Kwentong Kengkay

Setyembre 11, 2008

isumbong o hinde?

Filed under: Pasaway — kengkay @ 12:57 hapon

eto ang tanong ko:

kapag meron kayong kamag-anak na alam na alam niyong talamak na sa pangangati ng kamay,

na halos lahat na lang yata ng gamit sa bahay ng may bahay e dumidikit sa mga kamay nila,

na bawat pasok nila sa bahay ninyo e kinakabahan kayo kung meron na namang mawawala,

na parang gusto nyo nang i-ban ang presence nila sa harapan ninyo

na ilang beses ng nangyayari pero hindi nyo naman masabihan dahil ayaw ninyo ng away

na alam niyo namang yun ang gumawa pero hindi nyo lang talaga mahuli sa akto

isusumbong nyo ba o hinde?

yon e pagkatapos ninyong makipagusap ng masinsinan sa mga taong kinauukulan, kumbaga, bigyan pa rin ng pagkakataon. malay naman, kusang loob na umamin, di ba? at baka mapagsabihan.

pero ang masama dyan, alam nyo na ngang may ganyang ugali, wala pa ring sasabihin. tatahimik lang sa isang sulok na parang ini-enganyo nyo rin yung masamang ugaling ginagawa. kapag walang kikilos, ibig sabihin, okay lang sa inyo yung ginagawang katarantaduhan nung mga bata. e kasi nga, tinotolerate. ayaw din daw magulo ang buhay ng mga kamag anakan, e ayan na nga at nagkakagulo na dahil sa mga nagkakawalaang kagamitan.

dapat tulungan din nating ituwid ang buhay nung mga makakati ang kamay na yan. kausapin sila. kasi kung ilang taon na ngang nangyayari yan tapos hanggang ngayon e wala pa ring gagawin na paraan. magiging masamang bisyo na yan at kapag lalo pang nagtagal, magiging trabaho na yan, mapupunta na yan sa malakihang nakawan. at ayokong isipin kung gaano kagulo ang buhay na papasukin ng mga bata.

at teka, ang ibig ko sabihin sa isumbong e ipa-blotter sa pulis. tutal naman, may imbestigasyong mangyayari. lahat ng witnesses kakausapin, hindi naman sila agad ang ituturo, kundi bibigyang daan lang ang isang proseso para malaman talaga kung sino ang kawatan.

pero sana hindi umabot sa ganyan. sana matapos sa matinong usapan na lang. at mawala ang kati ng kamay.

ano sa tingin ninyo?

Advertisements

20 mga puna »

  1. arr…sakit naman nun! hindi naman masamang magyosi diba? hekhek..
    mahirap yan, kasi sabi mo nga, kamag anak niyo. Meaning, pakikisamahan mo forever yang mga yan.
    Kung may matibay na talagang ebidens..as in, halungkatin nila yung gamit nung ‘kumuha’ para wala nang masabi.
    at dapat, present ka sa paghahalungkat =)

    Komento ni wei vines — Setyembre 11, 2008 @ 3:49 hapon | Sagutin

  2. kung talagang sure po na siya talaga ay gumagawa ng ganun, at kung may ibidinsya na, siguro dapat nga po ay kausapin ng masinsinan. tutal eh kamag-anak nga eh baka pede munang madaan sa usapan.

    pero kung pagkatapos ng masinsinang usapan eh umulet pa sya, eh ibang usapan na yun.. 😛

    Komento ni joycee — Setyembre 11, 2008 @ 6:36 hapon | Sagutin

  3. better safe than sorry

    isumbong!!!

    Greetings from Vegas!
    =)

    Komento ni raft3r — Setyembre 11, 2008 @ 10:21 hapon | Sagutin

  4. Kaloka…. hirap ng sitwasyon na ito.

    Dahil kamag-anak yan… kailangan talaga matibay ang mga ebidensia. At yung mga witnesses, if you have, eh hindi uurong. Mahirap kasi kapag sa harap na ng pulis e bigla kang iwan sa ere.

    Isumbong or hindi… may masisira talaga sa relasion ninyong magkakamag-anak. Ito yung tipong damn if I do, damn if I don’t.

    Komento ni brainteaser — Setyembre 11, 2008 @ 10:42 hapon | Sagutin

  5. Ang alam ko ang magnanakaw ay kapatid ng mamatay tao. May point is kung pababayaan nyo hindi malayong mauwi sa ganon, e sakit yan e. Pa rehab nyo kaya.

    Komento ni visitor1 — Setyembre 12, 2008 @ 1:02 umaga | Sagutin

  6. hello kengkay. kumuata na? ito ako ulit. Dumadalaw. miss ko na ang kwento mo.

    Komento ni nanaybelen — Setyembre 12, 2008 @ 2:29 umaga | Sagutin

  7. Una alamin ang katotohanan. Kapag napatunayan, kausapin at pagsabihan na huwag nang gagawin. Kapag umulit muli sasabihin na para mabigyan ng kaukulang action, parusa o rehabilitasyon. Siguro rehabilitasyon dahil sakit ding maituturing ang pagnanakaw. Mas may patutunguhan ang kaagad na aksiyonan ito kay sa pababayaan lang at lalong lalala ang sitwasyon. Salamat po.

    Komento ni colegialagirl — Setyembre 12, 2008 @ 5:02 umaga | Sagutin

  8. I agree with Candidate Number 7, representing the country of Colegialas hehehe! Kaya lang pag nalaman ko ang katotohanan, me sapak na kasama. Hahahaha! Parang Miss Universe Pageant hahaha!

    Pero nangyari to sa tunay na buhay nang reyna. Yung pangkin namen, ginawang SM Mall ang balay namen sa Pasig, pucha nung nalaman nung sisterrette ko na halos wala na palang damit ang junakees nya, one time, call nya ang guard, stop yong pangkin sa gate, me bitbit na napsak, u know, tipong may i go to school, nung binuksan nung guard, kung ano anong anik anik ang naharbat nang loka hahahaha! Mamatay matay ako nang kakatawa! Mula nun, cancelled ang visa, wez na makapasok nang balay namen declared persona nun grata.

    Komento ni reyna elena — Setyembre 12, 2008 @ 5:57 umaga | Sagutin

  9. talk to the person.. then pag inulit saka isumbong…

    kamag-anak pamandin po.. haaay

    Komento ni yhen — Setyembre 12, 2008 @ 6:28 umaga | Sagutin

  10. kapag parating na siya, e wag nalang siyang wawalain sa paningin. tipong, di mo iiwanan na mag-isa sa kung saang parte ng bahay. lagi mong buntutan, parang yung mga sales gurl sa mga botique diba.. tapos kapag nahalat na niyang binabantayan siya, mage-gets niya at mahihiya siya sa balat niya. i hope.

    Komento ni utakmunggo — Setyembre 12, 2008 @ 7:52 umaga | Sagutin

  11. Parang related ito nung Sunday homily. Sabi nga, kapag nakakita tayo ng taong naaksidente (nahulog sa manhole, natumba, etc) tinutulungan natin sila kaagad, parang we have a public responsibility kahit ndi natin ka-ano ano ang tao. Pero kapag friends natin or family na mali yung ginawa, ndi natin agad agad mapagsabihan, iniisip kasi natin, ‘naku malaki na sila alam na nila ang tama o mali’, baka kasi magalit o magtampo sila sa atin.

    So what can we do to help these people to know na mali yung ginagawa nila, kailangan pagsabihan at….

    …IKULONG na PABALIGTAD (hahahaha).

    May point si #7 commenter.

    Komento ni K — Setyembre 12, 2008 @ 11:32 umaga | Sagutin

  12. naku, may pinsan ako na ganyan, in fact, di ko sya talaga pinsan, inampon sya ng tita ko nung bata pa sya (akshuli, ibinenta ng tatay), e ang pamilya, medyo makakati ang kamay, nakuha ang ugali kasi nakakahalubilo nya mga tunay nyang kapatid sa school.. delikadong usapan yan, nag-away-away pa nga yung dalawang tita ko ng dahil dyan.. pero in the end, nagising din yung tita ko na umampon sa bata, so tinanggap na lang na ganun nga yung anak nya.. pero di rin nagbago yung bata, di rin kasi na-therapy e.. tho hindi na yata masyado ngayon kasi me edad na din..

    Komento ni analyse — Setyembre 12, 2008 @ 12:37 hapon | Sagutin

  13. habang bata pa dapat sabihan na masama yung kumukuha ng gamit ng iba,para hindi na madala sa paglaki.Sakit din minsan ang makati ang kamay eh,may kamag-anak kami na pumunta na ng abroad pero nagnanakaw pa rin.sus maryosep!

    Komento ni MC — Setyembre 12, 2008 @ 3:27 hapon | Sagutin

  14. […] lang, sana gamiting nila kapag may tubig na at sana linisin nila pagkatapos! dun sa tungkol sa makati ang kamay na post ko? salamat sa mga nag iwan ng comments at ng suggestion — masinsinang usapan ang nangyayari […]

    Pasa ni bring your own toilet « Kwentong Kengkay — Setyembre 12, 2008 @ 6:38 hapon | Sagutin

  15. naco mommy, baka klepto sya. mahirap yan. meron kaming friend (actually, friend ng friend) na ganyan. di rin namin mahuli sa akto. tapos when my friend confronted her. shempre, deny to the highest level. agree ako with colegiala… parang that’s the best way ata. pero i’m sure, ide-deny nya yan. at palagay ko sakit na yung sa kanya. kung lagi na nyang ginagawa eh.

    Komento ni antuken — Setyembre 13, 2008 @ 12:48 umaga | Sagutin

  16. pwede pa ba akong magcomment? actually nakasilip na ako dati dito pero di ko siya nabasa ng buo kasi i have to do something…

    ate kengkay, sa palagay mo ba may sakit na siya? i mean feeling mo ba may klepto na siya? kasi it won’t help din kung ipablotter mo siya.. siguro kausapin mo rin siya ng masinsinan then kung klepto nga sya psychiatrist ang kelangan nya hindi pulis… maybe it will help a lot… sana maging okay na yan..;pcheers

    Komento ni anakngpiso — Setyembre 13, 2008 @ 8:31 umaga | Sagutin

  17. Probably needs to see a professional. But they can’t do that until they admit that they do have a problem. That’s the difficult bit. I-line up mo kaya lahat ng mga bagay na dumikit sa kamay niya? 😀

    See ya later sa Usapang Pinoy!

    Many thanks for your visit to A Pinay in England and leaving your comment. Have a fab Saturday and see you back there again!

    joy
    Norwich Daily Photo
    I,Woman
    Your Love Coach

    Komento ni joy — Setyembre 13, 2008 @ 9:18 umaga | Sagutin

  18. hmmmm…may nangyari rin na ganyan samin dati. since ang buong angkan namin eh naniniwala sa 2nd, 3rd and 4th chance, kinausap yung taong yun at binigyan nga ng mga ganung chances. pero nung lumipas lahat yun, pinakulong na lang. nagkaron pa ng conference of the year kung pano gawin ang lahat pero ang ending eh sumbong pa rin sa kinauukulan. maraming emotional baggages ang dinala nung pangyayaring yun pero kulang na lang maglagay ako ng signage sa labas na _ _ _ NOT ALLOWED. PAPA WILL KILL. LOL!

    Komento ni ifoundme — Setyembre 15, 2008 @ 12:50 umaga | Sagutin

  19. Ilang taon na kaya, tita?
    Sakit mang “kleptomania” o naging habit na lang, wawa naman sya (pati ang mga mabibiktima nya) pag hindi naagapan at kanyang nakatandaan. 😦
    Professional counseling siguro kung ‘sakit’ …kung habit ‘lang’, most likely lilipas din pag nakakausap nang masinsinan. Nakakabuset nga lang kung yung mismong ka-pamilya ang ayaw makipag-cooperate, talagang mauuwi na sa blotter yan, which, sometimes, mas lalong nakapaglalagay ng ‘stigma’ as magnanakaw sa bata.
    Sana nga “matapos sa matinong usapan na lang.”

    Komento ni homebodyhubby — Setyembre 16, 2008 @ 4:54 umaga | Sagutin

  20. Meron bang nakapasok sa bahay mo. kengks? naku ayoko pa naman sa lahat yang malikot ang kamay! Lamo ba napagbintangan din ako ng pinsan kong may topak na nagnakaw…. (See miseducation #16) at alam mo kung ano?—– Allergy tablet daw niya !!!! magnanakaw ka ba naman ng hindi mo mapapakinabangan?> abno yun. ako ang dapat magdemanda sa kanya.- LIBEL!

    Komento ni themiseducationofzapped — Setyembre 24, 2008 @ 8:03 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: