Kwentong Kengkay

Agosto 23, 2008

Una’t Huli

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Kaibigan,Oyropa Ko,Paki Lang — kengkay @ 11:04 umaga

 Ito ang unang bungad ng Mallorca, Spain sa aming mga mata. Alas dos ng madaling araw kaya ganyan kadilim. At bakit naman alas dos ng madaling araw kamu dumating? Atsaka na ang chika 🙂

 At eto naman ang huling pechur na kuha mula sa bintana ng aming eroplano nung kami e pauwi na patungong Alemanya ulit. Kung mapapansin ninyo, hindi lang ulap yan kundi may snow din. Kasi isa yan sa tuktukan ng Alps Mountain na kuha sa parte ng Switzerland.

———–

Eto naman ang pasalubong ko sa inyo, awarding ceremony! Etong pechur naman na eto e isang award mula sa Arte y Pico at malakas ang loob kong mag translate nito dahil galing nga kami sa Espanya de vah? Ibig sabihin e arts and tips o kaya naman sa tagalog e kaartehan at pagmamarunong, hehehe.

Ang sarap magbakasyon kasi tadtad ako ng award ng Arte y Pico mula kina call center gal, pelicarol, sonnetshaven, at chizmosa lounge. Maraming salamat sa inyo!

Passing this honor is very easy. Just take note of the following rules:
1) Pick 5 blogs that you would like to award this honor to.
2) Each award has to have the name of the author and also a link to his or her blog to be visited by everyone.
3) Each award winner has to show the award and put the name and link to the blog that has given her or him the award itself.
4) Award-winner and the one who has given the prize have to show the link of “Arte y Pico” blog, so everyone will know the origin of this award.

I’d like to give this award to the following people:

para sa lahat nang dumalaw sa aking blog at nag iwan ng comments kahit na walang tao sa aking ebahay. Oo, lahat ng nag iwan ng bakas ng mga nakaraang araw, para sa inyo ang award na ito!

Advertisements

15 mga puna »

  1. hahaha! buti naman at mal-wal-hati ever kang nakabalik! nakakatakot kasi yong balita sa espanya! 🙂
    kengkay: nung binuksan ko yung tv at nakita ko yung news about that, shocks, pinatay ko ulit yung TV at baka ayaw ng sumakay ng eroplano ng mga little kengkays ano

    Komento ni reyna elena — Agosto 23, 2008 @ 12:16 hapon | Sagutin

  2. WELCOME BACK ATE KENGKS. Ü

    kengkay: tenks

    Komento ni winkii — Agosto 23, 2008 @ 12:43 hapon | Sagutin

  3. ate kengks, kelan kayo uwi sa Pinas.. Cge EB tayo! nakakaexcite. Ü
    kengkay: kauwi lang namin last feb-mar 2008 e, ang plano sa 2010 pero gusto namin umuwi this dec, let’s see

    Komento ni winkii — Agosto 23, 2008 @ 12:47 hapon | Sagutin

  4. ate kengks!!

    isang nagsusumabog na welcome hatid ko sa iyo! (imaginin mo ko sumasayaw ala salsa yeeehhhaaah)

    anu ginawa nyo sa mallorcs?? kuwento naman kuwento hehe. di pa ko nakakapunta dun. maganda ba dun? o puro nagkalat lang na bote ng beer ang kalye (sabi ng RTL)

    Gusto ko din magka-award!!! Ang ganda ng trophy! Feeling ko ako ung babaeng estatwa dun buwahahaha.

    kengkay: pasalubong ko yang award, hehe. asa kabilang dulo kami ng mallorca, sa ballerman yung panay beer bottles at talagang pang lasenggo dun. hindi kami nakarating dun kasi yung resort namin asa dulo ng mundo, weee

    Komento ni eyna — Agosto 23, 2008 @ 1:23 hapon | Sagutin

  5. huwaw!

    gusto ko talaga sumakay ng airplane!

    sana makapasyal din ako!
    \
    ahuhuhu!

    kengkay: balita ko dami ring low fare na papuntang ibang region sa pinas ah, take advantage ka muna sa ganun kasi sa totoo lang, mas maganda pa rin talaga ang pinas 😀

    Komento ni eloiski — Agosto 23, 2008 @ 3:58 hapon | Sagutin

  6. bilis mo naman ata nakabalik… nde ko pa nabasa (magbabasa pa lang :D) yung ibang scheduled posts mo 😀

    may blog award po ako sau. 🙂

    http://lalaine.gameops.net/2008/08/kick-ass-blog-award-from-brown-pinay.html

    kengkay: salamat sa award, atsaka na ang speech, hehe. ang bilig nga ng bakasyon e, ayaw pa umuwi ng mga little kengkays

    Komento ni lalaine — Agosto 23, 2008 @ 5:43 hapon | Sagutin

  7. gusto ko magpagulong-gulong sa shot mo ng mga ulap!

    kengkay: sabay tayo 😉

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 24, 2008 @ 2:25 umaga | Sagutin

  8. Stop by in your blog to say Hello.

    kengkay: i stopped by in your blog and said more than hello 🙂

    Komento ni Cocoy's Delight — Agosto 24, 2008 @ 3:07 umaga | Sagutin

  9. i’m ready to tour around mallorca sa pamamagitan lang ng blog mo..hehh libre pa…Mallorca yun ba yung hometown ni rafael nadal?

    waiting ur pics na!

    kengkay: naku, hindi ko alam about rafael nadal… kasi ang alam ko sa mallorca e ballerman, hehe

    Komento ni dakilang islander — Agosto 24, 2008 @ 4:29 umaga | Sagutin

  10. congrats po!! 🙂

    kengkay: tenks

    Komento ni Carol — Agosto 24, 2008 @ 5:43 umaga | Sagutin

  11. naks. galing sa mega bakasyon uuwi sa mega labada. haaaay buhay nanay nga naman ano mommy k? welcome back! tsup! 😀

    kengkay: walang tunay na bakasyon ang mga nanay, waaaaa 😀

    Komento ni utakmunggo — Agosto 24, 2008 @ 6:25 umaga | Sagutin

  12. Ang ganda ng view above the clouds (and snow). 😀

    kengkay: ibang klase ano?

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 24, 2008 @ 8:01 umaga | Sagutin

  13. hay naalala ko ang unang sakay ko ng eroplano papuntang Cagayan De Oro,, lalu na nung nasa katas taasan ng Himpapawid ang ganda ng view ang ulap waw grabe sa kaputian.. hay maligayang pag babalik.. 😉

    kengkay: unang sakay ko ng eroplano papuntang mindanao din tapos yung sumundo sa akin dun sya mismo sa hangar kasi takot sya na mawala daw ako, hehe

    Komento ni barquera — Agosto 24, 2008 @ 10:23 umaga | Sagutin

  14. huwOw ang ganda naman ng ulap at may snow pa!! galing galing naman mag pix tita kengs buhay na buhay! maligayang pagbabalik ahhmmmwwaaah ! 🙂

    kengkay: mabuti nga at maliwanag pa kaya ganda pa rin ng dating

    Komento ni naglalambingnacute — Agosto 25, 2008 @ 1:05 umaga | Sagutin

  15. Totoong coconut trees ba yan, meaning tumubo pa talaga sila dyan o kinopya style ni Atienza? Itong si former Manila Mayor Lito Atienza kasi loves to come up with a park in every corner of Manila kaya nung sya ang mayor, nagkaroon ng instant trees sa Manila at nung pinalitan sya ni Lim, pumangit ulit ang Manila. Gano’n kabilis ang pangyayari.

    kengkay: uy tunay na tunay yan kasi isla ang mallorca e, kumbaga e malayo sya sa mismong espanya 🙂 hay alam mo naman kapag politika na, hindi yung kapakanan ng mga tao ang una kundi yung siraan ang dating nakaupo, kakalungkot

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 26, 2008 @ 1:30 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: