Kwentong Kengkay

Agosto 28, 2008

San Mig sa Espanya

Filed under: Dito sa Amin,Duon sa Amin,Oyropa Ko — kengkay @ 5:32 hapon
Tags:

Nakita nyo ba ang nakita ko? Merong San Miguel Beer sa Espanya!

Pero hindi ko talaga nakita yung bote ng San Mig ha. At ayaw ko ring tikman yung overflowing beer sa hotel kung San Mig sya kasi, hmm, kasi hindi rin naman ako umiinom ng San Mig e. Pang Cali lang ang beauty ko πŸ™‚

At ang sumunod na pinanlaki ng mata ko e meron din silang lechon! Lechona nga lang ang tawag nila, bakit kaya lechona? Kasi babae yung baboy, hehehe, ang corny ko, hmpf!

Yan e nahagilap ko lang nung naglakad lakad kami sa may dagat dagatan. Muntik ko ng hilahin si kengkoy at ang mga little kengkays nung nabasa kong may lechon! Hindi dahil gusto ko kumain ng lechon, mas gusto ko yata yung seafood plate, kundi para mag-pechur pechur ako!

Kaya lang, sarado pa yung restaurant. Kasi sa Espanya, late sila mag lunch, mga after 12 noon; tapos late din sila sempre mag dinner – mag alas nueve ng gabi! As in.. minsan nga 10 pm pa kamo ang bukas ng mga restos.

Magaalumpihit ka na sa gutom wala pa ring magbubukas sa yo ng restaurant ano, waaa. Kaya kung may balak kayong mag Espanya? Magdala ng baon just in case hindi na umabot ang bituka ninyo sa kakaibang open and close ng mga restos dun.

Advertisements

21 mga puna »

  1. wow, i miss lechon…

    kengkay: meron ding lechon dito sa alemanya pero hindi ko pa natitikman

    Komento ni nina — Agosto 28, 2008 @ 5:56 hapon | Sagutin

  2. >>kasi babae ung baboy…<<< ahahahah bumenta sa kin itong joke na to. HAHAHA.

    grabe na miss ko din ung lechon. which reminds me, paubos na ang botelya ko ng Mang Tomas lechong sarsa. di ako nainom ng beer eh…kahit anong brand. para sa kin kasi lasang ipis ang beer (huwag na kulitisin kung bakit at kung nakakain ako ng ipis). Cali!! sarap tapos partner tortillos (namiss ko na naman college life). pero may bago akong natutunan na mahalin, parang Cali, ung Bit lemon, Bit copa, Radler at Becks.

    Magugutom ata ako sa espanya kung ganyan. Dafat pala lafang to the max pag oras ng pagkain para umabot ng alas diyes ng gabi.

    kengkay: hahaha, tama ka dyan, ako adik adik din sa radler. kaya alam mo nagdadalawang isip ako parati kapag sa espanya ang aming bakasyon e, kasi ang hirap maghanap ng makakainan, hays

    Komento ni eyna — Agosto 28, 2008 @ 7:00 hapon | Sagutin

  3. hello kenks kamusta na?

    ganun pala dyan ano? hindi bukas ang resto ng buong araw. dito sa US bukas whole yung iba naman 24hrs meron din hanggang 3am lang hehehe. sa Pinas din ata ganun eh pero yung iba karamihan may resto bar na.

    kengkay: baduy dito sa espanya e, atsaka sa ibang parts din ng france ganyan din. dito naman sa alemanya, mga 5 pm meron ng bukas na restaurant pero madalas e around 6 pm pa. merong mga delivery service na bukas until 12 midnight pero pizza at shawarma karamihan, waaaa

    Komento ni scart — Agosto 28, 2008 @ 8:20 hapon | Sagutin

  4. May Ginebra din ba diyan. wahahaha.

    kengkay: meron lang tanduay, bitbit ni kengkoy galing pinas, hehe

    Komento ni winkii — Agosto 28, 2008 @ 11:04 hapon | Sagutin

  5. hehehe… u shud have tried that lechona ms kengkay.

    galing pa kaya pinas yang san mig na yan? hehehe

    kengkay: i think parehong san mig yan nung sa pinas e

    Komento ni yhen — Agosto 29, 2008 @ 12:54 umaga | Sagutin

  6. kengks gusto mo magpapicture sa tabi ng baboy?

    kengkay: sa tabi ng lechona, hahahaha. pero am sure babatukan ako ni kengkoy

    Komento ni prinsesamusang — Agosto 29, 2008 @ 2:17 umaga | Sagutin

  7. wala sa kalingkingan ang san miguel dito sa oyropa kung ikukumpara mo sa sarili nating san mig. the secret is in the water. masarap yata ang tubig sa davao. *ehem* (hala, umepal na ako ng beer ng ibang bayan? haha)

    kengkay: made in davao pala ang san mig kaya masarap, naks

    Komento ni utakmunggo — Agosto 29, 2008 @ 5:51 umaga | Sagutin

  8. Ganun, mealtimes lang nagbubukas ang mga resto….

    may oktoberfest kaya diyan?

    kengkay: yup, walang wantusawa na bukas dito, kainis nga e. sa espanya di ko alam kung may oktoberfest, pero sa alemanya, wala pang oktober e oktoberfest na ano, hahaha

    Komento ni Kat Carneo — Agosto 29, 2008 @ 6:32 umaga | Sagutin

  9. interesting yung san miguel brand na nasa espanya mismo… part-owner din kaya siya ng san miguel natin sa pinas o kapangalan lang? at mas masarap ba ang gawang espanya kaysa sa gawa sa kolonya nila? πŸ™‚

    kengkay: i think san mig din yan from pinas e. sayang di ko natikman, di bale, neks taym

    Komento ni taroogs — Agosto 29, 2008 @ 7:19 umaga | Sagutin

  10. Magkano kaya ang San Miguel dyan? Sa Japan, ang mahal… kasi imported ito duon. πŸ˜›

    Andami ko palang na-missed na pikyur sa mga nakaraang posts.

    kengkay: sa tingin ko normal price ng beer din dito kasi mukhang normal na beer lang ang san mig sa espanya e

    Komento ni homebodyhubby — Agosto 29, 2008 @ 7:22 umaga | Sagutin

  11. Uy nandyan ka pala sa bayan ng aking mga ninuno…hehe joke lang. I lived in Madrid, Spain for a little more than 3 years, dekada otsenta nga lang. Oo may san mig nga talaga dyan. Kaya lang nun nandyan ako e hindi naman ako tomador kaya hindi ko rin natikman yon dyan. Hindi lang sila late magbukas ng resto ang tagal din nilang magtanghalian dyan. The longest lunch I went to lasted for more than 3 hours, from the opening prayer to the closing, tapos may pa tabako at brandy pa pagkatapos! Sarap nyo naman magbakasyon!

    kengkay: hola mi amigo! hehe, sempre naman di ako makahirit sa spanish nung andun ako sa espanya kasi yung mga tao dun marunong lahat mag aleman, kainis nga e, feel ko pa naman mag praktis ng spanish. kaso sa totoo lang, dialect din ang usap nila dun 😦

    Komento ni rino — Agosto 29, 2008 @ 7:41 umaga | Sagutin

  12. astiggggggg!

    kengkay: normal pa yang bakasyon namin na yan, naks, hahaha

    Komento ni foobarph — Agosto 29, 2008 @ 8:01 umaga | Sagutin

  13. wow lechona at san mig maganda kombinasyon kung ni-try nyo… pampabata hehe

    ako din hinde talaga umiinom, cali lang kung meron.

    kengkay: pag nakatikim ka ng radler dito sa alemanya, iba din ang dating

    Komento ni vhincent — Agosto 29, 2008 @ 8:03 umaga | Sagutin

  14. hehe
    san mig rules

    pangarap ko nga sa sam mig maging ala corona ng mexico, eh
    =)

    teka may cali pa ba sa pinas?

    kengkay: alam ko may cali pa rin sa pinas, ibat ibang flavor pa nga. meron akong paboritong beer ng mexico pero hindi corona pangalan nya e, hmmm. limot ko na pero sarap nun

    Komento ni raft3r — Agosto 29, 2008 @ 2:29 hapon | Sagutin

  15. kenks, i got this from wikipedia:

    San Miguel in Spain has the same origins as San Miguel in the Philippines. However, since 1953 the brewery in Spain has been under separate ownership and no longer has any connections with San Miguel Corp. Philippines. The beer in Spain is brewed by San Miguel FΓ‘bricas de Cerveza y Malta S.A., part of the San Miguel-Mahou group.

    πŸ™‚

    kengkay: hehe, tenks for the info. interesting kung bakit sila naghiwalay, bakit nga kaya

    Komento ni junanteola — Agosto 29, 2008 @ 5:26 hapon | Sagutin

  16. meron nga dito lucky me pancit canton,haha

    kengkay: dito sa mga asia shop lang sya nabibili

    Komento ni MC — Agosto 29, 2008 @ 7:38 hapon | Sagutin

  17. nakakatuwa naman kung umabot na rin diyan ang san miguel at may lechon rin. charap… sige pag nagpunta ako ng espanya dadala ako sardinas,lucky me supreme, manga with bagoong (kung pwede)at ang aking mga kakanin (yun ay kung di mapanis.) hehehe

    kengkay: naku, hindi ko alam kung palalampasin yang bagoong mo, haha

    Komento ni hitokirihoshi — Agosto 30, 2008 @ 2:12 umaga | Sagutin

  18. hahaha. tama ka kengkay babae nga ung lechona kasi suckling eh! hahaha.

    kengkay: ano pa nga ba πŸ˜€

    Komento ni gmacomics — Agosto 30, 2008 @ 8:55 umaga | Sagutin

  19. meron pa ngang tsokolate dun with the name filipino yata yun hehe.. di ko lang napiktyuran, lol.

    kengkay: parang nabasa ko nga yata yun

    Komento ni analyse — Agosto 31, 2008 @ 6:06 umaga | Sagutin

  20. Hi Kengks,

    Tama ka, baka naman kasi babae yung lechon hehehe…pero ang magugulat ako eh kung may tao dyan na ang pangalan eh Lechona ahihihi…next time ang makikita nyo naman eh nilasing na lechon *toink* πŸ˜‰

    kengkay: nilasing na lechon? hahaha – ano kaya itsura ng baboy na lasing

    Komento ni callcentergal — Agosto 31, 2008 @ 10:02 hapon | Sagutin

  21. oo, ganun talaga sa espanya. (hehehe! pero di pa ako nakapunta sa espanya. base lang sa aral) late sila maglunch and dinner. kaya tayong mga pinoy, mamamatay talaga sa gutom kasi kala natin pareho lang ang ating oras sa pagkain sa kanila

    kengkay: oo nga ano, nalimutan ko na yung spanish lessons ko, pero kapag may kids na kasama hirap, at least kapag adults makakatiis pa, hahaha

    Komento ni ifoundme — Setyembre 1, 2008 @ 11:51 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: