Kwentong Kengkay

Setyembre 1, 2008

nakakahiya si kengkay

alam nyo ba, hiyang hiya ako sa buhay ko?

kahapon meron kaming bisita dito sa bahay, huling hirit sa barbekyuhan nina kengkay at kengkoy. mga kaibigan ni kengkoy na mag asawa at may dalawang anak. napunta ang usapan sa bakasyon.

sabi nila balak daw nila pumunta sa florida, US sa sunod na summer break ng mga bata. sabi ko naman naku pang retirement yung place na yun, tapos biglang hirit ko, punta na lang kayo sa pinas! mas maganda dun!

sempre, binenta ko na ang pinas, ako yata ang goodwill ambassador ng pinas dito sa aming baryo sa alemanya 🙂 sabi ko marami silang pwedeng puntahan — palawan, boracay, guimaras, batangas, bohol, etc. sabi ko meron tayong 7,100 islands kaya di sila mauubusan ng pupuntahan.

gusto daw nila yung may halong kultura. as in dapat may bisita sa mga historical places, sa mga cultural heritage at kung ano ano pang chika, sabi ko, marami ring kaming ganyan. isip ko agad ang fort santiago, ang las pinas, ang laguna, at sempre sa halos buong bayan sa pinas e may kulturang masasabi.

at sabi ko, masarap ang dagat sa atin kasi kahit na anong lamig, mainit pa rin ang tubig dagat. yan ang pinag kaiba ng dagat natin sa karagatan ng asya, alam nyo ba yun?

so, gusto na nilang pumunta ng pinas. as in excited na rin sila. puntang punta na rin sila sa pinas. sabi ko, antay lang at kukunin ko yung libro tungkol sa pinas para makita nila kung gaano kaganda talaga.

ayun, bumalik ako sa kanila ng walang dalang libro, waaaa.

akalain ko bang wala pala akong libro ng pinas? marami akong tagalog na libro, tulad ng kay jessica zafra, pugad baboy, kulam sa pag-ibig, etc pero walang mga libro na tungkol sa kagandahan ng pinas. yung kaisa isang libro e hiniram daw nung ka opisina ni kengkoy na tatlong taon na yang hindi pa binabalik, at hindi pa rin yun nakakarating sa pinas ha… sabi ko kay kengkoy, bawiin na agad yung libro, ora mismo.

kainis, hiyang hiya talaga ako sa balat ng lupa na wala akong mapakita. sa sunod na uwi ko ng pinas mag-hoard ako ng libro na tungkol sa kagandahan ng pinas. o baka may gustong mag donate, hehehe

Advertisements

27 mga puna »

  1. ay, dapat talaga silang magpunta sa `Pinas! Kung gusto nila ng culture, bigay mo yung listahan ko ng museums. dito lang sa maynila mga yun. pwede rin ako maglista nung mga nasa probinsya. 😀

    kengkay: hala, maglista ka na ng asa probinsya, ibibigay ko yung link mo

    Komento ni Salve — Setyembre 1, 2008 @ 9:04 umaga | Sagutin

  2. Hello ambassador. Mag surf na lang muna sila sa Internets. hehe. Naeexcite ako para sa kanila.

    kengkay: iba kasi kapag asa tabi mo sila tapos may i explain ka, parang mas feel ko yung ganun, hehe

    Komento ni Laarni — Setyembre 1, 2008 @ 9:29 umaga | Sagutin

  3. hahaha! naku mommy… ilagay mo na yan sa notes mo ng mga dadalhin para di mo makalimutan. Pero im sure, sa kwento mo pa lang naglalaway na sila kung gano kaganda sa Pilipinas!

    kengkay: ayun na nga, ayaw na daw nila sa florida, sa pinas na daw sila. pano pa kaya kung makita nila yung pechurs, di ba

    Komento ni binx — Setyembre 1, 2008 @ 9:42 umaga | Sagutin

  4. kinantahan mo sana sila mami kengkay ng “halika byahe tayo” ni kumareng regine
    kengkay: uy, pwede ko rin bigay yung youtube nun, maganda yun

    Komento ni Lyzius — Setyembre 1, 2008 @ 10:35 umaga | Sagutin

  5. naku, napakaraming kalendaryong nagpapakita ng kagandahan ng pilipinas na naglilitawan kung bagong taon, iniipon ko nga yun, dun pa lang sa pictures panalo na….pero wag ka pa rin mahiya, buti nga pinagmalaki mo ang pinas!ang ngayon palang nagpririsinta na ako ng sarili kong mag-tour sa kanila sa mga tourist spots na nasa manila….

    kengkay: uy, pramis yan ha… sabi ko kasi sa kanila, am sure may mga taong magiging ready to help them around

    Komento ni Kat Carneo — Setyembre 1, 2008 @ 11:35 umaga | Sagutin

  6. hehehe sana binigay mo muna yung book mo ng pugad baboy at sabay pinagmayabang na kitams joke pa lang panalo na! 😉 lol

    kengkay: oops, bakit nga kaya hindi ko naisip yun, hehe

    Komento ni vhincent — Setyembre 1, 2008 @ 1:06 hapon | Sagutin

  7. Ok lang yun. I’m sure yung description mo inspired them to look up our country’s beautiful spots in the Internet paguwi nila sa bahay. Sana makapunta sila dito para makita nila ang kagandahan ng Pinas.

    kengkay: gustong gusto na nilang makarating talaga ng pinas

    Komento ni Rach (Heart of Rachel) — Setyembre 1, 2008 @ 1:16 hapon | Sagutin

  8. hehehe…buti sinulat mo to kasi ala rin pala kaming libro dito. at least, hindi ko na gagawin yang ginawa mo hahaha…

    kengkay: aray ko, hahaha – pero tama ka, maghalunggkat ka na ng libro tungkol sa pinas

    Komento ni lovelyn — Setyembre 1, 2008 @ 1:22 hapon | Sagutin

  9. kkk, meron yatang libreng libro sa pinakamalapit na suking embahada ng pilipinas

    kengkay: naku, ang pinakamalapit e 3 hour drive e atsaka ang envelope nga nila binebenta nila, librong libro pa kaya?

    Komento ni defpotec — Setyembre 1, 2008 @ 1:51 hapon | Sagutin

  10. at sabi ko, masarap ang dagat sa atin kasi kahit na anong lamig, mainit pa rin ang tubig dagat. yan ang pinag kaiba ng dagat natin sa karagatan ng asya, alam nyo ba yun?…

    korek miss kengkay.. meron ba sila nun? hehehehe
    and ispeaking of witch.. e magbi-beach din kami this coming week.. yahoo….

    kengkay: aba at nang inggit ka pa ha, hehe. sige, kwentuhan mo kami

    Komento ni ronturon — Setyembre 1, 2008 @ 3:50 hapon | Sagutin

  11. Bohol and Palawan would be good for them 🙂 Beach tapos may kultura…

    kengkay: oo nga e, tapos daan sila ng cebu

    Komento ni nina — Setyembre 1, 2008 @ 4:43 hapon | Sagutin

  12. Dapat kumuha ka na lang ng kahit anong libro and iRelate mo na lang ung content nun sa Pinas..

    (And weird ng naisip ko.. :p)

    kengkay: nagbigay ako nung libro ng thailand pero inayawan nila, panalo talaga ang pinas, weee

    Komento ni aLps — Setyembre 1, 2008 @ 5:13 hapon | Sagutin

  13. ako rin binibenta ko parati ang Pinas to my foreign friend na gusto magpunta ng asia. kaasar nga lang yung austrian friend ko halos nilibot ang buong asia except sa pinas kasi may nabasang negative news i think abu sayag related ata yun yong may pinugutan ng ulo…

    kengkay: naman, mas grabe pa naman ang violence sa ibang bansa, ang problema kasi sa pinas, pati mga pinoy media, hayok na hayok ipakita ang mga masasama kesa sa mga magaganda

    Komento ni dakilang islander — Setyembre 1, 2008 @ 6:50 hapon | Sagutin

  14. ate kengkay dapat ipa-google mo na lang sa kanila 😉
    feeling close?ate?haha respect lang

    kengkay: mas maganda kasi kapag katabi ko sila tapos may i explain ako di ba, at oo, kapatid na MC

    Komento ni MC — Setyembre 1, 2008 @ 10:14 hapon | Sagutin

  15. maraming magagandang coffee table book about the philippines na magaganda. ang ganda ganda pa ng mga pictures

    kengkay: yang mga ganyan ang i hoard ko talaga. sana lang ibalik nila, waaaa

    Komento ni ifoundme — Setyembre 1, 2008 @ 11:39 hapon | Sagutin

  16. di bale… kaw mismo ebidensiya na mgda po ang pinas… naks… hehe 😉

    kengkay: naks, anong gusto mong pasalubong, hahaha

    Komento ni yhen — Setyembre 2, 2008 @ 2:06 umaga | Sagutin

  17. Ok lang yon memorize mo naman ang information about Pinas. Tell them to use their imagination kasi kumpleto naman na ang detalye mo:) At bakit may kulam sa pag-ibig ka dyan? Hahaha!!!

    kengkay: regalo yung libro na yun nung aking prend, hahaha

    Komento ni sonnetshaven — Setyembre 2, 2008 @ 3:42 umaga | Sagutin

  18. huwaw naman!
    naks. naks.
    todo promote sa pinas 🙂

    ayos lang yan ate kengks..
    hehehe..

    kengkay: kasi naman totoong mas maganda ang pinas kahit pa san dito sa oyropa ano, dapat nilang puntahan para mas marami magpunta, de bash 😀

    Komento ni ayyzzz — Setyembre 2, 2008 @ 3:50 umaga | Sagutin

  19. i-google nalang yan.

    pero mas maganda kung yung mga libro talaga about Philippine tourism kasi edited at pili na ang mga pictures. hehehe. pang promote talaga.

    hmm, maka-bayan ka ah.

    kengkay: tama ka, edited na, haha at oo, proud pinay si kengkay pati si kengkoy

    Komento ni Leyn — Setyembre 2, 2008 @ 3:56 umaga | Sagutin

  20. bigay mo na lang yung picture ko… isa naman ako sa kagandahan ng pinas eh..

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    kengkay: hahaha, am sure 😀

    Komento ni anakngpiso — Setyembre 2, 2008 @ 4:09 umaga | Sagutin

  21. hehe….ok lang yan ate kengs..mukha namang napipicture out nila sa kanilang iamhinasyon angganda ng pinas buhat sa iyong pagkaka kwento…carry lang yan…
    kwento mo pa lang….librong – libro na…o db??

    kengkay: tama ka rin dyan, rio, hehe

    Komento ni rio — Setyembre 2, 2008 @ 5:40 umaga | Sagutin

  22. kumpleto ako ng jessica zafra. hehe

    pinagmamayabang ko rin ang ating mga beaches sa pinas, pati ang street food. lagi kong sinasabi you’re never far away from food, in the philippines. 😀

    kengkay: hay oo, parating busog sa pinas. masarap basahin si zafra, di ba?

    Komento ni utakmunggo — Setyembre 2, 2008 @ 5:52 umaga | Sagutin

  23. haha. meron naman tayong libro kaso nga lang nasa pinas silang lahat. hahaha. ok lang yan kengkay kasi kahit papano totoo naman ang mga sinabi mong yaman ng kultura ng pinas.

    Komento ni gmacomics — Setyembre 2, 2008 @ 7:36 umaga | Sagutin

  24. salamat naman at may mga tao pa palang kagaya mo na ganyan. ipinagmamalaki pa rin ang sariling bansa kahit hindi naman talaga ganun kaganda… JOKE LANG! hehehe! ay lab da pelepens…

    Komento ni akosimakoy — Setyembre 2, 2008 @ 10:42 umaga | Sagutin

  25. aba e ibigay mo sa kanila yung site ng wowphilippines.. pero sa totoo lang, meron nga akong libro tungkol sa pilipinas pero 19 kupong-kupong pa yata yun. P1.50 pa yata ang minimum sa jeep sa librong yun, lol.

    Komento ni analyse — Setyembre 2, 2008 @ 11:26 umaga | Sagutin

  26. haha naiimagine ko na yung pakiramdam mo mami kengs na bidang bida mo ang pinas tapos wala ebidens haha. Hanap ka ng books sa powerbooks, madami dun about the Philippines. May kamahalan nga lang kasi mostly mga coffee table books sya.

    Komento ni bluepanjeet — Setyembre 2, 2008 @ 1:07 hapon | Sagutin

  27. […] nyo si kengkay, bigla kong na miss ang Pinas nung naghalunggkat ako ng ibibigay na info para dun sa mga kabigan naming gustong pumunta ng Pinas e. Ang una kong hinanap yung link para dun sa video ng DOT na ‘Biyahe […]

    Pasa ni biyahe tayo « Kwentong Kengkay — Setyembre 2, 2008 @ 3:24 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: