Kwentong Kengkay

Hulyo 20, 2008

Kuneho

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Europe,Kwentong Kengkay,Oyropa Ko,Panlasa — kengkay @ 11:50 umaga

Nag mountain climbing kaming pamilya kaninang umaga.

Kasama ko ang mga little kengkays at si kengkoy na may bibit na kutsilyo at basket.

Sa bawat daan e may wild berries na pwedeng kainin. Asa tabing daan, sempre dapat kunin mo yung medyo asa taas kundi baka may flavor ng iba yung berries mo — yung ihi ng aso, hehehe!

Gumawa pa nga si kengkoy ng tungkod para sa aming mag iina kasi naman yung mga road less travelled ang piniling daanan e. Lakad-lakad, takbo-takbo, pitas-pitas, kain-kain. Narating din namin ang tuktok ng bundok pagkatapos ng 30 minutes (kabilang kalsada lang kasi e bundok na).

Pinuntahan namin yung aming vineyard, naks, kala naman totoo! Meron kaming tanim na grapes, totoo yon πŸ™‚ Tapos naghanap ng hinog na apol pero wala pa so sabi ng mga little kengkays daan daw kami sa mga lola at lolo nila kasi sigurado may pagkain dun dahil alas dose na.

Mas mabilis ang pagbaba namin ng bundok kasi takbuhan na lang ang ginawa. Gutom na e.

Pagdating sa mga lolo at lola, sa gate pa lang e nagsisigaw na ang mga bata — buksan ang pinto, gutom na kami!!! Mabilis namang binuksan ni lola yung gate atsaka sinabing, ‘ dalian nyo at si lolo nyo e di pa tapos kumain!’

Upo agad ang mga bata sa hapag kainan. Noodles at sabaw okay na sa kanila. Si kengkay medyo natakawan kasi mukhang masarap yung manok na nakalutang sa sabaw. Upo rin ako at sabay hati ng manok at subo ‘hmm, sarap!’ Sabi ko pa.

Edi kain-kain na naman. Nung malapit ko ng matapos yung manok e tanong sa akin ni lolo, ‘uy, di ba sabi ko sa yo masarap ang kuneho?’

Akkkkkkk – na shock si kengkay!

Kaya pala naman walang nagsasalita habang nanginginain ako e dahil shock na shock sila dahil nasarapan daw ako sa kuneho na dati e hindi ko kinakain! Nyayyyy, akala ko kasi naman e manok!

Ano ba yun, dapat pala pinatilaok ko muna bago ko tinikman! Ayun, tigil ang ngata ko at napalaklak tuloy ako ng isang basong red wine para di ko mailabas lahat ng kinain ko. Waaaaaa

Kahit na delicacy ang kuneho dito sa Alemanya, ayaw na ayaw ko syang kainin. Kasi ang daming batang kuneho ang pets nila e. Yan lang po ang kwentong kuneho ko, bow!



PMN: Home and Garden
talks about tree planting for kids.

PMN:Travel
talks about Discovering Nature with Kids.

Advertisements

26 mga puna »

  1. feeling mo nagtatalunan sa tyan mo? hehehe! gusto ko makatikim nyan… masarap naman pala eh… hehehe…

    kengkay: until now feeling ko tumatalon pa rin sya, waaa

    Komento ni ifoundme — Hulyo 20, 2008 @ 11:59 umaga | Sagutin

  2. ‘Ang saya ng kwento mo! sayang, sana may picccies. pero di ko rin type kumain ng wabbit.

    kengkay: later may pics, pero yun kuneho, wag na lang!

    Komento ni Laarni — Hulyo 20, 2008 @ 12:32 hapon | Sagutin

  3. wow. kamusta naman ang lasa?
    buti di mo narmdaman ang teeth. haha

    kengkay: masarap naman pero nagiba lasa nung nalaman kong kuneho sya

    Komento ni winkii — Hulyo 20, 2008 @ 1:06 hapon | Sagutin

  4. ang ganda naman, malapit ka lang sa bundok. fresh aircon! haaay. ate kengks, kung ako siguro yung nakakain accidentally ng kuneho baka maiyak ako kasi isa yan sa mga paborito kong hayop. kasama ng aso, pusa, at dinosaur.

    kengkay: dinasaur!!!

    Komento ni Pao-Pao — Hulyo 20, 2008 @ 5:26 hapon | Sagutin

  5. kumusta kaya yun? masarap naman ba?

    kengkay: masarap, kung di mo alam na kuneho

    Komento ni mhar — Hulyo 20, 2008 @ 8:52 hapon | Sagutin

  6. Ang saya ng blog mo kengkay, humor coated talaga:) Natawa ako dun sa berries na may ihi flavor hehehe:) Ugali ko pa naman ang mamitas ng aratelis, baka nakakain na ako ng may ihi flavor courtesy of panikis. Wag naman sana:(

    kengkay: ano kaya lasa ng may ihi ng paniki, waaa

    Komento ni sonnetshaven — Hulyo 21, 2008 @ 12:12 umaga | Sagutin

  7. Sarap naman ang outing ninyo, talagang healthy ang life style ninyo. Sa totoo lang masarap din ang karne ng kuneho lalo na kung nakababad muna ito ng matagal sa suka,bawang, paminta, at soy bago iprito.

    kengkay: aba, kumakain ka ng kuneho

    Komento ni Mer Pints — Hulyo 21, 2008 @ 1:22 umaga | Sagutin

  8. habang binabasa ko po ung first part ng entry nyo parang naiimagine ko rin sarili ko na may dalang basket habang namimitas ng mga berries.dream ko kasi yun..madalas ko kasi mabasa yun sa mga romantic nobles..

    naalala ko nung nasa grade school ako nakakain na rin ako ng karne ng kuneho.pero di ko na maalala lasa nun, basta sabi nila masarap raw.if given a chance gusto ko uli i-try mahilig kasi ako sa exotic foods πŸ™‚

    kengkay: kapag andito ka sa malapit, sama tayong mamitas

    Komento ni ak0it0 — Hulyo 21, 2008 @ 6:07 umaga | Sagutin

  9. aw kuneho kinakain? pwede ba yun at ano namang putahe pwede? susme! kuneho as in kuneho?

    kengkay: as in si bugs bunnyyy

    Komento ni kulot — Hulyo 21, 2008 @ 6:08 umaga | Sagutin

  10. oo nga naman ang mga kuneho ay ka-kyut na mga nilalang. parang ang hirap kainin o saktan man lamang noh. i remember marami rin akong naalagaang kuneho noon… at ang napansin ko lang. parang hindi sila lumalaki hehehehe! baka nainjectionan ng habambuhay na pagkabata.

    kengkay: baka talagang mini kuneho sila, hehe

    Komento ni akosimakoy — Hulyo 21, 2008 @ 8:04 umaga | Sagutin

  11. hi ms kengkay, at least once in your life nasabi mo na naka kain ka na ng kuneho di ba? hehehe…

    next tym try mo rin po ang sawa, aso, palaka, bayawak, at kung ano ano pa… hehehe

    kengkay: nyaaaa, ayaw ko na. nung asa thailand ako kahit na yung locusts, kasali sa putahe

    Komento ni yhen — Hulyo 21, 2008 @ 9:24 umaga | Sagutin

  12. mare, ang hinde ko nun makain sa oyropa nung nasa sweden pa ako ay yung reindeer na hilaw na isasawsaw lang sa kung anong sauce. ewwwww

    Komento ni madbong — Hulyo 21, 2008 @ 10:16 umaga | Sagutin

  13. na iimagine ko tita keng kung ano itsura mo ng mahimasmasan ka na kuneho pala yan kinakain mo.. pero parang gusto ko mapuntahan yun vineyard mong may grapes at apple yum yum .. πŸ™‚

    kengkay: pwede mong puntahan, sa sunod na post ko

    Komento ni naglalambingnacute — Hulyo 21, 2008 @ 10:35 umaga | Sagutin

  14. naku masarap talaga ang kuneho, hehehe

    kengkay: kumakain ka rin, waaa

    Komento ni hilda — Hulyo 21, 2008 @ 11:30 umaga | Sagutin

  15. my french hubby and i passed a mutual contract before kaya nya ako napakain ng kuneho..sabi ko basta kakain din sya ng aso..hehehe

    kengkay: o nakakain na sya ng aso?

    Komento ni dhanggit — Hulyo 21, 2008 @ 11:31 umaga | Sagutin

  16. Ayos yun! Sana kasi di naman muna nila binuking ng na-enjoy mo naman! he..he.. Akalain mo kinain mo si bugs bunny?

    kengkay: waaa, natusok ako ng tenga, hahaha

    Komento ni pEpPeR — Hulyo 21, 2008 @ 11:55 umaga | Sagutin

  17. Kuneho? :O Wow! Nakakagulat nga talaga yun ate! Don’t worry, malinis naman yung mga yun πŸ˜›

    Vineyard! I love grapes! Sa Europe po ba yan?

    kengkay: malinis nga yon pero yoko kainin, waaa. asa alemanya kami

    Komento ni Miho the Explorer — Hulyo 21, 2008 @ 12:19 hapon | Sagutin

  18. aktuli nakatikim na ako ng kuneho nung bata pa ako. yung tatay ko kasi.. eh wag na nating pagusapan dahil naiiyak pa rin ako. 😦

    kengkay: naiyak din ako

    Komento ni utakmunggo — Hulyo 21, 2008 @ 8:52 hapon | Sagutin

  19. @Pao DINOSAUR? :p

    kengkay: aray ko, tagal sigurong marinate kapag dinosaur

    Komento ni Laarni — Hulyo 22, 2008 @ 1:27 umaga | Sagutin

  20. ay naku sinabi mo kahit ako di rin kumakain nyan, tawa nga mga aleman sa kin pag tinatanong ano di ko kinakain eh. gansa, koneho, kambing, lamb, duck — pano mga pets namin yon nung bata pa ako, di ko ma take.. except sa lamb wala lang cute sila eh.pero dito sa min ha, yung kuneho katabi lang ng baka sa rewe so parang normal lang na kainin sila .. awa tuloy ako kaya iwas na lang ako don sa corner na yon..

    kengkay: ay, ayaw ko ng ganyan talaga, pramis

    Komento ni Pokwang — Hulyo 22, 2008 @ 1:58 hapon | Sagutin

  21. huwaaaaw kuneho. shyet, anong luto un?!
    grilled-rabbit? kinilaw na kuneho? paksiw na kuneho? minatamis na kuneho?
    may gally gas beng beng. Ang trip dito sa pinas eh aso, dian naman kuneho.
    walastik!

    kengkay: uy, nakatikim ka na ng walastik? masarap yun

    Komento ni mahiwagang_sibuyas — Hulyo 22, 2008 @ 8:09 hapon | Sagutin

  22. […] Ulit Yon?, Dito sa Amin, Europe, Oyropa Ko — kengkay @ 6:49 pm Nakwento ko na sa inyo yung aming vineyard, kuno di ba? Pwes, hayaan nyong ipasyal ko kayo. Magsuot ng komportableng sapatos at kadamitan; pwedeng […]

    Pasa ni Kengkay’s Vineyard « Kwentong Kengkay — Hulyo 24, 2008 @ 6:51 hapon | Sagutin

  23. naku naman mamu keng…kawawa naman yung kuneho..para mo na ring kinain si Bugs Bunny…

    naimagine ko..nung malaman mong kuneho…napahinto ka…at sinabi sa kanila…
    …”MGA KRIMINAL!!!!!”

    bwhehehehehe

    kengkay: muntik ko nga isigaw yon, balak ko sana maghuramentado, hahaha

    Komento ni ruthie — Hulyo 25, 2008 @ 8:22 umaga | Sagutin

  24. hahahaha….Dun sa Market Square sa Brugge, may resto dun rabbit stew ang specialty – kumain si husband. Ako – hindi ko rin kaya kumain ng rabbit…

    Komento ni nina — Agosto 3, 2008 @ 3:23 hapon | Sagutin

  25. ms kengkay masarap nmn po yung locust ah… hehe!!! sa ilocos kinakain po yun… hehhee!!!

    Komento ni yhen — Agosto 4, 2008 @ 12:24 umaga | Sagutin

  26. […] din ang espesyal na ulam nila. at alam nilang mahilig si kengkoy sa kuneho kaya imbitado kami. ako? ngek, ayoko po ng kuneho. nag request nga ako agad ng ibang ulam kasi alam nilang ayaw ko kumain nun. pero delicacy yan dito […]

    Pasa ni ang kawawang kuneho « Kwentong Kengkay — Hunyo 14, 2009 @ 8:53 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: