Kwentong Kengkay

Agosto 11, 2008

isa pang royal celebration

Aray ko naman, ang daming dumating sa aking blogversary! Maraming salamat sa mga naki-salu salo. Sana hindi naghingalo ang kusina sa mga pagkain at inumang naganap! Ang sarap pala ng virtual party, walang gastos, hahahah!

Pero eto ang handa nung Sabado – dyaraannnnn:






Hindi ko na nakunan yung main dish kasi nagkagulo bigla sa buffet table. Pinagtulakan na nila ako hanag nagkokodak at gutom na daw ang mga bisita, hhahaha. Actually, birthday nung isang kaibigan kong pinay at invited kami. Take advantage ako sa pictures para sa virtual party ko di ba? Yung mga cakes e dahil nag kape kape muna kami. Tapos appetizer namin e cold chika. Tapos yung choco ice a dessert naman. Sayang di ko nakunan yung main dish, tutulo talaga laway ninyo.

Ayan, absent tuloy ako nitong linggo kasi may hang over pa ako at ewan ko, mukhang na empacho rin yata ako ๐Ÿ™‚ Anyway, sunod sunod kasi ang celebrasyong nangyari. Kasi kahapon, 7th wedding anniversary namin ni kengkoy! Waaaa, nakaka empacho ang sunod sunod na kainan!

Sa amin, tradisyon na bumabalik kami dun sa restaurant/hotel kung saan ginanap yung reception ng aming kasalan kapag anniversary namin. Ang pagkakaiba nga lang, kasama na ang mga little kengkays. Na ang kukulit dahil gustong pagpilitang isuot ko ulit yung aking wedding dress… hay buhey!

Pano nagsimula ang araw namin? Si kengkoy ginising ako ng isang kiss at binigyan ako ng isang rose..
Sumunod ang isang little kengkay na may dalang bulaklak at may kasamang drawing nya. Nag recite din sya ng poem na spontaneous, kunyari may ginawa sya kahit na di pa sya marunong magsulat ๐Ÿ™‚
Tapos nag breakfast kami. Pagkatapos e punta na kami dun sa aming lunch date. Lunch date kasi Sunday sarado yung restaurant kapag dinner time. Baduy ano? Yan ang aming aperitif – sparkling wine with kiwi liquor.
Yan ang order ng mga little kengkays, spรคtzel, sya ay german noodles.
Ayan naman ang order ni kengkay — isda, waaaa! Kakamiss din ang isda akala nyo. Salmon with riesling sauce with jasmin rice and nilagang spinach. Masarap sya, pramis.

Ayan ang order ni kengkoy — pork medallions with spรคtzel na may peras na nilagyan ng fruit sauce at sempre, salad.

Hindi na kami dun nag dessert kasi nagpunta kami dun sa aming favorite italian ice cream parlor na malapit lang sa aming balay at eto ang order naman namin na gelato:
Yan kay bunsoy, si pinocchio ice cream.
Si panganay naman e basta gusto nya lang ng choco at strawberry ice cream.

At ang nakakaempachong, Du und Ich (you and me) ice cream — mas malaki pa sya ng mukha ko, waaa! Shock na shock ako pero sa totoo lang, masarap naman. Dami pang fresh fruits na nakasabit. Pero si kengkoy ang mas maraming nakain. Nakaka umay sa tingin ko pa lang e.

Bukas na ako mag blog hop, may sakit si panganay ko. Na over din yata sa pagkain at super excited kasi sa aming bakasyon sa espanya sa darating na mga araw!

Advertisements

28 mga puna »

  1. grabe ang mga pinoy talaga kahit san magpunta hilig ay pagkain. hahaha. congrats nga pala sa aniversary kengkay. sarap naman nyang du und ich!

    kengkay: kaya mas type kong maki sali sa handaang pinoy e, hehe. masarap ang du und ich, kaka umay lang

    Komento ni gmacomics — Agosto 11, 2008 @ 8:49 umaga | Sagutin

  2. happy anniversary ๐Ÿ˜€ sarap ng mga food!!!

    kengkay: salamat, sarap talaga

    Komento ni mysticalcat — Agosto 11, 2008 @ 8:51 umaga | Sagutin

  3. happy happy anniversary sa inyo ni kengkoy!
    many more anniversary to come.!

    kengkay: tenks!

    Komento ni winkii — Agosto 11, 2008 @ 11:06 umaga | Sagutin

  4. Kengkay,

    ginutom lang tuloy ako sa mga litrato ng pagkain! bigla tuloy ako nag pabili kay ‘Mang pipoy ng baskin robbins! he..he.. ang pretty naman ng baby girl moh! pwede ng mag artista!

    kengkay: penge akong baskin, wala dito nyan e

    Komento ni Aling Peppay — Agosto 11, 2008 @ 11:40 umaga | Sagutin

  5. mommy k parang ang sarap nung german noodles ah.
    happy 7th anniversay! woot woot!
    more little kengkays and little kengkoys to come! yehey!

    kengkay: mas masarap yan kapag gawa ni kengkoy

    Komento ni utakmunggo — Agosto 11, 2008 @ 12:44 hapon | Sagutin

  6. wow..na intriga ako dun sa jasmin rice…hehe

    kengkay: yan ang number wan rice ng thailand

    Komento ni litz — Agosto 11, 2008 @ 4:06 hapon | Sagutin

  7. hapi.anivz ate kengks!!!
    hhmmm..sanay pa ba dila ko sa mga european foods?? ๐Ÿ˜€

    kengkay: am sure, kasi ako sanay pa rin dila ko sa pinoy food ๐Ÿ˜€

    Komento ni yavinfour — Agosto 11, 2008 @ 4:28 hapon | Sagutin

  8. wow post naman po kayo ng recipe minsan.. yummyy ansaraapp.. waahh panira ng diet ahehehe

    kengkay: anong gusto mong recipe?

    Komento ni angel — Agosto 11, 2008 @ 5:06 hapon | Sagutin

  9. Asan? Asan, kengkay yung picture mong naka-wedding gown! ๐Ÿ™‚
    Ang sweet naman ni kengkoy, at ng little kengkays.
    Happy seventh wedding anniversary to both of you!
    Napapalunok ako sa pictures ng mga pagkain.

    kengkay: eto pictures http://homeworked.blogspot.com/2008/08/its-our-7th-year.html

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 11, 2008 @ 7:20 hapon | Sagutin

  10. wow mukhang masarap lahat!!! ka ingit!

    kengkay: masarap talaga

    Komento ni abby — Agosto 11, 2008 @ 7:53 hapon | Sagutin

  11. tita kengs happy anniversary!!! ang sweet naman ng tito kengkoy hehehe pati ang mga little kengs ka cucute .. ๐Ÿ˜‰

    nakakagutom naman yun mga pictures na yan… ๐Ÿ™‚

    kengkay: tulo laway, hehe

    Komento ni naglalambingnacute — Agosto 12, 2008 @ 12:33 umaga | Sagutin

  12. huwaw! daming food! sarap! excited na rin ako sa espanya nyo… nyahaha! parang kasama ko e noh? wait ko kc mga pictures nyo e… ๐Ÿ™‚ Happy anniversary mommy kengks

    kengkay: hahah, ako super excited na rin sa espanya

    Komento ni binx — Agosto 12, 2008 @ 12:37 umaga | Sagutin

  13. waaah anu ba yan kaka-kain ko lang ng taho sa mrt eto nakita ko paghob sa mga blogs… prang bali wala ang taho ah… ginutom ulet ako hehe sarap naman!

    ate kengkay pede ba ako sumama sa kakulitan list? ๐Ÿ˜‰ palit tyo

    kengkay: palit din tayo, pengeng taho, hahaha. linked ka na

    Komento ni vhincent — Agosto 12, 2008 @ 1:39 umaga | Sagutin

  14. happy anniversary… kakagutom ang mga food.

    kengkay: tenks!

    Komento ni barquera — Agosto 12, 2008 @ 6:31 umaga | Sagutin

  15. wow ang tsatsalap naman nyan… kainggit di ko man lang natikman haysssssssss…

    happy blogversary po sa inyo!

    kengkay: hahaha, kakaasar makakita ng food pictures ano

    Komento ni Rhapsody — Agosto 12, 2008 @ 6:42 umaga | Sagutin

  16. huli man humhabol pa din, happy anniv kengs!!!!kaya ka pala nagkasakit sa sobrang lafang hahaha. ano kelan ba tayo EB nila toni. buhay na ulit ako!!!

    kengkay: kagigising mo lang EB ka na dyan, hahaha

    Komento ni lilaybulilay — Agosto 12, 2008 @ 6:55 umaga | Sagutin

  17. wow, nakakatakam naman yan ms kengkay. gusto ko yung icecream na may design. hehe

    kengkay: mas marami pang ice cream na may design dito, as in…

    Komento ni yhen — Agosto 12, 2008 @ 6:56 umaga | Sagutin

  18. sarap ng mga fuds! nakakagutom

    kengkay: korek, pati ako nagugutom

    Komento ni kulot — Agosto 12, 2008 @ 7:52 umaga | Sagutin

  19. …happy aniv mommy kemgks! 7 years? wow!
    …syet, panalo lahat ng food! simula dun sa birthday ng pinay. pero pinakapanalo yung salmon! hmmmm…=p (as in nilaga lang yung spinach? ano pa nilagay dun?) pati ice cream panalo!!yummmy!!!

    kengkay: nilagang spinach – nilagyan ng konting dinikdik na sibuyas. masarap!

    Komento ni sommer — Agosto 12, 2008 @ 9:02 umaga | Sagutin

  20. saaaaaaaaaaalmooooooooooooooooooooooon!

    kengkay: isdaaaaaa

    Komento ni taps — Agosto 12, 2008 @ 10:50 umaga | Sagutin

  21. waaaaaaaah, ang sarap naman ng lunch date, hahaha… namiss kita ms. kengs, ahihi…

    kengkay: kain lang ๐Ÿ˜€

    Komento ni wifeybee — Agosto 13, 2008 @ 5:02 umaga | Sagutin

  22. happy anniv ms. kengks… pahabol.. wehehehe

    kengkay: salamat!

    Komento ni wifeybee — Agosto 13, 2008 @ 5:02 umaga | Sagutin

  23. (burp) Salamat sa handa:) Sa kakatingin ko sa mga pictures nabusog na rin ako hehe:)

    kengkay: burp din, hehe

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 13, 2008 @ 6:56 umaga | Sagutin

  24. Hello Kengkay!

    Happy 7th Wedding Anniversary sa inyo ni Kengkoy!

    kengkay: salamat dear sofie

    Komento ni Sofie — Agosto 13, 2008 @ 12:16 hapon | Sagutin

  25. grabe naman yang party na pinuntahan mo , tulo laway ako sa cakes, grabe ..

    at ang ice cream na du und ich eh pwede bang du, ich, er, sie, es .. kasi naman super jumbo size, di lang pangdalawahan , pangpamilya!

    kengkay: tama ka dyan, yung du und ich binusog din pati yung mga little kengkays

    Komento ni Pokwang — Agosto 13, 2008 @ 8:09 hapon | Sagutin

  26. ‘kita ko na yung pictures. ๐Ÿ˜‰

    kengkay: pansin ko nga, hahaha

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 14, 2008 @ 1:47 umaga | Sagutin

  27. *drools* pwede pa ba ako makihabol sa royal celebration? nagutom ako sa post na to… at parang type ko yung Pinocchio ice cream… yummy talaga tong post mo ate…

    tsaka nga pala… happy wedding anniv sa inyo ni kuya kengkoy at happy blogsary na din sau :D… sana nga pagbigyan mo ang mga little kengkays na isuot uli ang gown at i-share sa amin ng picure :D…. hehehe

    kengkay: naku, pagbibigyan ko talaga silang isuot yung gown ko kaso mo parang hmm. mahal kasi kapag magpa dry clean dito e, hahaha. baka pagkatapos ko silang paliguan, dun ko sila pasuotin nung gown, haha

    Komento ni lalaine — Agosto 14, 2008 @ 6:08 umaga | Sagutin

  28. uy! gusto ko yung pinocchio ice cream! magaya nga ๐Ÿ˜€

    curious lang ako, ano po yung food na nasa taas, na may sliced egg? at yung pic above it?

    Komento ni bem — Agosto 24, 2008 @ 4:21 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: