Kwentong Kengkay

Agosto 6, 2008

Piesta 2008

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Kwentong Kengkay,Oyropa Ko,Palaway — kengkay @ 1:13 hapon
Tags: , ,

Uy, piesta nga pala dito nung August 1-4. Tawag ng piesta dito sa baryo namin e ‘kerwe’.

Oo, ang haba ng piesta, di ba sa atin e bisperas at yung mismong piesta lang ang may celebrasyon. Wag na lang nating isali yung mga  na over  sa karaoke party, hehe. Ngayon i share ko sa inyo ang mga kapikturan nung aming kapistahan.

Simula ang piesta ng alas sais ng gabi. Weird ano? Gabi! At sempre, parada ang unang drama. Ayan sila sa itaas at nag-sasama sama bago mag martsa.

Kung saan e may tinatawag na kerwe ‘priest’ – kumbaga, sya ang bida sa buong kerwe. Parang si reyna elena ba na lalaki; at sempre meron syang emperatriz na tinatawag namang ‘taga-tagay’ — yun ang assistant nya para yung bida ng kerwe e hindi maubusan ng inumin! Hindi matuyuan, ganun ba. Tapos meron pang isang assistant na hindi ko na alam kung anong drama naman sa buhay.
Napansin nyo yung mga boys na may mga dalang beer mugs? Yan ang kumbaga e ladies in waiting ng bida, hehehe
Ayan ang musikero… bigay todo!
Ayan ang tatlong bida ng kerwe na kinukwento ko dun sa taas. Pansin nyo ang hawak nilang beer mugs? May laman lahat yan!
Bakit kanyo may manika? Kasi yan ang mascot ng kerwe. Kapag itinaas na yang manikang yan, ibig sabihin e pwede ng magsimula ang kapistahan!
Ayan, more boys with beer mugs! Kung akala nyong boys lang ang may ganyan, pwes; may girls din na prinsesa at pinsesita pero ang hawak naman nila ang mga kopita dahil sila ang tinatawag na wine princesses. Atsaka na yung pictures..
Ayan ang isa sa mga sandamakmak na beer stands sa may peryahan. Sempre, naman may peryahan din ano. Wala nga lang beto beto 🙂
Isang stand na nagtitinda ng walang kamatayang ginger breads na korteng puso na may mga nakalagay na nakakakilig na mga salita. Nakakahimatay nga lang ang presyo. Dyan din sa mga tindahan na yan nalalagas ang buhok ko dahil ang mga candies nila e super 500% more expensive kapag ikompara mo sa mga presyong tindahan. As in… por ehemplo — isang hello kitty na bag of goodies e mabibili mo dito sa halagang pitong oyro, nakuuu, kapag sa tindahan sa sunod na kanto mo yan bilhin e tatlong oyro lang po yan ano. HMpf! Kakapikon. O baka naman kuripot lang talaga ako.

Isa sa mga pinakasikat na rides, ang ship swing! Sempre naman di ako sumakay dyan, ayoko yatang magbulilyaso ang buong gabi dahil lang ako e mahilo hilo sa isang tabi!

Marami pang pechurs sa sunod. Kasi unang araw pa lang yan ng pista ano.

Advertisements

18 mga puna »

  1. huwaw naman ang piesta niyo!
    bonggang bongga!

    kengkay: bongga talaga sa laklakan

    Komento ni winkii — Agosto 6, 2008 @ 1:20 hapon | Sagutin

  2. lols te kengks. nagkalat na naman mga lasenggero sa daan. hehe

    ang pinaka ayaw ko pag may disco kasi nagkalat ang mga kabataang lasenggo at naninira ng kahit anung makita nila, o kaya out of kawalanghiyaan (at tinatago sa excuses na lasing) nambabato ng bintana o nang sscratch ng sasakyan.

    can’t wait sa karneval! costume!

    kengkay: aba, ang karnebal e sa 2009 pa ulit ano, tagal!

    Komento ni eyna — Agosto 6, 2008 @ 3:52 hapon | Sagutin

  3. wow sarap naman wla kaming mga ganyan dito. sana meron nga eh sya sya

    kengkay: walang ganyang piesta sa california? talaga?

    Komento ni abby — Agosto 6, 2008 @ 9:51 hapon | Sagutin

  4. ang kulit, itatanong ko pa lang bakit may dolly si kuya. hehehe 😛

    gusto ko ng gingerbread na korteng puso na may nakakakilig na salitaaa! *_*

    at ang kulit ulit nung ship swing, parang yung anchors away pero solo flight… hehe 🙂

    ang saya, salamat sa pagshare! 🙂

    kengkay: malilito ka kung anong gingerbread ang pipiliin mo, am sure

    Komento ni Carol — Agosto 6, 2008 @ 10:50 hapon | Sagutin

  5. Wala pang Octoberfest ay may mga beer mugs na silang hawak? Baka mag-migrate ang mga kilala kong lasenggo dito kapat nalaman nito ito hehehe:) Speaking of Octoberfest, totoo ba na mga sausages dyan ang tineterno sa beer? Kasi yan ang press release dito ng mga hotels tuwing Octoberfest. Di ko alam ko totoo or myth lang.

    kengkay: naku, basta may piesta, beerahan na, hehe. oo, yun yung white sausage na tradisyonal na pagkain sa munich kung saan andun ang octoberfest na tunay. pero sempre meron ding haxe o kaya e pig’s feet, hahaha

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 7, 2008 @ 1:03 umaga | Sagutin

  6. huwaw! fiesta galore! hehehe… saya saya nun a naaalala ko tuloy na kapag fiesta samin e nangangapit bahay ako para tumikim ng lechon kasi sa bahay namin isdang engot lang ang meron! hahahaha

    tsaka tama un… mas nagmamahal ang bilihin kapag fiesta. hehehe.. may secret organization kasing nagpapatong ng additional tax sa mga un kaya ganun. lolx

    kengkay: ako din, madalas sa kapitbahay kapag piesta — hilong talong lang ang handa namin e, hahaha

    Komento ni ronturon — Agosto 7, 2008 @ 4:35 umaga | Sagutin

  7. ms kengaky parang pinas din pala jan…

    may salo salo din ba sa mga baranggay yan???

    kengkay: uy, oo, salo salo kapag kainan, kanya kanyang bayaran nga lang, hahaha

    Komento ni yhen — Agosto 7, 2008 @ 4:35 umaga | Sagutin

  8. May kasunod pikyurs pa? Ay talaga palang matagal ano? Sige subaybayan ko. 🙂
    Yung may doll, akala ko sa unang tingin ventriloquist. 😛
    Type ko yung nightshots.

    kengkay: takot din ako dun sa doll, parang pang voodoo, hahaha

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 7, 2008 @ 6:39 umaga | Sagutin

  9. ay dito rin lapit na rin kerwe pera tawag naman nila eh lantern festival, wala talgang kerwe pero ganon na rin, inuman, perya, kainan ng sausage galore atbp, yun nga lang may reyna elena 🙂

    kengkay: hmm, bakit lantern festival? dito may lantern festival din sa november naman

    Komento ni Pokwang — Agosto 7, 2008 @ 7:58 umaga | Sagutin

  10. sana meron din video para makita namin in action ang pista dyan:)

    haba ng celebration nyo.

    kengkay: naku di ako marunong kasi mag upload ng video e 😦

    Komento ni vhincent — Agosto 7, 2008 @ 8:09 umaga | Sagutin

  11. Sarap talaga sa piyestahan! minsan kahit mahal yung mga tinda, mapapabili ka!

    kengkay: ayaw ko ngang bumili, pero basta pagkain, oks lang

    Komento ni Salve — Agosto 7, 2008 @ 9:47 umaga | Sagutin

  12. hakhak

    nkanang, angsosyal naman nian!

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    Komento ni rimewire — Agosto 7, 2008 @ 11:09 umaga | Sagutin

  13. […] Piesta 2008 Part 2 Filed under: Dito sa Amin, Europe, Kwentong Kengkay, Oyropa Ko, Pasaway — kengkay @ 11:22 am Tags: fest, piesta Ituloy ang kapiestahan! Eto ang part one. […]

    Pasa ni Piesta 2008 Part 2 « Kwentong Kengkay — Agosto 7, 2008 @ 11:23 umaga | Sagutin

  14. Naku kengkay kung andito yang libreng beer sa pilipinas, maraming matutuwa, at madadala naman yung mga nagbibigay ng libreng beer hehehe…
    Katuwa ang piyesta pati blind items sa neighborhood pinagpepyestahan…=P
    Balik tau sa beer talagang mahilig uminom ang mga tao jan ano? Sila ata ang nagpasimula talaga ng Oktoberfest hehehe

    kengkay: yup, sa munich talaga ang tunay na simula ng octoberfest. at oo, ibang klaseng chismisan dito kapag piesta, hehe

    Komento ni callcentergal — Agosto 7, 2008 @ 4:15 hapon | Sagutin

  15. bakit mukhang manyika ng mangkukulam ang mascot na pang-opening? curious lang.

    kengkay: alam mo ako natakot din sa hitsura nya e, ewan ko kung bakit ganyan itsura

    Komento ni utakmunggo — Agosto 7, 2008 @ 4:50 hapon | Sagutin

  16. Wow! Ang sarap pala ng fiesta dyan kung ganun kasi ang pinakain noon ng Mandarin Oriental in celebration of Octoberfest yung naglalakihan na sausages, iba-ibang klaseng ang lasa. Tapos sabi nila ganun daw talaga kalalaki ang mga sausages dyan:)

    kengkay: ay oo, sa sunod na post ko, andun yung mga sausages, hahaha

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 8, 2008 @ 2:00 umaga | Sagutin

  17. Wow! Ang ganda naman dyan! Pero parang puro “beers” ata ang tema ng pyesta? Hmm… tama po ba ako?

    Komento ni Miho the Explorer — Agosto 9, 2008 @ 11:26 umaga | Sagutin

  18. […] nyo ba na hindi lang pinas ang mahilig sa piestahan kundi pati na rin dito sa alemanya? halos yata lahat ng araw na pwedeng gawing piesta e gagawan nila ng paraan para maging […]

    Pasa ni piestahan sa alemanya « Kwentong Kengkay — Hunyo 10, 2009 @ 10:40 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: