Kwentong Kengkay

Hulyo 25, 2008

Kengkay’s Vineyard 2

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 12:08 hapon

Natapos ang labing labing, kakapagod, haysss 🙂 Kaya as promised, eto na ang susunod kabanata ng kengkay’s vineyard ekek.
Sabi ko nga e malapit lapit na tayo sa aming vineyard ekek di ba? Pwes eto na ang mga unang ubas, pero sa kapitbahay lang namin yan… hehehe. Nakiki-vineyard lang po ako.
Etong sa loob ng gates na ito ang aming luntiang vineyard, ang aming maliit na ubasan na nabubudburan din ng mga puno ng cherries, apol, peras, at mga bushy bushies ng strawberries, blueberries, at kung ano pang beri-berries 🙂 Sempre may mga gulay din kaming tanim.
O ayan, pasok na tayo sa loob, yan ang unang tanawin ninyo… pansin ninyo? pababa na naman ang tingin natin? E asa bundok nga tayo e, hehehe. Dyan sa mga bahayan na yan sa ibaba e isa ang aming munting palasyo, kitang kita talaga sya mula sa aming vineyard ekek. Pansin nyo rin yung bahay kubo sa gitna? Andun yung tangke ng tubig at mga gamit para sa hardin pero may space din dun para mag emote emote yun nga lang, pagnagkamali ka ng tapak sa sahig e laglag ka dun sa tangke, hehehehe. Wala kasing tubig kaya nagiipon lang galing sa ulan at sempre walang elektrisidad sa bundok e.
Ayan, may na diskubre na agad si bunsoy, ang aratiles ng alemanya, hehehe. Red currant ang tawag sa Inglis. Parang mani kung kainin namin yan, sarap. Si Pokwang ginagawa yang marmalade 😀
Left side view ng vineyard ekek. May mga ubas na, yung mga kaibigan nga ni panganay ko na mga city boys e nginatngat na ng todo kahit na hindi pa sila hinog, waaaa. Mabuti kamo di sumakit ang tyan.
Yan ang puno ng apol na mas matanda pa kay kengkoy. Masarap ang apol na andyan. Hindi pa rin hinog ang mga apols pero paboritong akyatin yan ng mga little kengkays.
Ayan naman ang isa sa mga puno ng cherries. May sour at may sweet cherries. Sabihin ko lang kasi ako dati akala ko lahat sweet, aba nung natikman ko yung sour, as in napaiyak ako sa pagka sour nya, waaa
Nagtago na ang mga little kengkays sa likod ng raspberries para ngumata. Ayaw ko ng raspberries kasi medyo mabalahibo sya e. Ang kati sa lalamunan, parang… parang yun na yun, raspberry ba, hehehe
Ayan at yung strawberries naman ang pinag iinitan nila ngayon. Eto lang, mas masarap talaga ang strawberries ng alemanya kahit saang strawberries pang sabihin ninyo, pramis yan.
Kengkoy, asan ka na! Weee, nangunguha ng cherries si kengkoy at nangailangan ng hagdan. Sa liit ni kengkay e yung paa lang ang nahuli ng kamera ko, hehe
Nature’s gift, earrings 🙂 Yan ang pinag-agawan ng mga girls ko kapag cherry picking time. Ang makahanap ng earrings!
Patatalo ba naman si panganay ko, dapat sya may posing din.
Okis, tapos na ang bisita sa aming vineyard ekek. Uwian na! Mas madali ang pagbaba ayan at naguunahan na ang little kengkays.
Nyee, trying hard harangin ang mga dumadaan. Kita nyo na ulit yung simbahan? At yang gate na yan e dyan nakatira ang aking mga in laws kaya kunyari e bida ang mga kiddies.

Ayan naman e ang likuran ng simbahan kung saan type na type nilang mag balancing acts. Medyo mga ilang minuto pa bago makarating ng aming balay pero dahil ubos na baterya ng kamera e hanggang dito na lamang po!

Nga pala, eto yung unang post ko tungkol sa aming vineyard, mas maraming photos at andun na yung ubas na hinog 😀

Advertisements

18 mga puna »

  1. ang kuyut!
    sana makapunta ako diyan
    one day! 🙂

    Komento ni winkii — Hulyo 25, 2008 @ 12:57 hapon | Sagutin

  2. ang kyut ng berries angels mo…grrrr……

    penge mami kengks!!!

    btw yung book ni christopher paolini is about dragons…if u have watched the ERAGON movie, sa kanya yun. Book one ang nasa movie. Binabasa ko ngayun ang book 2!!

    Komento ni Maldito — Hulyo 25, 2008 @ 2:07 hapon | Sagutin

  3. wow kengkay, di ko alam na haciendera ka pala 🙂 sana naman eh makapitas rin ako ng mga ubas mo diyan balang araw, lalo na yung cherries yummy, tsaka veggies na rin (mahal ata yon!). oo nga dati yung kapitbahay ko eh may cherries rin pero asim pala, masarap raw yon gawing jam. tenks pala, na komersyal blog ko dito ha 🙂

    uy sayang di ako pwede sa EB kasi naman labing labing rin kami ng waswit ko at punta kami sa schwarzwald. di pa ako nakapunta don , as in. para makita ko naman yung biggest cuckoo clock in alemanya.. (babaw ‘no?!) basta next time join ako diyan sa EB ha.

    Komento ni Pokwang — Hulyo 25, 2008 @ 2:15 hapon | Sagutin

  4. wow! ang ganda ng vineyard mo ate… ang saya naman nung cherry earrings at ang pretty ng mga baby kengkays! 🙂

    Komento ni Carol — Hulyo 25, 2008 @ 2:22 hapon | Sagutin

  5. hahaha! alam mo ba? me vineyard din kami sa Barrio Siete. nung pag-edad kong otsenta otso, saka ko lang nalaman na patola pala yon. hehehe, pero counted ba yun sa vineyard? pakla lang siguro pag ginawang wine hahaha

    pag-ako nakarating dyan! nakuuu pipigain ko yan ateng at dyan na tayo mag-laklakan! heeheh

    Komento ni reyna elena — Hulyo 25, 2008 @ 4:48 hapon | Sagutin

  6. Hi mommy! Im back! Sobrang ganda naman sa inyo! pwede bang makabisita jan? pano ba papunta jan? magkno pamasahe? mahal? cge, sa tityaga muna ko sa pictures.. hihihi!

    Komento ni binx — Hulyo 25, 2008 @ 6:57 hapon | Sagutin

  7. huwaw. ang kokyot ng little kengks.. =]

    Komento ni batopik — Hulyo 26, 2008 @ 3:33 umaga | Sagutin

  8. wow sarap naman tingnan ng mga pictures. sana merong ganyan malapit sa manila. nabuhay tuloy ang aking pagnanais na bumili ng farmlot. Sige hanggang dito na lang at maghahanap mun aako ng pera pambili ng lupa.

    Komento ni bernardumali — Hulyo 26, 2008 @ 4:17 umaga | Sagutin

  9. wow mommy k! daming proots! penge naman! haha.. masarap rin ang istroberi sa wimbledon pero di kita kokontesin dahil pinakamasarap kamo sa lahat ang istroberis mo sa binyard. have fun sa iyong camping trip wid da pamily! 😀

    Komento ni utakmunggo — Hulyo 26, 2008 @ 6:11 umaga | Sagutin

  10. awww ang ganda naman.. wahhh.. Ang arap tingnan parang nakarating na din ako dun.. ahehehe! Cherries.. oh wow.. kung alin pa yung wala sa pinas yun pa peyborit ko..

    Komento ni angel — Hulyo 26, 2008 @ 8:38 umaga | Sagutin

  11. Para na rin akong nakapashal jan sa Alemanya. Hanggang Pasay, Cubao, Makati, Baguio, MOA lang ang kaya ko as of the moment.

    Kapit-bahay mo ba si Poks!

    Komento ni themiseducationofzapped — Hulyo 26, 2008 @ 10:30 umaga | Sagutin

  12. Wow! Sana maka-pasyal po ako dyan 🙂 Kaya lang wala akong datung 😛

    Ang cute cute ng vineyard pati narin ang mga berries 🙂 Pero xempre cute sila little kengkays…

    Komento ni Miho the Explorer — Hulyo 26, 2008 @ 10:47 umaga | Sagutin

  13. ang galing! lakad-lakad lang, nasa vineyard na! mega-adventure na ang mga little kengkays. 😀

    Komento ni Salve — Hulyo 26, 2008 @ 3:19 hapon | Sagutin

  14. mommy kenks ang wafu ng ni daddy kenks hekhek!

    Komento ni dhangski — Hulyo 27, 2008 @ 2:33 umaga | Sagutin

  15. Buti na lang may part tu pa, indi ako nahingal dun sa akyatang una… At wow! hindi na puro semento ang dadaanan — may lupa na at damu-damo pa! (as if I can smell the scent of fresh air dun sa view na may ‘palasyo’) 😀
    Ahehe… ganda nung hikaw! Tita kengks, bakit hindi mo din lagyan ng aratiles earrings yung avatar mo? para may accent, di ba? (jokes)
    Ahaahaaha! 😀 natawa naman ako dun kay bulinggit na nagtratrapik sa daan!

    Komento ni homebodyhubby — Hulyo 27, 2008 @ 3:48 umaga | Sagutin

  16. Ang gaganda ng little kengkays mo, kengkay:) Bagay sa kanilang beauty ang beauty ng vineyard:)

    Komento ni sonnetshaven — Hulyo 28, 2008 @ 2:06 umaga | Sagutin

  17. kitang-kita na enjoy ang mga little kengkays. paki-itsa naman dito ng ilang pirasong cherries o!

    Komento ni bem — Hulyo 28, 2008 @ 1:17 hapon | Sagutin

  18. waaaaaaaaa tita keng nahuli na ba ako??? haizzz busy busyhan kasi kaya ngayon lang nakapasyal sa vineyard mo.. ganda naman dyan sa place nyo ang cute pati ng little kengkays.. tita keng paampon nako sayo hehehe 😀

    Komento ni naglalambingnacute — Hulyo 29, 2008 @ 6:02 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: