Kwentong Kengkay

Agosto 12, 2008

biyahera sa bangkok

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kwentong Kengkay,Paki Lang — kengkay @ 8:25 umaga
Tags: ,

Pagbigyan ko si lucy na nagiwan ng komento dun sa aking post tungkol sa pagbisita sa bangkok, thailand.

Very nice, down to earth and practical guide na article! =) I had fun reading. And it got me really interested. Help naman. I want to know sana which of those places of shopping ang talagang bargain. Yung pinupuntahan ng mga biyahera. Kasi I bet dun pinakamura. And pano ba tumawad? Parang Divisoria din? Half the original price? Gusto ko rin kasi sanang mag-biyahera. hehe I wonder kung gano karaming damit they lug back to the Philippines…

Sinagot ko na sya sa kumento nya pero mukhang mas magandang gawan ko na rin sya ng isang blog entry dahil parang hindi ko na mahinto yung pagkwento ko sa kanya.

Hindi sa naging biyahera ako ha. Meron akong K na mag bigay ng tips kasi nung asa bangkok ako e naging ‘hotel’ rin yung aking bahay ng mga kaibigan kong biyahera. Nakasama rin ako sa mga pagtatawad nila; sa paghahalunggkat nila ng bargains; at sa pag eempake nila. At sempre, Bangkok yata ang isa sa pinakamalaking populasyon ng mga biyahera kasi nga malapit lang sa Pinas tapos mura po talaga ang bilihin lalo na kapag textiles.

Kapag biyahera ka, saan ka dapat pumunta sa Bangkok?

1. Chatuchak Weekend Market – Open from 9.00am to 6.00pm on Saturday and Sunday, though many of the stalls actually open sometime between 9.00am and 10.00am and close around sunset.

Dito sa chatuchak, open market sya as in palengke sya. Nakakalito kasi ang laki laki nitong market na to. Kumbaga e andito na lahat ng pwede mong hanapin — kesyo damit o exotic animals! Pero suyurin mo dapat sya ng matino kasi mura talaga dito at daming mabibili. Siguradong kulang ang isang araw mo dito. Pwera na lang kung alam mo kung ano ang bibilhin mo at kung saan ka pupunta. At halos lahat ng bayaran dito e cash lamang po. Mararating sya sa pamamagitan ng Sky train ( Mo Chit station) o kaya sa pamamagitan ng taxi na siguradong madali kayong makakahanap.

2. Maboonkrong (MBK) – Daily 10.00 am. – 9.00 pm. Medyo sosyal. Eto ay napapaligiran ng mga malalaking department stores kaya naman de-aircon din sya. Makikita mo yung mga wholesalers dahil sa mga naka display na produkto nila at sempre yung mga tag prices nila. Malalaman nyo naman kung alin ang tourist prices dahil hihimatayin kayo minsan sa presyo. Mag ingat lang kayo kasi may mga areas dito na talagang pang turista na ang presyo. Andito rin ang mga gold jewelry stores. May ibang tindahan na pwedeng magbayad ng credit card.

3. Nai Lert – small version ng Chatuchak na makikita sa Phetburi Road at tunay na palengke rin po

4. Pratunam – Baiyoke Garment Complex: 09:00 – 16:00; Indra Square: 09:00 – 19:30, City Complex: 11:00 – 16:00, Pratunam Market: 24 hours. Andito na yung tunay na garment market; matatagpuan ninyo dito ang lahat ng bagay na tungkol sa garments and textile at sempre sa jewelries, bags, shoes at kung ano ano pa. Retail, wholesale at sempre umaatikabong tawaran ang nangyayari dito. Halu halo sya, may palengke type may buildings in between — parang divisoria ba.

5. Bo-bae – Open from 09:00 – 16:00 Malapit ito sa Chinatown at karamihan ng tinda dito ay cheap garments. Meron sa bangketa at meron din sa mga complexes.

6. Pantip IT Mall – Daily 10.00 am. – 9.00 pm. Andito na yata ang lahat ng kailangan ninyo na software at hardware. At sempre ang mga movies na karamihan yata e hindi legal πŸ™‚ Isang malaling building ito.

7. Patpong Night Market – starts at 4 pm until 2 am. Maraming tindahan pero kasi kilala sya sa ibang klaseng nightlife. Pero kung maglalakad ka sa gabi, marami ka ring pwedeng bilhin. Puntahan mo nga lang yung mga tunay na may retal at wholesale na matatagpuan mo in between tindahan na super mahal ang tinda.

At kapag naka red tag days ang mga department stores, pwede rin kayong makisalo salo dun. Yun nga lang, sempre mas mura pa rin yung asa mga palengke.

Eto pang ibang tips:

1. Isang malaking maleta o kaya naman yung malalaking bayong pero siguraduhin na stable yon dahil hinahagis hagis lang yan sa airport

2. bumili ng isang trolley para hindi nyo kailangang buhatin yung pinamili ninyo – kundi hatakin at mas madali syang di hamak

3. mag ingat sa pick pockets. mas mabuting magdala ng waist or chest wallets

4. maghanap ng hotel na malapit sa palengke kung saan balak mong mamili ng maramihan. may mga hotels na talagang pang biyahera lamang. matatagpuan sila sa may pratuman o kaya sa phetburi road

5. dapat marunong kang mag impake para magkasya lahat ng pinamili mo — basta ang nakikita ko, tinatanggal nila yung mga plastiks na lalagyan; yung iba tinatanggal pati yung mga karton

6. magdala ng calculator. kasi dun kayo magsisimulang magtawaran ng mga tindera at tindero. basta wholesale, sempre mas mura.

7. hindi ko alam pero, dapat yata may sasalubong sa yo sa customs sa pinas.. dito kayo medyo mag ingat. sayang naman yung pinamili ninyo kung maharang lang di ba?

8. mag aral ng konting pasa thai (thai language) katulad ng kap khun ka (salamat) — phi (ate/kuya) – kasi parang pinas din yan, basta may konting lambing at may konting galang, benta agad πŸ™‚

9. huwag magturo sa pamamagitan ng paa, at huwag hawakan ang ulo ng mga Thais — big No No yan.

10. mas mabuting mag miyembro ka ng miles club ng airline kasi minsan may dagdag yung iyong baggage load ng 10 kilos, libre lang naman maging miyembro at pwedeng gawin sa internet.

Okay, kapag may nalimutan ako, i dagdag ko na lang.

Good luck sa pagiging biyahera!

Advertisements

23 mga puna »

  1. Ayos Kengkay! Ang daming tips, may operating hours pa o ha!
    Parang eksena rin pala sa Divisoria at Greenhills yan, pero siyempre mas maliit yung mga eksena dito sa pinas, base lang naman yan sa nalaman ko from you. At least pag pupunta man ako ng Bangkok, marami na akong baong tips…=)

    Nga pala, may award ako sayo. Check mo lang yung post ko ngayon for the details. =)

    Congratulations Mama Kengkay! =)

    kengkay: pagalis ko sa blog mo, dumating ka naman sa blog ko. nagkasalisi lang tayo! salamat sa award!

    Komento ni callcentergal — Agosto 12, 2008 @ 8:53 umaga | Sagutin

  2. aay. na-alala ko tuloy nung nag-bangkok kami. pero susko, 1996 pa yun. we stayed at bayoke hotel kaya pag-baba pa lang ng hotel, ahahay, shopping-an na!

    we actually bought 3 more maletas ata to put all the stuff we bought. at ang nanay ko. susko, mamatay-matay. andami kse leather bags dun. in all colors! eh si miss terno ang mudra ko, feeling nya ata nasa heaven.

    what i actually splurged on then ay mga wacoal undies (sooper pricey kse dito di ba, sooper bargain sya dun). see, dati pa talaga eh undies fanatic na ako. hahaha.

    kengkay: hay ano pa nga ba. kakabaliw mag shopping dun sa totoo lang! kahit na wala kang pera, mapapabili ka, hehe. understand ko si mama mo πŸ˜€

    Komento ni antuken — Agosto 12, 2008 @ 10:12 umaga | Sagutin

  3. Iba na tlga ang mga bigtym! super pashal lang ng bonggang bongga! Wala bang mga pics?

    kengkay: naku huling sampa namin sa bangkok e nitong feb 2008 bago kami pumunta ng pinas. walang picture kasi hirap kumuha ng pictures kapag dalawang kamay mo e puno ng shopping bags, hahaha

    Komento ni themiseducationofzapped — Agosto 12, 2008 @ 10:12 hapon | Sagutin

  4. Ate kengkay magkano po ang pamasahe papunta roon, nagkakainteres tuloy ako. May kaklase ako noon sa college na Thai lady…ang bait po niya at laging may pasalubong sa akin noon na mga souvenir items. Pero magiipon muna ako, hehehe.

    kengkay: naku, check mo sa mga travel agents. mas mura kapag group tour ang bibilhin mo, maki join ka lang tapos kung ayaw mo sumali sa mga tour nila, edi punta ka dun sa thai lady na classmate mo. dati kasi 5 thou pesos lang pwede ka na two way. pero 1998 pa yun, hahaha

    Komento ni Colegiala girl — Agosto 12, 2008 @ 11:51 hapon | Sagutin

  5. Sabi ko na nga ba ikaw yung byahera eh hehe.

    Naku mommy kengs sigurado maiinis lang kasama ko pag nagpunta ako dyan hehe. Di ako mahilig magtagal sa shopping. Gusto ko bili agad ako tapos uwi na haha. E dyan ata sa thailand kailangan mo halughiugin ang mga tindahan para makipagtawaran. at yung trolley? haha tamad na tamad ako pa mandin magdala ng kung ano ano. Mas gusto ko yung light lang ako pag nagtatravel.

    teka may di po kayo nabanggit. Kasi alam ko na dyan marami namimili na pinoy pero ano ba mga pinamimili dyan? para din ba yang Hong Kong? tshirts at mga bag?

    kengkay: hahaha, shopingera lang ako, hindi ko sila maatim na ibenta kasi sakim ako, hahaha! ako din light traveller pero kapag shopping, heavy shopper esp kung bargain! ang mga pinamimili dito? depende sa biz nung biyahera. may kilala ako gold jewelries, yung iba naman mga office suits, yung iba naman bed sheets, yung iba naman bags and shoes, halo halo rin kasi nga ang daming pwedeng ibenta sa pinas tapos laki talaga ng kita!

    Komento ni bluepanjeet — Agosto 13, 2008 @ 12:45 umaga | Sagutin

  6. Wow travel guide. Ayos! Hehe.

    kengkay: biyahera travel guide, hehe

    Komento ni kirksydney — Agosto 13, 2008 @ 2:07 umaga | Sagutin

  7. astig itong tipz mo kengkay. isa itong thailand sa destination list ko sa pagbabakasyon eh. bakit nga pala hindi sila pedeng hawakan sa ulo? curious lang.

    kengkay: bawal hawakan ulo kasi andun daw yung soul nila. at alam mo, maganda talaga sa thailand, pramis yan pero mas maganda sa pinas, op kors naman

    Komento ni gmacomics — Agosto 13, 2008 @ 5:26 umaga | Sagutin

  8. aNG GALING MO talga Kengs..di lang pang storya ha pang travel pa hehehe..

    kengkay: sana pang isports din kaso tamad ako e, hehe

    Komento ni barquera — Agosto 13, 2008 @ 6:58 umaga | Sagutin

  9. Naloka ako sa Patpong market nung nagpunta kami dyan kasi bukod sa mga tiangge, ang mga kasamahan kong lalaki sa media naka-glue ang mga mata sa mga nakabukas na pintuan ng mga nakahilerang club. At kung hindi lang nila ako kasama baka pumasok na sila. Sabi ko marami ring ganyan sa Pinas hehe:)

    kengkay: ako dati laman ng patpong, hahaha. pano dun gusto tumambay ng mga bisita ko; pero masaya naman dun e, ibang klaseng entertainment. pero si kengkoy, hindi pa nakakarating dun, hahaha

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 13, 2008 @ 7:01 umaga | Sagutin

  10. kengkay i tagged you http://prinsesamusang.wordpress.com/2008/08/13/pm-kisses-and-tellswhen/ interested lang ako sa lablyp mo after mo ipost yung dati tungkol sa kwan eh di ko madescribe eh! MU mo ba yun dati o ano? lol!

    kengkay: MU? lab of my layp ko yun, hahaha

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 13, 2008 @ 7:18 umaga | Sagutin

  11. waaaa nawala ang comment ko!
    kenkay i tagged you here’s the link http://prinsesamusang.wordpress.com/2008/08/13/pm-kisses-and-tellswhen/

    kengkay: di bale na save ko sya, kinain ni akismet e

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 13, 2008 @ 7:19 umaga | Sagutin

  12. hanep. πŸ™‚
    ang galing. parang kabisadong kabisado mo na talaga!

    kengkay: dati kong playground of bangkok, i mean most of the places in thailand pala. worked there for more than five years πŸ˜€

    Komento ni winkii — Agosto 13, 2008 @ 8:22 umaga | Sagutin

  13. ate kengks .. e magagamit ko ba yung tips nyo kung saka sakaling hindi ako sa thailand pupunta? hehehe…
    pwede kang tour guide … hambait mo pala sa kaibigan ha… πŸ˜›

    kengkay: yung extra tips pwedeng pwede πŸ˜€ kasi sa bangkok lang may patpong, hahaha

    Komento ni ronturon — Agosto 13, 2008 @ 8:23 umaga | Sagutin

  14. hello there! cute ng baby mo ahhhh…. at ang sarap ng mga fooooood!!.. thanks nga pla sa comments mo!! c yOur aRound here…:) magbabasa pa kasi ako ng blogs mo hehehe medyo marami rami babasahin ko eh…;)

    kengkay: hahaha, isang buong taong pagboblog yan πŸ˜€

    Komento ni Angelie — Agosto 13, 2008 @ 11:26 hapon | Sagutin

  15. Ayos sa mga tips.
    Nagkakayayaan kasi ang mga kasama ni misis na magpunta ng Singapore o Bangkok (matuloy kaya, ahehe). Well, just in case… makakatulong itong post mo. πŸ™‚

    kengkay: sa bangkok kayo, hindi bawal mag nguya ng babelgam, hahaha

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 14, 2008 @ 1:17 umaga | Sagutin

  16. Napatingin ulit ako dun sa #1 (Chatuchak Weekend Market). πŸ™„ Mukhang ‘changkatutak’ nga sa dami ang mabibili. πŸ˜›

    kengkay: sa totoo lang, sumasakit ulo ko everytime na matapos ako mag shopping dyan sa chatuchak — kasi minsan yung amoy ba, waaaaa. atsaka ang dami kong gusto na hindi ko mabili, heheh

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 14, 2008 @ 1:25 umaga | Sagutin

  17. Hmmm… pagdating kay kengkoy sine-shelter from the Patpong clubs:) Hmmm… hahaha!!! Mahirap na, mga banana cutters yong mga nasa loob wala tayong panabla sa kanila hehehe:) Sorry, sorry, back to wholesome talk:)

    kengkay: hahahaha, ibig sabihin nakapasok ka ha! nope, si kengkoy ang medyo baduy kasi wala syang interes talaga sa mga ganyan.. mas ako pa, waaaa

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 14, 2008 @ 2:11 umaga | Sagutin

  18. lab op ur layp ba? cool! lagot ka na naman kay kengkoy inulit mo pa. lol!
    kengkay: mabuti na lang tagalog itong blog ko atsaka kahit anong translate nya dyan sa mga salitang yan hindi nya ma disover kung ano, haha

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 14, 2008 @ 3:33 umaga | Sagutin

  19. Hahaha!!! Hindi ah, hindi ako pumasok. Nakita ko lang sa menu nila na naka-post sa labas at tsaka yon ang sinisigaw ng mga…barters ba tawag sa ganun, yung nag-eenganyo sa mga passers by na pumasok? Sabi nila may mga banana cutters daw pero ayon sa father ko, dito raw sa ‘Pinas nauso yan. Rip off lang yung sa bangkok hehe:)

    kengkay: alam mo sa pinas dun lang ako nakapasok sa gay club πŸ™‚ kaya hindi ko alam yan, pero sa bangkok over sa over — nakarating pa ako sa pattaya kung saan merong ganunan na live talaga.. at ang mga kasama naming nanonood? mga matatandang mag asawa na mag ka holding hands pa kamo, hehe

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 15, 2008 @ 12:48 umaga | Sagutin

  20. wahhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    sawasssdeee!! πŸ™‚

    kengkay, isa lang ang hindi ko nagawa dito at hindi ko nakita sa post mo.

    ang pumunta sa WAT ARUN TEMPLE!

    kasi kung titingnan mo yung mapa….. pwede kang sumakay sa train tapos… sakay ng taxi…. tapos boat… tapos taxi ulit (im not so sure kasi wala yung map ko ngayon dito. )

    hahaha! next time pag punta ka ulit dun post ka ng pics. hihii

    Komento ni foobarph — Agosto 16, 2008 @ 11:34 umaga | Sagutin

  21. […] biyahera sa bangkok Pagbigyan ko si lucy na nagiwan ng komento dun sa aking post tungkol sa pagbisita sa bangkok, thailand. Very nice, down […] […]

    Pasa ni Tagalog « my weblog — Agosto 17, 2008 @ 5:42 hapon | Sagutin

  22. bat di mo nilagay yung mga tourist destination… pupunta kame sa bangkok sa november… 5 days lang… sana may tourist guide kengkay… pls… pls.. gawa rin akong entry about shopping tips sa kuala lumpur tutal 15 months nako dito heheheh!

    Komento ni BADoy — Agosto 18, 2008 @ 4:33 umaga | Sagutin

  23. Ayy!!! Parang romantic flick ang pinapanood at magkaholding hands talaga hahaha:) Di ko kinaya ang kwento mo ah:) O di ba, may virgin side kuno:) Sorry, sorry, sorry, balik wholesome po ulit:)

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 18, 2008 @ 6:51 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: