Kwentong Kengkay

Agosto 25, 2008

Rated PG Espanya Pechurs

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 8:24 umaga

  Naks, emote na si kengkay sa beach, kitams? Nakahanap din kami ng aming sariling place in the sun. Dito sa Oyropa, nakaka stress maghanap ng place in the sun kasi kapag puno na ang mga for rent na umbrellas e ibig sabihin, manigas ka sa towels at sa ilalim ng araw. Kaya dapat maaga pa lang e larga na kayo. Kundi, sunog ang beauty mo.

Malakas ang alon nung araw na nag-beaching kami. Pero kahit na, si panganay ko e takbo agad sa dagat kasama ng tatay nya. Si bunsoy ko naman e ayaw magdagat, so andun lang sya sa buhangin sa tabi ko at naghahanap ng mga shells.

Pero dapat may konting exploring di ba? Hatak kami ni kengkoy at punta daw kami sa magkabilang dulo ng dagat. Dala ko sempre kamera ko, click lang ako ng click. Bahala na si batman… Tapos biglang sabi ni kengkoy, balikkkkk.. Naku, ano naman kaya at biglang balik daw kami? Bilissss mga paa ang naging drama, pinagtabuyan talaga kami ni kengkoy.

Kasi naman pala, dahil dito:

Opps, errm, nakikita nyo ba ang nakikita ko? Waaaa, actually, shocking boogie ako nung nakita ko yang pechur na yan. Kasi nga click lang ako ng click di ba? Nung na realize kong mga hubad na pala yung kaharap ko, biglang natigil yung click ko kasi nahiya ako. Naku ako pang may suot ang nahiya. Pero ayan pala at may stolen shot din ako… ano kaya gagawin nila sa akin kung talagang harap harapan ko silang kinodokan? Hmmm

Hubo’t hubad na po ang mga tao dun sa kabilang dulo ng beach. Hindi ko namalayan na nagiba na pala ang tanawin. As in lalaki, babae, matanda, bata — ayun, bigay todo ang kanilang sun bathing, nude bathing talaga. As in.. dito kasi sa Alemanya, medyo old fashioned pa sila. Merong sariling bathing area ang mga nudists atsaka may nakaharang talaga na trapal o kung ano pa man…

Pero dito sa Espanya, viva espanya talaga. Kakagulat po talaga. Mabuti kamo at hindi ko natutok yung kamera dun sa mga nakaupo sa buhangin, kasi talaga po namang…. imagine all the people 😀

Advertisements

34 mga puna »

  1. eeekkkk ka-shock siguro talaga makakita ng mga nude bathing! hmm buti meron ka nai-share sa amin 😉 hambilis mong magkodak mami kengks! LOL

    kengkay: sa totoo lang, mas mabilis sila maghubad, hahaha

    Komento ni pusa — Agosto 25, 2008 @ 9:23 umaga | Sagutin

  2. panalo hubaran pala yang napuntahan mo eh sigurado ka ba na di ka nagpunta diyan dahil gusto mo yang hubad theme? hehe..

    kengkay: eekkk, ayaw ko ng hubad theme, baka kung wala mga bata, oks lang, haha

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 25, 2008 @ 10:06 umaga | Sagutin

  3. boooooooo!

    kengkay: hahaha, ano kaya gagawin mo?

    Komento ni Jon Cabron — Agosto 25, 2008 @ 11:27 umaga | Sagutin

  4. WAHHHH… hubad rated pg talaga…

    PanelHoster.net™ – Philippines Affordable Web Hosting Provider

    kengkay: ang ganda nga ng rating ko e, haha

    Komento ni Gabriel — Agosto 25, 2008 @ 1:29 hapon | Sagutin

  5. OMG! OMG! OMG! siguro maloloka ako pag may nakita akong ganyan..

    kengkay: hahaha, naku, lalo pa siguro kung makita mo yung mga jolakis

    Komento ni mclifeinrandom — Agosto 25, 2008 @ 1:54 hapon | Sagutin

  6. bitin.. sana naman mga dalaga ang kinunan mo… haysss..

    kengkay: hahaha, yung mga dalaga naka topless lang

    Komento ni defpotec — Agosto 25, 2008 @ 2:03 hapon | Sagutin

  7. sana maging chairman ka ng board of censors..galing mong magbigay ng rating!

    kengkay: rated PG kasi naman nagtatampisaw lang sila parang bata 🙂

    Komento ni carL — Agosto 25, 2008 @ 2:18 hapon | Sagutin

  8. hello kengkay, welcome back, mukhang super enjoy naman yang bakasyon, inggit eh alam mo naman dito ngayon sa tin lamig na, feeling ko eh taglagas na na walang nalalagas.. hay buhay, wish ko lang ang skies dito eh kasing blue ng pics mo..hay..

    anyway, sana naman yung pic na nakuha mo eh sa isang macho, di sa gurangits. hahahaha 🙂 sige ingats

    kengkay: ang mga macho nakaupo sa buhangin at nakadisplay ang kanilang kamachohan

    Komento ni Pokwang — Agosto 25, 2008 @ 3:06 hapon | Sagutin

  9. kaya ko rin magbold sa beach, teka maglalasing lang ako.

    kengkay: hahaha, baka kamo kahit lasing ka e di mo rin kaya, hmm

    Komento ni taps — Agosto 25, 2008 @ 4:23 hapon | Sagutin

  10. lol. ang awkward. sana tinry nyo rin mag nude tutal wala namang makakakilala sa inyo dun. hahaha.

    kengkay: topless lang na try ko, waaaa 🙂

    Komento ni Leyn — Agosto 25, 2008 @ 8:10 hapon | Sagutin

  11. na-carried away ka sa pagiging camera enthusiast. haha

    kengkay: as in over talaga ang aking clicking away

    Komento ni utakmunggo — Agosto 25, 2008 @ 8:37 hapon | Sagutin

  12. Moooore kwento and pics mommy! 😀

    kengkay: marami pa, teka lang 😀

    Komento ni binx — Agosto 25, 2008 @ 10:24 hapon | Sagutin

  13. Ahahahaha!!! Grabe pala ang mga Spanish folks, very transparent sila sa saloobin nila:)

    kengkay: mixed europeans yan, hehe

    Komento ni sonnetshaven — Agosto 26, 2008 @ 1:24 umaga | Sagutin

  14. naku… mukhang maganda dyan ah!

    kengkay: sempre naman, hehe

    Komento ni akosimakoy — Agosto 26, 2008 @ 2:23 umaga | Sagutin

  15. at akalain mong nasaksihan mo na ng personal ang mga nudist na yan? huwaw! sarap..(drooling) joke

    kengkay: hahaha, parang ayaw ko saksihan pero ayun na nga

    Komento ni ronturon — Agosto 26, 2008 @ 2:34 umaga | Sagutin

  16. Tinry mo rin ba mommy kenks? nyahahaha!!!!

    kengkay: eherm, topless

    Komento ni themiseducationofzapped — Agosto 26, 2008 @ 2:43 umaga | Sagutin

  17. hahahaha! parang gusto ko tuloy makita ang mga yan…

    kengkay: ano kaya reaction mo kapag nakakita ka nang ganyan? ako kasi napa smile ako kasi alam ko may ikwento ako sa blog ko, hahaha

    Komento ni ifoundme — Agosto 26, 2008 @ 2:54 umaga | Sagutin

  18. WOW! beach!!!!.. and BEACH bodies.. woot-woot! i wish i was there, free porn.. hahah

    kengkay: erotika lang kasi tampisaw at sun bathing lang drama nila e

    Komento ni LimeGemini — Agosto 26, 2008 @ 3:03 umaga | Sagutin

  19. …hehehe!! cool!! sana trinay mo din kung ano feeling.he3! naisip kong gawin yan, kaso dito sa dubey deportation agad katapat ko.nyahahaha!!!

    kengkay: baka minsan, kapag wala mga little kengkays, waaaaa

    Komento ni sommer — Agosto 26, 2008 @ 4:31 umaga | Sagutin

  20. ahaha! ang ganda ng view! nude nyahaha! kaka inggit naman dyan! ako din parang gusto kong……….

    magbeach dyan ! nyahahaha 😆

    kengkay: hahaha, am sure!

    Komento ni Lambing — Agosto 26, 2008 @ 4:45 umaga | Sagutin

  21. nyaaaaah ndi ko kaya yan hahaha…!

    kengkay: ako din yata

    Komento ni Rhapsody — Agosto 26, 2008 @ 5:56 umaga | Sagutin

  22. Ate gusto ko doon, gusto ko ring maghubad hehehe. Wala kayang rapist doon?

    kengkay: nope wala naman kasi world peace kapag nakahubad, hahaha

    Komento ni Colegiala girl — Agosto 26, 2008 @ 6:14 umaga | Sagutin

  23. hehehe! pwede te keng… makapunta nga dyan…

    kengkay: di mo kailangan ang iyong bikini

    Komento ni Lenggai — Agosto 26, 2008 @ 8:30 umaga | Sagutin

  24. waaaaaaah!
    gulat to the max naman daw ako!
    the revelation of all the revelations!
    wapak!

    kengkay: hahaha, close your eyes

    Komento ni eloiski — Agosto 26, 2008 @ 8:41 umaga | Sagutin

  25. hi kengkay! you’ve got nice pics there huh?

    anyways, what are the major differences between Philippines’ beaches and Spain’s beaches?

    aside from the nude people swimming?

    kengkay: sa pinas may mga taong naka-duster, naka t-shirt at shorts, naka kontodo payong na parang takot na takot mangitim habang nag be-beach; sa espanya? ayan na nga at hubod hubad na ano, hehe. pero sa totoo lang? mas magandang di hamak ang beaches sa pinas…

    Komento ni charlbert — Agosto 26, 2008 @ 8:58 umaga | Sagutin

  26. hehehe. katuwa naman… konserbatibo pala si kuya kengkoy 🙂 pinagtabuyan talaga kayo palayo?

    kengkay: hay oo, as in… akala ko pa naman e kung bakit kami pinababalik yun pala dahil sa mga hubad

    Komento ni taroogs — Agosto 26, 2008 @ 8:59 umaga | Sagutin

  27. talaga namang todo ang pag-eenjoy nila sa beach! hubad kung hubad, basta maging tan pagkatapos ng summer!

    kengkay: status symbol kasi ang maging brown, hehe

    Komento ni Salve — Agosto 26, 2008 @ 10:25 umaga | Sagutin

  28. olalall viva espanya! sabi mo click ng click ka lang ng piktyur bakit isa lang dun sa nude beach…hahahh

    kengkay: meron pang isa kaso mo may nakaharang na malaking tyan, kaya delete ko sya, kadiri e 🙂

    Komento ni dakilang islander — Agosto 27, 2008 @ 2:06 umaga | Sagutin

  29. wala ba ganyan dito sa pinas? para gusto ko itry mag-sight seeing..di maghubad noh? di ko keri!

    kengkay: ang alam ko meron sa pinas e yung topless lang lang, at oo nakakita na ako ng topless

    Komento ni ak0it0 — Agosto 27, 2008 @ 3:32 umaga | Sagutin

  30. kakabitin naman picture! waahhhhh

    Huli na ako dito ah… hehe bakit nga ba wala dito nyan ..sana more pics pa… lol

    kengkay: topless meron dyan sa pinas, heheeh. baka kung more pics e madelete itong blog ko 🙂

    Komento ni vhincent — Agosto 27, 2008 @ 1:01 hapon | Sagutin

  31. hehehe, kengkay ka talaga. ‘kala ko kaya ka pinababalik ni dadi kengkoy eh jujoin sya dun sa mga sirena, bwahahaha!

    kengkay: si kengkoy pa kamo nahiya, hehe

    Komento ni roni — Agosto 27, 2008 @ 5:30 hapon | Sagutin

  32. Yung bold — sa beaches like Boracay, pede pa siguro yan. Pero sa ibang beach sa Pinas? Ahehe, siguradong mas marami ang miron.

    Sa tutuo lang, mas masarap yatang mag-swimming-swimming sa beach nang walang saplot para pantay sa buong katawan ang pangingitim ng balat. At sa mga boys na tulad ko, walang inaalalang trunks na papasukin ng buhangin.

    Hmm… makabili nga ng private beach. 😛

    kengkay: sinabi mo pa, naka bikini nga lang dami ng miron, pano pa kung walang saplot! pag nakabili ka ng private beach, pwede maki gamit, hehe

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 29, 2008 @ 7:37 umaga | Sagutin

  33. ay pambihira akala ko dahil bakasyon ka hindi ka muna gawa ng entries. yun pala tapos na ang bakasyon. hahaha. mukhang backread ako nito ngayon. hahaha.

    astig naman jan ang sarap! kengkay yung nakahubad ba may salbabida or bilbil lang? hahaha.

    kengkay: bilbil na salbabida yan, hehe

    Komento ni gmacomics — Agosto 30, 2008 @ 8:50 umaga | Sagutin

  34. ba’t ito di na air sa tv? haie naku! super kilig ang moments nila.. . SUPERNATURAL KILIG? TO THE BONES SWEETNESS.. i don’t care if many won’t like it…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Lilly — Nobyembre 24, 2012 @ 2:46 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: