Kwentong Kengkay

Agosto 27, 2008

Sa Ulap ng St. Tropez at Nice

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 6:14 hapon

 Okey ba ang pechurs ko? Sempre di ko matiis na kunan ng pectyur ang mga sikat na tourist areas sa Pransya. Pasensya na at mula sa ulap ang kuha ko ha, pero keri na rin di ba? Ayan ang south of France kung saan matatagpuan ang Nice at Cannes.

 At andito naman daw ang St. Tropez kung saan maraming mayayaman at sikat na magaganda at pogi at mga nagpupumilit na maging maganda at pogi at mayaman at sempre ang mga usisero ang naglilipon-lipon.

Bakit ko naman daw alam na dyan ang St. Troper at Nice? E kasi sabi nung piloto ano pa nga ba. Sempre nung sinabi nya yon e may i click click agad ako. Ang biyahe kasi namin from Mallorca, Spain patungong France, dumaan din kami sa tuktok ng Alps Switzerland bago kami lumanding sa Alemanya.

Eto lang masasabi ko sa inyo, nakarating na rin kami sa south of France, meaning naki ride na rin ako sa popularity ng mga showbiz at mayayaman dahil nakapagbakasyon na rin kami sa Nice at sa Cannes at nakayapak na rin kami sa Monaco… sa totoo lang? Over rated silang lahat dahil ang beach dun sa Nice e mabato po, waaa. Wa syang sinabi sa ganda ng buhangin sa Boracay. Sa Cannes naman, hmmm, nothing spectakular kahit nga yung mga hotel na tinutuluyan ng mga sikat e parang, huh, ano ba yun, eto na ba yun? O baka naman bitter lang ako kasi hindi ako makapasok sa mga hotels na yun, hehe. Yun nga lang, maganda ang mga structures nila dun, walang barong barong.

At sa Monaco naman? Hmm, ewan ko kasi nakisilip lang ako dun sa mga yate ng mga mayayaman dun sa kanilang daungan, at naki riding riding sa ginagawang kalsada ng Formula 1 rally. May I pechur pechur dun sa palasyon ni Princess Grace.. At naki upo dun sa may Casino el aire libre at nag people watching na ang nakatabi ko pang ka people watching e isang pinoy na may asawang kana na feeling nya e poging pogi sya at ang galing galing nyang mag inglis at macho syan dahil malaki muscles nya at parang di nya maatim na pinay ako na may asawang aleman at maiitindihan ko ang inglis nya at pwede naman kaming magkamustahan ng tagalog di ba? Minsan talaga ang sarap batukan ng mga kababayan natin na naka tuntung sa ulap ng pantasya.

Oh well, ah basta, ayan ang ulap ng St. Tropez at Nice.

Advertisements

11 mga puna »

  1. mayaman siguro kayo ate kengks. 🙂

    kengkay: hahaha, aray ko baka mautangan ako nito. iba kasi ang kultura dito sa oyropa, kahit na nga walang trabaho, nag sasave sila talaga ng pera para sa kanilang bakasyon. importante sa kanila ang bakasyon, as in… at saka meron ditong mga vacation apartments at dun ka na rin magluto na mas mura kesa mag hotel at usually, dun kami nag stay 🙂

    Komento ni winkii — Agosto 27, 2008 @ 9:03 hapon | Sagutin

  2. Mommy nabasa ko na lahat ng blog mo cover to cover pati homeworked, mahal na kita talaga.

    kengkay: hahaha, talaga? sempre mahal na mahal na rin kita 🙂 salamat sa pagbabasa, sana hindi ka inantok

    Komento ni visitor1 — Agosto 28, 2008 @ 12:11 umaga | Sagutin

  3. someday pupunta rin ako dyan… someday…

    at yung pilipinong bungok, yaan mo na. baka nagpapractice ng english yun at gustong sumali sa impromptu competitions ng mga intsik… hehehe! yaan mo na rin ako kung walang sense yung sinabi ko ha? hehehe!

    kengkay: am sure makakarating ka rin dyan sa mga lugar na yan, someday! positive thinking helps. si bugok na pinoy ayan, chinismis ko na lang sa inyo, haha

    Komento ni ifoundme — Agosto 28, 2008 @ 1:10 umaga | Sagutin

  4. lol nakatuntong sa ulap ng pantasya 🙂
    pero pramis nakakainis talga un mga pinoy na super slang slang magsalita pos ayaw pa managalog eh marunong naman

    kengkay: lalo na yung mga pinoy na wala pang sampung taon sa ibang bansa e hindi na daw marunong mag tagalog, waaaa

    Komento ni pusa — Agosto 28, 2008 @ 1:17 umaga | Sagutin

  5. talaga – overrated?hmmmm..buti na lang sinabi mo sa kain – ayaw ko na sila puntahan…

    kengkay: punta ka ng monaco, masarap mag people watching at car watching, hehe.

    Komento ni nina — Agosto 28, 2008 @ 6:55 umaga | Sagutin

  6. Gusto ko pumunta ng St.Tropez,hehe

    kengkay: andito ka lang pala sa oyropa e, am sure makakarating ka din dyan. sama mo ako, hehe

    Komento ni MC — Agosto 28, 2008 @ 11:34 umaga | Sagutin

  7. nyayahaha! bugok na pinoy hihihi! ang kulit non sarap talaga batukan ng mga pinoy na nag fefeeling! 😆

    parang nakapunta na rin ako jan.. salamat tita kengs sa mga wento at pictures… galing galing.. 😀

    pero wish ko lang.. makapunta din sana ako dyan personally weh! 😀

    kengkay: sana matuloy ang wish mo

    Komento ni naglalambingnacute — Agosto 29, 2008 @ 12:53 umaga | Sagutin

  8. haay naku mami kengks.. may mga pinoy ngang ganyan..

    ava, minsan nga may kausap akong tiga washington, d.c. – pinoy na halatang halata mo naman yung bali-balikong inglis … at ayaw mag tagalog… tinanong ko kung ilang taon na siya sa U.S. – – “Oh, I’ve been here almost two years! And I can’t speak ‘tagalog na eh!” TWO YEARS?!!! HOOYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!

    Kairita deba?

    Musta na mami kengks!!!

    kengkay: ang sarap batukan, two years lang e di na marunong magtagalog! waaa 🙂 edi eto beauty pa rin, ikaw, mustamos na?

    Komento ni chuva — Agosto 29, 2008 @ 1:38 umaga | Sagutin

  9. wow ganda. ngayon lang ulit ako napadaan. actually tama ka, ang mga places dun madalas overrated. Marketing Strat lang para pangarapin ng mapuntahan. Ang totoo, Maraming majestic views dito sa atin na hindi naaapreciate.

    kengkay: tumpak ka dyan, kaya naman let’s promote our own

    Komento ni bernardumali — Agosto 29, 2008 @ 10:37 umaga | Sagutin

  10. Sosyalin ka Talaga Kengks dami mo na Talga narating heheeh Mallorca ako dami ng Kwento 😉

    kengkay: kaka-mallorca talaga, hahaha

    Komento ni barquera — Agosto 30, 2008 @ 1:28 umaga | Sagutin

  11. ang ganda!! miss ko na magbeach sa magndang beach talaga!

    kengkay: minsan yung iba, beach-beachan lang talaga ano

    Komento ni gmacomics — Agosto 30, 2008 @ 8:54 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: