Kwentong Kengkay

Agosto 4, 2008

kapag mahal mo

eto si kengkay, nag blog dahil nagpumilit maglabas ng sama ng loob kahit na may sakit…

pasensya na at talagang wala pa rin akong oras mag blog hop at sumagot sa comments dahil nga may sakit ako na nataon namang may family emergency nga at dahil na rin sa sinabi kong family emergency na ngayon e family emergencies na po.

alam nyo, dahil sa family emergency na yan; nakikita ko talaga na maganda ang pagiging family oriented ng pinas. dahil dun sa atin, kapag may emergency, nagkakaron ng pagkakaisa; yung mga magka-away nagkakabati pa nga dahil sa mga ganyang sitwasyon.

pero dito, alam nyo? nasusuka na ako.

kaya siguro ako nagkasakit dahil sa stress na nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari dito sa kapaligiran ko. alam nyo yon? imbes na magkausap ng matino para maayos ang emergency na naging emergencies na nga, nagbabangayan at hindi man lang magkausap ng matino.

ang hindi ko maatim e pati itong mga little kengkays ko e super affected na sa mga nangyayari. yun bang feeling ko e hindi nila dapat maranasan ang mga ganitong pangyayari dahil may mas matinong pwedeng gawin.

dahil ang alam ko, kapag mahal mo ang isang tao, andun ka dapat para sa kanya. kapag mahal mo ang isang tao, ang iisipin mo ay para sa kabutihan ng taong yon. kapag mahal mo ang isang tao, mamahalin mo sya kahit na anong nangyari o nangyayari sa kanya.

kaso hindi ganyan nakikita ko dito sa mga taong akala ko e nagkaron ako ng right na tawagin silang ka relasyon dahil sa nagkataong pareho na kami ng pangalan… kasi iba ang tingin ko sa mga ginagawa nila ngayon sa mga taong mahal namin sa buhay.

nakakasuka!

ibalik nyo ako sa pinas, ibalik nyo ang sa bayan na kahit na hindi ko kapamilya e alam kong gagawa ng paraan para maging matino ang buhay ko kapag may emergency, hindi katulad dito na may emergency na nga e lalo pang mag in-arte para maging emergencies…

maganda talaga sa pinas, maniwala kayo.

Advertisements

17 mga puna »

  1. relax ms. kengks, hahaha… nasa ibang kultura ka kasi… at pahabol… there’s no place like home, indeed…

    kengkay: sinabi mo

    Komento ni wifeybee — Agosto 4, 2008 @ 11:11 umaga | Sagutin

  2. Naku ate Kengkay, hindi talaga maiiwasan ang mga hindi marunong makisamang mga tao. Sana matapos na ang family emergency niyo at makisama na ang mga taong dapat makisama, nang hindi na maapektuhan ang mga pretty little kengkays.

    kengkay: sana nga!

    Komento ni Carol — Agosto 4, 2008 @ 2:30 hapon | Sagutin

  3. mom k: relate ako although not in a personal way. ganyan ata talaga ka-detached sa isa’t isa ang magpapamilyang europeo. be strong ka nalang. cliche pero wala kasing akong alam pano ka suportahan.
    kengkay: nasuportahan mo na ako ng wala kang ginawa dahil sa mga words na sinabi mo, salamat

    Komento ni utakmunggo — Agosto 4, 2008 @ 2:52 hapon | Sagutin

  4. Daanin ko na lang sa dasal para sa yo, Keng. Alam ko kung anong nararamdaman mo – nakaranas din akong magtrabaho sa isang ospital sa Kanluran. Iba talaga ang kultura. Wala akong magawa kundi maawa na lang sa kanila, at magpasalamat na dahil sa pagiging malapit nating mga Pinoy, ay nawa’y di ko sasapitin ang sinasapit ng mga taong iyon. Lakasan na lamang ang loob mo, my pren. Ingats palagi.

    kengkay: salamat ng marami dear mega friend

    Komento ni MegaMom — Agosto 4, 2008 @ 3:51 hapon | Sagutin

  5. totoo un kengks… walang kapantay ang Pinas! masarap pa rin dun kaso nga lang mahirap! pero kahit pa… hehehe.. ako uuwi na within the following weeks, ikaw kelan? ehehehehe

    kengkay: aba at nag inggit pa! kauuwi lang namin last feb mar sa pinas e, tagal pa ulit balik

    Komento ni ronturon — Agosto 4, 2008 @ 4:49 hapon | Sagutin

  6. nga pala.. pa include naman sa blog roll mu pwede? o asa pa ko? 😛

    kengkay: na link na kita, basta may buhay may pag asa, hehe

    Komento ni ronturon — Agosto 4, 2008 @ 4:51 hapon | Sagutin

  7. ibang iba talaga sa Pinas!
    Sa Pinas,feel at home talaga. 🙂

    kengkay: right!

    Komento ni winkii — Agosto 4, 2008 @ 5:15 hapon | Sagutin

  8. buti na lang pala nasa pinas ako dream ko pa namang pumunta ng europe.pero siguro ganun talaga.iba ibang culture,iba ibang pagpapahalaga.

    i just hope and pray po na everything will be ok.
    kengkay: salamat! pwede ka pumunta, maganda sa oyropa, yun na nga lang, iba kultura

    Komento ni ak0it0 — Agosto 5, 2008 @ 12:56 umaga | Sagutin

  9. hmmm iba pa rin talaga sa pinas… tita keng pag pray ko nalang na maging okey na yang family emergency sa inyo..

    kengkay: salamat

    Komento ni naglalambingnacute — Agosto 5, 2008 @ 1:58 umaga | Sagutin

  10. Alam mo ba, tita kengkay, maski nuon pa, feel ko na ang pagkaka-miss mo sa ‘Pinas — makikita yan sa sipag mong makipag-blog! 😉 Kaya rin kita naging peborit ay dahil hindi nawawala ang pagka-Pinay mo maski nandyan ka… at isa pa, parating ang little kengkays mo at si kengkoy ang laman ng mga posts mo, which means sila ang laman ng puso mo. Tunay! — isa kang authentic na Pinay at ulirang maybahay at nanay!
    Yang ‘kinasusukahan’ mo… 😦 prayers ang katapat nyan. Kung sa in-laws (?) din lang, in fairness, maski naman siguro sa ‘Pinas, pwede ring mangyari ang ganyan, lalo na kung pare-parehong pagod o hindi na maigi ang pakiramdam. But of course, mas alam mo ang difference. Ayoko lang ipagdiinang “mas maganda pa rin dito sa ‘Pinas” kasi baka lalo ka lang maimbyerna riyan. 😛 (ayan nasabi ko rin!)
    May magandang rason kung bakit ka nandyan, mare, at alam kong aware ka duon. At tulad ng sabi ko, lahat ng sakripisyo mo, may magandang balik yan.
    Sige, pahinga ka lang tuwing may pagkakataon. Don’t feel sorry for us 😉 kung hindi ka makapagblog-hop o maka-reply sa mga comments. Oks lang, tita! As for me, I enjoy dropping by here and reading your posts, with or without your immediate response.
    Take care. 🙂

    kengkay: ayan, kaya naman labs na labs kita e. kaya rin ako naglalabas ng sama ng loob sa blog kasi alam ko, hindi ako nag iisa. minsan kasi kapag asa malayo ka, akala mo, pasan mo na ang mundo pero dahil sa mga taong nameet ko sa blogs, pwede ko rin palang ipasa sa kanila minsan, tulong tulong palagi, masaya na ulit ako. ayan na nga at sumagot ang mga kadahilanan kung bakit masarap talaga sa pinas. ang mga taong nagiwan ng bakas sa blog ko at ang mga taong nagparamdam sa ibang paraan. thanks!

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 5, 2008 @ 3:01 umaga | Sagutin

  11. Ay! anhaba pala! hehe 😳

    Ingatz…

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 5, 2008 @ 3:03 umaga | Sagutin

  12. Hindi bale ate kengkay, ituro mo na lang sa mga little kenkays ang mga magagandang kaugalian nating mga pinoy at pinay.kahit papaano magiging magandang halimbawa sila sa kanilang kapaligiran.

    kengkay: yan ang pangarap ko, na sa mga bagay na dapat e makuha nila ang tunay na pusong pinoy

    Komento ni Colegiala girl — Agosto 5, 2008 @ 3:18 umaga | Sagutin

  13. oonga.. mas masarap sa Pinas.. iba kasi kultura nila eh, mga walang pakialam sa mundo. yaan mu na sila..balang araw mamamatay din yang mga yan. hahaha! joke lang

    kengkay: nahulog ako sa upuan ko sa comment mo, hehe

    Komento ni batopik — Agosto 5, 2008 @ 9:37 umaga | Sagutin

  14. Hi Kengkay,

    Masarap nga talaga sa atin sa Pinas and I am looking forward to retire there. Maybe we could talk more and share thoughts sa Paraiso Forum.

    Join ka naman. http://www.paraisophilippines.com/forum/

    At sa mga ibang kababayan may links din dun and I’ll return the favor.

    Maraming Salamat.

    kengkay: i’ll add you in my links. sa forum naman, wag mo na akong asahan at bisi na ako sa WPP 🙂 pero malay mo sumilip din ako minsan, salamat sa invite

    Komento ni Paraiso — Agosto 6, 2008 @ 11:24 umaga | Sagutin

  15. Hayaan mo, ‘pag uwi mo dito sa Pinas ituro mo lang lahat ng kaaway mo dyan at lahat ng mga barangay dito ay makakaaway nila. Hindi ba nila alam na “one for all, all for one” ang motto ng mga Pilipino kaya nga kahit hindi naman sila involved sa isang bagay o sitwasyon ay nakikiusi sila na akala mo ay kasali. Gano’n dito:)

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 7, 2008 @ 12:57 umaga | Sagutin

  16. Tama ka dyan ate kengks. Mas at home parin sa Pinas ^_^

    Komento ni Miho the Explorer — Agosto 9, 2008 @ 11:10 umaga | Sagutin

  17. Naluluha talaga mata ko pramis. Na stress pala ang bata ng ganoon, grabe. Naisip ko kasi panganay ko kaka four years old nya, ano kaya nararamdaman nya pag nagaaway kami ng tatay nila
    Napapansin ko kasi nitong mga huli tahimik sya, di gaya ng dati na nagagawa ko pang magkwento sa anak ko ng problema namin pero deadma lang si anak, lalo tuloy akong naiiyak dahil ala talaga ako kakampi. (LOL). Censya na kahit medyo malayo connect ng comment.

    kengkay: naku, relate din ako dyan. lalo pa itong si bunsoy ko na sinasabi talaga nya na naririnig at nakikita nya lahat, kasi mga kids mas clever sila when it comes to feelings e. pero masarap sila kausap kasi simple lang ang sagot nila sa mga malalaking problema natin sa buhay, di ba? at tama ka, sila rin ang kakampi ko dito pwera na lang kung makulit sila, hehe

    Komento ni visitor1 — Agosto 20, 2008 @ 1:16 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: