Kwentong Kengkay

Agosto 9, 2008

invited kayo lahat

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kaibigan — kengkay @ 5:42 umaga

Tuloy kayo, tuloy kayo! Lahat invited. Anong gusto ninyong inumin, deretso lang sa kusina at sa sala, andun lahat ng handa. Pwede ring maghalungkat sa garden ng mangat-ngat. Kung may kulang pa, sabihin nyo lang. Ako ang bahala — bakit kanyo? Dahil…

Happy blogversary to me!

Alam nyo bang isang taon na akong nakikigulo sa trapik ng blogosphere? August 9 nung unang nagtangkang kausapin ni kengkay ang sarili nya. Ang taytol ng unang post ko? Plastik Bag, pansinin ninyo naman, wala ngang comment e, hahaha.

Feeling ko pa noon e mag-pa mysterious epek ako kasi akala ko nga e ako lang ang magbabasa nitong aking blog. Nais ko lang namang mag tagalog kaya ko sya sinimulan. Kakamiss kasi marinig at mabasa at makipaktalaktakan sa sariling wika.

E andaming natisod at nag comment. Edi hataw na rin.

Dami na ring nagbago. Simula e yung itsura ng blog ko. Ewan ko kung anong nangyari at nasira yung isang theme kaya eto at may bago akong theme. Nagkaron din ako paraan para i share ang obsesyon ng aming pamilya tungkol tabo.

Tapos, kung dati e ang unang pinupuntahan ko e yung aking dashboard para sa stats; at sempre ang umasa sa mga comments — ngayon e ang una ko nga pinupuntahan kapag nag o-online ako e yung mga nagiwan ng comments sa aking blog at dinadalaw sila, nagiiwan ng comments at nangangamusta. Give back the luv, ika nga.

Tapos, may mga una akong ka chika sa blogs ko na hindi na dumadalaw, may ibang hindi na rin yata nag boblog kasi deleted na yung blogs nila, may mga iba naman na andyan pa rin pero hindi na madalas dumalaw, may mga iba naman na sa YM at sa EBs na lang kami nagchichika, may mga iba naman na ilang beses ng nagpapa add ng link e andun na naman yung link nila sa blogroll ko, may mga ibang basta ni link ko na lang sila, may mga ibang baka nalimutan ko e pakisabi na lang sa akin… kalabitin nyo lang ako at isali ko kayo sa blogroll ko. Tulungan lang tayo!

At basta ang alam ko, sa bawat post na gawa ko, masaya ang makipag-halubilo sa mga ka-blog at sa mga taong wala mang blog pero nakikibasa at nakikisali sa saya.

Marami sa mga nagiwan ng bakas ang naka engganyo sa akin; marami ang naging malakas na impluwensya; marami ang maituturing kong kaibigan; at marami ang pwedeng maging kapatid at marami rin ang mga humihirit ng mga nakakatawa at nakakadokleng na comments… at may mga ibang papansin din na wag na nating pansinin at baka sumakit lang ulo natin dahil sa mga pasundot-sundot nilang mga walang karapatang mga komento. May ibang hindi ko mapigil kaya pinatulan ko tulad nito.

Ibat iba ang tao sa mundo, at mas iba ang dating kapag sa blogging world kasi nga sa blog mo lang sila unang nakikilala. Pero sa totoo lang, ang talagang masarap sa blogging? Yung maka-EB mo ang mga nababasa mo lang. Exciting yon. Dami ko na ring naka-EB at sana mas dumami pa 🙂

Minsang nagisip na rin akong mag goodbye sa blogging.

Pero hindi nga natuloy dahil eto at nagcecelebrate nga ako ng aking one year anniversary as kwentong kengkay!

Invited kayong lahat sa aking royal celebration. Tuloy-tuloy lang. Anong gusto ninyo inumin? Anong gusto ninyong kainin? Sabihin nyo lang, ako ang taya ngayon 😀

Salamat sa blogging, nagkaron ako ng barkadahan sa lahat ng sulok ng mundo… nagkaron ako ng gimik sa kahit anong oras… at nagkaron ako ng kapatid sa kasayahan at sa pangangailangan.

Advertisements

37 mga puna »

  1. wow! happy blogsversary sayo! pa-kanton naman po kayo! 🙂

    Komento ni hachi — Agosto 9, 2008 @ 5:59 umaga | Sagutin

  2. happy anniversary! mayaman na a

    Komento ni kulot — Agosto 9, 2008 @ 6:07 umaga | Sagutin

  3. Happy Anniversary! More blog entries to come!

    Komento ni nina — Agosto 9, 2008 @ 6:38 umaga | Sagutin

  4. aba! happy blogversarry! natutuwa ako pag may nakikitang ganito eh, kasi ako ilang buwan pa lang, kaya yun ipagcecelebrate ko na lang kayong matagal na. lol!

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 9, 2008 @ 7:30 umaga | Sagutin

  5. maligayang kaarawan admin kengks!! ilabas na ang mga mamantikang pagkain at buksan ng maluwang ang pinto ng banyo 😦

    Komento ni Jon Cabron — Agosto 9, 2008 @ 10:03 umaga | Sagutin

  6. happy blogversary mami kengks!! miss you .. A LOT! hehehe

    xiao!

    Komento ni brath — Agosto 9, 2008 @ 10:19 umaga | Sagutin

  7. Happy Blogversary po ate kengks! Sana’y marami pang taon na makasama ka namin dito sa blogosphere 🙂

    Pagkain? Inumin? Tama na sakin ang blog entries mo ^_^

    Komento ni Miho the Explorer — Agosto 9, 2008 @ 11:50 umaga | Sagutin

  8. Happy na sa lahat na dapat mong icelebrate. Mabuhay ka at sana lagi kang malusog, maligaya, at mariwasa sa buhay.
    Happy Blogversary !!!!!!!

    Komento ni Colegiala girl — Agosto 9, 2008 @ 1:39 hapon | Sagutin

  9. happy blogversary ate kengks!
    sana ay mabigyan ka pa ni Lord
    ng maraming blogversary!

    Komento ni winkii — Agosto 9, 2008 @ 2:25 hapon | Sagutin

  10. wow, party time 🙂 happy anniversary! more power to you kengkay! sigurado eh marami ka pang maa-aliw at mai-inspayr sa blog universe kaya wag nang mag disappear sa face ng blogosphere, ok?

    Komento ni Pokwang — Agosto 9, 2008 @ 2:56 hapon | Sagutin

  11. Happy blog anniversary. It’s always nice to see how much blogging has made a positive impact on an individual’s life. I wish you all the best and more blogging inspiration for the year ahead.

    Cheers!

    Komento ni Fitz — Agosto 9, 2008 @ 4:26 hapon | Sagutin

  12. hehehe can you imagine what blogging can do? istorbo sa hada! hahaha! congratulations at happy birthday sa anniversayo mo sa blogging world hehehe

    Komento ni reyna elena — Agosto 9, 2008 @ 6:17 hapon | Sagutin

  13. wahaw! sangtaong gulang na ang blog mo!

    haburdey sa blog mo! ahehehe. more power!

    Komento ni aKDa — Agosto 10, 2008 @ 12:44 umaga | Sagutin

  14. huwaw! hapi blogversary na, hapi anibersaryo pa! dobol celebration!

    keep ’em (the posts) coming! more power!

    Komento ni bem — Agosto 10, 2008 @ 1:39 umaga | Sagutin

  15. Ayan… talagang todo-nakipyesta ako dito sa blog “open house” mo. Hindi lang sa sala at kusina — pati sa banyo napasuot tuloy ako para magbilang ng “tabo.” 😛 Sana may mapag-iwanan na kami nitong aking “mga anak” pag-uwi nyo uli para maka-EB na rin namin kayo.
    Once more: “Happy anniversary!”

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 10, 2008 @ 1:40 umaga | Sagutin

  16. happy one year! more years and balitaktakan to come!

    Komento ni utakmunggo — Agosto 10, 2008 @ 6:30 umaga | Sagutin

  17. happy happy sa inyo ng blog mo ate kengkay! :] more bloggy annivs to come! 🙂 btw, okay na po ako sa isang malaking avocado shake. hehehe 😀

    Komento ni Carol — Agosto 10, 2008 @ 6:42 umaga | Sagutin

  18. felicidades kengkay “bote” kahit anong eklabu sa iyong blogging activities eh go go for gold ka pa rin… tamo naman dami mo ng friendship and fans…more power sa iyo.

    binasa ko nga pala yung tungkol sa pinatulan mong nag-comment. kaasar nga ha! anyway part talaga yan ng pagiging sikat… mabuhay!

    Komento ni hitokirihoshi — Agosto 10, 2008 @ 6:51 umaga | Sagutin

  19. happy blog anniversary sa iyo kengkay. Isang taon ulit ng lahat ng kwentong kengkay na palagi kong dadalawin at babasahin…

    dedmatology (as in dedma) na sa lahat ng mga may negative comments…outnumbered namin sila (oh di ba?) =) napapaligiran na namin sila (ayan parang sa action movie) tama nga …parte yan ng pagiging sikat..=)

    fan mo ako kengkay lam mo ba yun? =)

    more aliw posts to read soon!

    callcentergal =)

    Komento ni callcentergal — Agosto 10, 2008 @ 7:12 umaga | Sagutin

  20. woothoo! happy anniversary!! galing no? one year na blog mo.hehe… pagpatuloy mo lang ang pagboblog, maraming nagbabasa ng blog mo di mo lang alam.

    Komento ni mhar — Agosto 10, 2008 @ 3:00 hapon | Sagutin

  21. Happy Blogsversary Mami Kengks!! Wow, one year ha?! Just keep on – you’ve come a long way!

    Nga pala, did you receive the pictures that I sent from my trip sa La Germania? I hope you did – just let me know and if not, I will resend it.

    Komento ni chuva — Agosto 10, 2008 @ 3:03 hapon | Sagutin

  22. one year in blogging! that’s a record considering sa sobrang busy mo ata…may little kengkays na at may big kengkoy pa…hehehh enewei, i need german beer..patagay! heheh

    Komento ni dakilang islander — Agosto 10, 2008 @ 3:53 hapon | Sagutin

  23. hapi anniv! astig ! 🙂
    asust 🙂

    Komento ni aga — Agosto 10, 2008 @ 6:57 hapon | Sagutin

  24. Happy Aniv ate Kengks! 😀

    Komento ni Brent — Agosto 10, 2008 @ 8:32 hapon | Sagutin

  25. mommy.. natuwa ako sa mga kwentong tabo! heheh! di ko pa kc nababasa lahat ng entries mo e. pero natutuwa naman ako… 1 year ka na! Congratulations…

    Komento ni binx — Agosto 10, 2008 @ 10:04 hapon | Sagutin

  26. YAYYYYY!!! Happy birthday Kengkay blog!!!

    Komento ni Noreen — Agosto 10, 2008 @ 10:17 hapon | Sagutin

  27. yeey! happy blogversary tita kengs… mwwaaah 😉

    Komento ni naglalambingnacute — Agosto 11, 2008 @ 12:55 umaga | Sagutin

  28. appy blog anniversary… galing galing naman!!!

    congrats po!!!

    Komento ni yhen — Agosto 11, 2008 @ 1:38 umaga | Sagutin

  29. Happy Anniversary, Kengkay! Nawa’y dumami pa ang iyong ma-share na kwentong pampamilya, pangkaibigan at pang-lakbay:) Enjoy!

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 11, 2008 @ 1:57 umaga | Sagutin

  30. inuman na ang kasunod nito…

    Komento ni taps — Agosto 11, 2008 @ 4:43 umaga | Sagutin

  31. Happy anniversary sa iyong blog, mommy kengkay! *fireworks*

    Komento ni Salve — Agosto 11, 2008 @ 5:48 umaga | Sagutin

  32. weeeeeeeee!!!!

    kompeti* kompeti*

    api anibersari! 😀

    Komento ni ayyzzz — Agosto 11, 2008 @ 6:17 umaga | Sagutin

  33. ..sabi ko na nga ba nakaamoy ako ng inuman kasi blogversary ah!!!=)
    …happy aniv!!!=)

    Komento ni sommer — Agosto 11, 2008 @ 6:24 umaga | Sagutin

  34. Hay, marami talaga tayong akala sa start ng blog natin hehe. Ako sa October pa yung thirs anniversay in blog ko.

    HAPPY ANNIVERSARY!!! WOOT WOOT

    Komento ni Richmond — Agosto 11, 2008 @ 6:33 umaga | Sagutin

  35. Salamat din sa pagba-blog mommy Kengks. Institution ka nang maituturing dito. Naalala ko yung support mo sakin nung baby pako sa blog. nyahahaha!!! Ngayon,, Deyker na! susunod baka maging university na ang blog ko dahil sa mga supporta ng kagaya mo. Salamat sa worlwideweb friendship na ino-offer mo na nararamdaman namin sa bawat koment mo. Salamat sa patawa at sa pagwelcome sa….

    PAAARRTTYYYYYY TTIMMEEEE!!!!!!

    gogogogo!

    penom naman ng juice.:)

    Komento ni themiseducationofzapped — Agosto 12, 2008 @ 10:26 hapon | Sagutin

  36. Hello Kengkay!

    Happy Blog Anniversary sa yo! Naks naman, isang taon ka na palang walang pugay sa pang-aaliw sa mga tao. 🙂

    O shya, have a great week!

    Komento ni Sofie — Agosto 13, 2008 @ 12:15 hapon | Sagutin

  37. haha tawa ka jan, mas ok kaya yun si Philip salvador,. Di mo ba na pansin, ang? layo ng ugali jan nung tatay ni Marcel compare mo sa korean version na Temptation Of Wife? Ang cool kasi ng tatay ni Marcel jan sa TV series na yan, at di basta-basta nag tataas ng boses, unlike dun korean version na Temptation Of Wife…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Juliana — Nobyembre 24, 2012 @ 4:43 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: