Kwentong Kengkay

Setyembre 5, 2008

donasyon sa timba

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Duon sa Amin,Europe,Kwentong Bulilit,Paki Lang — kengkay @ 6:54 umaga
Tags:

kapag magpapalit na ang panahon dito sa alemanya, nagdaratingan na ang mga timba o minsan ay plastik bag na nagsasabing kailangan ng donasyon para sa mga kapwa natin na nangangailangan ng damit, blanket, sapatos at kung ano pang pwedeng ipamigay.

darating sa umaga ang mga timba na yan at iiwan sa mga harapan ng bawat bahay. kung plastic bag naman, isiksik lang nila dun sa mail box yun. nakalagay dun sa timba at dun sa plastik bag kung kelan ulit nila kukunin.

naisip ko lang, kapag sa pinas yan, am sure wala na silang babalikan na timba, hehehe.

karamihan, punong puno ang mga timba at plastik bag na yan kapag araw na ng pick up. minsan pa nga may extra pang bag.

yang mga na kolekta na yan e supposed to be, supposed to be ha, mapupunta sa mga nangangailangan kung saan mang parte ng mundo.

pero minsan, may isang tv documentary dito na pinakita kung saan napupunta ang mga ito — sa mga second hand stores sa afrika at asya. oo, binebenta sila sa ukay ukay! as in.

kaya naman itong si kengkoy, walang gana yan na punuin ang mga iyan. at dahil na rin sa napanood ko, ayaw ko na rin. kaya ang ginagawa namin ngayon, pinapadala namin ang mga gamit na yan sa balikbayan box sa Pinas, at dun pwedeng mamiyesta ang mga kababayan natin.

Nung huling uwi namin, dito namin sila dinala. Sa Bahay Kalinga. Ibang klase, basta, ibang klase ang feeling. Pati ang mga little kengkays, nabukas ang isip nila. Ngayon kapag meron silang damit na masikip na, sasabihin agad nila para na yon sa mga bata sa Bahay Kalinga. At karamihan sa mga laruan nilang pinag sawaan na, nakalagay na sa box, papunta ng Pinas. Pasko na di ba?

Bahay Kalinga
In front of Barangay Hall, Don Pedro Reyes Avenue, Victoria Homes Subdivision, Muntinlupa City, Metro Manila, Philippines
Tel No. 382-1784

Advertisements

22 mga puna »

  1. Dito plastic case naman ang iniiwan sa harap ng gate

    kengkay: hay dito kahit na ano iniiwan basta pwedeng punuin, hahaha

    Komento ni lilaybulilay — Setyembre 5, 2008 @ 7:48 umaga | Sagutin

  2. Uy, pusong kengkay, gusto ko magkaroon ng ganyan.

    kengkay: hay pusong roni, mapalad ka na rin

    Komento ni roni — Setyembre 5, 2008 @ 9:57 umaga | Sagutin

  3. Aww… that is so sweet Ate Kengks. I’m sure your girls will grow up with big hearts for less privileged people.

    Magandang idea yung nag-iiwan ng timba or supot for donations. Pero tama ka, mukhang hindi uubra yan dito sa Pinas. 😉

    Hope you’re doing well.

    kengkay: sana maging aware sila parati at sobrang over da bakod ang mga ilusyon sa buhay ng mga bata dito sa alemanya e

    Komento ni Jayme — Setyembre 5, 2008 @ 10:15 umaga | Sagutin

  4. INTERESANTO talaga to! You know doon naman sa New Zealand, na nabasa ko in one post ni Kiwi Pinay (teka lang… http://pondahan.pansitan.net/)although di ko na makita ang link.

    ANYWAY, meron din silang one day na ilalabas lahat nang arinola at kaldero sa kalsada at naloka nga ako sa litratong ibinalandra nang gurl at nag-mistulang smokey mountain and development nila hahaha!

    Kung ako seyo ateng, ayusin mo na ang balikbayan box hehehehe!

    kengkay: eto na nga at dalawang box agad ang pupunuin ko ano, hehe. dito rin, may isang araw sa isang buwan na pwedeng ilabas mo ang buong basement at store room mo tapos pick up nila yon. tawag nila dito e turkish holiday kasi bago dumating ung mag pick up minsan, naiuwi na ng mga turkish yung karamihan ng gamit, hehehe

    Komento ni reyna elena — Setyembre 5, 2008 @ 11:14 umaga | Sagutin

  5. dito naman, maraming associations na nangongolekta ng mga ganyan, so dun ko na lang nilalagay. pero magandang idea nga yang dalhin na lang sa pinas. at least nabukas ang mata ng mga bata sa ganyang charity di ba.. saludo ako sayo!

    kengkay: tenks, analyse. naisip kasi namin ni kengkoy, mas mabuti pang dun na sa kilala mo mismo ipadala kesa dun sa mga organisasyon na minsan e hindi rin natin alam kung dun sa mahihirap napupunta yung mga gamit

    Komento ni analyse — Setyembre 5, 2008 @ 11:48 umaga | Sagutin

  6. nakaka-badtrip naman yan
    a noble cause na ginawang pang-profit

    i glad yun mga bagets mo maaga palang alam na ang value of sharing

    great job!

    kengkay: salamat. kakainis talaga na imbes na mapunta sa dapat puntahan e ginawa palang profit yung mga tulong na nakuha nila

    Komento ni raft3r — Setyembre 5, 2008 @ 2:03 hapon | Sagutin

  7. natuto na rin yung iba dito sa atin, mareng kengks! yung mga iniiwan na donation lata sa mga counter ng grocery — naka-kadena na! wehehe… walang makaka-dekwat 🙂

    nga pala… maliligaw ako dyan sa bagumbayan mo sa oyropa (da alemanya) this coming 14 to 20 ng setyembre. pero iba-bartolina daw kami ng mga hosts naming german sa berlin… malapit ba yun sa barangay ninyo? 🙂

    kengkay: dyan naman minsan pamilyahan ang drama e, na nakakalungkot din talaga. anyway, punta ka sa alemanya? malamig ngayon dito, brrrr 🙂 layo ang berlin sa amin e, di pa rin ako nakakarating dun. pero kung mapadpad ka sa frankfurt o heidelberg, pwede tayo magkita

    Komento ni taroogs — Setyembre 5, 2008 @ 3:30 hapon | Sagutin

  8. isa yan sa mga gusto kong gawin pag uwi. i-expose rin ang mga little munggoloids. inspiring ka, mama k!

    kengkay: tayo tayo dapat maging inspirasyon, naks, ano ba yung ispits ko na yan, hehe

    Komento ni utakmunggo — Setyembre 5, 2008 @ 6:43 hapon | Sagutin

  9. naku maraming ka chorvahan na naghuhulog sa mailbox namin ng plastic.Lagyan daw ng mga damit,shoes etc. for charity.Deadma lang ako kc I know na binebenta lang nung iba.

    Komento ni MC — Setyembre 5, 2008 @ 11:21 hapon | Sagutin

  10. blog mo rin ba yung isa ate kengks?
    may english version ka pla. 🙂

    kengkay: oo, marunong din ako mag inglis, hehe

    Komento ni winkii — Setyembre 6, 2008 @ 1:47 umaga | Sagutin

  11. ako din inuuwi ko ang old clothes/bags/shoes tapos pinapamigay ko naman dun sa kasambahay namin – parang charity na rin. Pinagtatalunan pa namin ni hubby yan. Kasi dito 50Kg ang baggage allowance so sinusulit ko yon kaso nagagalit sa akin kasi siya daw ang magbubuhat 🙂

    kengkay: 50 k per person ang allowance ninyo? wow! sayang naman kasi kung itapon lang di ba? yun nga lang, hirap talaga magbuhat, hehe

    Komento ni nina — Setyembre 6, 2008 @ 5:20 umaga | Sagutin

  12. gusto ko yung timba…

    pede nenok yung timba? hehehe

    kengkay: naisip ko na rin yan, hehehe

    Komento ni taps — Setyembre 6, 2008 @ 7:43 umaga | Sagutin

  13. waaaaaaaaaaaah!
    ang bait ng mga little kengks!

    kanino pa nga ba magmamana???
    hekhek!

    kengkay: ehem 😀

    Komento ni eloiski — Setyembre 6, 2008 @ 8:32 umaga | Sagutin

  14. Sabi na nga ba eh… kaya pala masama a kutob ko dun sa ukay ukay malapit samin. hmf.

    kengkay: hay ano pa nga ba. dali mahilig din ako maki ukay ukay pero ngayon… dun na lang ako sa mga sale 😀

    Komento ni Richmond — Setyembre 6, 2008 @ 9:57 umaga | Sagutin

  15. aba magandang ideya yan ah. dito malupit. ang mga ibang tao dito ay inaabot ng isang taon bago magpalit ng damit. oh san ka pa. di ba pede nang magtanim ng palayan?

    sindikato din pala yan noh. kawawa naman sila.

    kengkay: yuks, sila ang dapat bigyan ng donasyon, ng deodorant, ano ba yun! am sure may mga ibang matino naman pero mukhang mas marami ang sindikato, haysss

    Komento ni gmacomics — Setyembre 6, 2008 @ 10:36 umaga | Sagutin

  16. may mga org. din naman d2 sa pinas na you can make a worth it donation.. like bantay bata 163 or bayan nijuan magirap kasi magbigay yung sa tabi tabi lang, mas mabuti kung idadaan sa mga org na ganito para siguradong makakarating.. :p

    kengkay: minsan nga mas mabuti pang dun mismo sa barangay at ihatid talaga dun sa nangangailangan

    Komento ni jeniffer — Setyembre 6, 2008 @ 11:27 umaga | Sagutin

  17. grabe..akala mo talaga mapupunta sa needy eh..tapos yun pala, gingawang negosyo! ibang klase…

    kengkay: hay buhay talaga ano?

    Komento ni wei vines — Setyembre 6, 2008 @ 1:25 hapon | Sagutin

  18. Nung nakita ko yung pikyur at nabasa ko ang unang paragraph, sasabihin ko sana: “Buti hindi IBA ang kumukuha?” …ay ahehe, ganun nga rin pala.

    Mas alright! yung ginagawa ninyo ni Kengkoy, tita — thru balikbayan box, at itong huling uwi, diretso na sa Bahay-Kalinga. 😉

    Komento ni homebodyhubby — Setyembre 7, 2008 @ 4:11 umaga | Sagutin

  19. at least socially aware na ang mga anak mo ateng… pamangkin ko kasi may pagmatapobre pa ata, binabatukan ko nga paminsan-minsan…

    naisip ko lang, kapag sa pinas yan, am sure wala na silang babalikan na timba, hehehe.

    nyahahaha.. malamang at kung may mabalikan man sila panigurado manenenok din on the way..;p-glesy the great, cheers

    Komento ni anakngpiso — Setyembre 7, 2008 @ 5:20 umaga | Sagutin

  20. kengkay: oo, marunong din ako mag inglis, hehe <—– HAHAHAHAHAHA

    Komento ni reyna elena — Setyembre 7, 2008 @ 9:59 umaga | Sagutin

  21. tama, maganda na maaga pa lang alam na ng mga bagets ang pagse-share ng blessings sa iba…galing talaga ni mama kengkay!

    Komento ni callcentergal — Setyembre 10, 2008 @ 8:59 umaga | Sagutin

  22. […] hindi rin namin kinakalimutan ang magpadala ng konting pamasko sa mga batang nangangailangan na asa Bahay Kalinga. ang box na yan ang pinupuno ng mga little kengkays ng mga laruan at mga gamit nila na hindi na […]

    Pasa ni Balikbayan Box « Kwentong Kengkay — Nobyembre 7, 2008 @ 8:37 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: