Kwentong Kengkay

Setyembre 15, 2008

kamayan

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkoy — kengkay @ 7:00 umaga
Tags:

sino naman kaya sa ating mga pinoy ang hindi marunong kumain ng nakakamay?

masarap yata ang kumain ng nakakamay lalo na kapag yung kanin at ulam ay nakabalot sa dahong saging, hmmmmm… ang tsalap tsalap! naaamoy ko ang baho ng kanin, hmmm ulit. kasama na yung adobo, yung bistik tagalog, yung nilagang baka, yung putsero, yung bam-i, yung batchoy, yung kare kare, yung manga at bagoong, baked tahong, at kung ano ano pa.

aray ko — ginugutom tuloy ako 😀
sempre dahil pinay ang mga little kengkays ko, marunong din silang mag kamay! o de vah, ayan ang ebidensya po. ubos ang kanyang pagkain. halos malinis na ang kanyang plato.

si bunsoy ko, medyo pakyut pa sya mag kamay. nagsasanay pa lang. pero at least, ready syang magkamay di ba?

si kengkoy ang kawawa. kapag kamayan blues kaming magiina, gusto nya rin magkamay rin. ang problema, hindi sya talaga marunong, hahaha. talagang konti lang yung nakukuha nyang pagkain kapag nagkakamay sya. so naiinip sya dahil magugutom lang daw sya! kaya kuha din sya ng tinidor at kutsilyo para mapabilis at baka maubusan sya. pero determinado syang matutong mag-kamay kasi sa pinas daw parang ang sarap magkamay 😀

Advertisements

26 mga puna »

  1. ang kyut buti tinurauan mo silang mag kamay at di pretensyosa gaya ng ibang mommies 😀

    at talaga namang masarap magkamay!!!

    kengkay: naku, mga cowboys yang mga anak ko, ready silang mag experiment 🙂

    Komento ni pusa — Setyembre 15, 2008 @ 7:48 umaga | Sagutin

  2. nakakahiya man aminin pero hindi ako marunong magkamay. ayaw ng erpats ko. kaya nung minsan na nag camping kami sa bundok, nagmukha akong tanga at naghahanap ako ng kutsara’t tinidor.

    kengkay: hahaha, ayan, sisihin si erpats kaya ka nagutum sa bundok 🙂 ano nangyari pala, ngayon marunong ka na?

    Komento ni taps — Setyembre 15, 2008 @ 8:00 umaga | Sagutin

  3. …nyahahah! cute naman nila magkamay…at korek, masarap magkamay kasi parang iba lasa pag kinakamay, lumalabas lasa lalo ng ulam (o feeling ko lang yun?hehehe!)

    kengkay: tama yang feeling mo

    Komento ni sommer — Setyembre 15, 2008 @ 9:35 umaga | Sagutin

  4. Masarap magkamay kung ang ulam ay toyo, piniritong galungong, inihaw na dalag with kamatis and bagoong, inihaw na tilapia with sawsawan na soy with lemon, alimango, talaba, talangka, at kuhol na ginataan, laing, etc. Hmmm nakakagutom, hehehe.

    kengkay: naku at naglista pa talaga, lalo tuloy akong ginutom

    Komento ni Mer Pints — Setyembre 15, 2008 @ 9:57 umaga | Sagutin

  5. Pusong pinay talaga ang batang ito. Nakakatuwang tignan habang nagkakamay na kumain. Malayo ang mararating ng batang ito pagdating ng araw.

    kengkay: kapag may nakikita kasi silang iba, gaya gaya — e nakita nila akong minsan nagkakamay, edi sali din sila

    Komento ni Colegiala girl — Setyembre 15, 2008 @ 10:27 umaga | Sagutin

  6. masarap talaga kumain ng nagkakamay,pero ako bihira na lang magkamay.

    kengkay: yun minsan ang mas masarap e, kapag minsan minsan lang natin ginagawa 😀

    Komento ni MC — Setyembre 15, 2008 @ 2:00 hapon | Sagutin

  7. yan ang masarap gamitin pagkumakain! bwahaha! 🙂

    kengkay: tumpak!

    Komento ni aga — Setyembre 15, 2008 @ 3:31 hapon | Sagutin

  8. nako nakakagutom to! haha.. ang kukyut ng mgabata may pyutyuuuurr..

    kengkay: ako din ginutom habang naglilista ako e

    Komento ni mumusakanto — Setyembre 15, 2008 @ 5:12 hapon | Sagutin

  9. Kenks, sozzy na ako ngayon, since nag ka SARS na dito sa HK, yoko ng naka-kamay. Kahit ilang BENCH alco-gel pa gamitin mo, fork and spoon na talaga ako. HAHAHAHA. Pero cute tignan sa mga mix blood like your daugther.

    kengkay: bakit kapag nagkamay ba mas madaling sapian ng SARS? hindi ko alam yun ha

    Komento ni K — Setyembre 15, 2008 @ 5:47 hapon | Sagutin

  10. PS. pati shrimp binabalatan ko na rin talaga ng fork and knife, mahirap gawin pag nakikipag sosyalan, but practice makes it perfect. Hahaha.

    kengkay: actually, pareho lang tayo, kapag shrimps ayoko rin mag kamay kasi ayaw ko amoy, so expert na akong magbalat ng shrimps using fork and knife. usually, si kengkoy ang taga-balat ko ng shrimps! at sa totoo lang, aminin ako, hindi ako marunong mag himay ng tinink ng mga isda kaya kapag isda ang ulam e dapat may taga-himay ako, hehehe

    Komento ni K — Setyembre 15, 2008 @ 5:49 hapon | Sagutin

  11. ang cute naman. tsaka buti naman kengks pinoy pa rin lumalaki ang mga anak mo.

    kengkay: pinay din sila e 😀

    Komento ni prinsesamusang — Setyembre 15, 2008 @ 11:54 hapon | Sagutin

  12. hehehe.. sarap nga naman kumain ng nagkakamay lang… wag mo nga lang agawin ito pag asa opisina ka… pero pag asa bahay o picnic…. nakow ang sarap nito… 😉 pinoy na pinoy ms kengkay!

    kengkay: sa greenbelt nga dati nagpipinic kami ng naka kamay habang nagdaraan sa harapan namin yung mga office girls and boys sa makati, inggit lang sila, hahaha

    Komento ni yhen — Setyembre 16, 2008 @ 1:31 umaga | Sagutin

  13. ang kyukyut ng mga little kengkay mo,ate kengs..nakakatuwa silang tignan.turuan mo din si kuya kengkoy paano magkamay para mas masaya..=)

    kengkay: hirap na hirap pa rin si kengkoy pero practice makes perfect, yun nga lang, ginugutom sya parati kapag nagkakamay sya kasi lumalabas yung kanin sa mga daliri nya, hahaha

    Komento ni rio — Setyembre 16, 2008 @ 2:09 umaga | Sagutin

  14. ang sarap nga!

    kengkay: tunay!

    Komento ni BADoy — Setyembre 16, 2008 @ 4:01 umaga | Sagutin

  15. haha pinoy na pinoy ang dating. Masarap kaya ang naka kamay, lalo na’t inihaw na may kamatis ang ulam slurrrp. At least nagkakamay sina little kengkay, eh yung kapitbahay namin, paa ang ginagamit haha

    kengkay: paa, waaaa, parang sa thailand, yung iba sa lamesa minsan umuupo, hehe

    Komento ni bluepanjeet — Setyembre 16, 2008 @ 4:03 umaga | Sagutin

  16. Pinoy-lover talaga si kengkoy mo. 🙂
    Left-handed si bunsoy? Si misis ko kasi, left-handed din; ako kanan… Pero pag kainang-kamayan ahehe, sabay kong gamit sa pagsubo ang magkabilang kamay.

    kengkay: left and right sya, hindi pa nya alam kung alin ang gagamitin nyang kamay 😀

    Komento ni homebodyhubby — Setyembre 16, 2008 @ 5:29 umaga | Sagutin

  17. waaaaaaaahhh ginutom ako!! parang gusto ko tuloy magkamay mamaya! kaso on DIE-T ako bawal ang rice…

    pero ayus yun marunong pala magkamay ang little kengkays.. ka cute talaga 😉

    kengkay: naks, walang rice! parang di ko kaya walang rice

    Komento ni naglalambingnacute — Setyembre 16, 2008 @ 7:13 umaga | Sagutin

  18. batchoy at kare kare kinakamay rin? ang tindi mo mommy k. haha..

    nagutom ako sa mga ni-mention mong pagkain. 😦

    kengkay: oo naman, tipong higupin mo talaga sa kamay mo, hahaha

    Komento ni utakmunggo — Setyembre 16, 2008 @ 8:22 umaga | Sagutin

  19. at least naranasan nila ang maging pInay kahit nasa alemanya sila….pero kwidaw ha kengks baka mayamaya eh me pag taas pa ng paa hehehe

    Komento ni barquera — Setyembre 16, 2008 @ 8:28 umaga | Sagutin

  20. panalo ang pagkakamay sa kahit anong ulam hmmmm,bistek tagalog at adobo haaay kakagutom

    Komento ni lilaybulilay — Setyembre 16, 2008 @ 9:00 umaga | Sagutin

  21. wow! napaka-interesado po ng iyong blog! humahanga talaga ako sa mga proud Pinoy na kahit saan man lugar ng mundo mapunta ay proud pa rin na magkamay kapag kumakain.

    nagcrave po tuloy ako dahil sa nabanggit mo na mga ulam! jejeje 😀

    Komento ni peachamomile — Setyembre 16, 2008 @ 12:43 hapon | Sagutin

  22. Buti ‘di dinidiscriminate ang pagkakamay dyan! 🙂

    Or German-ethnocentrism does not exist in the first place? 😀

    Super nice na may pinoy culture ang kids mo! 😀

    Komento ni aLps — Setyembre 16, 2008 @ 3:21 hapon | Sagutin

  23. ang cool 😀

    Komento ni wei vines — Setyembre 17, 2008 @ 1:50 umaga | Sagutin

  24. yeahey… ang galing!!! mahirap ba talagang magkamay pag first timer ka? kasi di ko matandaan kung kelan ako unang nagkamay or kung nahirapan ba ako nun kaya di ako makarelate kay kuya kengkoy.. kasi peteks lang sa akin ang magkamay, ahehe…cheers!!!-glesy the great

    Komento ni anakngpiso — Setyembre 21, 2008 @ 12:05 umaga | Sagutin

  25. Wag kalilimutan sipsipin ang mga daliri para simut ang pagkain.

    Tugon sa PABORITONG TSINELAS:

    Hahaha! Klasik! Ako naman ayokong mawalan ng tsinelas pero ‘pag naglalaro ako sa putikan, e lagi na lang napipigtas ito kasi ang lakas ng hatak ng putik lalo sa sa mga spartan.

    Hindi naman masama yon Kengkay. Ang batang nag-iisip ng paraan para mapalitan ang kanyang spartan ay tatak ng isang tunay na batang kalyeng madaming oras sa buhay.

    Tem-i of Alasais

    Komento ni alasais — Setyembre 21, 2008 @ 7:04 hapon | Sagutin

  26. bonggacious!!!!!…… san ba nag cmula ang pagkakamay ang mga pilipino kung panu kumain???

    kengkay: hindi naman kasi uso ang kutsara at tinidor dati talaga di ba? 😀 salamat sa pagdalaw

    Komento ni cheyz — Pebrero 14, 2009 @ 5:31 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: