Kwentong Kengkay

Agosto 17, 2008

jackstones

Laban kayo? Jackstones tayo!

Nung isang beses na umuwi kami ng Pinas, anong saya ko nung nadiskubre ko na may nagregalo sa mga little kengkays ng jackstones.

Sabi ko sa kanila, magaling ako dyan! Naks, sempre naman, hindi naman nila alam kung papano maglaro nyan ano, hahaha.

Pinakita ko sa kanila kung papano. Super excited naman sila. Edi ayun, nagkaron kami ng jackstone contest sa bahay. Si bunsoy, medyo hindi nya kaya yung maliit na bola kaya big bola ang hawak nya, pwede na rin!

Sempre, yung exhibition pa — kweba, loop, basketball, tuldok, hmm, ano pa nga ba?

Nakakatuwa kasi wala palang jackstones dito sa Alemanya, as in… Kasi pinakita nya sa mga pinsan nya at sa mga tito at tita nya, nangamote silang lahat kasi nga, hindi kilala ang jackstones!

Kaya naman mga kababayan, ipakita natin ang galing natin sa jackstones ano. Baka sa sunod na olympics e meron ng jackstones, di ba? Am sure kasali dyan ang mga little kengkays!

Ano sa tingin ninyo? Laban kayo? Jackstones tayo.

P.S. Marunong din sempre ako ng chinese jackstones!

scheduled post lang to, kasi nakabakasyon pa si kengkay šŸ˜€

Advertisements

24 mga puna »

  1. oo nga dinala ko yan sa work ko eh pati mga co teachers ko nahilo kasi di rin marunong mag jackstones, maganda yan sa coordination ng fine motor skills ha

    Komento ni Pokwang — Agosto 17, 2008 @ 1:53 hapon | Sagutin

  2. kenks awww on vacation ka pala hehehe nakow magaling din ako sa jackstones nyahahhaha fave game ko yan pati na ang syatong LOL

    naghahanap nga ako dito sa states kong may jacktones eh wala akong makita or baka de ko lang mahanap hehehe

    o sya kenks have fun sa bakasyon nyo šŸ™‚

    Komento ni scart — Agosto 17, 2008 @ 2:44 hapon | Sagutin

  3. gumana ang scheduled post mo ate kengks. šŸ™‚
    ako rin champion ako sa jackstones samin. hehe

    Komento ni winkii — Agosto 17, 2008 @ 2:46 hapon | Sagutin

  4. favorite ko rin yan!!!

    Komento ni lilaybulilay — Agosto 17, 2008 @ 5:28 hapon | Sagutin

  5. ay type ko yan ate kengks! magaling ako diyan yan ang aking peborit sports sunod sa chinese garter. šŸ˜€

    kumusta ka ate?

    Komento ni jojie — Agosto 18, 2008 @ 12:39 umaga | Sagutin

  6. hehehe! ba’t kaya i was doing jack stone nong ako eh bata batuta pa lang? kaya siguro type ko pa rin ang stones ni jack ngayon hehehe!

    ei! ME TAG AKO SEYO! hahaha dali! KUNIN MO NA! hahaha

    Komento ni reyna elena — Agosto 18, 2008 @ 12:42 umaga | Sagutin

  7. oi magaling kaya ako diyan! master in jackstone kaya ako nung bata ako!

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 18, 2008 @ 2:48 umaga | Sagutin

  8. ay nakow lahat ng exhibition kaya ko rin! hhahahaha sa haba ba naman ng galamay ko šŸ™‚

    Komento ni pusakay — Agosto 18, 2008 @ 4:16 umaga | Sagutin

  9. ay gusto ko yan!!! may piano pa, lollipop, palimos, hmmm.. limot ko na yung iba. hehe šŸ˜€

    Komento ni Carol — Agosto 18, 2008 @ 4:33 umaga | Sagutin

  10. Marami talaga tayong games na simple lang, pero maganda at nakalilibang! Type ko yan. šŸ™‚

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 18, 2008 @ 4:44 umaga | Sagutin

  11. susko contender ako sa olympics kung sakaling may jackstones!!!

    Komento ni utakmunggo — Agosto 18, 2008 @ 5:42 umaga | Sagutin

  12. Jackstones? Magaling din ako dyan nung nene pa ako! ahahay! kaso ngayon binabato ko na lang kay mang pipoy yan pag ginagabi ng uwi! he..he.. Pretty naman ng mga kids mo mare!

    Komento ni Aling Peppay — Agosto 18, 2008 @ 5:59 umaga | Sagutin

  13. yung mga babae sa school ko nung high school meron silang tinatawag na “Palarong pambatya” tournament. Hehe. Kakatawa talaga yung mga classmate ko nun.

    sa susunod ibili mo sila ng plastic balloon… yun yung binibigay namin sa mga pinsan namin pagumuuwi dito sa Pinas eh.

    Komento ni Richmond — Agosto 18, 2008 @ 6:23 umaga | Sagutin

  14. Falling star at double falling stars pa among the exhibitions:) O, di ba? ‘Pag yan nagawa ng mga little kengkays bidang-bida sila kaya don’t forget to teach them that:)

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 18, 2008 @ 6:56 umaga | Sagutin

  15. magaling ako dyan. Laban tayo šŸ™‚ heheheheh

    Komento ni nina — Agosto 18, 2008 @ 8:36 umaga | Sagutin

  16. naremember ko tuloy ang elementary days ko. ang galing galing ko dyan! pagrecess time eh nakaupo na sa sahig at laro na lang ng laro…. namiss ko yan tuloy

    Komento ni ifoundme — Agosto 18, 2008 @ 12:52 hapon | Sagutin

  17. ayos ate… nagpost… kami din ng mga kapatid ko eh nglalaro nyan eh… minsan may kasama pang dayaan… hahaha

    Komento ni lalaine — Agosto 18, 2008 @ 2:51 hapon | Sagutin

  18. Mare, marunong din ako ng chinese jackstones but I remember I get sleepy whenever I play that game. Kasi naman parang miniature throw pillows ang tsura nyan:)

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 19, 2008 @ 1:53 umaga | Sagutin

  19. wahehehe.. marunong din ako niyan… kalaro ko din mag sisteret ko ng kabataan ko… hahahaha!!!!

    kakamis nmn ito.

    Komento ni yhen — Agosto 19, 2008 @ 3:07 umaga | Sagutin

  20. sarap mag-jackstone! pabonggahan pa ng exhibition! šŸ˜€

    Komento ni Salve — Agosto 19, 2008 @ 3:54 umaga | Sagutin

  21. wow pwedeng pa join sa knila ate kenkgs… kelangan b magheadband rin ako ng white..??? hehehe

    Komento ni repah — Agosto 19, 2008 @ 2:16 hapon | Sagutin

  22. galing… ka cucute naman ng mga little kengkays..

    naalala ko tuloy nun kabataan ko ganyan din ako ka cute ay este kagaling maglaro ng jackstone pala ahihi.. nakakamiss maging bata talaga.. šŸ˜‰

    Komento ni naglalambingnacute — Agosto 20, 2008 @ 1:56 umaga | Sagutin

  23. peboriyt ko yang jackstones ate kengkay. sa probinsya nga bato lang gamit namin at yung baseball.tapos padamihan ng exhibitions.plangak!

    Komento ni ak0it0 — Agosto 22, 2008 @ 5:29 umaga | Sagutin

  24. gusto ko rin yan! sana lang maalala ko pa maglaro nyan pag ipapakilala ko na sa aking little one. hmmn… may site ba ng larong pinoy? ma-google nga.

    Komento ni bem — Agosto 24, 2008 @ 4:12 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: