Kwentong Kengkay

Agosto 14, 2008

sino may gusto ng gulay at prutas?

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko,Pinas — kengkay @ 12:30 hapon

mga kapatid, malapit na kaming magbakasyon. excited na kami.

ang problema namin ngayon, sayang yung mga gulay at prutas na hitik na hitik sa aming bakuran at dun sa hardin ng lolo at lola.

sino ang may gusto ng gulay at prutas? kung gusto ninyo, libre ang pitas. kahit na gaano karami. pwede ninyong iuwi. libre lahat. parang awa nyo na.

kasi dito sa kapitbahayan at sa kamag anakan namin, walang may gustong mamitas. sa totoo lang. pinagsabi na namin halos sa buong bayan yata na pwede silang mamita ng prutas at gulay, pero walang gustong mamitas.

yung mga tenants namin, masyadong mahiyain. nung dating sinabihan namin na pwede nilang pitasin yung mga strawberries na nakatanim sa mismong harapan lang ng terrace nila; pag uwi namin ng ilang linggo, ayun, kinain lang ng ibon at nasira lang. sayang.


ngayon naman, maraming kamatis, pipino, zucchini, mansanas, patatas, ubas, at peras sa hardin; pero mukhang mabubulok din.

alam nyo yun? kung dyan sa pinas e ang hirap ng buhay tapos ang mahal ng bilihin, dito naman tinatanggihan ang grasya! ewan ko ba, medyo unfair yata ano?

kaya nga sabi ko sa mga kaibigan ko, instead na magtanim ng kung anong halaman dyan; magtanim ng gulay at prutas, at least may makakain ka. especially since, sa pinas, pwedeng mag-ani kahit kelan dahil nga rainy days at summer lang meron tayo. mag take advantage baga.

e dito nga pinagkakasya sa summer time yung mga gulay at prutas namin — e ang ikli lang yata ng summer time dito ano. kaya kung mapapadaan kayo, pitas lang ng pitas.

yung ref namin, may mga maiiwan din na pagkain. pero bibigay namin sila lahat sa tenant namin. yung ibang pwedeng i-freeze, asa freezer na.

naisip ko lang, nung asa pinas kami – kapag magbabakasyon kami, parating dapat may maiiwan sa bahay. takot lahat nilang walang maiwan at baka bahay na lang mismo ang maiwan πŸ™‚ pero dito? walang ganyang chika… minsan nga buong araw na bukas yung kotse at andun yung susi, o kaya naman yung garage namin na punong puno ng mga bisikleta at mga kotseng de baterya ng mga kids… wala lang… sana manatiling ganun ano? safe ang mundo!

pero teka nga, sino may gusto ng gulay at prutas?

Advertisements

25 mga puna »

  1. hahahaha! pwede ipafedex mo na lang ang gulay at prutas?

    kengkay: kung pwede lang sya ipa-balikabayan box, kaso mo sa tagal magiging halaman ulit sya

    Komento ni ifoundme — Agosto 14, 2008 @ 12:41 hapon | Sagutin

  2. ako gusto ko nyan!
    anlalaki naman! ganyan ang masarap iluto.=)

    kengkay: uy, marunong ka mag luto? saludo ako!

    Komento ni callcentergal — Agosto 14, 2008 @ 1:38 hapon | Sagutin

  3. sagana! penge naman kami ng prutas ate kengkay!! πŸ™‚

    kengkay: pitas lang ng pitas!

    Komento ni Carol — Agosto 14, 2008 @ 1:42 hapon | Sagutin

  4. naku kung malapit ka lang sa kin eh dinayo na sana kita at dahon na lang natira sa mga tanim mo..

    kengkay: hahaha, delikado

    Komento ni Pokwang — Agosto 14, 2008 @ 2:21 hapon | Sagutin

  5. pengeng peras! peborits ko yun ee. :))

    kengkay: iba lasa kapag sariling peras

    Komento ni winkii — Agosto 14, 2008 @ 4:02 hapon | Sagutin

  6. paki padala naman d2 sa baltimore
    hehe

    mahilig ako sa prutas
    sobra
    sa gulay di naman masyado

    oo, nga pala
    pwede ba tayong mag palitang ng links?

    salamat!!!
    =)

    kengkay: ibabato ko na yung iba sa baltimore, saluhin mo ha, hehe. linked!

    Komento ni raft3r — Agosto 14, 2008 @ 10:31 hapon | Sagutin

  7. Naku puweding puwedi sa amin ni colegialagirl niyan, masarap talagang kumain gulay.May buhay sa gulay…hehehe

    kengkay: uy, kumakain kayo ng gulay? mabuti yan

    Komento ni Mer Pints — Agosto 14, 2008 @ 11:47 hapon | Sagutin

  8. Napaka-safe pala dyan no?:) Gusto ko yung ganyan, pwedeng iwanan ang bahay tapos walang mawawala:) Kailan kaya magiging ganyan ang Pilipinas? Dito kasi nasa tabi mo na ang bag mo sa coffee shop nadedenggoy pa ng iba. Kakaiba talaga dito eh.

    kengkay: may mga konting drama na rin, pero kasi maliit na town lang itong amin kaya ganun

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 15, 2008 @ 12:52 umaga | Sagutin

  9. huwow ang sasarap naman ng prutas dyan … ang sarap siguro mag luto dyan.. labas ka lang meron na agad iluluto , at healthy living pa haylikeit… tsk tsk.. dito kasi sa pinas katatamad.. mag tanim lang eh ayaw pa.. pero sa province naman may mga nagtatanim din.. inggit nga ko sa malawak ang lupa at pwede sila mag tanim .. dito kasi sa bhauz ko walang tataniman na lupa puro semento ahehe πŸ˜‰

    ate ate.. tag pala kita πŸ˜‰

    kengkay: natabunan na ako ng tag, hehe. pagbalik ko na lang. maghalukay ka sa semento para makapagtanim!

    Komento ni naglalambingnacute — Agosto 15, 2008 @ 1:03 umaga | Sagutin

  10. meron ba pa?! akin na yang mansanas ubas at peras! heheh ang mahal kaya ng mga yan dito sa isla…syadong mahiyain naman mga kapitbahay nyo dyan….baka takot lang matsismis! hehehh

    kengkay: kasi halos lahat sila mga isa o dalawa lang sa bahay, kaya ayaw din nilang magipon dahil masisira din lang, hay buhey

    Komento ni dakilang islander — Agosto 15, 2008 @ 1:36 umaga | Sagutin

  11. naku d ako mahilig sa gulay… pero sabi nga nila.. makulay… ang buhay, makulay ang buhay sa sinabawang gulay!!! hehhe

    kengkay: ganyan din ako dati, no gulay: pero nung nabuntis ako — kailangan e, ngayon sanay na

    Komento ni yhen — Agosto 15, 2008 @ 2:24 umaga | Sagutin

  12. penge! gusto ko nyan! dto lahat na lang binibili sa palengke.. hayz, wala ng fresh na makain. magkno ba pamasahe papunta jan mommy kengks? fly na lng ako jan! ako tatao sa inyo.

    kengkay: halika dito binx – ikaw bantay bahay!

    Komento ni binx — Agosto 15, 2008 @ 4:49 umaga | Sagutin

  13. KENGKAY! Magantay ka, pupunta ako dyan. pipitas ako. Wag kang magalala. LOL

    kengkay: basta punta ka lang, no problemo

    Komento ni Richmond — Agosto 15, 2008 @ 7:16 umaga | Sagutin

  14. sama ko kay mon. samin na lang ang mga prutas… yung gulay… hindi ako kumalain nun eh!

    kengkay: hahah, isa ka rin palang takot sa gulay, ganyan din ako dati, weee

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 15, 2008 @ 7:30 umaga | Sagutin

  15. baka din, miss kengks, na masyadong common na sa mga taga oyropa ang ganyang klaseng mga prutas at gulay kasi yan na yung da usual na nasa paligid — parang ang madalas na pang-iisnab ng mga pinoy sa kamias, macopa, aratiles, atbp dito sa atin πŸ™‚

    kengkay: hahaha, actually hindi naman lahat may mga prutas at gulay, ang problema kasi e yung mga household dito, minsan isang tao o dalawang tao lang – hindi nila kailangan ng maraming pagkain, alam mo yun

    Komento ni taroogs — Agosto 15, 2008 @ 8:31 umaga | Sagutin

  16. you’re linked, too
    =)

    nalamog yun prutas na initsa mo!

    Komento ni raft3r — Agosto 15, 2008 @ 11:25 umaga | Sagutin

  17. sobra dame na ata huminge, ah malamang naubos na lahat yan .. hehe ganito lahat ng matira samin mo na lang padala kse si wifey kelangan ng madame fruits para kay baby na malapit na lumabas.

    pa-email na lang po…download ko na lang dito.. hekhekhek

    meron kme gift for you ate kengkay, pacheck na lang.

    Komento ni vhincent — Agosto 15, 2008 @ 1:12 hapon | Sagutin

  18. sarap, pakbet ang naisip ko jan sa pichurs mo, pakbet na pipino, zucchini at patatas, hehehe, at….donya ka pala jan, dami mong tennants! dito, yung landlady ko walang pakinabang, hahahaha.

    Komento ni roni — Agosto 15, 2008 @ 7:06 hapon | Sagutin

  19. wala lang. naglaway lang. sarap naman ng ganyan mommy k. dito sa amin eh kaliit ng yard at smento pa. sus yan.

    Komento ni utakmunggo — Agosto 16, 2008 @ 6:34 umaga | Sagutin

  20. before kayong umuwi kengkay gawin mong pakbet! tapos ialagay mo na lahat pati dahon.joke lang. hehehe.

    enjoy po sa vacation sa pinas!

    Komento ni gmacomics — Agosto 16, 2008 @ 6:53 umaga | Sagutin

  21. taas kamay ko! kasi gusto ko eh! hehehe kaya lang ndi ako makapamitas.. ang layo ng oyropa sa disyerto… haaay…

    Komento ni rhapsody — Agosto 17, 2008 @ 7:08 umaga | Sagutin

  22. hay naku ate.. kung malapit ka lang eh pipitas talaga ako… sayang eh… hay naku! yngat po

    Komento ni lalaine — Agosto 17, 2008 @ 9:07 umaga | Sagutin

  23. gusto ko nung mansanas at ubas..wow! sarap mabuhay jan siguro..haaay…

    Komento ni mhar — Agosto 22, 2008 @ 6:25 hapon | Sagutin

  24. dami ko na na-miss na posts! nahuli tuloy ako sa pitasan ng prutas at gulay.

    Komento ni bem — Agosto 24, 2008 @ 4:06 hapon | Sagutin

  25. […] kahit na sa paso lamang. pa-isa isa. mas matipid talaga kapag may sariling tanim, di ba nga kami may hardin din ng prutas at gulay? o ayan, kahit na winter na at tuyo na ang lupa ay may ipon pa rin kami. kasi yung sobrang gulay e […]

    Pasa ni Balik Uling? « Kwentong Kengkay — Enero 28, 2009 @ 4:39 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: