Kwentong Kengkay

Agosto 31, 2008

Inuman sa Espanya

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 8:30 umaga

Edi ba nga all inclusive ang aming bakasyon sa Espanya, so libre lahat ng inumin, as in halos lahat, wag lang yung mga champagne at exclusive na inumin…

Por ehemplo

 Ayan si manoy, nag mix ng aming drinks. Order ni kengkoy e martini, order ko naman e kir royal. Uh, ano daw yun? Na shock si manoy kasi hindi nya kilala ang kir royal. Binigay nya yung listahan nung drinks, mga ilang dosena din yung asa listahan pero yung paborito ni kengkay na kir royal e hindi uso sa kanila, waaa. So sabi ko na lang, vodka on the rocks.

Nakita nyo yung mga drinks dun sa likuran? May tequila sunrise, san francisco at kung ano pang cocktail drinks. Bottom less, kaya naman lasa-less ang mix, hahaha. Walang kalasa lasa yung mix, parang juice lang.

 At eto pa, kapag lunch at dinner, want to sawa din ang wine, pula at puti at sempre beer. Sempre hindi kay bunsoy yung mga baso na yan, kay kengkoy yan at minsan, sa akin din. Ang mga little kengkays e busog na busog sa softdrinks na bottomless din. Kanya kanyang kuha, hindi ko lang napansin kung nakakapuslit ang mga underage sa wine drinking nila, hmmm

 At kapag sarado na ang restaurant, merong dalawang bars na open parati, dyan madalas tumatambay si bunsoy ko. Hahaha, as in, ibat ibang klase ng inumin e sinubukan nya — shakes, soda, softdrinks, slurpee like, juice at kung ano pa. Ang nanalo e yung choco drink at sempre coke, kapag bakasyon lang kasi atsaka sila nakakatikim ng softdrinks, sa bahay namin bawal ang softdrinks 🙂

Advertisements

14 mga puna »

  1. wow dami drinks! sosyal! naka vodka on rocks! dati ako gold eagle beer lang ok na pero syempre huminto na me. hehehe.

    kengkay: alam mo naman dito sa oyropa, normal lang yang ganyan.

    Komento ni gmacomics — Agosto 31, 2008 @ 9:20 umaga | Sagutin

  2. Different colors. YUM. :p

    kengkay: sarap tikman lahat

    Komento ni Laarni — Agosto 31, 2008 @ 9:53 umaga | Sagutin

  3. aww sarap ang dami!! ahehehe.. granma lang ako eh lol..

    Pero try nyo po yung Amarulla.. hehe medyo parang bailey’s sya..

    kengkay: parang egg liquor yata ang amarulla a, and i love bailey’s too

    Komento ni angel — Agosto 31, 2008 @ 10:02 umaga | Sagutin

  4. wow, super party kayo. Ü
    daming drinks.
    bka paglaki ni bunsoy, lasinggera yan. haha

    kengkay: dito kasi normal lang ang drinking something before dinner, at sempre during dinner din, hehe — so sa tingin ko magiging normal din sa mga little kengkays ang paunti unting tikim kapag right age na sila

    Komento ni winkii — Agosto 31, 2008 @ 1:42 hapon | Sagutin

  5. Lost in space ako pag usapang alak,sa buong buhay ko di pa ko naka ubos ng isang boteng beer. lmao
    tikim lang 😉

    kengkay: pareho tayo pero minsan may pagkakataong masarap uminom, hehe

    Komento ni MC — Agosto 31, 2008 @ 5:41 hapon | Sagutin

  6. Sarap naman ng tanawin, daming drinks! 😉 Seriously ngayon ko lang nalaman yang kir royal na drink…sabagay kasi bihira naman din akong uminom ng alcoholic bevs eh…yung mga choices ko parang kina bunsoy..juice at slurpee hehehe..

    kengkay: ewan ko pero sarap na sarap ako sa kir royal, hindi ko rin alam yan dati nung asa pinas ako e

    Komento ni callcentergal — Agosto 31, 2008 @ 10:00 hapon | Sagutin

  7. sarap ng bakasyon niyo ate kengks! shempre sakin pag bottomless everything enjoy 🙂 sulit eh.

    kengkay: dapat talaga sulitin esp kung bottomless, hehe

    Komento ni iris — Agosto 31, 2008 @ 11:56 hapon | Sagutin

  8. hay nakakainggit naman talaga ang paglakwatsa mo kengkay! at fiesta pala ang mga little kengkays sa coke! lol.

    kengkay: hay oo, naligo sila sa coke, haha

    Komento ni prinsesamusang — Setyembre 1, 2008 @ 12:45 umaga | Sagutin

  9. ang lupit naman sa bahy nyo. bawal ang softdrinks, pano kung sabihin ng mga little kengkays na bawal ang hardrinks. . . papayag kaya si kengkoy at kengkay?

    kengkay: kapag asa bahay, hindi sila naghahanap ng softdrinks, meron silang juice at iced tea, heaven na sa kanila yon, hehe

    Komento ni tina — Setyembre 1, 2008 @ 2:55 umaga | Sagutin

  10. …napawo ako bigla…una kasi libre, pangalawa, bottomless, pangatlo…alcohol galore..hmmm, pede ako jan!hehehehe!!!

    kengkay: walang pitsel dun, hahaha

    Komento ni sommer — Setyembre 1, 2008 @ 4:59 umaga | Sagutin

  11. Very good ang mommy kengkay at pinagbabawalan ang softdrinks sa little kengkay. Tama yan kasi it doesn’t offer health benefits. Nakakasira pa ng human system ang softdrinks. Tataba ka na, papangit pa ang skin mo.

    kengkay: hindi naman bawal talaga, hindi lang talaga nakasananayan sa bahay ang uminom ng softdrinks. hindi kasi ako softdrink drinker, pati si kengkoy, so bakit kami bibili di ba? kaya ayun, kapag nakita lang nila sa bakasyon o kaya sa restaurant, pwede sila humirit 😀

    Komento ni sonnetshaven — Setyembre 1, 2008 @ 5:24 umaga | Sagutin

  12. hmmm … basta alak kung ano anong mix na yan ate wala akong kinalaman dyan hehe..

    yun softdrinks at mga shakes lang binabanatan ko hehe.. 😉

    kengkay: masarap ang shakes lalo na kapag super inet

    Komento ni naglalambingnacute — Setyembre 1, 2008 @ 7:01 umaga | Sagutin

  13. susme! eh pag nandyan pala ako enjoy tayong 2 sa vodka on the rocks. vodka pa naman ang paborito kong inumin

    kengkay: di bale sa pinas, hahaha

    Komento ni ifoundme — Setyembre 1, 2008 @ 11:41 hapon | Sagutin

  14. sarap naman ng bakasyon! gusto ko ang pic ni bunsoy. parang tipong ayaw na siguro niya umalis diyan ‘no?

    Komento ni bem — Setyembre 2, 2008 @ 1:56 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: