Kwentong Kengkay

Agosto 7, 2008

Piesta 2008 Part 2

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Kwentong Kengkay,Oyropa Ko,Pasaway — kengkay @ 11:22 umaga
Tags: ,

Ituloy ang kapiestahan! Eto ang part one.

Absent ako sa piestahan nung second day kasi bumigay na rin ang katawan ni kengkay na kahit na nga may sakit e todo piesta pa rin. Kaya itong mga kodakan na ito ay ang parada nuong Linggo ng kapiestahan.
Sa may likuran ng bahay namin, dun sila naman nagkita-kita para sa parada. Napansin ninyong may mga beer mugs na naman silang dala? Ala una ng hapon pa lang yan šŸ™‚
Hehe, ang mga lolo na nagbibinata ‘The Sexties’ , translated ko na po šŸ™‚
Ang mga little kengkays at isang kalaro nila; inip na inip na pong nag-aantay. Meron kasing sinasaboy na candies at kung anong mga freebies na toys, food, drinks at kung ano pa — basta may parada na ganyan e.
Simula na po ng parada. Ayan na ang mga musikero. Sempre nauna pala yung police car as escort šŸ™‚

Ayan na naman ang army of beers! Libre ang lagok. Pinamimigay lamang po ang mga beer na nakalagay sa plastic cups.
Ang mga prinsesa ng kopita, hehehe. Hawak nila ang super mega kopita na parating may lamang alak. Sila ang wine princess ng aming baryo. Sabi ng mga little kengkay e dapat daw maging wine princesses din daw sila… Ganun!
O ayan na naman ang tatlong bida – sempre, hindi kumpleto kapag wala silang beer mugs, di ba?
Isa sa mga clubs na kasali sa parada. Nagsaboy po sila ng candies— at kami lang ang inulan.
Kasali pa rin sa parada. Mga homemade yang kotse na yan ha.

Ayan na ang mga pirata! Sila ay members ng swim club at hindi lang nagsabog ng candies at namigay ng ice cream, ayan at talagang nambabasa po talaga. Pero game lang lahat ng tao. Sa init ba naman e.
Ang mga oldies but goodies na nagsasayaw at nag eexercise habang naglalakad, kaya nyo yan?
Pansin nyo ang dalang bags nga mga kids? Actually medyo boring kasi walang kaagaw kapag may hagisan ng candies e, hehe
Isa pang tugtugan… ayaw nila maglakad kasi di raw nila kalam kung papano tumugtog kabang naglalakad šŸ™‚
Namigay sila ng tinapay, masarap naman…

Kaya ninyo yan? Ako hindi. Pero parang type ni panganay ko na mag aral ng ganyan…
Kengkoy, alis dyan, hmpf! Gustong makisingit. Napaghahalatang matakaw, hahaha-
Pagkatapos ng parada e nagpunta ulit kami sa plaza. Kasi merong tinatawag na kerwered — parang isang piesta talk ba. Kung saan maririnig mo ang mga chismis sa mga kapitbahay ninyo, heheh. Nakakatawa ang kerwered kasi talagang paguusapan, kahit na anonymous daw, yung mga nangyayari sa baryo namin ng buong taon na yon. As in… kaya nga sabi naman kapag may palpak ka sa buhay, wag mo ipagsabi kasi mababalita yon sa kerwered, hehehe. Dami pa namang taong nagpupunta para lang makinig sa chismis!
Ayan, si panganay ko feel daw nyang manalo ng shoot the ball. Oks lang dito, kasi kahit na hindi ka manalo e meron kang iuuwing regalo.
Nag try ang aking mag aama na mag ship swing — ayaw ko ngang sumakay. May I kaway kaway na lang ako on the side. Kasi nga may sakit pa rin ako, actually ng araw na ito e. Sumama lang ako kasi ayaw ko magluto, ibig sabihin, sa peryahan kami nag dinner ng araw na ito šŸ™‚

Kitams, pati si bunsoy ko lakas ng loob. Niyaya yung kaibigan nya na mag ship swing silang dalawa… Pers taym na hindi ang tatay nya ang kasama nya ha. Ako kaya, kelan mag swing?

Bukas yung pang-apat na piesta day šŸ˜€

Advertisements

10 mga puna »

  1. hihintayin ko yung susunod. šŸ˜‰
    ang cute naman ng mga little kengkays mo!
    sana magblog din sila pagdating ng panahon.
    marunong ba silang magtagalog?

    kengkay: hahaha, sana nga magblog din sila. marunong sila ng mga salitang tagalog, barok šŸ™‚

    Komento ni winkii — Agosto 7, 2008 @ 11:50 umaga | Sagutin

  2. Hapi Piesta Ate Kengs… parang syaa ng piesta dyan.. dami freebies…

    na miss kita ate… medyo nagka problema lang sa internet connection ko kaya ngaun lang uli ako nakadalaw šŸ˜€

    kengkay: na miss din kita. dalaw ako sa yo mamya. may freebies din ba, hehe

    Komento ni lalaine — Agosto 7, 2008 @ 2:35 hapon | Sagutin

  3. wow, fiesta. šŸ™‚ ang saya naman.. ^_^

    musta na te kengkay? šŸ™‚

    kengkay: uy, asan ka na ba?

    Komento ni karmi — Agosto 7, 2008 @ 9:04 hapon | Sagutin

  4. Ahehe… natawa ako dun sa “The Sexties” — naalala ko yung Pinoy version… šŸ™„ Alam mo tita yung “Sexbomb girls” dito? Pag tumanda na daw sila, “Sex-bagang” na! šŸ˜† (translated ko lang din)
    Huwaaaah! Napapalunok ako sa mga tanawin ng BEER…
    Parang gusto ko ring maki-agaw sa nihahagis na TOYS! šŸ˜›

    Syangapala. Bago ko mag-BtuLOG for 4 days, batiin kita:
    Happy 1st year blogging anniversary! šŸ˜€ Ganda naman timing — buong ‘barangay’ nyo dyan ang nagse-celebrate.

    kengkay: waaaa, talagang idol kita. na remember mo talaga ang aking blogniversary ha. tenks!

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 8, 2008 @ 1:09 umaga | Sagutin

  5. sabi nila the germans have the best beer in the world daw kaya parang gusto ko ng pumunta dyan bukas kaagad para lang matikman ang sinasabi nila… hehehe! next time sana may picture na ikaw na ang sumasakay sa mga swing na yan.. hehehehe!

    kengkay: may pechur ako pero sa tabi ng lang swing, hahaha at oo, masarap nga ang beer dito, halika na at tagay tayo

    Komento ni ifoundme — Agosto 8, 2008 @ 1:52 umaga | Sagutin

  6. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan ng piesta dyan:) Ok nga dyan eh kasi ala una na ng hapon humawak ng beer mugs ang iba at tsaka piesta naman. Dito nga walang okasyon, may nakikita akong umiinom sa mga kanto ng kalsada alas 9 ng umaga. Hanggang gabi na yon. Ang galing no? Hehe:)

    kengkay: araw araw piesta, waaaa

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 8, 2008 @ 2:04 umaga | Sagutin

  7. gusto ko din po ng mga candies… hehehe.. pwede bang jumoin sa mga little kengkays sa pag aantay ng mga isasaboy na candies… hehehe

    šŸ˜‰

    kengkay: pila ka na

    Komento ni yhen — Agosto 8, 2008 @ 2:20 umaga | Sagutin

  8. grabe ah, winner ang pista sa inyo! ang tagal! hahahah!

    naalala ko dati sa baguio, pag may parade nagsasaboy din sila ng candies šŸ˜‰

    kengkay: ang sarap nga, apat na araw na nakikipiesta, walang luto luto sa bahay, hehe

    Komento ni caryn — Agosto 8, 2008 @ 3:48 umaga | Sagutin

  9. hahaha! no wondah, at home na at home kayo dyan dahil parang pinas din pala kayo dyan! walang reyna elena? asan ang float mo??? samen here! WALANG PYESTA! grrrr

    kengkay: ganun, ang baduy naman dyan sa isteyts, wiz piesta? punta ka dito, kahit konting ano ano lang e piesta na agad. ang float ko e hindi nag float, kasi nga nagkasakit ako kaya hindi ako nakaparada, waaa

    Komento ni reyna elena — Agosto 8, 2008 @ 4:02 umaga | Sagutin

  10. Waw ang saya! Gusto ko rin yung ship swing. šŸ˜› Inuugoy parin pala, hindi ba automatic?

    Prinsesa ng kopita! Sana pwede rin akong maging ganyan šŸ˜›

    Komento ni Miho the Explorer — Agosto 9, 2008 @ 11:36 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: