Kwentong Kengkay

Hulyo 30, 2008

Hotdog

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 6:31 hapon

 Waaaa, ang laki ng hotdog de vah! Na shocking boogie rin ako nung nakita ko yan, as in, pulang pula pa. Sempre sabi ng mga little kengkays agad, ‘nanay kengkay, ayan na yung pulang hotdog na gustong gusto naming kainin  sa pinas.’

Hay oo naman, labs na labs nila ang pulang hotdog na galing sa Pinas.

Sa totoo lang, hindi nga sila kumakain ng mga pretending the hotdogs dito kasi iba daw lasa.

At sempre, ang mga hotdogs ng alemanya e maputla at ang tawag nila e wieneler o kaya may konting pink na ang tawag naman e wursts pero may nadiskubre ako na mahabang hetdeg talaga, ang tawag e zwinswurst — mahaba pero payat. Kapag nilalagay nga nila sa tinapay e as in tinitiklop ng tatlo o dalawang beses kasi nga super habaaaaa.

Heniway, ang super hotdog na yan e sempre isang basurahan lamang po. Sayang naman ang pagkapula nya, hehe. Ang kyut ng mga basurahan dito sa Alemanya kapag may piesta at peryahan kasi iba’t ibang klase at uri sya. Minsan nga akala ko e display lang sya, hmppfff – eng eng ko talaga.

Ano pa nga, nung one time na pinilit kong pechuran ang mga basurahang yan e pinagtitinginan talaga ako ng mga tao 🙂 Pwes, tumingin sila. Basta alam ko may i bo blog ako, hahaha

Pasensya na pala at di ako maka blog hop o maka sagot sa

mga comments, merong family emergency lang…

Advertisements

29 mga puna »

  1. hehe, nakow mahilig pla sa hotdogs ang mga little kengkays!

    Komento ni winkii — Hulyo 30, 2008 @ 10:39 hapon | Sagutin

  2. ako din po mahilig sa hotdog lalo na kung ganyan kalaki.. hehehe!!! pwed epo bang magpabili??? ehhee!!!

    Komento ni yhen — Hulyo 31, 2008 @ 1:20 umaga | Sagutin

  3. matutuwa si moo dito…

    Komento ni defpotec — Hulyo 31, 2008 @ 4:13 umaga | Sagutin

  4. aaawwww! basurahan pala! akala ko display! hahaha..malaaaaaaki ngaaa! walang dudaaa! hahaha

    Komento ni ayyzzz — Hulyo 31, 2008 @ 6:06 umaga | Sagutin

  5. Wow! pwede sa pinas yan … maraming nagugutom at may food shortage e…. kaso kaya kayang buhatin ni Gloria yan? parang mashadong malaki e…. hehehehe… o pwedeng ipasok na lang natin xa dun??? hehehehe

    Komento ni ronturon — Hulyo 31, 2008 @ 7:42 umaga | Sagutin

  6. Naglalaway na ako sa hotdog kaso biglang hirit mo na basurahan pala ‘yan. Kakaibang pampagana hehehe:)

    Komento ni sonnetshaven — Hulyo 31, 2008 @ 10:10 umaga | Sagutin

  7. Sayang naman… yung hotdog ay isang trash can 😛

    Komento ni Miho the Explorer — Hulyo 31, 2008 @ 10:41 umaga | Sagutin

  8. haha! inisip ko pa kung bat nakabalandra yung hotdog sa kalsada tas mukhang fresh pa, basurahan lang pala ampft!

    hope you’re ok te keng.

    Komento ni Lenggai — Hulyo 31, 2008 @ 11:25 umaga | Sagutin

  9. iba talaga ang lasa ng hotdog ng pinas ahihi ano ba cnasabi ko…tender juicy fiesta hotdog hehehe…
    katakot naman ang hotdog sa alemanya, ilang folds pa ang kailangan para makain…naku ang equivalent nyan dito sa pinas eh ang holiday hotdog hehe…

    Komento ni Callcentergal — Hulyo 31, 2008 @ 12:34 hapon | Sagutin

  10. hi there.. i hope you could update my link – solo-flight.blogspot.com to http://solo-flight.info – would appreciate it..a big thanks.

    Komento ni Solo — Hulyo 31, 2008 @ 1:50 hapon | Sagutin

  11. ang dami namang klase nun! hehehe.. kakatuwa. sayang lang wala jang tender juicy okaya bibo hotdogs. hehe. 😀

    goodluck po sa family emergency… hope all goes well… 🙂

    Komento ni Carol — Hulyo 31, 2008 @ 2:35 hapon | Sagutin

  12. nice.. i get some ideas..
    if we make our garbage cans na magaganda, siguro, maeengganyo tayo na magtapon dun ng basura.. nice one! 😀

    Komento ni wei vines — Hulyo 31, 2008 @ 3:18 hapon | Sagutin

  13. wow sobra naman yang hotdog na yan

    Komento ni abby — Hulyo 31, 2008 @ 5:51 hapon | Sagutin

  14. Laking hotdog naman iyan. Siempre malalaki, matataba, at mabubusog ka ng husto sa mga hotdog ng abroad. Pero walang kasing sarap naman ang hotdog pilipino.

    Komento ni Colegiala girl — Agosto 1, 2008 @ 12:19 umaga | Sagutin

  15. Mas type pala ng little kengkays ang hotdogs dito sa ‘Pinas? Pagkakaalam ko kasi, sort of dyan nag-originate ang hotdogs sa Europe dahil dun sa popular German word na “Wiener Würstchen”, meaning “Viennese sausage.” Depende rin siguro sa kanya-kanyang panlasa?
    Syempre tayo din may bersyon ng “hotdog” (kuno) — longganisa (shortganisa daw pag maiksi). 😛 Natikman mo na ba yung longganisang gawa ng Ilocos? Puno ng bawang (at paminta), maalat-alat kaya hindi nakakaumay — mukhang hindi rin “nakakataas ng hayblad.” 😆

    Family emergency… take your time. 😉

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 1, 2008 @ 3:03 umaga | Sagutin

  16. tlga? Iba pala ang hotdog dyan? hehhe. Ako din picture-picture para may ma-iblog. :p

    Komento ni Laarni — Agosto 1, 2008 @ 3:39 umaga | Sagutin

  17. meron din kya sila ng creamy pagkinagat? yung bang cheezedog? 🙂 hehe

    Komento ni vhincent — Agosto 1, 2008 @ 4:24 umaga | Sagutin

  18. wahehe. kyut naman ng hotdog. di yata akma para ilagay sa basurahan.

    Komento ni Leyn — Agosto 1, 2008 @ 6:48 umaga | Sagutin

  19. Tuwing kumakain ako ng German sausages dito sa Manila, naalala kita, hehehe…
    Saw your footnote about the family emergency. Please take care. ~MegaMom

    Komento ni MegaMom — Agosto 1, 2008 @ 9:22 umaga | Sagutin

  20. hi miss kengkay MIA ako bigla dito sa iyong blog dahil nawalan kami ng internet at nong nagbalik ayun gumawa naman ng isang blog hehehehe karir na itong paid blogging ko LOL bisitahin mo new blog ko ha at kung ok lang sayo eh pwede mo rin add sa linkroll 😀

    nakow totoo yan kahit dito sa states mapuputla hotdog nila bat kaya noh? gulat nga ako saka hindi masarap pero buti nalang meron mga pinoy dito na may grocery store ayun nakakabili parin kami ng pulang hotdog hehehe

    ingat kenks!

    Komento ni scart — Agosto 1, 2008 @ 11:10 umaga | Sagutin

  21. Basta ako favourite hotdog ko eh yung Swift na sweet and juicy! 😀 Pero hindi na pwede ngayon kasi nga pescotarian na ako, so veggie hotdog na drama ko.

    joy
    A Pinay In England
    Norwich Daily Photo

    Komento ni joy — Agosto 1, 2008 @ 2:24 hapon | Sagutin

  22. astig naman ng basurahan dyan! wala palang tender juicy dyan. hehe

    Komento ni Tin — Agosto 1, 2008 @ 4:37 hapon | Sagutin

  23. huwaw!!! ang laking hotdog nyan.. mahilig din ako sa hotdog tita keng.. feeling close talaga ei.. 😀 Naglaway pa naman ako.. yun pala basurahan lang waaahhh…

    Take care po 🙂

    Komento ni naglalambingnacute — Agosto 2, 2008 @ 1:45 umaga | Sagutin

  24. hehe yan ang hotdog, hindi kaya literal na dog yan na binalot lang?

    Komento ni taps — Agosto 2, 2008 @ 5:09 umaga | Sagutin

  25. wow tsarap naman!
    kaw kengkay ndi ko alam mahilig ka pala sa hotdog!
    asust 🙂

    Komento ni aga — Agosto 2, 2008 @ 7:58 umaga | Sagutin

  26. naku, iba pa rin talaga ang tender juicy hotdogs sa pinas.. ayaw ko din ng hotdogs dito..

    Komento ni analyse — Agosto 2, 2008 @ 8:38 umaga | Sagutin

  27. awwww type! L0ls 😆

    yan na ba ang german franks? nyahaha

    Komento ni koreanmine — Agosto 2, 2008 @ 2:18 hapon | Sagutin

  28. pano kaya kung gandahan din natin ang basurahan natin dito? di ba para mahikayat ang mga nagtatapon sa daan na itapon na lang sa magandang basurahan ang mga dapat itapon? hehehe.. wala… naisip ko lang yan

    Komento ni ifoundme — Agosto 4, 2008 @ 4:14 umaga | Sagutin

  29. oi..anong tingin mo, mas masarap bang kainin ang hotdog pag pulam-pula ito?
    la lang, naitanong ko lang..

    Komento ni snobero23 — Agosto 6, 2008 @ 11:05 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: