Kwentong Kengkay

Agosto 4, 2008

Puppet Show = Palikuran

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Kwentong Bulilit,Oyropa Ko,Patawa — kengkay @ 8:01 hapon

Hindi ko alam, meron pala kaming puppet show! As in…

Eto mga pechurs para ebidensya.
Nagulat ako kasi sabi ni bunsoy, ‘ate, bist du bereit?’ (ate, ready ka na ba?) Tapos takbo silang magkahiwalay ang pinuntahan. Si bunsoy sa loob ng palikuran at si panganay e naghanap ng kung ano at tumakbo sa balkon. At ayan, dala nya yung mga puppets…
Sempre si bunsoy alam ko na kung ano gagawin, pero si panganay? Nakow, ayun at nagtayo ng instant puppet show sa bintana ng palikuran namin. Malay kong kailangan pala ni bunsoy ng puppet show kapag kailangan nyang gawin ang kanyang personal bisnes? Kaya pala naman wala ng mga kiddie books sa loob ng palikuran e dahil iba na ang trip nilang magkapatid gawin habang nagcoconcentrate sila, hmmmm
Siniguro ko lang na personal bisnis nga ang gawa ni bunsoy. Aba, oo nga, hehehe.

At talagang nakaka-concentrate sya kapag may puppet show! Parang ibang klase yata yon, huh! Kita nyo yung panganay ko sa may bintana? Ay ewan ko, iba talaga ang tripping minsan nitong mga little kengkays e. Manang mana sa nanay nila, hehehe

Kayo, ano trip ninyo kapag personal bisnis ninyo? Share nyo kaya?

Advertisements

31 mga puna »

  1. Nako,,, buti pa ang mga little kenkays nagpa-puppet show sa cr! eh ako dati ang ginagawang show ng mga loko-loko kong pinsan pag naliligo ako sa cr eh! mga gagung yun. salamat naman at magaling ka na. At present na uli ang nanay sa deyker.

    Lamo ba natawa ako sa comment mo kay Miho nung hindi ka makatulog!

    Nyahahha!

    kengkay: langya, binalikan ko yung comment ko sempre, waaaa

    Komento ni themiseducationofzapped — Agosto 4, 2008 @ 9:30 hapon | Sagutin

  2. hehehe cute naman. baka maging puppeteer sila in the future. :p

    kengkay: primadonna kamo

    Komento ni Laarni — Agosto 5, 2008 @ 12:01 umaga | Sagutin

  3. Ate kengkay may potential itong bunso ninyo na maging artista. Ang cute cute niya…

    kengkay: naku, masakit yata sa ulo maging showbiz mom, hehe

    Komento ni Mer Pints — Agosto 5, 2008 @ 12:50 umaga | Sagutin

  4. cute cute naman po ng mga litlle kengkays nyo.at ok sa olryt kung magtrip.

    ako naman po nung bata ako at nasa trono denidesign ko yung mga tissue na parang damit 🙂

    kengkay: hahaha, naku buti di ka nababatukan ng nanay mo kasi pag upo nya wala na tisyu, hirap nun

    Komento ni ak0it0 — Agosto 5, 2008 @ 1:25 umaga | Sagutin

  5. ang bait naman ni ate little kengkay 🙂 hahaha ahanef sa trip para makapagconcentrate si bunso

    kengkay: ang nakakagilas, nakakapalipas sya ng bisnes nya ha

    Komento ni pusa — Agosto 5, 2008 @ 1:45 umaga | Sagutin

  6. ahehehe… ako ang trip ko pag nasa loob ako nang trono.. nag coconcert ako hahaha… kanta ako ng kanta hanggang mailabas ko lahat ng sama ng loob ko.. hihihi.. pero pag nasa ibang bahay syempre di ko ginagawa yun… 😀

    kengkay: ganun? akala ko sa shower lang pwede yon

    Komento ni naglalambingnacute — Agosto 5, 2008 @ 2:03 umaga | Sagutin

  7. Ibang klase to ah! Aliw! Pwede pala ang ganyang style habang nag-coconcentrate. Maganda yang habang maaga nakikita mo na yung mga interests nila para madaling magabayan. Ako? Eh pumipikit lang habang nag-coconcentrate haha! Nag-iisip ng mga susunod kong gagawin after nun hehehe…=P

    kengkay: napapapikit? hahaha

    Komento ni callcentergal — Agosto 5, 2008 @ 2:42 umaga | Sagutin

  8. Ahahaha… napaka-creative talaga ng mga bata ano? Nagpaka- “dalubhasa” ako nuon sa educational puppetry, nag-thesis pa ako sa Batibot, pero ngayon lang ako nakakita ng ganito? Ibang klase nga… 😀

    kengkay: malawak ang imahinasyon ng dalawang anak ko, mana sa nanay, ehem

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 5, 2008 @ 3:10 umaga | Sagutin

  9. kalorka ang trip ng mga chikiting mo ha! kakaiba and creative talaga. sarap naman pagmamahalan nina panganay at bunsoy hanggang CR talaga.. hehee

    ako, secret lang ha! bumibirit ako ng mga high notes para yun na yung ire. kapag terible ang situation may dala pa akong unan niyan para paghugutan ng lakas… wahahaha

    kengkay: unan? akala ko kasi sa tagal e inantok ka na, ahahaha

    Komento ni hitokirihoshi — Agosto 5, 2008 @ 3:17 umaga | Sagutin

  10. nakakaaliw naman yang 2 kengkays mo. hehe… at talagang pinanonood ni bunso si ate while doing her bisnes. mabuti na lang game naman si ate.

    kengkay: ganyan silang dalawa kapag hindi nagkukulitan

    Komento ni bem — Agosto 5, 2008 @ 4:37 umaga | Sagutin

  11. ano nga ba pinagkaka abalahan ko? ah alm ko na… pawhistle whistle lang ako hehe!!! para naman smooth ang bisnes di ba?

    nwei, try ko nga rin gawin yang ginagawa ng mga little kengkays. ang tanong sino kaya ang kapakner ko.. hehe

    😉

    kengkay: baka pamagkamalan pang peeping tom yung pakner mo, wawa naman

    Komento ni yhen — Agosto 5, 2008 @ 6:30 umaga | Sagutin

  12. ang sweet nila sa isa’t isa ano? ang galing nyong magpalaki. ganyan rin sina bru at impaktita (ayan dali sabihan mo rin akong magaling akong magpalaki, dali.)

    ako pag nsa nyobans eh gusto ko lang ng tahimik… peaceful baga. para maka-concentrate.

    kengkay: ang galing mo talaga magpalaki 😀

    Komento ni utakmunggo — Agosto 5, 2008 @ 6:41 umaga | Sagutin

  13. ako anu nga ba? sumisilip sa bintana at pinanunuod mga pusa sa bubong ng kapitbahay namin, at duon naglalaro.

    Cute nga mga puppets este chikiting mo ate kengkay 🙂

    kengkay: hahaha, parang nung asa pinas ako, ganyan din ginagawa ko

    Komento ni vhincent — Agosto 5, 2008 @ 8:05 umaga | Sagutin

  14. ginawa ko yan nung bata pa ako.

    naglilinis ng banyo yung maid namin tapos nagsindi ako ng kandila sa bintana…

    floating kandila.

    sabay pinatay ng isa pang maid yung ilaw.

    ayun, kinagabihan umalis yung maid namin, hindi na bumalik.

    kengkay: aray ko, hinaras mo yung maid nyo, waaa 😀

    Komento ni taps — Agosto 5, 2008 @ 8:42 umaga | Sagutin

  15. nakakatuwa naman ang mga kids mo! it’s nice that they get along well. ang kulet nila!

    kengkay: kapag labing labing, number wan yang dalawang yan.

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 5, 2008 @ 9:26 umaga | Sagutin

  16. kengkay i’ll link you up do the same if you can thank you

    kengkay: linked up na, thanks din.

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 5, 2008 @ 9:33 umaga | Sagutin

  17. ano nga palang language yung gamet ng mga little kengkays?

    kengkay: marunong sila mag aleman, mag inglis, bulol mag tagalog at kung anong gusto nilang lengguahe na pati ako di ko ma-gets 😀

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 5, 2008 @ 9:34 umaga | Sagutin

  18. marekoy hinde ako makapersonal bisnis nang walang binabasa. pag nakalimutan ko magdala ng babasahin maski label ng deodoriser pwede na rin ahaha

    kengkay: pareho tayo, ako kahit na yung mga sticker minsan pinagtitiyagaan ko

    Komento ni madbong — Agosto 5, 2008 @ 10:08 umaga | Sagutin

  19. ayus sa trippings at mukhang potential business nga yan. for sure magbloom ang mga little kengkays sa bisnis na yan. hehe

    kengkay: naku, sana wag lang parati sa palikuran

    Komento ni gmacomics — Agosto 5, 2008 @ 10:16 umaga | Sagutin

  20. aliw! parang gusto ko na magka-anak. pero ayaw ko pa mag-asawa! haha!
    kengkay: pwede rin minsan mang hiram, hehe

    Komento ni eNocH — Agosto 5, 2008 @ 12:50 hapon | Sagutin

  21. hangkyut talaga nila! tag team talaga. yan ang kapatiran. hehe 🙂 ako um, as usual, kumakanta. hehe. nothing creative. hehe.

    kengkay: singer ka rin, hehe

    Komento ni Carol — Agosto 5, 2008 @ 1:06 hapon | Sagutin

  22. katuwa naman ang mga little kengkays talaga, alam nila entertain sarili nila. o di ba? very creative..

    kengkay: basta walang kalaro, madaling maging creative

    Komento ni Pokwang — Agosto 6, 2008 @ 12:22 umaga | Sagutin

  23. Wehehehe! ayos sa trip at least, ‘di nakababad sa TV or DS. creative hobby ika nga. Pagawan mo kaya kay kengkoy ng matino na stage (kawawa si bunso baka masakit sa leeg ang pagkatingala)?! 😉

    kengkay: hahaha, kahit saan nakakahanap sila ng stage, at oo, di masyado uso sa amin ang TV or DS

    Komento ni Jim — Agosto 6, 2008 @ 12:56 umaga | Sagutin

  24. asteg… mukang concern si panganay kay bunsoy… she needs a show daw. 😉

    kengkay: baka makatulog daw, hahaha

    Komento ni wei vines — Agosto 6, 2008 @ 2:48 umaga | Sagutin

  25. cute. haha.

    kengkay: kulit, hehe

    Komento ni nuel jose — Agosto 6, 2008 @ 4:54 umaga | Sagutin

  26. …cute naman nila magkapatid, talagang tulungan ever.heheheh! naalala ko kapatid ko, gitara ang trip nya sa cr..as in 2 hours max sya sa loob.hehehehe!

    kengkay: two hours, waaahhh. pano yung susunod!

    Komento ni sommer — Agosto 6, 2008 @ 6:06 umaga | Sagutin

  27. O di ba? Ang galing ni Panganay kengkay, naging very supportive sya sa personal business ni bunsong kengkay hehehe:) Kitang-kita na naaaliw si bunsong kengkay:)

    kengkay: kahit saan suportado, hahaha

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 7, 2008 @ 1:00 umaga | Sagutin

  28. kakaibang gimik to a!

    kengkay: ibang iba talaga

    Komento ni Salve — Agosto 7, 2008 @ 9:31 umaga | Sagutin

  29. your daughters are lovely 😉

    ako, nagbabasa ako. hehehe.

    Komento ni caryn — Agosto 8, 2008 @ 3:50 umaga | Sagutin

  30. Pag may personal bisnis ako, nakikinig ako sa mp3, or minsan nagbabasa. (Buti nalang hindi nahuhulog yung mp3 sa bowl namin)

    Ang ganda talaga nila little kengkay! Artistahin! Puppet Show? Ngayon lang po ako nakarinig ng ganyang bagay tuwing gumagawa ng bisnis ah? Pero atleast, mas comfortable sila dun. 🙂

    Komento ni Miho the Explorer — Agosto 9, 2008 @ 11:14 umaga | Sagutin

  31. kekay pede na bang kokey yan ahahhaha….!!!!!

    Komento ni sandara_araneta@yahoo.com — Marso 6, 2012 @ 2:43 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: