Kwentong Kengkay

Agosto 21, 2008

Bayong

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Europe,Kwentong Kengkay,Oyropa Ko,Pinas — kengkay @ 3:44 hapon

ang bayong bow!

oo naman, sosyal ako dito sa alemanya, kasi meron akong bayong para sa aking grocery shopping, laban kayo dyan? kasi sempre, kung alin ang iba dito, yun ang mas sikat. o di kapag nakikita nila itong aking bayong, sila ay napapatingin πŸ™‚

mas gusto ko sana yung bayong na bayong, alam nyo yun? yung walang ka epek epek na bayong. kasi itong bayong ko medyo may konting chika na na leather kunyari e. pero wala akong makitang ganon kasimpleng bayong nung umuwi kami sa pinas — actually meron kaya lang parating meron ng may-ari! kung pwede lang makipag palit, yun na nga lang, amoy malansa na kasi puno na ng mga napamalengke, hehhe

at sempre, wiz pa rin ako sa circulasyon pero malapit lapit na kaming umuwi – pramis, pupunuin ko rin ang bayong na yan ng pasalubong para sa inyo!

Advertisements

19 mga puna »

  1. mas nakakatulong ang bayong sa environment kesa sa pag gamit ng plastic everytime na namamalengke,no? I’m sure everyone will agree *wink*

    Komento ni mclifeinrandom — Agosto 21, 2008 @ 8:44 hapon | Sagutin

  2. I promote ko lang ang bayan ng Luisiana, Laguna sa Pilipinas kung saan nagmumula ang mga bayong na ito.

    Meron din ditong Pandan Festival tuwing Abril….

    Komento ni LiNTEK — Agosto 22, 2008 @ 12:16 umaga | Sagutin

  3. Designer’s bayong naman ata yan mare kaya syempre sosyalin ang dating:) By the way, I have a tag for you. Please check my Erotic Post when you come back:) Talagang pinili ko yung mga ita-tag ko for that and you didn’t escape my mind hehehe:)

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 22, 2008 @ 12:48 umaga | Sagutin

  4. The best ang bayong, kahit ako kapag nagpupunta ng probinsiya may bayong. Nahihiya man ang aking mga kapwa dalaga na magdala ang bayong, ako hindi. Palaki ako ng aking lola na mahilig magdisplay ng kanyang bayong na nabili pa sa Baguio.

    Komento ni Mer Pints — Agosto 22, 2008 @ 1:32 umaga | Sagutin

  5. namiss ko bigla mga bayong ng nanay ko na naging bayong ko rin nung pumunta sya ng singapore at kinailangan kong pumalit sa kanya sa pagtitinda sa sidewalk ng Ongpin St. Sta. Cruz Manila..ayan promote ako..kung sino ang gustong makakain ng masarap at sariwang mga isda…..hanapin si Ka Sianang..este di na pala sya nagtitinda yung pinsan ko na lang lol!

    Komento ni bobang pinay — Agosto 22, 2008 @ 1:37 umaga | Sagutin

  6. ateng! kinabahan ako nung mallorca mo ha? and then yong plane sa spain! grrr!

    Komento ni reyna elena — Agosto 22, 2008 @ 2:09 umaga | Sagutin

  7. ano ba yun! ambilis nang gwardya sibil! hahaha! anyway… continuation… I hope enjoy at safe kayo wherever you are!

    Komento ni reyna elena — Agosto 22, 2008 @ 2:10 umaga | Sagutin

  8. Ate Kengkay naiiyak ako nang nakita ko ang iyong bayong, ganyan na ganyan din ang bayong na dala namin ng madir ko nang madukotan kami sa Divisoria noong Paskong nakaraan. Nakuha nila ang aking cellphone na pinakaluma sa lahat, hindi bale iyong cellphone iyong nakaipit na two thousand pesos doon sa supot nito ang masakit, pambili ko sana ng aking pambonggang pantalon na maong at saka rubber shoes, hehehehe.

    Komento ni Colegiala girl — Agosto 22, 2008 @ 2:19 umaga | Sagutin

  9. I also like native bags πŸ™‚

    Komento ni nina — Agosto 22, 2008 @ 5:59 umaga | Sagutin

  10. ang sushal naman ng bayong mo mommy k. parang bitin naman kung yan ang dadalhin mo sa palengke. onti lang yata ang nasisilid diyan, eh. hehe

    Komento ni utakmunggo — Agosto 22, 2008 @ 6:33 umaga | Sagutin

  11. gandara parks ng bayong hehehe..

    Komento ni barquera — Agosto 22, 2008 @ 7:05 umaga | Sagutin

  12. wow ate kengks babalik ka uli ng pinas.. bka kunin ka nilang image model ng bayong awwww….

    Komento ni repah — Agosto 22, 2008 @ 11:32 umaga | Sagutin

  13. Sa na naman kaya namashal si momi kengkay the explorer?

    Komento ni themiseducationofzapped — Agosto 22, 2008 @ 2:27 hapon | Sagutin

  14. Alam ko yung ‘bayong na bayong’ na tinutukoy mo, kengkay — yung parang banig na ginawang korteng shopping bag. Mas maraming ngang pwedeng ilaman duon. πŸ™‚

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 24, 2008 @ 7:58 umaga | Sagutin

  15. Bayong ba talaga ang kailangan mo? Pwes! May Sulusyon na ang Problema mo sa Bayong. Kami po ang May Bayong Maker dito sa Pilipinas. ang Bayong na aming Ginagawa ay ang Tinatawag sa English na Strap Bag. O yung Bayong na Plastic na Ginagamit ng mga Na mamalengke sa Balintawak at kung saang panig ng Pilipinas. at maging sa iba’t ibang panig ng Mundo. Dahil Minsan po kasi Ini-export po ang aming Bayong. Kung Interesado ka po sa aming Produkto? ito po ang aking E-mail address: anzshyll@yahoo.com at sa Friendster naman po ang anz143_2@yahoo.com

    Sa Totoo lang po Malaki po ang Kahalagahan ng aming Bayong sa Kalikasan at nakaka Bawas po ito sa Basura at maging sa mga Malakihang Bilihan sa Palengke! ito ang Kadalasang Ginagamit. Upang pag sidlan ng Kanilang Pinamili.

    Salamat po sa Pag iindorso ng Bayong. sa GMA 7 kasi ay Kadalasan na po Ginagamit sa mga pilikula at palabas ang aming Bayong sa T.V Ganun na po Kalawak o Kilala ang Aming Produkto.

    Komento ni anzshyll — Setyembre 30, 2008 @ 9:49 umaga | Sagutin

  16. […] – bayong ang gamit ko kapag namimili ako dito sa alemanya. maraming pwedeng ilagay, matibay pa. […]

    Pasa ni anong maitutulong natin sa bansa? « Kwentong Kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 7:34 hapon | Sagutin

  17. Very nice site! [url=http://aieypxo.com/toxaas/2.html]cheap cialis[/url]

    Komento ni Pharmd278 — Nobyembre 9, 2009 @ 7:05 umaga | Sagutin

  18. wats up fellow blogger. you’ve set up a nice blog and i genuinely loved reading your posts. i wonder how you know all this stuff. i was pleased when i noticed your blog. what blogging service did you use for this blog. i’m utilising word press and i find it a little tough. are you using wordpress too? if yes can you tell me about the themes and plugins you use for your blog. i will be grateful if you guide me on this.

    Komento ni Hector Brock — Abril 27, 2011 @ 11:34 umaga | Sagutin

  19. howdy admin. i have to say that you simply have a incredibly nice blog(Bayong Kwentong Kengkay) and i was really impressed with it.i am a newcomer to blogs and i would like to know other blog writers and learn from them. My blog(http://www.delicious.com/margaret.cisneros) is very new and i am still figuring out to work with it. i hope i will get to know a lot from blog owners like you. cheers for this well-written post.

    Komento ni Emily Sanders — Abril 27, 2011 @ 3:11 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: