Kwentong Kengkay

Hulyo 29, 2008

Pasilip Naman

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Kwentong Kengkay,Kwentong Kengkoy,Oyropa Ko — kengkay @ 7:09 hapon

Ehehehe, oo sinilipan ko yung aming kasamang nag camping din. Yung kamag anak nung ayaw mag camping πŸ˜€

Sinilip ko yung kanilang camping space na ang tawag dito e wohnmobil o bahay na gumagalaw πŸ™‚ Sinilipan ko sila kasi sigurado ko gusto ninyong silipan din sila. O de vah, para sa inyo e naging peeping kengkay ako.

At eto ang ebidensya ng aking pagiging peeping kengkay…. dyaraaannnn

Ayan ang front tent nya, na talaga naman pong gawa lang sa trapal pero kumpleto yan: merong oven na de gasul, may pridyider, may mga lamesa at silya na may kutson at mga aparador na puno ng porcelana at kutsara’t tinidor at baso as in may wine glasses, beer glasses, cheche bureche pa yan ha. At sempre, puno din ng inumin na kung ano ano at pagkain na kung ano ano pa. Dun sa pintong may kurtina, andun na yung wohnmobil mismo na kung saan andun yung tulugan, sala, palikuran, at toilet. Pero mamya na kung pechurss…
O ayan yung mismong kinatatayuan nung wohnmobil. Di ba sosyal, parang may sariling garden ka na pagkalaki laki talaga. As in may summer pavilion pa sila kamo sa labas.
Ayan, pasok ulit tayo. Hawiin ang kurtina at eto na ang unang tatambad sa inyo, edi ba may sala nga? Edi may telebisyon din, sempre pa, de cable po dito! Hindi ko alam kung may kapuso at kapamilya, hehe
Medyo papasok ka sa isang makipot na corridor at ayan na ang master’s bedroom ika nga. Waaa, wag na panisnin yung malaking bra na nakahambalos dyan, bagong gising kasi yung mga may ari nung ginambala ko sila e, baka may na istorbo ako— basta, hindi akin yan, pramis — hahahaha
Sa pagitan ng sala at ng master’s bedroom ay may maliit na pinto kung saan andun ang maliit na palikuran at toilet. As in, patagilid ka dapat gumalaw pero kapag kasing liit ko, pwede kang mag ballroom dancing πŸ™‚
O ayan ang sala, di ba ang laki? Sempre pwedeng maging kama rin yan. At tingnan nyo naman ang aparador, totyal na totyal.
Ayan ang hitsura ng wohnmobil sa labas. Imagine na iiwan mo lahat ng gamit mo dyan tapos pagbalik mo e andun pa rin ang gamit mo? Magic di ba? Kasi dyan na talaga nakalagak yang bahay na gumagalaw na yan… as in most of the year. Minsan lang nila tigbakin kapag mag camping sila sa ibang lugar pero pagkatapos nun, ibabalik ulit nila dyan. Grabe ano?

Pero sa totoo lang, madali lang daw sya gawin. E sempre kasi naman tagal na nilang ginagawa nyan. Sabi ko nga kay kengkoy, pwede kayang sa sunod na mag camping kami e mag rent kami ng bahay na gumagalaw?

Oo daw pero naku, ang renta pala ng ganyan e parang isang hotel room na rin… so parang mas gusto kong mag hotel na lang kesa magsiksikan kami πŸ™‚ Ano sa tingin nyo?

Advertisements

18 mga puna »

  1. Hello ate kenkay…
    Naku talong talo pa ang bungalow na bahay namin, camper pa lang iyan. Anyway masaya na rin ang beauty ko dahil nakakita ako ng ganitong bagay na wala sa atin. Pero kapag pinakasalan ako ni Bill Gates matutupad ang lahat ng mga pangarap kung iyan. Kailan kaya siya ididiborsio ng waswit niya? Heheheh, joke joke bulate lang.

    Komento ni Colegiala girl — Hulyo 30, 2008 @ 12:10 umaga | Sagutin

  2. panalo ang, complete set up, daig pa mga gamit sa apartment namin

    Komento ni kulot — Hulyo 30, 2008 @ 12:40 umaga | Sagutin

  3. habang binabasa ko ito natatawa ako kasi naalala ko ang scenes ng Meet the Fockers. Parang ganito ata ang sasakyan nina Robert de Niro, di ba?:)

    Komento ni sonnetshaven — Hulyo 30, 2008 @ 12:50 umaga | Sagutin

  4. hanep ah! parang totoong bahay na sa mga pictures! πŸ™‚

    Komento ni winkii — Hulyo 30, 2008 @ 1:25 umaga | Sagutin

  5. asteg… parang hindi siya mobile..

    Komento ni wei vines — Hulyo 30, 2008 @ 2:34 umaga | Sagutin

  6. gusto ko rin ng ganyan… pangarap ko ngang libutin ang buong pinas (muna) gamit lang ang isnag van eh.. hehe! joyride ba pero yun nga dapat parang bahay narin siya… hehe!!!

    Komento ni yhen — Hulyo 30, 2008 @ 3:16 umaga | Sagutin

  7. Hi Kengkay,

    Ayos yan ah, parang sardinas ang lagay nila dyan! he..he.. Anyway, can’t see my blog site dito sa office at the moment dahil block nila dito site ko! ha ha ! Siguro napansin na nila na yun lang ang pinagkakaabalahan ko! So blog hopping lang ang pwede kong gawin ngayon! For sure number 1 ka lagi sa list ko!

    Komento ni pepper — Hulyo 30, 2008 @ 5:29 umaga | Sagutin

  8. ang ganda naman, bahay na bahay talaga. πŸ™‚ minsan te’kengks, try nyo rin mag-rent ng ganyan para indi na kayu mahirapan pang magbalik-balik sa hotel. nanjan na lahat ng kailangan tutal naman ilang araw lang kayu dun diba? πŸ™‚

    Komento ni Aling Baby — Hulyo 30, 2008 @ 5:33 umaga | Sagutin

  9. astig naman ung van na yan. kumpleto sa gamit! sarapa ngang pangcamping.

    Komento ni gmacomics — Hulyo 30, 2008 @ 6:04 umaga | Sagutin

  10. dati ang ibig sabihin ng camping eh “roughing it” sa wilderness. ngayon, ayan ang evidence, may tv pa at malambot na kama. pero okay na rin yan kasi safe sa mga oso at ibang wild na hayop.

    Komento ni utakmunggo — Hulyo 30, 2008 @ 8:04 umaga | Sagutin

  11. …galeng.hehehe! ang matindi, mas maganda, mas komportable, mas malaki at mas malinis pa yang gumagalaw na bahay kesa sa mga bahay ng mga pinoy dito sa dubai.for reals!!nyahahaha!!! gusto ko ng ganyan.

    Komento ni sommer — Hulyo 30, 2008 @ 9:46 umaga | Sagutin

  12. shalaaaaaannnnnnnnnnn πŸ˜€

    Komento ni Geisha — Hulyo 30, 2008 @ 12:14 hapon | Sagutin

  13. huwaw

    ansosyal ng potek

    hakhak

    ansarap pasabugen

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    Komento ni rimewire — Hulyo 30, 2008 @ 12:54 hapon | Sagutin

  14. As in pwede iwan yung tolda jan tapos balik ka uli pag bakasyon at nanjan p yan? sorry ah.. nag-hung ung utak ko kasi madaling araw na dito at gumagawa ako ng lesson plan ko.
    Napapanood ko lang yang moving mobile na yan dati kay mickey mouse! completo pala. May hulugan ba nyan sa PAG- IBIG? (joke.)
    Sobrang haba ng bakasyon mo di na kita nkikita sa deyker…
    kaka miss ka kaya.

    Komento ni themiseducationofzapped — Hulyo 30, 2008 @ 4:22 hapon | Sagutin

  15. sosyalan na ito!
    mukhang masaya ito sama ako πŸ™‚

    Komento ni aga — Hulyo 30, 2008 @ 6:58 hapon | Sagutin

  16. Wow! Siguro mas maganda yung sa hotel nalang kayo sa next vacation kung laid-back type of people kayo. Pero kung adventuruous, siyempre mas mgnda ung gumagalaw na bahay πŸ™‚ Devah ate kengks?

    Komento ni Miho the Explorer — Hulyo 31, 2008 @ 10:32 umaga | Sagutin

  17. […] may kilala nga ako meron silang mobile home, kaya kung saan saan sila nakakarating, kahit nga sa turkey at sa greece nakarating na sila ng driving lang ha. pero hindi ako naiinggit kasi parang di ko yata kayang magbiyahe ng pagkahaba haba sa mobile home tapos dun ka rin matutulog? mas type ko pang mag tent at mag campingΒ πŸ˜€ […]

    Pasa ni mangapitbahay muna ako « Kwentong Kengkay — Marso 3, 2009 @ 3:43 hapon | Sagutin

  18. official jingle ng GMA Pinoy Tv. in short,? original song made for Pinoy Tv.. . maganda rin yung Kapuso jingle hehe….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Veda — Nobyembre 24, 2012 @ 2:56 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: