iyan… kayang-kaya po ninyo. Wish ko na lang na sana ay matapos ninyo kaagad ang mga gawain na iyan na hindi kayo gaanong napapagod para tuloy-tuloy pa rin na nababasa ang mga akda ninyo. Mabuhay po kayo.

    Komento ni colegiala girl — Hulyo 18, 2008 @ 9:40 umaga | Sagutin

  28. Wow ate kengks! Agree ako sa mga naunang comment… Goodluck po sa mga gawaing-bahay at responsiblities para tuloy parin ang blogging! Ahay… mga comments nga talaga… nakakapag-bago ng isip. Buti nalang may natanggap kang ganyan ate. Kundi sad ang mga readers mo 😦

    Komento ni Miho the Explorer — Hulyo 18, 2008 @ 12:26 hapon | Sagutin

  29. hoy maglaba ka na! :)) pwede naman ipagpaliban ang pagblog kahit sa onting oras lng hehe thanx sa welcome :p

    Komento ni cJei — Hulyo 18, 2008 @ 12:43 hapon | Sagutin

  30. naku, kaka-link ko pa man lang din sa yo! yes, take Frozengirl24’s message as a sign. God gave you the gift of words to bring happiness to others. kailangan mo lang ng konting pahinga. and while you rest, new visitors like myself can read muna your archives πŸ™‚

    Komento ni ratedxtin — Hulyo 18, 2008 @ 3:46 hapon | Sagutin

  31. […] Ulit Yon?, Kwentong Nanay, Paki Lang — kengkay @ 5:43 pm Alam ninyo na nag emote ako dun sa huling post ko tungkol sa katamaran ko sa pagbo-blog na naudlot dahil nga sa isang […]

    Pasa ni Ayaw Talaga « Kwentong Kengkay — Hulyo 18, 2008 @ 5:43 hapon | Sagutin

  32. bakit ba kasi di maiwasan ang blogging, wahahaha… wag mo kami iwan ms. kengks :-*

    Komento ni wifeybee — Hulyo 19, 2008 @ 3:43 umaga | Sagutin

  33. aba! sikat po pala ako dito at pinagkakaguluhan ako ! swerte ko pala kase napigilan ko ang magaling na blogger na hindi ma maalam

    Komento ni frozengirl24 — Hulyo 22, 2008 @ 6:12 umaga | Sagutin

  34. […] Comment by Pao-Pao β€” July 16, 2008 @ 9:01 am […]

    Pasa ni isang komento…. dahilan ng pagbabalik Frozengirl24 « frozengirl24 ang pagbabalik — Hulyo 25, 2008 @ 8:19 hapon | Sagutin

  35. Yang si “frozengirl24” ang maski ‘unclickable’ ay maipagmamalaki natin. πŸ™‚
    Re ‘hiatus’ … siguro, kengkay, lahat ng blogger, dumadaan sa ganyang feeling ano? Ako man ganyan, lalo na nung masira ang modem ng laptop ko? πŸ˜› (Pero ngayon, naka-DSL na ako!)

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 10, 2008 @ 1:29 umaga | Sagutin

  36. Pero alam mo? para sa akin, kahit hindi naka kuha ng ginto ang Pilipinas sa olympic. Ok lang lang iyon! Hinding hindi magbabago ang tingin ko sa mga kapwa ko pinoy at hindi ko sila e let down at sisiraan! kasi hinding hindi matutumbasan ng maraming ginto ang kakayahan ng isang filipino! Gold is just only a precious thing!? Alam ko sa puso ko na magaling talaga ang mga Pinoy! walang makakatalo, filipino ka rin dapat ALAM MO DIN YON! :-)….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Emely — Nobyembre 25, 2012 @ 1:42 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: