Kwentong Kengkay

Setyembre 7, 2008

ubo

Filed under: Aruuuhh,Kwentong Kengkay,Kwentong Kengkoy,Pasaway — kengkay @ 5:46 hapon

may gusto ba kayong malaman na sikreto ni kengkay? pwes, kung miyembro kayo ng WPP e si kengkay ang nakaupo ngayon sa mabagsik na tanungan portion sa WPP hotseat. pwede kayo magtanong ng kahit na ano, wag lang tungkol sa saving account ko, non existent yon, hehe

ubo, ubo – drama ni kengkay paggising sa umaga

narinig ni kengkoy, nung paalis na sya papuntang opis

nung asa opis na si kengkoy, tumawag sa bahay. ‘darling, kumusta ka na? may sakit ka ba?’

kengkay: (dramang ubo, ubo pa rin) wala, okay lang ako (naks, pero ang boses medyo matamlay)

kengkoy: gusto mo umuwi ako ng maaga?

kengkay: hindi okay lang

kengkoy: sige, wag ka maglinis ng bahay ngayon, ako na lang bahala maglinis ng bahay ulit. magpahinga ka.

kengkay: ganun (ubo, ubo) okay, antayin na lang kita (pero ang ngiti ni kengkay halos umabot sa pinas)

makalipas ang papetik petiks ni kengkay, tawag ulit si kengkoy

kengkoy: huwag ka ng mag abala mag luto, bibili na rin ako ng pwedeng iluto mamayang gabi; atsaka yung grocery, bukas na lang gawin yan. basta magpahinga ka.

kengkay: okay, sabi mo e (oops, nalimutan na umubo, nakuha na kasi ang gusto, hahaha)

babala: huwag gayahin kung hindi kayo sigurado sa asawa ninyo 😀

Advertisements

20 mga puna »

  1. hmmm…ganun pala yun. hehe.

    kengkay: simple lang di ba, hehe

    Komento ni Ely — Setyembre 7, 2008 @ 7:23 hapon | Sagutin

  2. hahaha bentang benta ang drama mo ah!

    kengkay: sempre naman, ehem 😀

    Komento ni prinsesa000 — Setyembre 7, 2008 @ 8:44 hapon | Sagutin

  3. best actress! 🙂

    kengkay: pang award talaga, hehe

    Komento ni binx — Setyembre 7, 2008 @ 10:50 hapon | Sagutin

  4. Kinikilig ako!!!!!!!

    kengkay: 😀

    Komento ni Laarni — Setyembre 8, 2008 @ 12:02 umaga | Sagutin

  5. ahahahah! panahon ba ng sakit ngayon?
    di parin nga magaling ang tonsilitis ko.
    sana nga bumenta din yung ganyan na drama
    sa boss ko sa opisina. napakaimposible nga
    lang marinig ang pag ubo at pag singhot
    pag internet ang tangi nyong
    means of communication. deym homebased jobs

    salamat sa pagdalaw sa aking blog. ummwah i lab yu na.

    kengkay: ayan, hawa hawaan na lang 😀

    Komento ni vera — Setyembre 8, 2008 @ 12:21 umaga | Sagutin

  6. hehehe! salbahe ka mama kengkz 🙂

    kengkay: style lang, haha

    Komento ni bobang pinay — Setyembre 8, 2008 @ 1:50 umaga | Sagutin

  7. hahahaha. gawain ko din yan pero sadyang manhid yata asawa ko kasi dedma lang. mas mahal kasi nun sarili niya kesa ibang tao.

    kengkay: aray ko naman, baka dapat ibang style ang gawin mo 😀

    Komento ni staggered — Setyembre 8, 2008 @ 2:05 umaga | Sagutin

  8. hehehe… how swet naman ni pappy kengkoy… hehehe

    kengkay: sempre naman 🙂

    Komento ni yhen — Setyembre 8, 2008 @ 2:22 umaga | Sagutin

  9. …nyahahah! galeng mo palang actress mommy kengks..hmmm, magaya nga din yan maya maya..*ubo! ubo!*

    kengkay: nakakahawa ano, hehe

    Komento ni sommer — Setyembre 8, 2008 @ 5:22 umaga | Sagutin

  10. the boy who cried wolf! ahahaha

    este the girl pala..

    bait bait naman ni kengkoy.

    sana lahat ng hasban gaya nya..

    (nagpaparinig sa kawalan… hahahaha)

    kengkay: sabi nga nya, wala na daw kasing eng eng nya e, isa lang daw sya, hahaha

    Komento ni utakmunggo — Setyembre 8, 2008 @ 5:34 umaga | Sagutin

  11. greetings from Cali!!!

    kengkay: enjoy Cali!

    Komento ni raft3r — Setyembre 8, 2008 @ 6:51 umaga | Sagutin

  12. Ayos ka ate Kengkay! Panalo ang drama. Hahaha!

    kengkay: praktisado na e, haha

    Komento ni aysus — Setyembre 8, 2008 @ 8:07 umaga | Sagutin

  13. hinde ko siguro papabasa ito sa wife ko baka ma-i-stylan ako .. hehe

    kengkay: natakot bigla, waaa

    Komento ni vhincent — Setyembre 8, 2008 @ 8:19 umaga | Sagutin

  14. How funny! Well, with my easy-going husband, there’s no need. 🙂 All I need to say is, “Mahal, can you make me bolognese, please?” and smile sweetly and he will! Isn’t it great to be cherished? 😀

    joy
    A Pinay In England
    Norwich Daily Photo

    Komento ni joy — Setyembre 8, 2008 @ 10:25 umaga | Sagutin

  15. kengs di pwede kay bossing yan kasi pinaiinom ako agad ng gamot, last time ginawa ko na yan, wala akong choice, kahit wala akong ubo pagdating nya from office pina inom ako ng cough syrup wahahahh,

    Komento ni lilaybulilay — Setyembre 8, 2008 @ 11:22 umaga | Sagutin

  16. wahaahhaa ate kengkay namiss kita! kamusta naman yang strategy mo magaling! 😀 hehehe ililista ko yan para sa pagdating ng panahon. hehehe 😀

    Komento ni Carol — Setyembre 8, 2008 @ 2:59 hapon | Sagutin

  17. Hahaha!!! Ang galing ng style:)

    Komento ni sonnetshaven — Setyembre 9, 2008 @ 2:07 umaga | Sagutin

  18. heheheheh 🙂

    Komento ni nina — Setyembre 9, 2008 @ 4:36 hapon | Sagutin

  19. u have a very sweet husband! and ur a very good actress at that. eheheh:)

    i found myself smiling after reading it, magaya nga po! 🙂

    Komento ni niko — Setyembre 10, 2008 @ 6:34 umaga | Sagutin

  20. mami keng!!!! hahahaha!!!! this is such a feel good post. parang romantic comedy movie. love it. abot germany ang tawa ko hahahhaha

    ang bait bait ni dadi kengkoy. you are sooo blessed to have a very beautiful family mami keng!!!! nainggit ako…asan na yung german sausage ko wahahhahaha joke lang

    Komento ni chuvaness — Setyembre 15, 2008 @ 3:26 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: