Kwentong Kengkay

Hulyo 27, 2008

chismis galing sa camping

Uy, andito na ako ulit. Pero mabilisang chika lang galing sa camping, atsaka na na rin yung photos; tambak na naman ang labada ako e, hehehe.

Ganito kasi yon, kaya kami nagcamping dun sa pinag-campingan namin e dahil may vier burgen beleuchtung — kung ano man yon, bahala kayong alamin — illumination of the four castle na may kasamang fireworks. Ang ganda, pramis. Sempre kapag may ganyan, may kasamang partihan at inuman at sayawan at kung anong dapat kasama kapag royal celebration.

At kapag may ganyan, may konting maraming drama. Katulad nung nangyari nung madaling araw. Aside from the fact na maririnig mo ang hilik at mga utot (mabuti na lang ay naka tent sila kundi maamoy mo rin) ng mga kasama mong nag ka-kamping; may nag dramang mga young lovers na mismong sa katabi namin nagka-camping.

At alam ninyo kung ano ang dahilan kung bakit sila nag away? Kasi daw naiwan ni babae ang paboritong marmalade o jam ni lalaki! Waaaaaa. As in alas kwatro ng madaling araw e nag-babangay si babae. Mabuti na lang e si lalaki medyo kalmado at hindi tumataas ang boses.

Nagising ako dahil sa ingay ni babae, tapos di ko mapigilan at talagang natawa ako nung maintindihan ko na ang drama nila! Ito palang si kengkoy nakikinig rin. Tawanan kaming dalawa. Sempre narinig nung lovers, edi natahimik sila.

Lintek na marmalade yan. Kung may dala lang akong jam e ibabato ko sa kanilang dalawa para manahimik sila.

Advertisements

15 mga puna »

  1. you’re back! salamat sa pagboto. 🙂
    boto ka ulit bukas ha. hehe.

    kengkay: pag natapos labada ko, hehe

    Komento ni winkii — Hulyo 27, 2008 @ 3:31 hapon | Sagutin

  2. ai grabe panalo naman pala ang away ni lalaki at babae. sayang wala kang jam, sana nabato mo sila para mas masaya.

    kengkay: nutella lang dala ko e,waaa

    Komento ni prinsesamusang — Hulyo 28, 2008 @ 12:45 umaga | Sagutin

  3. wahahahah! natawa ako sobra sa post na ito kasi a collegue who just came from camping had a similar experience (young lovers) hahahaha! get a room!

    kengkay: may ilog naman sa tabi ng camping area, dapat sa ilalim ng tubig na lang sila nag away 😀

    Komento ni caryn — Hulyo 28, 2008 @ 1:24 umaga | Sagutin

  4. mambulabog daw ba!
    MGA EKSENEDORA.

    kengkay: eksenadora? new word, hehe

    Komento ni tina — Hulyo 28, 2008 @ 1:35 umaga | Sagutin

  5. marmalade? Kung nakasama ako sa camping, coco jam ang dinala ko at binigyan ko sila agad:)
    kengkay: waaa, penge din akong coco jam

    Komento ni sonnetshaven — Hulyo 28, 2008 @ 2:05 umaga | Sagutin

  6. panira yung marmalade ah, buti chilled si boy peo chilli si girl! 😀

    kengkay: tumpak, chilled at chili

    Komento ni yavinfour — Hulyo 28, 2008 @ 4:34 umaga | Sagutin

  7. tangenang marmalade yan lololololol 😀

    teka, ano ule ung marmalade? tsk ingles kasi.
    malapit nnmn akong duguin neto. lololol 😀

    dapat tlga nagbaon ka nlng ng jam, para nde naistorbo ang pagtulog nio ni kengkoy mo. ibato mo dun sa dalawang iyon. teka-basagin mo muna ung lalagyanan bago mo ibato sakanila. lololololololol para dumanak ang dugo sa mukha nila. 😉

    kengkay: ano nga ba sa tagalog ang marmalade? palaman, yun, hahaha

    Komento ni mahiwagang_sibuyas — Hulyo 28, 2008 @ 7:15 umaga | Sagutin

  8. WELCOME BACK MARE!!

    Wala ba kayong marmalade nung nag camping kayo? Kung meron sana lumabas ka at sinaksak mo sa bibig nung babae para natahimik sa katatalak! Ahahay! Buhay!

    kengkay: isang maliit na nutella pack lang dala ko e, kaso baka mga little kengkays naman magtalak kung yon ginawa kong pato, hahaha

    Komento ni pEpPeR — Hulyo 28, 2008 @ 7:46 umaga | Sagutin

  9. iba ang naiisip ko sa marmalade sa oras ng tulugan, mas masarap yata ang honey, hahaha!

    kengkay: honey para mas malagkit, nyeeehehehe

    Komento ni partofyou — Hulyo 28, 2008 @ 8:43 umaga | Sagutin

  10. uy maligayang pagbabalik!

    at talagang si babae pa ang nagalit hane? ayus! tama ba namang mangbulabog ng kapit-bahay este kapit-tent ng madaling araw. sana pala mag-asawang panutsa na lang ang nadala mo para naiitsa sa mga mokong na yun.

    Komento ni bem — Hulyo 28, 2008 @ 1:09 hapon | Sagutin

  11. Nakakagulat ka naman. Mami-miss pa lang kita eh tapos anjan ka na agad! Basta talaga sa chika ayaw mo pahuli ,mommy kengks! nyahahahha! Jan ako bilib sayo eh. For sure subscriber ka rin ng TFC para laging updated sa mga latest chika sa THE BUZZ.hehehehe…
    Nag-enjoy ka ba naman sa camping?

    Komento ni themiseducationofzapped — Hulyo 28, 2008 @ 9:36 hapon | Sagutin

  12. anong kinalaman ng marmalade at 4 in the morning? ako’y napa-puzzle. hehe ang weird naman na punot dulo ng away niyan.

    Komento ni utakmunggo — Hulyo 29, 2008 @ 5:55 umaga | Sagutin

  13. Bili ka sa akin ng VCO at VCO bars tapos may libre kang coco jam:) Promo is good until supply lasts:)

    Komento ni sonnetshaven — Hulyo 29, 2008 @ 8:44 umaga | Sagutin

  14. marami din palang mga katatawanan ang nangyayari sa camping, may mga milagro din kayang nangyayari sa gabi?

    Komento ni Mer Pints — Hulyo 29, 2008 @ 11:18 umaga | Sagutin

  15. Baka naman, marmalade lang ang kinakain nung lalaki 🙂 Diba ate kengks? =)

    Pero bakit naman nagbubunganga ng husto ung babae? Wow ano po kaya yung vier burgen whateverush na yun? Hmm… baka yun yung neym ng party 🙂

    Komento ni Miho the Explorer — Hulyo 31, 2008 @ 10:08 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: