Kwentong Kengkay

Setyembre 2, 2008

bakit sila ganun?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Duon sa Amin,Paki Lang,Pinas,Seryus — kengkay @ 12:02 hapon

kapag walo kayong magkakapatid na lahat e mga malalaki na at mga wala namang sakit, tapos ang tatay nyo e matanda na, mga 63 years old ba; sa tingin, sino ang dapat mag trabaho?

edi sempre, ang tatay na 63 years old.

kahit na sabihin pang hanggang grade three lang tinapos ni tatay, sya pa rin dapat mag trabaho para sa buong pamilya. okay, may mga tumulong din, mga dalawang anak yata.

kasi yung mga anak ni tatay na walo e hindi nakapag-aral. kahit pa binigyan silang lahat na magkakapatid ng kung sinong mabait na tao ng iskolaship.

oo, may iskolaship silang tinanggap. pero anong ginawa nila?

wala po. kasi po wala daw silang pamasahe papunta dun sa iskwelahan, wala silang pang baon — anak ng putchamos naman – ang daming dahilan.

bakit kaya hindi na lang nila sabihin na wala silang paki-alam sa edukasyon at sa magiging future nila dahil umaasa sila kay tatay na grade three lang ang tinapos? hindi man lang nila kinuha ang oportunidad na i-ahon si tatay nila sa kahirapan, at yung nanay nilang may sakit, pagkakataon na para maipagamot.

kasi wala silang pamasahe papunta sa iskwela, kasi wala silang pang baon. ang babaw naman mga chong!

sa akin kasi, kung gusto mong tulungan ang sarili mo at ang pamilya mo, gagawa at gagawa ka ng paraan. sino kaya sa atin ang naghahanap ng iskolarship pero walang makuha? sayang lang yung binigay sa inyong iskolaship, kakainis kayo, hmpf!

pwede naman sigurong makiusap para dun ka ipasok sa eskwelahan na malapit sa inyo di ba? para lakad na lang. at pwede rin sigurong humingi ka ng trabaho dun sa nagbigay ng iskolarship, alam mo yun, yung tipong maglalaba ako isang araw sa isang linggo, magiigib ng tubig, maglalako ng paninda, mag-kokolekta ng diyaryo at bakal, mga ganun ba…pwede nga minsan nalakarin papunta sa eskwela kung gusto mo talaga. pero kung tamad ka. ay, kawawa naman ang nanay at tatay mo, at mas nakaka-awa kayong magkakapatid. pathetic! o ngayong patay na si tatay at may sakit pa rin si nanay nyo? ano na gagawin ninyo?

edi magmaka-awa ulit para sa tulong. edi magturuan. panay laway na naman. sa totoo lang, tumingin kayo sa inyong paligid, andyan kaso sa gusot na iyan dahil umasa kayo sa kawawang tatay ninyo. tingnan ninyo ang sarili ninyo, asa inyo ang sagot — at kung bulag na kayo sa katotohanan, kawawa naman kayo.

kawawa din si kengkay kasi pinasakit nyo lang ulo ko. at oo, meron akong nabasa kahapon sa isa sa mga balitang pinas kung bakit ako nag-eemote ng ganito ngayon.

kung si kengkay nga, nung asa bangkok ako, akala rin yata nung mga umaasa sa akin e sarap ng buhay ko dun. ang yaman ko. ang dami kong pera. op kors, ang dami kong pera, feeling mayaman ako. pero isang araw lang yun sa isang buwan, kasi halos buong pera ko pinapadala ko sa pinas. kapag ubos na ang budget ko para sa akin? naglalakad na ako, minsan isang oras ako maglalakad para lang maka uwi sa bahay ko. at sa pagkain? nilagang mais na lang dun sa kanto. limang piso lang isa, at sempre, magbabaon ako ng tubig galing sa opis namin, kasi wala na rin akong pambili ng tubig ko.

nagsakripisyo ako nuon, pero tapos na yon, kasi may hangganan dapat ang lahat, dapat matuto rin silang tumayo sa sarili nilang sikap. maging maparaan tayo, lalo pat buhay ninyo, buhay ng mga nagmamahal sa inyo ang na-aapektuhan.

pero kung antay lang kayo ng antay, ng padala, ng charity — hay walang buhay na ganun. ano ba. gising! kainis, hmpf. alam nyo kaya kung sino at anong balita itong tinutukoy ko? kung alam nyo, mali ba ako?

Advertisements

15 mga puna »

  1. korek ka mamie kengkay! hay… ang kawawang si mang pandoy.

    kengkay: hahaha, ano ka ba bem, alam mo agad!

    Komento ni bem — Setyembre 2, 2008 @ 1:43 hapon | Sagutin

  2. hay
    paminsan kasi ang tao mahilig lang umasa sa iba
    sana lang mamulat tayo sa katotohanan na hindi lahat tayo pinanganak na may kasamang swerte
    sa mga kagaya ko na di sinuswerte dapat magsumikap

    Komento ni raft3r — Setyembre 2, 2008 @ 2:18 hapon | Sagutin

  3. kawawa naman si mang padoy, :(… grrr….

    Komento ni Gabriel — Setyembre 2, 2008 @ 3:07 hapon | Sagutin

  4. nakita ko sa news yan. hay naku, alam mo ba ako inis ako sa tao na inasa na lang lahat sa government. Yong iba gusto kasi nila guminhawa ang buhay pero ayaw magpakahirap.

    Komento ni nina — Setyembre 2, 2008 @ 5:37 hapon | Sagutin

  5. Sabi ko na nga ba si Mang Pandoy un e! Tabi-tabi sa mga magulang lalo na kay mami kengks, di po ba nasa magulang din ang pagpapalaki sa mga anak, so SIGURO,sa sobrang pagkabusy ni mang pandoy sa paghahanap ng trabaho medyo nagkulang siya sa pagguide sa mga chikiting patrol nya PERO syempre, malaking porsyento rin talaga rin nun galing dun sa mga anak. un na nga yung way na binigay sa kanila para makaahon e. talaga naman!

    Komento ni binx — Setyembre 2, 2008 @ 9:24 hapon | Sagutin

  6. ‘Yan ang masakit sa lahat, ang makakita ng tao na hanggang sa kamatayan nya puro na lang kahirapan dahil sa kanya umaasa ang lahat. Kung sana ang bawat isa sa family ni Mang Pandoy ay nagkaroon ng initiative at sense of responsibility, hindi sana namatay ng miserable si Mang Pandoy. Nakakalungkot.

    Komento ni sonnetshaven — Setyembre 3, 2008 @ 12:37 umaga | Sagutin

  7. iba kasi ang Pinoy hanggat me maasahan aasa. Pag nabigyan ng swerte akala mo kung sinong magaling. mahilig lang mangarap kasi nga naman Libre daw.. 🙂

    Komento ni barquera — Setyembre 3, 2008 @ 3:16 umaga | Sagutin

  8. nyah ndi ko alam yan.. pero kawawa naman nga si mang pandoy. bakit nga kaya may mga taong batugan?

    Komento ni Rhapsody — Setyembre 3, 2008 @ 4:13 umaga | Sagutin

  9. hindi ka mali kengkay. kung magiging spoil sila sa ganung pamumuhay drating ang time sila pa ang magagalit sa iyo dahil sa hindi ka nagpadala. abuso na ang tawag jan. i mean kung kelangan talaga ng tulong para sa isang bagay na talaga namang importante at hindi nangyayari araw araw, yun pede pa kasi kahit papaano naging parte na sila ng buhay mo pero kung aasa lang para sa pang araw araw, manigas sila! hehe.

    Komento ni gmacomics — Setyembre 3, 2008 @ 7:31 umaga | Sagutin

  10. si mang pandoy yung ginamit ni FVR diba? sa SONA noon? taena, naawa ako nung maski nasa kabaong na siya, evident pa rin na mahirap siya..hahayy

    Komento ni wei vines — Setyembre 3, 2008 @ 8:28 umaga | Sagutin

  11. tapos ang ayaw ko sa ugaling pinoy ay iyong tinatawag na sense of entitlement. tipong kapag may kamaganak na nakakaangat o nasa ibang bansa eh daig pa ang linta sa kakasipsip. tapos kapag walang maibigay yung sponsor, ang daming salita.. o di kaya kulang pa rin ang bigay. ipakain mo man ang kanang kamay mo kulang pa rin.

    sana tubuan sila ng sipag at maisip naman nilang nakakabigat sila sa kapwa. hindi naman masamang humingi ng tulong, basta wag lang yong tipong iaaasa mo lahat sa ibang tao.

    ayoko rin sa lahat yung anak ng anak wala na ngang makain at pang-tuition yung mga naunang anak eh gawa pa rin ng gawa. SSSSSSUUUUUSSSSS!!!

    Komento ni utakmunggo — Setyembre 3, 2008 @ 10:01 umaga | Sagutin

  12. Nanisi pa binigyan na nga ng trabaho. E ano ba kung wala kang alam sa binigay sa yong trabaho, di mag emote ka na lang. ANg mahalaga may sweldo. Problema lang kasi lahi ng walang kapangapangarap. Walang permanente no, ako nga talagang permanent sa trabaho pero I always save dahil ano man ang mauna ma bad trip sila sa akin o mabad trip ako sa kanila (mga officemate ko ba)maka awit pa rin ako ng I will survive. And speaking of saving kahit piso di ka ba makapagsubi? Kung ganyan ka siguradong gumagastos ka ng higit sa yong kinikita. Very bad dahil di ka marunong mag prioritize.

    Ang father ko parang ganito ang mentality. Pero hindi ko sila tinolerate. Hindi ako madamot, if they are really in need may nakatabi ako para sa kanila, yon e para sa pagkain at gamot lang beyond that once in a year ko cguro lang kayang ibigay. May mga anak din ako na priority ko ngayon at tinuturaan ko rin cla sa value ng money thru pagtitipid(patay TV pagpahingahin,ilaw patayin wag bukas lahat,tubig … pagsisinop -wag sayangin pagkain..at pagiging praktikal(pag b-day ni 4 years old pili sya kung laruan o party (my kids are 4 and 2 huh!)pag laruan konting handa lang good for the immediate family, pag party ala gift.Hirap buhay talaga. Buti na lang tinulungan ako ng kantang “Ako ay ma lobo”..sayang ang pera ko” Isa pa training din ito sa decision making ng bata.

    Komento ni visitor1 — Setyembre 4, 2008 @ 2:25 umaga | Sagutin

  13. A syanga pala kita ko sa interview sa anak ni Mr Pandoy (30 yrs old na ngayon, kung saan sya ang masamang-masama ang loob) na may kargang bata. Kapatid nya kaya yon o anak. Di naman na siguro anak ni Mang Pandoy yon, ang masakit lang baka obligasyon nya pa rin ito(kung apo).Kaloka.

    In fairness napaisip ako baka pinagmamaktol ng anak (ni Pandoy) kaya hindi nakapanatili sa trabaho si tatay nya ay dahil di nga fit sa ibinigay na trabaho. Magkaganon pa man ng time na binigyan ng trabaho si Pandoy hindi lang siguro pinag-aralan nya ang di fit, pati na rin sya kasi noong time na yon senior citizen na rin sya. Bakit kaya hindi nya na lang ipinalit ang anak nya? uso naman yon sa gobyerno di ba. A ewan blaha kayo sa life nyo. Mag aral na lang kayo sa langgam.

    Komento ni visitor1 — Setyembre 4, 2008 @ 3:06 umaga | Sagutin

  14. relate ako sa buhay bangkok mo ateng, eto nga sabi ko dun sa blog ni Salve, minsan poverty is a choice, bakit? Ayun, ang mga hudas kong pangkin, pinag-aral, me mga allowances, apartment at kung ano anong kalandian, ayun indi nagtapos nang mga aral, nagsipagbuntisan, nasa squatters ngayon. pinalayas nang lola sa condo. magdusa sila sa pinili nilang buhay.

    agree ako sa sinabi nang mga readers mo. i know gago ang gobyerno pero di dapat i-asa lahat sa gobyerno. indi ibig sabihin na porke nag-bunga ang kalibogan nang tao, palamunin na nang gobyerno hahaha irresponsable ang mga to kaya ganun.

    di ko nabasa sa paper ang Pandoy story na yan, na miss ko, siguro nasa hadaan ang lola at ibang Pandoy ang nameet hehehe

    Komento ni reyna elena — Setyembre 12, 2008 @ 6:23 umaga | Sagutin

  15. go cathy.. malapit na kayo magkita ni aso.. so excited.. aso thanks so? much for accepting in ur FB.. yey malapt na march. magkikita na sila….. . up up for asocat!!!. . up up for cathy!!!. . cathyriffics will aways here to support u… you go girl gudluck sa your song workshop nyo…. may aabangan na naman kami sa TV…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Carleen — Nobyembre 25, 2012 @ 12:36 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: