Kwentong Kengkay

Hulyo 19, 2008

chipipay ka ba?

Filed under: Aruuuhh,Kwentong Kengkay — kengkay @ 10:54 umaga

Ako chipipay talaga 🙂

Matagal ko ng alam yan. Kasi nagsho-shopping lang ako kapag midnight madness sa Makati e. Kundi naman sa palengke na lang ako nambabarat. Tapos kumakain ako sa may gotohan sa kanto. O kaya bumibili ng mga naka plastic na ulam at extra rice dun sa tindahang hi-ace.

Pero naramdaman ko ang pagiging tunay na chipipay ko nung isang araw. Habang naglalakad ako (ayoko ngang mag drive kasi ang mahal ng gasolina di ba); may nakasalubong akong mga nanay na papunta sa mga kotse nilang naka park sa isang tabi.

Kuntodo pustura sila. Mek ap. Lipstick. Botox 🙂 Naka-high heels boots kahit na summer na. Naka tak-in yung blouse nilang naka-angat pa yung collar sa kanilang jeans na may pakner na sinturon. At sempre, meron silang hair do na kahit na humangin e hindi nagiiba hitsura.

Napatingin ako sa sarili ko.

Yung white na t-shirt ko na bagong bili pero sale sya at 1 oyro ang bili ko sa kanya.

Yung palda ko na sa na sa sari-sari store (proudly made in pinas) ko binili nuong 1990s nung midnight madness at alam kong 50 pesoses lang binayad ko.

Yung sapatos ko  na another proudly made in pinas, benchgirl, pero sempre, sale din sya nung binili ko.

At yung aking super iksi na hair na 15 oyro ang gupit na may chipipay na pomada 🙂

Meron ding unmentionables na binili ng nanay ko sa palengke dahil mura daw kapag isang dosena.

Pero sa tingin ninyo, sino ang mas maganda sa amin? Sempre sila, waaaaa 😀

Kahit na, mas masaya naman ako sa buhay ko. Iba yata ang high na binibigay ng nakaka hanap ka ng isang bargain, di ba?

Advertisements

15 mga puna »

  1. mas maganda ang simple. 🙂

    Komento ni winkii — Hulyo 19, 2008 @ 11:10 umaga | Sagutin

  2. chipangga rin aketch! walang nakakapasaya sa akin ng tulad ng katagang “sale”! at iba talaga dito kasi kapag sinabing sale, eh talagang halos ipamigay na lang. kaya hinihintay ko lagi ang december 26 dahil yan talaga ang araw ng sale todo todo!!! hehehe

    walang kwenta sa akin ang brand names, maliban na lang kung sa tsokolate. pagdating sa susuotin, ang importante pa rin ay ang kumportable ka, at siyempre, kumportable rin si wallet dear.

    😀

    Komento ni utakmunggo — Hulyo 19, 2008 @ 11:21 umaga | Sagutin

  3. tama kaya yung makahanap ka ng maganda pero sobrang mura mong nakuha. ganyan din ako. yung mga mamahalin kong gamit ay gifts… hindi ako bibili ng isang bagay na pwede naman mapalitan ng mas marami pa dyan pero mura. siguro gawa na rin yan ng hap intsik ko. hehehe!

    Komento ni ifoundme — Hulyo 19, 2008 @ 11:43 umaga | Sagutin

  4. agree ako dyan! iba ang feeling pag nakabili ka ng mura pero may quality naman. jackpot talaga!

    Komento ni Salve — Hulyo 19, 2008 @ 12:12 hapon | Sagutin

  5. ako naman extreme…minsan magastos minsan sobrang kuripot…heheehhehe

    Komento ni nina — Hulyo 19, 2008 @ 3:31 hapon | Sagutin

  6. Hay Sorry mommy kenks,ako? mahilig ako sa mga branded. Naman! Anong gusto mo? -Gap? Banana Rep? Guess Jeans? name it. I got it!

    Move over SM, ika nga ng mga tindera ng UKay-UKay….-We’ve Got it all —FOR YOU! ( w/ matching choreographs to the tune of SM jingle background)

    Komento ni themiseducationofzapped — Hulyo 19, 2008 @ 4:51 hapon | Sagutin

  7. naku kengkay sinabi mo pa, pag may nagsabi nga sa kin uy ganda ng blouse mo ang unang hirit ko agad – uy 10 euro lang yan, sale eh. naku kanina nga nakabili kami ng sessel (sorry nalimutan ko na ingles or tagalog non) aba ang presyo eh 5 beses bumama,, sabi nung saleslady, sikat daw na brand yon, malay ko ba sa brand brand na yan basta mura yon importante.. kakabili ko tuloy ng mura ayon nung isang linggo eh punta kami simbahan yung blouse ko na 10 euro suot ko, feeling ko ganda ko (kuno) aba pagpasok ko simbahan waaa 3 kami pare-pareho outfit..

    Komento ni Pokwang — Hulyo 19, 2008 @ 11:03 hapon | Sagutin

  8. Ako talaga may pagkachipipay. Pero siyempre tinitignan ko rin kung kahit na chipipay eh tatagal naman kahit paano ang isang bagay bago ko bilhin. =) Kailangan talaga wais na ngayon lahat na ng bagay ay nagmamahal…=P

    Komento ni callcentergal — Hulyo 20, 2008 @ 3:38 umaga | Sagutin

  9. …nyahahaha! iba ba ang chipipay sa kuripot? kasi ako sobrang kuripot..kahit sarili ko kinukuriputan ko.heheh! ayaw ko ng bago…mas masaya pa ako sa wagwag e…mas maganda pa nga quality (basta mega babad muna bago isuot.hehehe)

    Komento ni sommer — Hulyo 20, 2008 @ 5:55 umaga | Sagutin

  10. ako din chipipay! 😀

    la masama dun. bakit ba.. haha. 😉

    Komento ni vanny — Hulyo 20, 2008 @ 9:09 umaga | Sagutin

  11. Tama, tama! Mas gusto ko maging chipipay kaysa sa sobrang glamoroso. 😀
    Salamat sa pag-welcome sa akin sa WPP! 🙂

    Komento ni Kisty — Hulyo 20, 2008 @ 10:40 umaga | Sagutin

  12. eh ano naman kung mumurahin ang suot mo dba? nasa nagdadala lang naman yan eh! 😉

    and mas ok bumili ng mumurahin, wag lang imitations! 🙂

    Komento ni eNocH — Hulyo 20, 2008 @ 12:07 hapon | Sagutin

  13. ay pareho tayo kengkay… makikita lang halos sa mall ‘pag may sale at mas proud ako kapag maganda yong suot ko then nabili ko ng mura…saka ngayon kahit yong mga tunay na sosyal at richie-richy eh marunong na ring maging practical. yong iba kasi diyan yabang na lang ang meron. chorriii!

    Komento ni hitokirihoshi — Hulyo 21, 2008 @ 6:49 umaga | Sagutin

  14. […] dahil nga chipipay ako, hindi ako sumakay dahil wiz ako pambayad. Nakitawa na lang […]

    Pasa ni Toro « Kwentong Kengkay — Hulyo 22, 2008 @ 12:28 hapon | Sagutin

  15. hello po!every sunday po akong nag aabang sa sambuhay tv mass..gusto ko po malaman? kung ano po yung mobile number para prayer intentions?….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Ashlyn — Nobyembre 24, 2012 @ 2:06 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: