Kwentong Kengkay

Agosto 5, 2008

Padner

Filed under: Birit Ko,Kwentong Kengkay — kengkay @ 6:18 hapon

Ano ba yan, kahit na ang tagal na nangyari e kinikilig pa rin ako, weeeee…

Sempre pa, ang kwento ni kengkay ngayon e ang medyo super late na birit ko sa WPP na tungkols sa pers lab. Nagkasakit kasi ako kaya sablay ako sa deadline, nasobrahan siguro sa ka-iisip, sa mga muni muni, nabuhay yata yung mga zones ko na medyo natulog ng konti kunyari daw.

Padner, ayan tawagan namin sa isat isa. Kasi bago namin naramdamang kami pala ay may ibang kapartneran ang pupuntahan; e padner kami sa mga trabaho sa opis. Pareho kaming mga lagalag, waaaa! Ka trabaho ko sya sa isang kumpanya… sister company kumbaga. Bossing nya, yung pinakabossing ko… nagtagpo ang aming landas.

Hindi ko sya type. Mas bata ba naman ng ilang buwan sa akin e. Atsaka ang yabang ng dating. Lintek, e akala ko ako na pinakamayabang dun sa opis, hmpf πŸ™‚

Pero dahil ang kulit ko talaga, at dahil parating nangungulit din yung bossing namin — nagkulitan kami. Ganun lang, hehe.

Pero kasi may boyfriend ako, may girlfriend sya. Yung boyfriend ko andun din sa isa pang ka sister opis namin. Yung GF nya andun sa tabi tabi. Pero dahil nga masyadong pareho ang trabaho namin, ang magkunyaring busy sa opis, sabayan kaming dalawa sa kulitan.

At dahil ang trabaho namin e pwedeng lumabas ng opis, may konting gimik na rin. At dahil ang trabaho namin e utusan, may konting gimik na rin. At dahil ang trabaho namin e kahit na bumagyo, may pasok man o wala, bukas man ang opis o hindi, mas maraming gimik. At dahil ang trabaho namin e parang gumaan na dahil padner nga kami, parang dumarami ng dumarami ang gimik. Alam nyo yon, yung tipong hindi nyo na alam e magkakapalit na kayo ng mukha.

Nung sinabi na lang ni padner ko na, ‘alam mo sabi nung GF ko, bakit daw pangalan mo na lang ang parating sinasambit ko.’ Parang dun na lang ako nagkaron ng kutob na, ehermmm, nagseselos ba sya sa akin? E ka opismeyt ko lang naman tong mokong na to ah!

Kahit na nung pati na yung bossing namin e napansin na rin na para kaming siamese twin, pinagtawanan ko lang. Kahit na lahat na yata e ang alam kaming dalawa na talaga.

Wiz, deadma pa rin si kengkay… wala akong alam. O eng eng lang talaga ako. Pero sa totoo lang, mas malakas pala ang hagupit kapag ang naunang naka-alam e yung ibang tao. Nag isplit kami nung BF ko; kahit na parang comedy ang nangyari sa isplitan na yon (hay ibang post naman yan); at nag cool off sila ng GF nya. At nagusap kami… sabi nya, pwede bang maging opisyal na kaming dalawa kahit na ilang araw lang?

Naks, hiram na pag ibig ang drama de bah! Kasi ang tagal na nila nung GF nya na pers lab nya talaga e, hinayang sya sa tagal ng pinagsamahan nila. Atsaka may promise daw sya na hindi nya kayang i break. Ibig sabihin, alam ko na porket magiging opisyal na kami ng ilang araw. Sa mga susunod na araw e biglang magiging opisyal din na wala na rin kami.

Aba, ano pang magagawa ng puso ni kengkay? Tinanggap ko ang maikling pero masarap na buhay sa piling ni padner. Tinikman. Ninamnam. Inamoy amoy. Nilamutak. Pinagsamantalahan. Super enjoy ako sa konting alala na naging kami ng siyam na araw na yon. Heaven na heaven talaga ako.

Alam nyo yon, kasi alam ko nakita ko na ang soul mate ko. E minsan lang mangyari yon sa tanang buhay ng tao di ba? Alam nya rin na ako ang soul mate nya, pero hindi kami para sa isat isa, sa panahong ito. Kaya nung nagpa-alam sya para balikan yung GF nya, hay naku, wiz crying si kengkay.

Accepted ko na kasi na aalis sya. Accepted ko na kasi na may hanggan yung pagsasama namin. Accepted ko na kasi na magkikita ulit kami. Corny man pero yan ang ramdam ko nung mga araw na yon. Hindi ako nasaktan, pramis din yan. Kasi alam kong kaya nya ako iniwan e para panagutan yung pramis nya sa GF nya. Pero nagpramis naman din kami sa isat isa na magkikita ulit kami… at alam ko, mangyayari yon. Waaaa πŸ˜€

Eto lang, basta nagkikita kaming dalawa; may i bussy bussy kami. Feeling showbiz ba, hahaha

Meron lang syang pramis na hindi tinupad sa akin. Sabi ko padalhan nya ako ng invitation kapag kinasal sya. Ang lintek, nagpakasal e hindi man lang ako pinaldahan ng imbitasyon! Pero kahit na, ginawa naman nyang ninong yung dati naming bossing na para bang sinasabi nya ring.. o ayan na kengkay, pahapyaw na imbitasyon.

Naiyak ba ako nung kinasal sya? Hindi po, nagcelebrate din ako. Asa Bangkok na yata ako nung mga araw na yon, hehehe. Masaya yata sa Bangkok, daming partners, hahaha.

Naiyak kaya sya nung nalaman nyang kinasal ako? Hindi ko alam. Ang alam ko lang eto… nung unang umuwi ako sa Pinas kasama ko si kengkoy at yung panganay ko at seksing buntis ako nun sa bunsoy ko — alam kong nagkita kami ni padner ko sa isang shopingan dyan sa Makati.

What a small world! E dahil medyo nababaliw ako sa mga nawawala kong kamag anak na gusto yatang bilhin ang buong department store; pahapyaw ko lang syang nakita. Pero alam ko, sya yon. At alam kong alam nyang, ako yon. Nung hinanap ko ulit, nawala po ang mama. Sayang, gusto ko pa naman makipag bussy!

Nga pala, may kaibigan ako, naku am sure mag iiwan ng comment yan dito, sabi ko sa kanya kapag nakita nya ulit yung padner ko, tanungin nya agad kung mahal pa ba nya ako. De bash, ang kyut ko. Ngayon, itong si kaibigan ko, nagkita ulit sila nitong padner ko. At sempre, hindi nya makalimutan ang bilin ko sa kanya — tinanong ang makabagbagdamdaming tanong —

‘mahal mo pa ba si kengkay?’ waahahahahaha — at ang sagot? nag smile lang daw. Alam ko, ang ibig sabihin nong smile na yon ay oo! Walang papalag, di ba oo ang ibig sabihin non? hahahaha

At kung nagbabasa man sya nitong blog ko; am sure sinabunutan na yon nung asawa nya, hahahaha.

Pero kung gusto mong malaman kung naiisip pa rin kita, dir padner? Sempre naman… basta kita kits sa sunod na buhay.

Sa ngayon e super enjoy ako sa aking buhay dito sa piling ng aking si kengkoy at ng aking mga little kengkays. Ibang istorya naman ang aming ginagawa πŸ˜€

Advertisements

20 mga puna »

  1. Ayos a! pang “Maala-ala mo kaya”. Nice one!

    kengkay: tenks, maalala ko talaga yan, haha

    Komento ni Dennis — Agosto 5, 2008 @ 9:16 hapon | Sagutin

  2. hindi kaya ikaw ang masabunutan ni kengkoy? πŸ™‚

    kengkay: actually, nasabon na ako kahapon e, habang ginagawa ko yung post, nakahinala yata,

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 5, 2008 @ 11:01 hapon | Sagutin

  3. buti na lang di marunong mag tagalog si kengkoy, tama nga comment sa taas, baka masabunutan ka πŸ™‚ pero sa totoo lang ha, naisip ko rin yung ka MU ko kuno nung college .. ay naku, sayang sana na confront ko na siya non, at wala ng MU MU kahit 9 days lang kagaya mo, at least to the max na feel, tunay . opisyal. hay buhay, di bale sa susunod na life na nga lang.

    kengkay: hahaha, o de vah, di kasi uso sa akin ang MU dahil kakabaliw lang yan. kaya am sure, sa neks layp e siguraduhin mo na

    Komento ni Pokwang — Agosto 6, 2008 @ 12:16 umaga | Sagutin

  4. kikay ka talga mami kengks! πŸ™‚ tama pang mmk nga itetch

    kengkay: mana ako kay reyna elena, hahaha

    Komento ni pusa — Agosto 6, 2008 @ 1:15 umaga | Sagutin

  5. ahahaha… ang sarap basahin tita kengs.. mega naluluha pa ako pa ko.. πŸ˜€

    kengkay: eto tisyu!

    Komento ni Lambing — Agosto 6, 2008 @ 2:04 umaga | Sagutin

  6. di ko po magets bakit kelangan maging kayo tapos babalikan din pala nya yung gf nya? di ba pwedeng kayo na lang tutal break na sila.he..he..parang gusto ko baguhin yung takbo ng kwento.pero isa pong bagay natutunan ko dito.acceptance para makamove on.

    kengkay: hahaha, naku kung binago mo ang kwento walang kwentong kengkay ngayon!

    Komento ni ak0it0 — Agosto 6, 2008 @ 4:43 umaga | Sagutin

  7. hehehe… kilig to the bones ito… πŸ™‚

    kengkay: nahawa ka din, hehe

    Komento ni yhen — Agosto 6, 2008 @ 5:04 umaga | Sagutin

  8. nakakaiyak naman. hehe.
    nga pala ate kengks, bukas na ulit ang aking blog.

    kengkay: naiyak ka din? tisyu eto. oy, bukas na ulit blog mo? sige bisita ako

    Komento ni winkii — Agosto 6, 2008 @ 10:28 umaga | Sagutin

  9. nakakakilig at kakaiyak din.. hhehehe.. di ko rin masabing nakakapanghinayang na hindi naging kayo ni soulmate, kasi masaya po ang life mo with kengkoy and little kengkays! πŸ˜€

    kengkay: tumpak ka dyan

    Komento ni rhapsody — Agosto 6, 2008 @ 10:45 umaga | Sagutin

  10. i can relate ate kengks! haha. ganun talaga ang buhay, kelangan maexperience naten mag-cry-cry para maenjoy naten ng sobra ang dadating na right person for us.. tulad mo ate kengks, hndi man naging happily-ever-after ang love story niu ni padner, happy ka naman, super happy, with kuya kengks and little kengks ayt?

    Godbless you, ate kengks.. naenjoy ko ang post mo.. πŸ™‚

    kengkay: ako nag enjoy din na na ikwento ko ito sa madlang pipol

    Komento ni joyceee — Agosto 6, 2008 @ 12:46 hapon | Sagutin

  11. teka mrs. kengkay, ibig mong sabihin mas pers lab mo padner kaysa sa bf na hiniwalayan mo noon?

    infernez papasa na mini-series ang iyong istorya. heheh…at least nagkaganun man eh naging maganda at masaya ang iyong memory sa kanya. sadyang di lang talaga swak. “somewhere down the road” hehehe

    kengkay: oo, kasi BF lang yung nauna, e si padner ko e soulmate ko πŸ™‚ si kengkoy ang true love, hehehe

    Komento ni hitokirihoshi — Agosto 6, 2008 @ 3:02 hapon | Sagutin

  12. haaaay… parang pelikula…tumayo naman ang mga balbon ko. hehe

    kengkay: down balbon πŸ˜€

    Komento ni utakmunggo — Agosto 6, 2008 @ 8:25 hapon | Sagutin

  13. hayyyyyyyyyyyyyy…

    ang kyut ng lablyp ni mami kengkayyy!

    hekhek!

    anoder post uli sa lablyp!

    kengkay: pahinga muna at mahirap kiligin, haha

    Komento ni eloiski — Agosto 7, 2008 @ 4:39 umaga | Sagutin

  14. hahahaha…
    sabi nga ni eloiski ate kengks,

    ang kyutttttt ng labsturi mo…hehe

    maganda πŸ˜€ ako ndi pa ako nakakapagpost ng about sa perslab..
    hahaha..late na ako mashado para sa HIRIT OP DA MONTH πŸ˜€

    kengkay: august pa rin naman e, o baka naman sikret lab layp mo, hehe

    Komento ni ayyzzz — Agosto 7, 2008 @ 7:47 umaga | Sagutin

  15. Keng,

    i can’t believe it! na share mo yang open (secret)love story nyo ni … in details pa!Yeah nabasa ko sa mga mata ni … na love ka pa rin niya and he misses you terribly. sayang nga i lost his card. pero i’m sure magkikita pa rin kayo someday.

    kengkay: wahahahaha, dumating rin ang inaantay ko! ayan, de vah, bigay na bigay ang drama ko sa buhay – those were the days πŸ™‚

    Komento ni elaine — Agosto 7, 2008 @ 9:54 umaga | Sagutin

  16. Yung GF nya andun sa tabi tabi. bumenta to sakin! πŸ˜€ hehehe! at pinatanong pa talaga eh! hehe. parang sa vanilla sky, see you in another lifetime. pero kilig parin πŸ™‚

    Komento ni Carol — Agosto 7, 2008 @ 1:14 hapon | Sagutin

  17. kwentong kengkay at its finest!!! hahaha…ang kyut kyut! thanks for sharing mami. kaka-enjoy basahin hahahhaha hiram na pag ibig hahahahhaha

    Komento ni chuvaness — Agosto 8, 2008 @ 12:45 umaga | Sagutin

  18. kengkay panu kung agkita kayo ni padner pagbalik mo ng pinas? mukhang abangan ang susunod na kabanata ang dating nun. hehehe.

    Komento ni gmacomics — Agosto 12, 2008 @ 8:57 umaga | Sagutin

  19. kengkay panu kung magkita kayo ni padner pagbalik mo ng pinas? mukhang abangan ang susunod na kabanata ang dating nun. hehehe.

    Komento ni gmacomics — Agosto 12, 2008 @ 8:57 umaga | Sagutin

  20. nice one ate kengkay.. naisip ko tuloy ung sa akin , may similarities..

    Komento ni lhay — Agosto 21, 2008 @ 4:48 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: