Kwentong Kengkay

Setyembre 9, 2008

gaya-gaya

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Kwentong Bulilit,Oyropa Ko — kengkay @ 7:23 hapon

kapag bata talaga, gaya-gaya!

eksampol lang, nitong nag punta kami sa isang paliguan na malapit dito sa amin.

ayan ang mga girls, ewan ko ba kung bakit itong maliit na fountain ang pinaginitan nilang upuan samantalang ang laki laki ng mga swimming pools at may dagat rin sa tabi pero ayan, dyan sila nagpapalamig

e sempre pa, nakita ng dalawang little kengkays, edi gaya din sila. inangkin nila yung kabilang fountain at nag emote din

tapos sempre, hindi masyado uso dito ang may cottage o may upuan sa mga paliguan, o kung ano pa mang pwedeng arkilahin o ibenta sa mga uto utong gustong magrelaks relaks. sa mahal ng entrance ng mga paliguan, bring your own dito e. bitbit mo ang buong bahay, baga, hehe. kanya kanyang dala ng payong, ng tent, ng upuan at kung ano pang pwede mong mabitbit. at sempre, yung pagkain, buong ref na rin ang dala- picnic ang drama. hindi katulad sa halos lahat ng paliguan sa pinas na bawal ang magbaon o kaya naman e yung entrance kasama na rin yung pagkain, de ba, walang papalag, ano ba yun! pero karamihan ng drama dito e yung hihiga lang sa tuwalya. kita nyo sila?


o sempre, higa na rin si panganay ko. gaya gaya nga, de bah. pero maarte nya, dalawang tuwalya ang dala nya kasi daw madudumihan daw yung tuwalya nya, kaya pinatong nya dun sa tuwalya ni bunsoy. sempre alam nyo na kung anong nangyari nung hinanap ni bunsoy ang kanyang tuwalya? hulaan nyo?

wala lang,nabulabog ang buong katahimikan dahil sa tilian nung magkapatid. pack up kami agad at umuwi dahil kapag dinagdagan pa namin ni kengkoy ang ingay e baka ma ban na kami dun sa baryo na yon, hehehe

Advertisements

19 mga puna »

  1. Hulaan ko, matinding bakbakan ang nangyari sa mga little kengkays dahil sa tuwalya. Pero in fairness, ang cute mag-emote ng little kengkays at tinalo nila ang big girls na ginagaya nila lalo na ang isa dun o halos mag-stretch sa tubig ng fountain hehehe:)

    kengkay: hahaha, tumpak! bakbakan, hagisan ng kung ano, tilian – pati kamo yung mga damo na muntik ng makalbo, hahaha. mababaliw ako!

    Komento ni sonnetshaven — Setyembre 10, 2008 @ 12:56 umaga | Sagutin

  2. nagaaway ba sila, Aleman yung wikang gamit nila?

    kengkay: kapag nagaaway sila, wala ng wikang gamit, halu halo na tulad ng – grrrr, waaaa, yaaaa, wapak atpb πŸ˜€

    Komento ni monmon — Setyembre 10, 2008 @ 4:03 umaga | Sagutin

  3. ahahaha! πŸ˜€ Parang nakikinita ko ang eksena ng dalawang little kengkays. πŸ˜† May pagka-pilya din pala yang si panganay mo…
    Sa tutuo lang, mas nakakatuwa pa nga ang itsura ng mga batang nanggagaya kaysa duon sa orihinal na (matatandang) ginagaya. πŸ™‚

    kengkay: sa totoo lang, hindi lang pilya yan, kundi masyadong ma-arts, maarte ba, hahaha

    Komento ni homebodyhubby — Setyembre 10, 2008 @ 4:25 umaga | Sagutin

  4. hello kengkay!!!

    bago lang ako here….wow!ang cute naman ng mga little kengkay..heheheh

    isama kita sa award ko ha….

    kengkay: salamat sa award πŸ˜€

    Komento ni mayyang — Setyembre 10, 2008 @ 6:07 umaga | Sagutin

  5. Walang pulis to get people off the public fountain? Parang hindi naman madumi pero if I make tampisaw like that in HK, ok fine, pero FINE din ako ng $5thou.

    kengkay: malinis ang fountain dito kasi regular ang clean up. dito sa alemanya, masarap ang magtampisaw sa mga fountains, talagang okay fine sila, hahaha. kapag super init, kahit na fountain lang sa park e ginagawa na mismong liguan, hehe

    Komento ni K — Setyembre 10, 2008 @ 7:04 umaga | Sagutin

  6. …nyahahah! buti na lang nuong nasa nude beach kayo, di yun ang ginaya ni panganay>=)
    …whaaa, yan ang nakakamiss pag medyo tumanda na..yung away ng magkapatid…sino panalo sa kanilang 2?=0

    Komento ni sommer — Setyembre 10, 2008 @ 7:25 umaga | Sagutin

  7. hehehhe… kakatuwa naman ang mga little kengkays talga… bata nga naman… hehe πŸ˜‰

    Komento ni yhen — Setyembre 10, 2008 @ 8:29 umaga | Sagutin

  8. Winner naman dyan Kengkay! Pwedeng mag-emote sa pool, naku dito ciempre hindi ka na makakakapag-emote kasi maya maya nasiko ka na ng katabi mo…pati mga pools over populated hahaha…
    Ugali rin yan ng kapatid ko, itinatago ang gamit ko tapos pinagtatawanan ako habang naghahanap,hindi ko naman pwedeng kurutin kasi nagbe-best actress sa kakaiyak ciempre ang ending ako ang papagalitan kasi panganay hahaha! πŸ˜‰

    Komento ni callcentergal — Setyembre 10, 2008 @ 8:47 umaga | Sagutin

  9. haha, sutil din pala tong si panganay a..

    Komento ni analyse — Setyembre 10, 2008 @ 12:53 hapon | Sagutin

  10. wala namang nauwi sa ospital ate kengks?
    haha.
    mega-trip kayo lagi ah..

    Komento ni winkii — Setyembre 10, 2008 @ 1:40 hapon | Sagutin

  11. Waw, ang ganda ng summer dyan! Dito kasi tag-ulan.. Tapos weird pa panahon.. I know, weird talaga ang weather kasi pabago-bago pero mas weird pa dito sa Pinas.. Hehe..

    Komento ni aLps — Setyembre 10, 2008 @ 3:53 hapon | Sagutin

  12. nakaaaa! bagay na bagay ako dyan sa tubigan na yan! hehehe! alam mo naman ako pag tubig, namamagnet ang mga palikpik ko! hehehe

    Komento ni reyna elena — Setyembre 10, 2008 @ 4:40 hapon | Sagutin

  13. wow! saya naman! buti pa jan.. d2 bagyo na eh.. =(

    Komento ni vanny — Setyembre 11, 2008 @ 5:12 umaga | Sagutin

  14. ganyan talaga ang mga bagets, mahilig sa gaya-gaya.
    happy sila dun. πŸ˜€

    Komento ni Salve — Setyembre 11, 2008 @ 5:39 umaga | Sagutin

  15. bakit summer parin sa inyo????ka inggit dito lagi na naulan

    Komento ni lilaybulilay — Setyembre 11, 2008 @ 6:07 umaga | Sagutin

  16. Ang cute naman…..hehehehe….very relaxing.

    Komento ni Emil — Setyembre 11, 2008 @ 9:03 umaga | Sagutin

  17. hahaha. ang kulit! fountain ang ginawang pool. pede kayang gawin sa fountain ng mga mall yun? hehehe

    Komento ni gmacomics — Setyembre 11, 2008 @ 10:57 umaga | Sagutin

  18. Lounging in the fountain … bago yan. Katuwa naman yung girls kasi naiisip din nila gawin.

    Komento ni Rach (Heart of Rachel) — Setyembre 14, 2008 @ 12:53 hapon | Sagutin

  19. haha ang kulit ng mga babies mo! πŸ˜€

    Komento ni iris — Setyembre 21, 2008 @ 10:28 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: