Kwentong Kengkay

Agosto 8, 2008

inggitin ko lang kayo

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Kwentong Kengkay,Kwentong Nanay,Palaway — kengkay @ 6:06 umaga

hehehe, mangiingit lang ako ng konti, pwede ba?

nasabi ko naman na may family emergency kami diba? eto yon at eto. tapos eto pa. tapos naging okay na at eto na naging resulta.

kaso mo, sa totoo lang, apektado talaga ang panganay ko.

imagine, halos sa buong linggo na magulo buhay namin, halos sunod sunod na gabi na natatagpuan namin syang naglalakad habang tulog! as in.. nung una hawak hawak nya yung camping lamp namin at dinala sa buong bahay. natagpuan lang ni kengkoy nung nakita nyang warak na yon sa isang sulok.

pangalawa naman e nagulat na lang akong nagtatakbo sya sa kama namin at may kung anong sinasabi sa akin na parang takot na takot.

pangatlo e nung umakyat sya sa kama namin na nanginginig… tapos natagpuan ni kengkoy kinabukasan yung telepono namin na nakasaksak sa lalagyan ng mga sepilyo at yung mga halaman na nakapaligid sa bathtub!

sa tingin ko, tama na munang maranasan nya yung stress dito sa kapaligiran, my babies need to take a break. at iyon din ang naisip ni kengkoy. kaya naman meron kaming last minute bakasyon. kahit na isang week lang.

pinagtatalunan namin dito: kung sa mag drive kami ng limang oras papunta sa garda see sa italya at mag rent ng apartment dun o sa mag flying flying sa tunesia in afrika na all inclusive resort ( as in lahat libre na, umagahan, tanghalian, dinner at in between snacks pati na ang entertainment at drinks!) kasi halos pareho din ang babayaran. hirap mag decide kasi ang daming magandang pwedeng puntahan.

nung finally nalaman ko kung saan kami pupunta — sa espanya! yipeee. wala na daw flights palabas ng tunesia. summer break pa rin kasi dito e. kaya mag fly na lang kami patungong mallorca, spain.

actually, pwede naman mag drive kaso mo mahaba, mga walong oras ang biyahe. sayang naman isang araw e isang linggo nga lang bakasyon. e kung mag flying, mga dalawang oras lang mahigit. pinagisipan namin kung dito ba kami o dito — ang tagal bago ako nag decide. hindi simple e. nagcheck pa talaga ako ng mga komento tungkol sa mga resorts na yan. at ang nanalo? yung ganito itsura sa pechur:

so, we’re leaving on a jetplane soon! pero bago yon, magpa-party muna ako dito sa aking blog sa sabado, may royal celebration.

sa totoo lang, kung malapit lang ang pinas, andyan na sana kami!

Advertisements

21 mga puna »

  1. nakupu.. sleepwalking si little kengkay.. sana hindi niya na dalin ang habit na yun sa espanya. at sana sa pilipinas na lang kayo nagbakasyon! hehehe! wow party sa sabado! sana makadaan ako 😀 hehe inimbita sarili 😀

    Komento ni Carol — Agosto 8, 2008 @ 6:39 umaga | Sagutin

  2. naku wawa naman little kengkay.. hirap nga niyan,pero makaka-adjust rin siya. needs time nga lang. pero tama nga yang bakasyon medyo ma de-deviate sya.
    have fun 🙂

    Komento ni Pokwang — Agosto 8, 2008 @ 7:41 umaga | Sagutin

  3. Sana pag nase-stress ako pwede ring mag-fly away in an instant:) Matutuwa si little kengkay at matatanggal na ang stress nya niyan:)

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 8, 2008 @ 7:58 umaga | Sagutin

  4. wow bakasyon to the max ka na naman ate kengkay…okay yan para marelax at bonding time para sa buong pamilya.pasalubong ha…:)

    Komento ni ak0it0 — Agosto 8, 2008 @ 8:01 umaga | Sagutin

  5. Part of growing up? baka medyo nabigla lang ang little kengkay sa biglaang changes. Magandang solusyon nga ang bakasyon, kya sama kme! up up and away ….

    Komento ni vhincent — Agosto 8, 2008 @ 8:10 umaga | Sagutin

  6. nakakainggit. dapat nagbora na lang kayo at maeexperience niyo ang lumalangoy na diaper. hehe

    Komento ni winkii — Agosto 8, 2008 @ 8:43 umaga | Sagutin

  7. mejo nainggit nga ko.. hehe

    Komento ni ronturon — Agosto 8, 2008 @ 2:59 hapon | Sagutin

  8. aww nakakainggit nga sissssss!!!!!

    Komento ni Noreen — Agosto 8, 2008 @ 4:52 hapon | Sagutin

  9. sama ako!!!!!!
    asust! 🙂

    Komento ni aga — Agosto 8, 2008 @ 7:29 hapon | Sagutin

  10. Sorry to hear about the health issues in your family. A trip to Spain would be fab! In case you see a fridge magnet that says Zaragoza, please get it for me 😀 I’ll pay you back 🙂

    Hey, listen ka naman sa show bukas bago kayo lumipad. Ingat mamu!

    Komento ni joy — Agosto 8, 2008 @ 9:12 hapon | Sagutin

  11. Hindi ko matiis na hindi sumingit sa misis ko sa harap ng computer at sumilip sa blog. 😆 Hanggang magawi nga ako dito…
    Medyo gusto pa yatang mangilid na naman sa luha ang mata ko habang binabasa yung “Homeworked” posts mo (sensya na, talaga mababa ang luha ko e). But in the end, dahil sa tuwa sa naging outcome ng family emergencies sa inyo. 😀
    Medyo nakakapag-‘worry’ nga yung kay MC mo. Stress nga yun (sana naman hindi na-trauma)… Tama, tita kengkay — bakasyon ang kelangan. If there’s a need to consult your trusted doctor, walang masama. Anyway, wala naman na yung situation na nagko-cause ng stress, palagay ko makukuha yan sa vacation lang. 🙂 Syempre, tuloy-tuloy lang ang prayers, even para kina opa at oma.
    Meantime, siguro ngayon pa lang it will help kung naihahanda mo na ang mga little kengkays tungkol sa grandpa at grandma nila (80s na sila). Hindi naman sa nagiging pessimistic ako, but that is a part of the living process, di ba? Lahat naman tayo darating ‘duon’… but I do hope na humaba pa ang mga panahong kasama nyo sina opa at oma nyo. 🙂
    Happy vacation! God bless you all!
    Hehe… parang alam ko na yung royal celebration a?

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 9, 2008 @ 2:13 umaga | Sagutin

  12. ang sosyal mo naman kengkay! tsaka grabe naman ang nangyari sa panganay mo nagzozombie pag gabi!

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 9, 2008 @ 3:24 umaga | Sagutin

  13. nakakainggit nga… regards to K family 😆

    Komento ni wifeybee — Agosto 9, 2008 @ 4:17 umaga | Sagutin

  14. wawa naman baby mo ate kengks. tama yan, magbakasyon muna kayo ulit 🙂 sarap naman niyan, spain! i-ola mo nalang ako sa mga bello hombres doon! haha.

    Komento ni iris — Agosto 9, 2008 @ 9:29 umaga | Sagutin

  15. Tama yan ate kengks, bekeysyon muna dapat ^_^ Sige, have fun!

    (Sana makapunta rin ako sa Spain… eh pero hanggang Espanya lang dito sa Pinas ang kaya kong puntahan 😦 )

    Komento ni Miho the Explorer — Agosto 9, 2008 @ 11:42 umaga | Sagutin

  16. bonggang bongga ang bakasyon!
    huwaaaooo! 😀
    ate kengks..enjoy enjoy..

    Komento ni ayyzzz — Agosto 11, 2008 @ 6:20 umaga | Sagutin

  17. Langya… ginutom lang ako dito!

    TORTURE!!!!!!!

    kakainggit nman yung cake… yumyum.

    Komento ni themiseducationofzapped — Agosto 12, 2008 @ 10:28 hapon | Sagutin

  18. […] know, we just had a vacation in Spain this month, and we just visited the Philippines early this year but one couldnt have enough vacations, right? […]

    Pasa ni Christmas Vacation Wish « Kwentong Kengkay — Setyembre 25, 2008 @ 6:23 umaga | Sagutin

  19. […] nung nakaraang buwan, na-opera si opa. takot na takot sya. […]

    Pasa ni 60 years « Kwentong Kengkay — Oktubre 14, 2008 @ 7:38 hapon | Sagutin

  20. […] nung nakaraang buwan, na-opera si opa. takot na takot sya. […]

    Pasa ni 60 years na pagmamahalan « Kwentong Kengkay — Oktubre 14, 2008 @ 7:38 hapon | Sagutin

  21. wow. kaka inggit nga. lol

    Komento ni PinoyEngine™ — Abril 23, 2009 @ 2:08 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: