Kwentong Kengkay

Setyembre 2, 2008

biyahe tayo

Pagbigyan nyo si kengkay, bigla kong na miss ang Pinas nung naghalunggkat ako ng ibibigay na info para dun sa mga kabigan naming gustong pumunta ng Pinas e. Ang una kong hinanap yung link para dun sa video ng DOT na ‘Biyahe Tayo’.

Ayun, naiyak ako, waaaa. Na homesick bigla.

At talagang hinanap ko yung lyrics by Rene Nieva kasi parang gusto kong isa isahin ung mga nagawa ko, nakain ko, at napuntahan ko na sa Pinas. Check list ba, hehe. Kung gusto niyo, maki check na rin kayo.

Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy nang todo.

Uy totoo yon, mas masarap magbiyahe ng kasama ang buong pamilya, barkada at kung ano mang ka grupo yon. Kapag asa Pinas kami, bus ang dala namin, hahaha. Tapos kapag sasakay at bababa ang buong barangay, binibilang parati ni kengkoy at baka daw may maiwan, hehehe

Napasyal ka na ba
Sa Intramuros at Luneta
Palawan, Vigan at Batanes
Subic, Baguio at Rice Terraces?

Bakit nga ba parati lang naming dinadaan-daanan ang Luneta kapag asa Manila Bay na kami? Ilang beses na rin kaming kumain sa may Manila Bay dahil dati naming tambayan ang Harbor View. Balak naming pumunta ng Palawan sa lalong madaling panahon. Sayang at hindi pa kami dumaan ng Vigan nung 2006, sa Baguio kasi kami natutok e, hindi nga lang namin nararing ang Rice Terraces. Pero sa Batanes, dun, gusto ko dun. Ang balita ko lang e limited travel lang dun dahil parating may bagyo. Subic, hmm, ilang beses na rin akong nakarating dun; lalo na nung nagkaron ng shopping paradise dun πŸ˜€

Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng Zamboanga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon
Beach ng Boracay at La Union?

Gusto ko pumunta ng Zamboanga, am sure maganda tingnan ang mga vinta. Pero sa totoo lang, saang parte ba ng Zamboanga yan, eng eng ko talaga. At oo, si kengkoy at ang mga little kengkays nakarating na sila sa Taal (dun ko sila unang dinala, at isang linggo kami dun); ako nakarating na ng ilang beses sa Bicol, pinagiisipan kong mabuti ang pagbisita ulit dun, sana wala ng NPA (natatanging poging aminado). Mahal na mahal ko ang Boracay dahil dun ako natutong lumangoy, wahahaha. Mas maganda sya dati, early 90s, kasi walang malalaking buildings at shopping malls, simpleng boracay ang narating ko, gusto ni kengkoy pumunta dun kaso dami nyang naririnig na maganda nga daw dun. Nung 2006, asa La Union kaming pamilya. At sempre, buong barangay, ano pa nga ba πŸ˜€

Nasubukan mo na bang
Mag-rapids sa Pagsanjan
Mag-diving sa Anilao
Mag-surfing sa Siargao?

Hindi pa ako nag rapids sa Pagsanjan at nag surfing sa Siargao :(, pero nakarating na ako sa Anilao at bilib na bilib nga si kengkoy sa Anilao dahil sa harap mo pa lang mismo ay may treasures ka ng makikita, mantalang sa ibang bansa daw dapat ka pang mag bangka sa malayo para lang may konting makita πŸ™‚

Natikman mo na ba
Ang sisig ng Pampanga
Duriang Davao, Bangus Dagupan
Bicol Express at Lechong Balayan?

Teka muna, ano lasa ng sisig ng Pampanga? Sa dami ng sisig na natikman ko hindi ko alam kung alin dun ang Pampanga flavor. Duriang Davao natikman sya sa mismong palengke ng Davao, yum! Bangus ng Dagupan? Sa tingin ko kasi tatay ko pangasinense e. Bicol Express, oo naman, kasi dami kaming ka-barangay na taga Bicol e. At ano yung Lechong Balayan? Hindi ko yata alam yan, ang alam ko lang Mila’s at Nena’s πŸ˜€

Nakisaya ka na ba
Sa Pahiyas at Masskara
Moriones at Ati-Atihan
Sinulog at Kadayawan?

Yan, yang asa taas na lyrics, hindi ko pa naranasan lahat yan. Kakalungkot, waaa. Dapat isa isahin na yan, sino gusto sumama sa akin, hehe. Ang hirap kasi magbiyahe kapag may festival e, lalo bat buong barangay kasama, hahaha. Siguro dapat patakas, oops πŸ˜€

Namiesta ka na ba
Sa PeΓ±afrancia sa Naga
Umakyat sa Antipolo
Nagsayaw sa Obando?

Nakipiesta na yata ako dati sa Naga, at parati kaming umaakyat ng Antipolo at sa tingin ko, naki sayaw na rin ako sa Obando. Tambayan ko yata dati ang Obando at meron akong barkada dun nung asa kolehiyo ako.

Ang dami ko pa palang dapat puntahan…

Halika, biyahe tayo…

Advertisements

19 mga puna »

  1. pwedeng sumama?. parang all round the philippines ito ah! Luzon, Vizayas at Mindanao…

    “Tara na, sakay na, sakay na!

    puli ta! tara na..” — singing… LMAO

    sa totoo lang, gusto ko nang umuwi, tara na po, uwi na tayo ngn pinas. πŸ™‚

    kengkay: hay, kung pwede lang talaga na umuwi

    Komento ni LimeGemini — Setyembre 2, 2008 @ 4:23 hapon | Sagutin

  2. Love to travel kaya nag-iipon ako. I want to retire early para para malibot ko ang Pilipinas habang malakas pa ako.

    kengkay: nung nalaman ko dating mag abroad ako, may i travel ako sa pinas — kahit na minsan sa likod ng kalabaw lang ako naka-angkas πŸ˜€ good luck nina, sama mo ako kung pwede, hehe

    Komento ni nina — Setyembre 2, 2008 @ 5:51 hapon | Sagutin

  3. I love this song at kinanta ko talaga habang binabasa ang buong sinulat mo kaya nga dalawang beses ko binasa ito kasi mas nag-concentrate ako sa lyrics ng kanta nung unang pasada ko hehehe:)

    kengkay: naks, isa ka pala sa sasama sa videoke kapag nag EB ulit. hahaha. pero maganda talaga sya, pramis

    Komento ni sonnetshaven — Setyembre 3, 2008 @ 12:47 umaga | Sagutin

  4. sa ilocos po ayaw mong magpunta? ipapasyal po kita… hehe

    kengkay: nakarating na ako sa pagudpod at nakakain na ako ng pinakamasarap na chicharon ng ilokos, yum! pero pwedeng bumalik, pasyal mo ako ha

    Komento ni yhen — Setyembre 3, 2008 @ 3:07 umaga | Sagutin

  5. hay naku ako nakakabyahe lang dati dahil sa work.. pero gusto ko puntahan ang Visayas …

    kengkay: mabuti nga at sosyal ang work mo, may i travel ka. maganda nga sa visayas

    Komento ni barquera — Setyembre 3, 2008 @ 3:19 umaga | Sagutin

  6. Gusto ko ulet umakyat sa Antipolo dala dala itlog para ialay…. but probably, I’d get lost when I travel all over Pinas – and I am not a closet Pinoy. Never seen ati-atihan. Never know where Moriones is. Never been to Boracay (pero pwede na rin yung beach sa amin in Bicol). Everytime I hear this song, it gives me goosebumps. Amazing talaga ang Pinas, just for forget about POLITICS, pollution, the dirt around but when you travel around, don’t get that little guilt trip and have FUN.

    And I did, kahit sa prabins lang. Cebu Pacific, anyone?

    kengkay: hahaha, bicol boy talaga ikaw ha. ako kasi batang pasay kaya naman lakwatsera sa mga ibang region para makasagap ng malinis na hanging πŸ˜€ at oo, ibang klase nag dating ng kantang ito… pang hele, hayyy

    Komento ni K — Setyembre 3, 2008 @ 3:23 umaga | Sagutin

  7. kahit kme ata na taga dito hinde pa din mapuntahan ang karamihan dyan sa namention mo, ewan ko ba parang taken for granted pag andito ka isep mo dyan lang ang mga places at accessible anytime kya tamad puntahan …

    pero ang totoong dahilan wala kme pera! waahhh hekhekhek

    kengkay: uy, wala din akong pera nung naglakwatsa sa mga lugar na yan, yung iba padala rin ako ng opis pero karamihan dyan? ay, namalimos din ako bago ako nakalarga, karamihan dyan e may mga baon kaming de lata at nanghingi ng donasyon sa mga ka opisina namin at sa mga kakilala dun sa mga lugar na nabanggit, basta game ka — maski paps na lang ang importante, nakalakwatsa πŸ˜€

    Komento ni vhincent — Setyembre 3, 2008 @ 5:40 umaga | Sagutin

  8. buti ka pa ate dami mo na napuntahang ibat ibang places dito sa pinas at ibang part ng mundo…inggit na naman si ako.

    kengkay: wag ka mainggit, am sure marami rin ang mararating mo. ako, malay ko bang makakarating ako ng oyropa, wala sa panaginip ko yun πŸ˜€

    Komento ni ak0it0 — Setyembre 3, 2008 @ 6:18 umaga | Sagutin

  9. Naku kengkay, bigla din tuloy ako na-excite bumyahe papuntang pinas! Kaso kailngan ko pa mag tiis hanggang sa isang taon bago uli makauwi! waahhhh!!! I miss pinas!

    kengkay: waaa, miss ko din pinas. kami sa 2010 pa ulit uuwi, waaa din πŸ˜€

    Komento ni Aling Peppay — Setyembre 3, 2008 @ 6:38 umaga | Sagutin

  10. Ate Kenkay iyong hinulugang taktak ng Antipolo ay hinulugan ng ng maraming bula ng sabon. Naging daluyan na ng polluted water. Nakakalungkot, hindi na kagaya dati ang taktak.

    kengkay: ganun ba? balita ko maganda na ulit sa bandang antipolo? sayang naman

    Komento ni colegialagirl — Setyembre 3, 2008 @ 6:47 umaga | Sagutin

  11. wooohooo!
    masarap nga magbiyahe.
    kahit nakakapagod.

    sa mga nabanggit na places,
    davao pa lang ang napuntahan ko.
    hehe..
    kasi taga-davao ako.
    hahaha..
    feeling ko tuloy kawawang bata ako 😦

    kengkay: uy, maganda sa davao. masarap pagkain dyan, penge nga

    Komento ni ayyzzz — Setyembre 3, 2008 @ 6:49 umaga | Sagutin

  12. inferness, ang ganda actually nung video na yan, sana they should have shown it as a commercial dito sa US, papatok yun! my ex officemates loved it! at least natanggal yong turd world image nung nakita nila ang pinas!

    kengkay: good point yan, pwedeng gawing commercial yan, dagdagan lang nila ng running text translation, di ba? pang goodwill ambassador ka talaga. hehe

    Komento ni reyna elena — Setyembre 3, 2008 @ 12:03 hapon | Sagutin

  13. talaga bang tambayan mo ang Obando? dun kasi ako nakatira e…
    pag gusto mong bumalik dun bisita ka lang sa amin welcome na welcome ka! hahaha

    ako halos lahat di ko pa napuntahan dito sa pilipinas
    pero gusto ko nang magpunta sa ibang bansa.

    kengkay: uy, pramis yan? meron kaming pinupuntahan dun na masarap na gotohan, sa may harap nung tubig. yum! kapag nakarating ka ng ibang bansa, dun mo makikita kung gano kaganda ang pinas, pramis!

    Komento ni prinsesa000 — Setyembre 3, 2008 @ 1:53 hapon | Sagutin

  14. Videoke? Magbibitbit ako ng sarili kong mic para walang away hehe:)

    Komento ni sonnetshaven — Setyembre 4, 2008 @ 12:37 umaga | Sagutin

  15. sure ms kengkay… pati empanda ng batac masrap hehe

    Komento ni yhen — Setyembre 4, 2008 @ 6:37 umaga | Sagutin

  16. bakit pinas entry na naman, di na nga ako makakauwi eh lalo lang akong nalulungkot nyan…EB na kelan????

    Komento ni lilaybulilay — Setyembre 4, 2008 @ 10:57 umaga | Sagutin

  17. isa sa mga goals ko ngayon ang malibot at mai-share ang ganda ng `Pinas. As in, ayokong maging dayuhin sa sariling bayan. seryus ako sa purpose na ito at kakaririn ko talaga!

    Mabuhay Pilipinas!

    Komento ni Salve — Setyembre 5, 2008 @ 5:10 umaga | Sagutin

  18. tama yan… kengkay biyahe lang sa Pinas hanggat may time at pera… journey ito eh hindi lang travel… hehhee may ganun!

    Komento ni hitokirihoshi — Setyembre 5, 2008 @ 5:17 umaga | Sagutin

  19. Gusto ko yang kantang yan, napapasabay ako ng kanta at indak pag pinapanuod ko nun sa TV! πŸ˜€

    Si utol ko, ganyan ang gawa — pasyal-byahe kada uwi nila dito! Ayush… tara na, byahe tayo!

    Komento ni homebodyhubby — Setyembre 7, 2008 @ 4:19 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: