Kwentong Kengkay

Agosto 24, 2008

Antayan

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 11:26 umaga

 Sa totoo lang, nagsimula ang aming bakasyon ng antayan blues. As in kumbaga, sa pinagantay namin na yon, pwedeng sa Pinas na rin kami lumipad instead na dalawang oras lang na lipad papuntang Mallorca, Spain. Imagine, alas kwatro ng hapon asa airport na kami tapos umalis yung eroplano ng 12 midnight! Magbilang kayo kung gano katagal kami inamag — waaaa.

Binigyan kami ng libreng coupon para sa hotel dinner na malapit sa airport, pero dahil sa aga namin e kami din nagbayad ng drinks namin. Ang kagilas gilas lang dito, hindi talaga sila nag che-check ha. As in nag announce ng dinner para sa mga passengers nung delayed flights, sugod mga kapatid ang drama. May mga receptionists sa restaurant pero walang nagtanong kung kasali nga ba kami o saling pusa lang. Basta smile lang sila at may i find the sits. Si kengkoy pa nagtanong kung gusto nilang makita yung coupon namin, sabi naman nung receptionist, ‘no problem’. Ganun!

Tinago nga ni kengkoy yung coupon at baka daw mapadaan ulit kami sa hotel na yon habang may delayed flights e pwede ulit kaming maki kain, hehe.

Anyway, dumating kami sa Espanya ng alas dos ng madaling araw — at dumating kami sa aming hotel ng bago mag alas kwatro ng madaling araw. Ayos ang simula ng bakasyon namin ano. Kasi sempre hinatid ng paisa isa sa bawat hotel ang mga pasahero. Mabuti na lang at tulog na ang mga little kengkays.

Pagdating namin ng hotel — ayan ang pasalubong sa amin (tingnan ang pechur sa taas) — plastik bracelet, violet para sa adults at dilaw para sa mga bata. Baket daw? Kasi nga all inclusive yung aming booking di ba? Meaning kahit anong inumin at kainin, libre. Dilaw dahil ibig sabihin ang mga kids e bawal ang alcoholic drinks, naks, para namang kukuha yung dalawa ng alak at beer, hehehe. Pero kasi kanya kanyang kuha e, so pwede talagang makapuslit ang mga teen agers.

At eto nga pala ang unang napansin ko nung lumabas ako ng balcony ng aming hotel room… ang beach at  well preserved sand dunes! Ang ganda.. kuha yan ng mga alas singko ng madaling araw. Oo, gising pa rin kami. Sobrang excited ba naman e 😀

Advertisements

16 mga puna »

  1. anong pasalubong mo sa akin ate kengks? Ü
    kengkay: yung award 😀

    Komento ni winkii — Agosto 24, 2008 @ 12:57 hapon | Sagutin

  2. ako din, pasalubong! 😀

    haayz. wish i can have my vacation too. 😛

    kengkay: sarap talaga bakasyon!

    Komento ni vanny — Agosto 24, 2008 @ 1:34 hapon | Sagutin

  3. envy bitch naman ako…
    enjoy the trip!

    kengkay: am back home, waaa

    Komento ni Leyn — Agosto 24, 2008 @ 7:53 hapon | Sagutin

  4. ang ganda

    kengkay: tunay yan 🙂 ano link mo?

    Komento ni mclifeinrandom — Agosto 24, 2008 @ 8:45 hapon | Sagutin

  5. kya pla madaling araw ang kuha nyo sa hotel sa previous post 😉

    Baka meron giant worms dyan sa dune at meron naghaharvest ng Spice (Harkonnen)
    hehe movie pla yon

    kengkay: nyaayy, mabuti na lang pala at di kami umapak sa dune

    Komento ni vhincent — Agosto 25, 2008 @ 1:06 umaga | Sagutin

  6. kengks ang liwanag naman yata 5am yan?

    kengkay: between 5-6 pm yang kuha na yan

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 25, 2008 @ 2:11 umaga | Sagutin

  7. ang sarap naman magtampisaw jan…!

    kengkay: kapag mahina alon, hehe

    Komento ni Rhapsody — Agosto 25, 2008 @ 4:38 umaga | Sagutin

  8. ganda ng view!

    kengkay: mas maganda pinas, loyal hehe

    Komento ni Salve — Agosto 25, 2008 @ 4:42 umaga | Sagutin

  9. Ang tagal naman noh… 😦

    PanelHoster.net™ – Philippines Affordable Web Hosting Provider

    kengkay: hay, super tagal talaga ng antay namin, kainis

    Komento ni Gabriel — Agosto 25, 2008 @ 5:18 umaga | Sagutin

  10. Kaasar biglang nagenter :(… Ang ganda ng view dyan te :D..

    kengkay: kasi yung bundok at yung dune e well preserved

    Komento ni Gabriel — Agosto 25, 2008 @ 5:18 umaga | Sagutin

  11. maganda ang view kengks, di kaya tayuan ng mall yan hehehe 😉

    kengkay: sa tingin ko hindi, kasi matindi dito ang labanan kapag preservation e

    Komento ni barquera — Agosto 25, 2008 @ 9:15 umaga | Sagutin

  12. wow. super around the world ata ang drama ng unyong pamilya, hekhek. anyway nice view. sana nandyan din ako, hahahah. ASA!

    kengkay: sana andiyan din ako, waa

    Komento ni tina — Agosto 25, 2008 @ 10:28 umaga | Sagutin

  13. yikes, ano ba yan? dapat may damages yan ha kesa sa libreng dinner lang without drinks pa.. buti na lang di nag alburuto mga little kengkays kakaantay;)

    kengkay: mabuti na lang may dala silang laruan. naku nung nagreklamo nga yung iba inofer lang sa kanila e a shot of whisky, hahaha

    Komento ni Pokwang — Agosto 25, 2008 @ 3:10 hapon | Sagutin

  14. grabe ang world tour… Post lng ng post kasi nakakalibang. para na rin ako lumabas ng pilipinas kong mahal..

    kelan ka kaya uuwi sa pinas?

    kengkay: antay lang at marami pang darating. naku uwi kami ng pinas sa 2010 pa ulit kasi andyan kami nitong feb-mar 2008 e

    Komento ni themiseducationofzapped — Agosto 26, 2008 @ 2:53 umaga | Sagutin

  15. wow! ang ganda nga! parang naexcite ako… gusto ko rin kasi mamasyal ng spain

    kengkay: maliit na isla lang ang mallorca, mas maganda pa ang boracay 😀

    Komento ni ifoundme — Agosto 26, 2008 @ 2:57 umaga | Sagutin

  16. I believe one of your adverts triggered my browser to resize, you might need to put that on your blacklist. Antayan Kwentong Kengkay is really a cool name for a blog BTW 😉

    Komento ni Haviva Bush — Abril 27, 2011 @ 11:35 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: