Kwentong Kengkay

Setyembre 16, 2008

kampanya style sa alemanya

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 7:35 umaga

Ano nakikita nyo sa pechur sa itaas? Halata bang kampanya ang ginagawa nila? Parang hindi di ba? Para silang nagtitinda. E kasi naman, farm market yan dito sa aming baryo.

Ginagawa yan kapag Thursday. May mga nagtitinda ng prutas, gulay, mga sausages, halaman, keyks at kung ano ano pa. At meron din nagbebenta ng kanilang political party. Ang pagkakaiba nga lang, imbes na magtinda sila, namimigay sila.

Kung ano anong klaseng bagay ang pinamimigay nila. Basta tumambay ka ng konti sa kanilang ‘information booth’ o kaya naman e huminto ka sa tapat nila para maki usyoso. Mag offer kaagad sila ng kung ano mang meron sila sa araw na iyon.

Sa picture na ito e namigay sila ng strawberry shake, kasi panahon ng strawberry. Yung mga little kengkays ko, sempre may I pa kyut din sila. Ayun, tig isang baso sila. Tapos sempre gusto pang humirit, pwede rin 😀 Freshly made pa kanyo yung shake. At minsan pa, kapag ayaw ng lasa ng mga bata nung binibigay nila, meron silang candies na extra for the kids.

Minsan ang pinamimigay nila e ballpen, minsan laruan, minsan soup lalo na kapag malamig ang panahon – ah basta, namimigay sila para mangampanya, o de bah? At kung ayaw nyo naming makinig sa kanilang mag speech, wala ring problema. Oks lang din sa kanila. Walang samaan ng loob.

Kasi sa atin minsan, dapat kapag may libreng binigay sa yo e may kapalit na pirma mo o kaya naman e dapat may bilhin tayo o kaya naman e dapat makinig tayo sa nakakaantok na seminar. At least dito, malinis ang konsiyensya mo, wala kang maririnig na ‘hmpf, ang kuripot naman, bla bla bla’ — dito ang dapat lang, mag greet ka, tapos get mo lang yung offer nila, tapos mag thank you ka, tapos mag say goodbye ka, tapos tapos na, walang ibang obligasyon kundi ang maging polite lang. Basta polite ka, mas maraming libreng darating sa yo, hehe

At kapag summer, ang librehan e dun sa barbekyuhan! Whoa, as in… beer at steaks.

Sabi ko nga sa inyo, ang daming libre dito sa Alemanya!

Advertisements

13 mga puna »

  1. wow.. buti jan madaming libre… tama ka kengkay.. sa atin may ibibigay na libre pero may kapalit.. pambihira talaga ng mga pinoy.. woohoo!!

    kengkay: sana sa sunod maging ganyan din sa pinas ano? yung walang kapalit!

    Komento ni potsquared — Setyembre 16, 2008 @ 8:15 umaga | Sagutin

  2. sarap nga dyan, pero kapag dumagsa ang pinoy dyan, takot na lang ng mga aleman ang magsabing MAY LIBRE DITO!

    kengkay: hahahah, parang ganon na nga

    Komento ni taps — Setyembre 16, 2008 @ 8:20 umaga | Sagutin

  3. FRUIT SHAKE LANG PALA EH. Aba wala yan sa Pinas… dito 500 pEsos ang binibigay.

    kengkay: pero may kapalit naman, di ba? dito wantusawa pero walang kapalit 😀

    Komento ni Richmond — Setyembre 16, 2008 @ 9:36 umaga | Sagutin

  4. marekoy, musta ka na? lapit na oktoberfest, libre din ba beer sa inyo? ahehe

    kengkay: simula na ng oktoberfest dito ngayong september pa lang! halika dito, ilang case ng beer ang naka abang sa basement namin

    Komento ni madbong — Setyembre 16, 2008 @ 10:24 umaga | Sagutin

  5. hehe, dito din, dami libre.. lalo na pag me kasamang bata, itong si louna e naghahakot lagi ng freebies hehe..

    kengkay: ayan, swerte ng mga anak natin ano?

    Komento ni analyse — Setyembre 16, 2008 @ 12:00 hapon | Sagutin

  6. wahaha, natawa ako sa comment ni richmond. dito nga anda ang binibigay, hindi fruit shake. hahaha. pero masyado mataas ang 500, sa ibang lugar 100 lang pwede na!

    kengkay: baka sa probinsya 100, sa maynila 500!

    Komento ni pao — Setyembre 16, 2008 @ 1:28 hapon | Sagutin

  7. Fruitshake? pwede na rin yun kahit walang masyadong value. Baka may requirement ang law up to how much lang pwedeng igastos for campaign di ba? Punta ako dyan pag namimigay na ng kabuhayan showcase like franchise ng milkshake business hehehe

    kengkay: mag franchise ka ng tabo!

    Komento ni bernardumali — Setyembre 16, 2008 @ 11:50 hapon | Sagutin

  8. kaya siguro parami ng parami ang mga Pinoy diya eh… tama yan dapat may mga lugar naman na may libre… heheh

    sana makapunta rin ako diyan… mabuhay!

    kengkay: sana nga makarating ka rin dito

    Komento ni hitokirihoshi — Setyembre 17, 2008 @ 2:41 umaga | Sagutin

  9. ang sarap naman dyan dito sa malaysia walang libre… hehehe!

    kengkay: kuripot din sila dyan e. kinotongan pa nga ako nung lintek na taxi driver dyan nung unang punta ko e, kainis, hehe

    Komento ni BADoy — Setyembre 17, 2008 @ 2:47 umaga | Sagutin

  10. para namang naeenganyo ako tumira dyan sa inyo mami kengs haha. dapat ang babasahin ko yung jumping ropes na post mo eh, napatingin ako sababa at sabi ko “aba mukhang pagkain na naman yung topic ah”… hindi ako nagkamali haha. sarap na sarap ako magbasa ng post pag pagkain ang topic haha

    kengkay: pareho tayo, gustong gusto ko rin maki usyoso sa mga posts na tungkol sa pagkain, hehe

    Komento ni bluepanjeet — Setyembre 18, 2008 @ 12:58 umaga | Sagutin

  11. pahabol, sna sa susunod na eleksyon dito, hindi na polyetos ang ipamigay ng mga kandidato kungdi pagkain na lang kasi kakagutom pumila sa presinto

    kengkay: tama ka dyan, dito, mas marami ang tungkol sa pagkain ang kampanya o kaya beer; kesa sa mga meeting meeting na yan kasi kapag puno ang tyan, mas madaling ma engganyo ang mga tao

    Komento ni bluepanjeet — Setyembre 18, 2008 @ 1:01 umaga | Sagutin

  12. wow dami nga libre! meron din bang libreng gerls? hehehe. jowk lang po.
    meron pa palang libre sa mundo noh. hehehe.

    Komento ni gmacomics — Setyembre 19, 2008 @ 4:51 umaga | Sagutin

  13. ate… lagi na akong napapadaan dito sa blog mo kasi naman parang nahahatak mo akong magpalit ng address, mamya magulat ka na lang magkapitbahay na tayo!!! ahehe…

    ang galing naman jan…. parang ang harmonious manirahan…;p-glesy the great

    Komento ni anakngpiso — Setyembre 20, 2008 @ 11:57 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: